Share

CHAPTER FIVE

December 19, 1970, Saturday.

HERE I AM now in the living room listening to the cassette tape of my Dad. Pinapatugtog ba naman niya ang old time favorite niyang "Still" by Rico Puno. Ewan ko, ba't gustong-gusto niya ito. Sabagay magaling naman talaga ang local artist na ito.

Nakakatawa nga siya kapag kumakanta sa enteblado. Todo birit kasi!

Sumunod na isinalang ni Dad ang kanta ni Elvis Presley entitled "It's now or never". This is my one of my favorite, too. Guwapo nga kasi. Bukas na pala ang kasal nina Dad at Tita Ysabelita.

Ooops! 'Di na ko nasanay. It's been a month mula nang tinuruan ko si Xander sa reviewer niya. Mula noon ay 'di na niya ako inaaasar masyado. Ewan pero namimiss ko ang pang-aasar ng todo ng magiging stepbrother ko.

Sa tuwing magkikita kami sa school ay kakaway lang siya at babati ng konti.

IYON LANG.

Haist. Nakakamiss ang dating Xander Luis na mapang-asar!

Lately nagiging mailap na siya. Last day, nakita ko siya kasama sina Betty. I saw him laughing with those two girls. Ewan pero nakakainis lang. Life is so boring.

Then the telephone ring.

Siyempre ako ang malapit kaya sinagot ko na. It's a long distance call from a close friend of mine. His name is Bobby.

"Hello."

"Hi, Armina, how are you?"

"I'm fine, just a little bored. Ikaw?"

"Always fine. Why so bored? Gusto mo labas tayo tonight?"

"W-what? Bakit, asan ka ba ngayon? 'Di ba nasa America ka?" I suddenly blurted out.

Natawa siya nang kaunti sa sinabi ko. The sound of his laugh is so awesome.

"C'mon, Armina, It's Christmas break kaya kami umuwi ni Lolo."

"Ah, see. . ."

"So, meron kang time this evening? I'll fetch you na lang, neh."

"Okay, sa dating pinupuntahan na lang, neh, Bob. Tiyak ko marami kang ikukuwento sa akin. Six years ka rin sa America 'no!"

"Yeah, maraming-marami. Marami rin akong pasalubong sa favorite kong girl in the whole world," malambing niyang sabi.

Many seconds had past bago ako nakapagsalita. 'Di pa rin siya nagbabago pati ang boses niyang baritono.

"Still there, Armina?" he murmured in the other line.

I pouted.

I heard him giggle. Nang-aasar talaga!

"Hey, stop laughing! Hindi ka nakakatawa," I said.

Then, nag-stop nga siya. "Sorry, Armina, 'di ka na kasi nasanay. But seriously. . ." Napansin ko ang biglang pagseryoso niya. Hay nako, iba na talaga kapag matagal kang namalagi sa ibang bansa. Lalo siyang naging diretsa.

"Please, cut it off, Bob," agad kong sabi para magtigil na siya.

"Okay, just what you say, dear."

Geez! Halos nagtaasan mga buhok ko sa katawan, sa endearment niya. Hindi na talaga ako nasanay!

"Bobby!"

"Okay, okay, tama na. So, susunduin na lang kita riyan sa place ninyo at around 6:30 P.M.?"

"Sige." maikli kong sabi.

"Okay bye Armina."

Ibababa ko na sana ang telepono pero nagpahabol pa talaga siya ng biro. A silly one! "Wear some sexy dress, huh," he giggled then binababa na ng moron ang telepono.

"The nerve of that man. Tsk!" Umiiling na lang ako habang pababa ng hagdan. Then I saw my two friends sitting in our garden.

NAKITA KO si Armina na pababa ng hagdan. A great smile is plastered on her lips.

"What's up, friend?"

"Inis lang naman ako friend," she mumured. Tapos nakiupo na rin siya.

Then tinapunan niya si Mikaela ng tingin na abalang kumukuha ng litrato ng mga bulaklak. Tiyak na ilalagay na naman niya sa collection ang mga iyon.

Mahilig kasi ito sa mga wild flower na madalang lang makita. Pero sa garden nina Armina, marami ang naroroon at inaalagaan ng matandang hardinero.

