Share

Chapter 2

“Are you telling us to give up on a good investment for something unsure?” Napasinghal si Mr. Castro matapos ang narinig mula kay Tattiene.

“All I’m saying is that we should be open to new ideas instead of just focusing on existing ones.” Humarap pa siya sa pitong shareholders upang makita ang mga reaksyon nila, ngunit gaya ni Mr. Castro ay makikita ang pagkabagot sa naging suhestiyon nito.

Nang wala siyang makuha sa mga ito ay napatingin siya kay Mr. Casabar, ang kaniyang ama. “Dad? I mean, Mr. Casabar?”

Napahinga ito nang malalim. “It’s just impossible, Tatt. At least for now. Hindi ko sinasabing masamang ideya ang naisip mo. Pero para sa panibagong project, kailangan natin ng panibagong budget. And we can’t risk spending more money right now. I’m sorry, dear.”

"But, dad, isn't business about taking risks? Kung hindi niyo susubukan, you'll never know."

Kinatok ni Mr. Gutierrez ang lamesa upang tawagin ang atensyon niya. "Look here, Ms. Casabar. This is a multi-billion company. Taking huge risks such as your suggestion will taint us big time. Mahirap iangat ang company kung ganiyan kalaking porsyento ang ilalabas natin."

"Mr. Gutierrez is right, hija," pagsang-ayon ni Mr. Limbo. "I also agree that your idea is great. Subok na ang pag-iinvest sa mga small business. If not for what the company's facing right now, I'll gladly agree to your proposal."

Mr. Castro intervened, "And you're not supposed to be here, young lady. Hindi ko alam kung bakit ka narito. You don't have anything to do with this problem. No offense, Mr. Casabar. She's your daughter, but she's not the heiress."

Tattiene pressed her lips into a thin line to stop herself from bursting.

Huminga nang malalim si Mr. Casabar. "Tatt, dear, please wait for me outside. Malapit nang matapos ang meeting. I'll take you home."

"Yes, dear," ani Mr. Castro na may halong pang-uuyam. "Go back to your corner and spend time with your coloring book." Natawa pa ito kasama ang ilang mga shareholder.

That was the last straw. "Listen here, old fart!" Napatigil ang lahat. "I know that you don't like me since day one. At hindi mo 'yon tinago sa 'kin ever since. Pero wala kang pakialam kung hindi ako ang tagapagmana ng company. Gusto ko lang kung ano ang makabubuti rito." 

Napasinghal siya at nagpatuloy, "What about you? How sure are you na ang ikabubuti ng kompanya ang iniisip mo? Who knows, kaya hindi mo sinasang-ayunan ang mga suhestiyon ko ay dahil gusto mong mapabagsak ang company." Pinanlakihan pa niya ng mga mata ito na tila nanghahamon.

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Castro at dinuro-duro siya. "You! You insolent fool! Hindi mo alam kung ano ang mga nagawa ko para sa kompanyang 'to."

Bago pa man makapagsalita si Tattiene ay isang malakas na kalabog na ang nakapagpatigil sa kanilang lahat. Nakita nila ang basag na laptop na ngayon ay nasa lapag na. When they saw Mr. Casabar, his eyes were already burning. Hindi alam ni Tattiene kung kanino ito galit, pero nakasisiguro siyang nagpipigil na lang ito.

"How dare you argue inside my conference room?"

Napalunok si Tattiene samantalang niluwagan naman ni Mr. Castro ang kaniyang necktie dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.

Sinamaan niya ng tingin si Mr. Castro. "Don't you dare yell at my daughter like that again. I'm warning you!"

Tango lang ang naging sagot nito.

Binaling naman niya ang tingin sa anak. "I didn't raise you like that, Tattiene. Apologize, and then go home."

With a shaky breath, Tattiene apologized and said, "I'm sorry for the intrusion."

Nang makalabas si Tattiene ng conference room ay mabilis siyang naglakad papuntang parking lot. Mabilis ang kaniyang paghinga dahil sa matinding emosyon na nararamdaman. Hindi niya pinansin ang ilang mga employadong bumabati sa kaniya. She's just looking straight. She didn't want to snap at somebody. 

When she got inside the car, she screamed on top of her lungs. Pinagpapalo pa niya ang manibela ng kaniyang kotse dahil sa sobrang pagkairita. Umalingawngaw pa ang kaniyang busina sa loob ng basement dahil napindot niya 'yon nang ilang beses.

"Fuck you, Castro! Go to hell, you piece of shit. Bwisit. Bwisit. Bwisit!" Her horn yanked three times with those last three words.

