Share

Kabanata 73

"MINAMALIIT mo ba ako? Minamaliit mo ba ako?" paulit-ulit na wika ni Vivi. Nakadapo siya sa dulong bahagi ng lagayan ng mga prutas habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Vivi," suway ko rito. Bumaling ako sa kaniya at matalim siyang tiningnan. Minsan talaga ay mapang-asar ang ibong ito. Hindi makalimutan ang sinabi ng hangal na si Casias kanina.

Nang tumigil siya ay saglit akong tumingin kay Rowan bago ipinagpatuloy ang ginagawa ko, ang pagpupulot ng mga prutas at kagamitan dahil sa nangyaring gulo kanina. Napansin ko kasi na tila naiirita na siya sa sinasabi ng ibon.

Bumuntong hininga ako nang mailagay ang huling piraso ng mansanas sa lagayan nito, mabuti na lamang ay hindi ito masyadong nabugbog sa pagkalaglag nito kanina. Naagaw ng mga nanginginig niyang kamay ang atensyon ko. Marahil ay takot pa rin hanggang ngayon.

"Ayos ka lamang ba talaga, Rowan?" Ilang beses ko na iyong natanong ngunit iisa lamang ang sagot niya.

"Oo naman, Aliara. Huw

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status