Share

Kabanata 47

HINIHINGAL kong iwinasiwas sa ere ang aking espada upang mapaslang ang huling kalabang sumugod sa akin, pagod man ay nagpakawala ako ng isang tagumpay na ngiti nang ilibot ko ang paningin sa paligid. Patuloy pa rin ang laban ngunit kitang-kita na kami ang mananalo. Halos paubos na ang pwersa ng kalaban kaya kaunting sandali na lamang ay magagapi na sila.

Itinaas ko ang braso sa ere nang lumapit si Vivi.

"Narito na ang ginoo. Narito na ang ginoo," aniya kaya muli akong napangiti. Lumipad siyang muli paalis kaya ginamit ko ang bilis ko upang makarating sa likurang bahagi ng lugar.

Doon ay natagpuan ko si Sevasti na naghihintay sa pagdating ko, sa lupa ay nakaluhod si Idaho habang sa kamay niya ay ang kadenang pumipigil sa paggamit niya ng kapangyarihan. Nakapiring din siya at nakabusal ang bibig upang hindi makapagsalita, pilit nagkukumawala sa kadena ngunit mas matibay pa iyon sa bato.

Agad na lumapit sa akin ang ginoo at hinawakan ang magkabilang bali

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status