Share

Kabanata 48

MALAPIT nang sumikat ang araw. Mula sa mahaba naming paglalakbay pabalik sa aming kuta ay inabot na kami ng unti-unting pagliwanag ng paligid. Pagod man ang ilan sa amin mula sa naging laban kagabi ay wala namang nagrereklamo, at iyon ang gusto ko sa kanila. Lima ang dala naming kabayo at ang tatlo ay hatak ang tatlong karitela, ang dalawa ay sakay ang mga batang kasama namin habang ang isa ay ang aming mga armas.

Nakasakay ako sa isang kabayo habang ang isa ay hatak ni Matias, sa likod namin ay nakasunod ang mga kasamahan kong naglalakad. Tumingin ako sa kalangitan na ilang sandali na lamang ang sasakupin na ng liwanag. Naririnig ko ang tawanan ng mga bata sa likod, ang ilan ay kalaro si Vivi. Marahil ay natutuwa sila sa paraan nito ng pagsasalita, matinis at paulit-ulit.

Pinahinto ko ang kabayo nang mapansin ang maitim na usok na nagmumula sa lugar kung nasaan ang palasyo na siyang aming kuta, ako ang nauuna sa amin kaya napahinto rin sila. Malapit na kami roon kay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Drew Rance Gutz Ramilo
next please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status