Pinakalma niya ang kaniyang paghinga. Pumikit siya at ilang beses na huminga nang malalim. Kahit kailan talaga ay kontra ang shareholder na ‘yon sa buhay niya. Hindi ito ang unang beses na kinontra siya ng ginoo. Sa tuwing may pagkakataon ito ay palagi niyang minamaliit ang dalaga.

Naalala niya tuloy ang itsura ng kaniyang ama bago siya umalis. "I disappointed him again," bulong niya sa sarili.

Nang masigurong ayos na ang kaniyang pakiramdam ay saka niya binuhay ang sasakyan upang makauwi. Magpupunta na lang siya sa bar para naman mabawasan ang stress niya. It’s been a while since the last time she went there. Kaya wala siyang extra-ng damit na dala pamalit. Kailangan pa niya tuloy umuwi.

Napasinghal siya nang makita ang driver ni Trex. Makikita na naman niya ang stepbrother niyang pilit niyang iniiwasan. Alam niyang nasa iisang bahay lang sila nakatira, pero nagbabaka sakali siyang hindi niya ito makita sa tuwing umuuwi siya.

Magmula nang malaman niyang ito ang tagapagmana ng kompanya ng kaniyang ama ay umusbong ang galit sa loob niya. She’s been studying really hard to inherit her dad’s company, but here is this little runt stealing everything away from her.

At hindi nga siya nagkamali. Nakita niya itong nakaupo sa harap ng telebisyon at nanonood ng cartoons. Napasinghal na lang siya at dere-deretsong umakyat sa kaniyang kwarto.

How can he possibly inherit the company by watching cartoons? Such a waste of them. Tsk. Hindi niya maiwasang hindi ipakita ang pagkadisgusto sa kaniyang sampung taong gulang na stepbrother. Pero dahil kasama nito ang kaniyang ina ay pinigilan niya ang sarili.

“Bwisit talaga!” bulalas ni Tattiene habang naghahanap ng maisusuot. “Lahat na lang ng tao sa paligid ko, nakakabwisit!”

Hinagis niya ang mga damit na hindi niya nagustuhan sa kama. At nang mahanap ang kaniyang itim na spaghetti strap ay napangisi siya. Kitang-kita roon ang kaniyang cleavage. Isang fitted pants naman ang suot niya pang-ibaba upang ma-accentuate ang kaniyang body curves. Suot ang isang itim na stilettos, lumabas na siya sa kaniyang kwarto. 

Nang makita siya ng kaniyang stepmom ay napaawang ang bibig nito. “Where do you think you’re going dressed like that?”

Pinigilan niya ang mapairap bago kumuha ng isang chocolate bar sa refrigerator. “Bar. I’ll be home late, so don’t wait for me.”

“Don’t you think that dress is too revealing? Baka mapahamak ka pa sa bar na pupuntahan mo.”

Like you really care. “It’s fine. I’m a black belter. I can handle myself.”

Matapos ‘yon ay dumeretso na siya sa pinto. Napatingin pa siya sa kaniyang stepbrother na nakatunghay sa kaniya. Inirapan na lang niya ito bago tuluyang umalis.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang tawagin ang kaibigan. “Hey, bitch!” pambungad na bati niya rito. “I’m on my way to the bar. Are you free?”

Ilang segundo matapos makasagot si Trelecia. “Hey there, too, bitch! I’m already here.”

Napangiti na lang siya bago nagsimulang magmaneho papunta sa bar. “Wait for me.” She hung up as soon as she said those words.

Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan. Nag-overtake sa isang malaking truck at saka siya humarang sa daan nito. Matapos ‘yon ay muli niyang binilisan ang takbo, beating the red light. Nang makarating siya sa bar, inabot niya sa isang valet driver ang susi ng kaniyang sasakyan bago pumasok sa loob.

The bouncer already knew her, so she let her in without queuing. She’s a VIP here. Hindi na kailangan pang maghintay sa ilalim ng init ng panahon na ‘to para lang makapasok.

Her best friend, Trelecia, is also a VIP. She loves going to the bar more than anyone else. But she doesn’t drink often. She only dances and hangs around with her friends. Being the heiress of their multi-billion company, she’ll surely have no time for that in the future.

“Hey there, bitch!” bungad na pagbati ni Trelecia nang mapansin ang kakaibang aura ng kaibigan. “Is it Castro again?”

“Is it that obvious?” Inagawa niya ang basong hawak ng kaibigan at tinungga iyon.

“Yeah. Para na naman kasing pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo. It’s either Castro or your stepmother.”

“Actually, pareho sila. Nagpapaka-nanay na naman kasi ang Airalyn na ‘yon. I don’t need two moms. Ayusin na lang niya ang buhay ng tagapagmana niya. Iyon naman ang dahilan kaya niya pinakasalan ang dad ko. Para sa pera ng pamilya ko.”

