LOGIN“Halika! Maupo ka dito at pag-usapan natin ang kontrata.” Itinuro ni George ang foam na inilatag niya sa sahig.
Bahagyang nagulat si Wave sa sinabi nito. Napatingin siya sa foam bago muling tumingin sa babae. “Diyan ako uupo?” “Oo. Ano bang problema? Malinis naman ’yan. Nilalabhan ko ’yan linggo-linggo.” Napatingin si George sa paligid. “Saka may nakikita ka bang ibang upuan? Wala naman, ’di ba? Maliban dito sa isang ito.” Kinuha nito ang maliit na bangkito na ginagamit sa paglalaba at doon naupo. Wala nang nagawa si Wave kundi mapailing. Naupo na rin siya sa foam at humarap sa babae. Inilabas niya mula sa attaché case ang dokumento at iniabot dito. “Here’s the contract.” “Mukhang handang-handa ka, a!” komento ni George habang tinatanggap ang kontrata. Binuksan niya iyon at nagsimulang magbasa. Unti-unting naningkit ang kanyang mga mata habang sinusundan ang mga nakasulat sa bawat pahina. Binuklat pa niya ang mga kasunod bago muling napatingin kay Wave. “Ang haba naman nito! Saka bakit puro English? Paano ko ito maiintindihan? Ano itong clause? Saka bakit may third party? E dalawa lang naman tayo?” Sunod-sunod ang reklamo niya bago ibinalik ang dokumento kay Wave. “You can ask me what you don’t understand,” mahinahong sabi nito. “Yung pag-e-English mo ang hindi ko maintindihan,” irap niya. Napabuntong-hininga si Wave bago bahagyang ngumiti. “Okay. Tagalog tayo. Alin ba rito ang hindi mo maintindihan?” “Ayan! Ganyan nga! Isa-isa lang, ha?” Itinuro niya ang unang bahagi ng dokumento. “Ano itong clause na ito?” Binasa iyon ni Wave. “Clause 1: Purpose of Marriage. The parties agree to enter into this marriage solely under the terms and conditions stated in this Agreement.” “Letse! Huwag mo nang basahin.” Natigilan si Wave. “Sumasakit ang ulo ko. Tingnan mo nga itong ilong ko, sinisipon na ako. Baka mamaya, dugo na ang lumabas dito.” Suminghot-singhot pa si George habang hawak ang kanyang ilong. “Isang paragraph pa lang ang nababasa ko,” paliwanag ni Wave. “Hindi pa tayo tapos sa first clause.” “Hindi ko na nga maintindihan ang clause na ’yan! Tapos nasa one pa lang tayo. E ilan bang clause ’yan?” “There’s a lot in here.” “Oh! Nag-English ka na naman!” saway niya. “Saka anong sabi mo? A lot? E ’di marami ngang clause ’yan!” “Kaya nga kailangan mong basahin at ipapaliwanag ko sa’yo para maintindihan mo.” “Hindi ako abogado! Bakit ba kailangan kong intindihin ang clause na ’yan?” “Hindi rin ako nagtatanong kung abogado ka.” Pinilit niyang manatiling kalmado. “Bakit hindi ka nakakaintindi ng English? Hindi ka ba nakapag-aral?” Biglang tinaasan ni George ng kilay si Wave at humalukipkip. “Kinukuwestiyon mo ba ang pinag-aralan ko?” “Hindi ko naman—” Naputol ang sasabihin niya nang makita ang ekspresyon nito. Mukhang hindi rin siya basta mananalo sa katarayan ng babaeng ito. “Para sa kaalaman mo, matalino ako. Sa Math nga lang.” May pagmamayabang pa sa boses nito. “Kaya kong k’wentahin lahat ng utang ko pati interes. Kaya kong malaman kung magkano ang kulang ko hanggang sa huling sentimo.” “At ang English?” tanong niya, bahagyang nang-aasar. “Huwag mo akong bibigyan ng English subject dahil hindi kita babayaran.” Napakunot-noo si Wave. “Ano’ng koneksiyon no’n sa hindi pagbabayad?” “Basta! Ayoko ng English. Lalo na kung may mga clause-clause ka diyan na parang gusto mo akong pagbayarin ng buhay ko.” Hindi na niya napigilan ang pagtawa. Napailing si Wave habang pinagmamasdan si George. Sa kabila ng mga taon na lumipas, ganoon pa rin ito. Pareho pa rin ang paraan ng pagsagot nito—mabilis, palaban, at laging may nakahandang dahilan. “So… marunong kang mag-compute ng interest?” “Oo. Bakit?” “Good.” Ngumisi siya. “Para makuwenta mo kung magkano ang magiging utang mo sa akin.” “Anong utang?” kunot-noong tanong ni George. “Bayad na ako kasi may utang na loob ka sa akin. Iniligtas ko ang buhay mo.” Biglang natigilan si Wave. Kani-kanina lang ay parang hindi siya nito kilala at wala itong maalala tungkol sa naging pangako nila. Pero ngayon, tila ginagamit nito ang mismong nangyari noon bilang biro. Nagsimulang magduda si Wave. Talaga bang wala itong naaalala? O sinasadya lang nitong hindi iyon