Share

Kabanata 21

NANG makabalik si Matias ay agad akong lumapit sa kaniya, galing siya mula sa pakikipagkita kay Kahlo para sa mga armas. Kunot-noo ko siyang sinalubong dahil wala siyang mga dalang armas. Kita ko ang inis sa mukha niya nang bumaba siya mula sa kabayo.

Agad niyang inabot sa akin ang dalawang supot ng salapi.

"Nalaman ni Dardo na tayo ang nais bumili ng mga armas," singhal niya. "Sinaktan niya si Kahlo at pinagbantaan ang buhay nito sa susunod na idaan sa kaniya ang pakikipagtransaksyon natin."

Ikinuyom ko ang kamao ko dahil galit.

"Ang hangal na Verdantes na iyon!" tiim bagang kong wika. "Paano naman kaya niyang nalaman na ako ang nais bumili ng mga armas? Ito na nga ba ang sinasabi ko."

Tama nga ako, hindi ako bibigyan ng mga armas ni Dardo. Salapi na ang usapan ngunit tumatanggi pa siya, kamangha-manghang nilalang.

"Maaari namang gumawa si Leep ng mga sandata ngunit maghihintay pa tayo ng ilang araw bago matapos ang mga iyon. Maaari r

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status