Kumunot ang noo nito. “Don’t tell me you snap at your stepbrother, too?” Hindi siya sumagot at uminom lang ulit sa isang baso. “Alam mong walang kasalanan ‘yong bata sa mga nangyayari, ‘di ba? He’s just ten!”

Napairap si Tattiene. “I knew you’d say that. At FYI, wala akong ginawa sa batang ‘yon. Wala akong oras para makipaglaro sa kaniya.”

Inagaw ni Trelecia ang basong dapat ay iinumin ulit ng kaibigan. “I have an idea. Bakit hindi ka makipag-close sa kapatid mong ‘yon? Kung wala ka mang magagawa sa tradisyon ng pamilya niyo, at least you can talk to Trex about the company.”

Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at matamis na ngumiti. “Akala mo ba hindi ko pa naiisip ‘yan? But think about it, bata pa siya kaya madali ko siyang mamamanipula. Pero kapag lumaki na siya at nagkaroon ng sariling isip, tiyak malalaman niya. And I’m not that cunning! Alam kong masama ang ugali ko pero hindi ko magagawa sa bata ‘yon.”

Tinampal niya ang kamay nito palayo. “Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin. Hindi ko sinabing kontrolin mo siya na parang isang evil stepsister. Ang akin lang, get to know him more. Are you even sure na gusto niyang manahin ang company ng dad mo? What if siya pa ang makatulong para mapilit ang dad mo na ibigay sa ‘yo ang company. I’m just talking about possibilities here!”

Saglit na napaisip si Tattiene. She knows that she’s right. Pero bata pa si Trex. Ayaw niyang lumaki ito sa ganoong buhay. Kahit na gigil na gigil siya sa nanay nito ay wala naman siyang kinalaman dito. Mukha ngang palaging maamong tuta ang batang ‘yon. Kung minsan ay parang takot na takot pang lapitan siya.

Napailing siya nang paulit-ulit. “I’m not here to talk about that. I’m here to have fun!” Humarap siya sa bartender. “Keep the alcohol coming! I’m having the best time of my life tonight.”

Matapos ‘yon ay tinungga niya ang panibagong alak na binigay sa kaniya bago naglakad papuntang dance floor. Habang papalalim ang gabi, palakas nang palakas ang tugtugan. Parami rin nang parami ang mga tao sa gitna ng nagsasayawan.

She didn’t want to spend her time inside her private room. Gusto niya ay ‘yong ganitong nakakasalamuha niya ang iba pang mga tao. Tiyak na maaalala lang niya ang nangyari kanina kung magmumukmok siyang mag-isa roon.

Nawala na sa paningin niya ang kaibigan pero hinayaan na lang niya. She wants to enjoy her time alone. Gusto niyang magsayaw sa gitna ng dance floor nang walang ibang inaalala. 

Not her dad. Not his company. Not her step brother and stepmother. At mas lalong hindi ‘yong nakakabwisit na Mr. Castro na ‘yon. Hindi niya hahayaang matapos ang gabing ‘to nang iniisip ang mga tao at bagay na ‘yon. 

Nang makaramdam ng pagod ay bumalik siya sa stool. Muli siyang kumuha ng alak at tinungga ‘yon. Since she’s a VIP here, hindi siya natatakot na magpakalasing. The bouncer and other staff here know who she is. Tiyak na magiging ayos lang siya.

Susuray-suray siya nang maglakad sa gawi ni Trelecia para magpaalam. Hindi gaya nito ay mukhang ayos pa siya at hindi pa lasing. 

“I’m going home, Trelecia,” ani niya.

“Wait. I’ll ask my brother to take you home.” Akmang kukunin na nito ang kaniyang cellphone nang pigilan siya ng kaibigan.

“No need. Huwag mo nang istorbohin si kuya. Tatawagan ko na lang ang driver ko para kunin ako.”

“If you insist. Take care, bitch!” Nakipagbeso pa ito sa kaniya bago hinayaang lumabas sa bar.

Hinahanap ni Tattiene ang kaniyang cellphone habang naglalakad palabas. “Where the hell is my phone? Kanina lang nilagay ko rito ‘yon, ah?”

Napaatras siya nang bumangga siya sa isang matigas na pader. Muntik pa siyang mapaatras at mapaupo sa sahig ngunit isang malakas na braso ang humigit sa kaniyang beywang. Nabitiwan niya ang dalang bag at napahawak sa isang matigas na pader.

Only it was not a wall, but a well-built man’s chest.

“Careful, woman.”

Napakurap si Tattiene nang marinig ang mal

amig at baritono nitong boses. Sa sobrang lalim ng kaniyang boses ay para itong hinukay sa ilalim ng lupa.

“Oh, hello there, hot guy,” mahinang naibulalas na lang ni Tattiene nang makita ang mukha nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status