Share

Chapter 27

Nagising ako mga bandang 2pm na, pero wala pa din ang dalawa. Bumangon na ako para magbihis. Nalipasan na din ako ng gutom, hindi man lang ako ginising nung dalawa. Ilang minuto muna akong nagbabad sa banyo hanggang sa matapos ako. Nagsuot lamang ako ng denim short at white crop-top. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto naming at saktong nakasabay kong lumabas si Kyle. Nagkatinginan pa kami bago nag-iwasan ng tingin.

“Wala ka daw kaninang lunch, bumaba ka na dun at kumain,” pagbabasag niya ng katahimikan. Napalunok naman ako dahil bigla-bigla siyang bumabait.

Napatingin ako sa kanya at tumango. Nauna na itong naglakad papuntang elevator kaya naman sumunod ako sa kanya. Ako na naman ang nasa harap niya kaya medyo naiilang akong nakatayo doon. Nilagay ko sa isang balikat ko ang buhok ko dahil medyo nakaramdam ako ng init. Narinig ko naman siyang napatikhim kaya napangiti ako ng palihim.

Nang makababa naman na kami sa lobby ay agad ka

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status