alalahanin? “Kailan mo ako iniligtas?” tanong niya, nais makasiguro. “Ngayon,” mabilis nitong sagot. “Ngayon?” “Oo. Kung hindi ko pipirmahan iyang kontrata mong puro clause, wala kang magiging asawa.” Napakamot si Wave sa ulo. Buong akala niya ay seryoso na ito at tuluyan nang naalala ang nangyari noon. Pero mukhang hindi pala. “Pirmahan mo na para mailigtas mo ang buhay ko,” pagbabalik na lang niya sa sinabi nito, saka ngumisi. Humarap ito sa kanya habang nakahalukipkip. “Aba! Ayoko nga! Hindi mo pa nga ipinapaliwanag ’yan isa-isa. Malay ko ba kung agrabyado ako diyan sa kontrata mo?” “Wala kang tiwala sa akin.” “Paano ako magtitiwala? Hindi naman kita kilala.” Napatingin siya rito bago bahagyang ngumiti. “I’ll introduce myself, then. I am Alonzo Valmoria. Your savior.” Saglit siyang huminto bago muling nagsalita. “Para hindi ka na hahabulin ng mga sanggano dahil sa dami ng utang mo.” “Sige. Ipaalala mo pa para lalo kong hindi pirmahan iyang kontrata mo.” “Kung ayaw mo, ’di magpahabol ka na lang ulit sa kanila.” Tumayo siya at akmang aalis na nang biglang magsalita si George. “Sandali lang.” Nilingon niya ito at hinintay na magsalita. “Sige, ipaliwanag mo na.” Humigpit ang hawak nito sa sariling braso. “Pero huwag mo akong lolokohin, kundi mananagot ka!” Bahagyang napailing si Wave bago muling naupo. Muli niyang ipinaliwanag ang laman ng dokumento, isa-isa. Sa pagkakataong iyon, tahimik na si George. Tango lamang ang sagot nito paminsan-minsan habang nakikinig. Para bang naging kalmadong dagat na walang reklamo sa anumang sinasabi niya. Gayunpaman, napapansin niyang tila pinag-iisipan nitong mabuti ang bawat paliwanag bago tuluyang tumango. Paminsan-minsan ay bumabalik ang tingin nito sa dokumento, na para bang tinitiyak nitong walang nakakalusot na kondisyon na maaari niyang pagsisihan sa huli. Nang matapos siya, isinara niya ang dokumento. “Okay na? Wala ka na bang gustong idagdag sa mga kondisyon?” Sandaling nag-isip si George. “Nakalagay ba sa clause na ’yan na bawal mo akong hawakan?” Napatingin si Wave sa kanya. “Virgin pa ako,” diretso nitong sabi. “Kaya kahit mag-asawa tayo, bawal ang physical contact. Dapat ilagay mo. Kung hindi, walang kasalang magaganap.” Bahagyang napataas ang kilay ni Wave. Hindi niya inaasahan ang ganoong kondisyon. “Kung walang kasal, walang utang ding mababayaran,” paalala pa niya. “Kahit na! Dapat mas lamang ako. May utang na loob ka sa akin, kaya dapat ako ang masunod.” Napatingin si Wave rito nang ilang segundo. “May mag-asawa bang walang physical contact?” “Mayroon!” mabilis na sagot ni George na para bang wala itong nakikitang kakaiba sa hinihingi nito. “Hindi ba’t tayo ang pinag-uusapan dito? Tayong dalawa lang ang may kontrata dito, ’di ba? Maliban kung may gusto ka pang pakasalang iba.” Napabuntong-hininga si Wave. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o susuko na lamang sa mga kondisyon nito. “Wala akong balak magpakasal sa iba.” “Good. Kasi ayoko ng competition.” “Competition?” nagtatakang tanong niya. “Baka mamaya may bigla kang isingit na third party sa kontrata. Kanina pa naman, may third party kang binabanggit.” Napailing si Wave habang pinipigilan ang ngiti. “Wala nang third party.” “Sigurado?” “Sigurado.” “Okay. At tandaan mo, bawal ang physical contact.” “Yes, I remember.” Sandali silang nagkatitigan bago muling kinuha ni Wave ang dokumento. “If that’s what you want.” “Iyan! Ganyan nga! Matuto ka,” maangas pang sambit nito. Suko na talaga siya. Kahit kailan talaga, hindi ito magpapatalo.“Halika! Maupo ka dito at pag-usapan natin ang kontrata.” Itinuro ni George ang foam na inilatag niya sa sahig.Bahagyang nagulat si Wave sa sinabi nito. Napatingin siya sa foam bago muling tumingin sa babae. “Diyan ako uupo?”“Oo. Ano bang problema? Malinis naman ’yan. Nilalabhan ko ’yan linggo-linggo.” Napatingin si George sa paligid. “Saka may nakikita ka bang ibang upuan? Wala naman, ’di ba? Maliban dito sa isang ito.” Kinuha nito ang maliit na bangkito na ginagamit sa paglalaba at doon naupo.Wala nang nagawa si Wave kundi mapailing. Naupo na rin siya sa foam at humarap sa babae. Inilabas niya mula sa attaché case ang dokumento at iniabot dito.“Here’s the contract.”“Mukhang handang-handa ka, a!” komento ni George habang tinatanggap ang kontrata.Binuksan niya iyon at nagsimulang magbasa. Unti-unting naningkit ang kanyang mga mata habang sinusundan ang mga nakasulat sa bawat pahina. Binuklat pa niya ang mga kasunod bago mul
