Share

Kabanata 20

HINDI maalis ang ngiti sa aking labi hanggang sa makabalik ako sa aming kuta. Hindi nagsasawa ang mga mata ko sa panay na pagtingin sa singsing na ibinigay ni Sevasti, napakagandang tingnan niyon sa aking daliri.

"Matias," gulat kong wika nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko kaya pasimple ko iyong itinago sa likuran ko, madilim na rin ang paligid kaya sigurado akong hindi niya nakita ang bagay na hindi maalis sa mata ko. "Anong kailangan mo?" tipid ang ngiti kong tanong.

Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita.

"Bakit nagbago ang iyong plano tungkol sa mga armas?" seryoso niyang tanong.

Nabaling ang tingin ko kay Vivi na nakadapo sa malapit na puno, bago ako makipagkita kay Sevasti kanina ay nagbigay ako ng mensahe kay Vivi para sa kaniya tungkol doon.

"Naisip ko lamang na baka hindi tayo bigyan ni Dardo ng mga armas kapag nalaman niyang ako ang nais bumili ng mga iyon. Alam mong kalaban natin si

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status