Share

49 - Dugo

Carrie's POV

Nagising ako nang maamoy ang masarap na pagkain. Napatayo agad ako at binuksan ang pinto, pero unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang makita roon si Ian.

Mas maliit ang condo na 'to kesa sa condo ni Kuya, pang isahan lang talaga 'to kaya sa kwarto pa lang ay kitang-kita na si Ian na nagluluto, pero kahit na maliit ay nakikita ang karangyaan dito.

"Seat. Malapit na 'to matapos," he said when he saw me.

Umirap ako at kunwari ay galit sa kanya. Lumapit ako at kunuha ng tubig sa ref niya. Hindi ko maiwasang lihim na sulyapan siya habang nagluluto, pero natigil ako sa pag-inom ng tubig nang makita ang putok na labi nito.

Kumunot ang noo ko. Wala pa nga iyon kanina. Saan niya iyon nakuha?

Parang may sariling buhay ang paa ko. Lumapit ako at hinawakan ang mukha niya para iharap sa'kin. Sinubukan nitong iiwas ang mukha, pero tinignan ko siya ng masama kaya hinayaan niya ako.

"Who did this?" Seryosong tanong ko.

Namungay ang mata niya. Hindi agad ito nagsalita at pinatay lan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status