“Sigurado ka bang dito nakatira ngayon ang babaeng pinapahanap ko?” tanong ni Wave sa assistant niyang si Tom matapos basahin ang papel na hawak nito. Nakasulat doon ang impormasyon tungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap.Tumango si Tom. “Siya lang po ang tumutugma sa sinabi ninyo—dating nakatira sa tabing-dagat at Manalo ang apelyido.”Manalo lang ang natandaan niya sa pangalan ng babaeng nakasama niya sa tabing-dagat nang gabing iyon. Pero hindi niya malilimutan ang sinabi nito tungkol sa apelyido niya.“Manalo ang apelyido ko pero hindi pa ako nananalo sa buong buhay ko. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako magpapatalo. Papatunayan ko sa’yo na balang araw, kaya ko ring manalo.”Napangiti siya nang bahagya nang maalala iyon.Muli niyang tiningnan ang hawak na papel. Malinaw na nakasulat doon ang buong pangalan—Georgina “George” Manalo. Mas matagal niyang tinitigan ang larawan nito. Pamilyar ang mukha. Habang pinagmamasdan niya i
“Aling Tasing, pabili nga po ng tig-iisang bawang, sibuyas, kamatis at sardinas,” sabi ni George sa matandang tindera nang makarating siya sa harap ng maliit nitong tindahan.“Bili ba ’yan o utang na naman? Ang haba na ng listahan mo rito. Kailan mo ba babayaran?” tanong nito na nakasalubong na ang kilay sa kanya.“Bukas po,” mahinahon niyang sagot.“Hindi na natapos ang bukas mo. Kinabukasan, uutang ka ulit, tapos bukas na naman ang sagot mo,” nakasimangot pang sabi nito. “Aling Tasing, habang may bukas… may pag-asa kayong mabayaran.”Nilawakan pa niya ang pagkakangiti sa matanda na para bang nang-aasar. Sanay na naman ito sa kanya kaya sa halip na magalit ay napailing na lamang habang iniaabot ang mga inutang niya. Kinuha naman niya ang mga iyon bago muling nagsalita.“Padagdag pa nga po pala ng isang kilong bigas.”Napakamot na lamang ng ulo si Aling Tasing bago sumalok ng bigas at iniabot iyon sa kanya.“Ba
Matapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa kontrata ay tuluyan na rin silang nagkasundo.“O, ayan! Pirmado na,” masayang wika ni George matapos niyang pirmahan ang pansamantalang kontrata nila ni Wave. Kailangan pa iyong i-revise ayon sa kondisyon na inilagay niya. Sandali niyang tiningnan ang papel bago biglang napatingin kay Wave.“May cash ka ba diyan?”Napakunot-noo si Wave. “Ha? Bakit kailangan mo ng cash?”“Hindi ba sabi mo babayaran mo lahat ng utang ko? So, magbabayad na ako ngayon. Ang tagal na ng pangako kong bukas kay Aling Tasing para sa bayad ko. Nakakahiya na.”Napangiwi si Wave.Napakasigurista naman ng babaeng ito.“Wala akong cash,” sagot niya.“Ano? Pucha naman, o!” Biglang napahawak si George sa noo. “Dapat pala sinigurado ko munang may pera ka bago ako pumirma sa kontrata. Na-scam mo ako, a!”Hindi makapaniwala si Wave sa mga lumalabas sa bibig nito. Gusto niyang mainis, pero pinigilan niya ang sarili.“I am not a scammer. Wala lang akong dalang cash, pero may tse
Nakamasid si George sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga paa niyang bahagyang lumulubog sa bawat paghakbang. Ninanamnam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at nililipad ang mahaba niyang buhok na nakapusod.Huminga siya nang malalim bago tumingala sa langit na unti-unting nagiging kulay indigo habang papalubog ang araw. Namangha siya sa tanawin. Para bang nananalamin ang araw sa ibabaw ng dagat bago tuluyang magpaalam.Sa wakas, isa na namang maghapong pakikipagbaka ang natapos.Ngunit ilang sandali pa lamang ay biglang kumunot ang kanyang noo. May nakita siyang tila isang tao sa mas malalim na bahagi ng dagat. Mabilis niyang hinubad ang suot na tsinelas at tumakbo patungo roon.Samantala, tahimik namang naglalakad si Wave palayo sa dalampasigan. Punong-puno ang kanyang isip ng mga problemang sunod-sunod na nagdatingan na para bang mga alon na walang tigil sa paghampas sa dalampasigan.Problema sa pera. Problema sa