Anyway, back to the topic.

"Ba't ka naiinis?" tanong ko habang kinukuha ang juice na kalalapag lang ng maid nina Armina sa lamesa.

Nagde-kuwatro muna siya at sumimsim ng sarili niyang juice.

"Si Bob kasi tumawag. Nandito na pala siya sa Pilipinas. He invited me to a friendly dinner," walang anu-anong sabi niya habang minamasdan ang palapit na si Mikaela.

Oh, gosh! Mabuti na lang at hindi napansin ni Armina. Sa iba siya nakatingin. Kasi naman, I had a huge crush sa old time friend niyang si Bobby Fontanilla. Mas ahead ito ng three years sa amin. Magaling kasing magdala ng damit si Bobby at masayang kausap kaya siguro nagka-crush ako sa kaniya. Bigtime!

"Hmmm. . . so pupunta ka?" out of the blue na sabi ko na lang para mapagtakpan ang pagkataranta ko.

"Yes." A timid smile formed in her lips.

"Ah, okay, enjoy!" sabi ko na lang kahit medyo nasasaktan ako sa nangyayari.

Kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko? Hindi ka ba mahi-hurt kapag nag-date ang isa sa mga bestfriend mo at ang ultimate crush ng buhay mo?

"Oh, what's the matter? Parang nawala ka sa mood, ah, bestfriend?" nakangiting tanong sa akin ni Armina.

"Huh? Nothing. I just remember something!" pagdadahilan ko na lang ulit.

"Ah, okay." Armina nodded.

"Woah! Mabuti na lang nakalusot. Akala ko pa 'man din makakahalata na siya," bulong na lang ng isip ko.

Then Mikaela shouted from somewhere. "Girls, group picture tayo! Remembrance lang!"

Then isi-net na niya camera in a distance. Then naki-join na siya. As I started to smile, the camera flashed.

"Isa pa!" Armina suggested when she saw our shots. Then, nagtuloy-tuloy na nga. Ganito lang naman kami kapag magkakasama . . . parang magkakapatid na kung magturingan.

"But I still don't want to share my secret crush on Bob. . . nakakahiya kaya!"

"6:00 P.M." basa ko sa relo ko sa wrist. Ewan ko kung pupunta ako sa resto bar nina George. Yeah, pagmamay-ari lang naman nila ang pinakasikat na resto bar sa siyudad namin, ang Fajardo's Grills and resto bar na pinupuntahan ng mga mayayaman na kabataan tulad namin nina Nick at George.

Then tumunog ang beeper ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag-beeper. I saw Nick's name.

I read it and was shocked of what he said. Dali-dali akong nagbihis at nagsuot ng damit panlakad. Hindi ko alam pero wala sana akong balak pumunta sa usapan namin nina Nick at Geo pero nang makita ko ang ibineeper niya. Wala na akong pakialam.

Nang makarating ako sa resto bar ay agad kong nag-park sa exclusive parking area na para sa akin lang. Na dati namang nakareserba para sa akin. Tinanguan ako ng guwardiya na halata namang nakilala ako at agad akong iginiya sa dalawa kong kaibigan na nag-umpisa nang uminom.

Minsan ay may pagkasinungaling talaga si Nicko kaya huwag kayong maniniwala sa kaniyang hindi siya umiinom kahit kaunti. Sabagay, siya ang pinakamahina sa amin pagdating sa inuman.

Yeah, we drink liquor but not that much. Mas lalo ngayong gabi . . . 'di ako iinom masyado kasi kasal na bukas ng Mama ko.

Ayaw ko na siyang madisappoint na naman sa akin. Good boy na yata ako!

Dali-dali akong umupo sa tabi ni George na kaagad na bumaling ang atensyon sa akin.

NABALING AGAD ang paningin ko sa kaibigan kong si Xander.

"Akala ko ba hindi ka makakapunta?" walang anu-anong sabi ko habang sumisimsim ng paborito kong alak.

Agad namang sumabat ang madaldal na si Nicko na wala na yatang preno ang bunganga. Ewan ko kung ba't naging kaibigan namin ito nina Luis, eh. Sabagay masaya namang kasama si Nick, hindi ka maboboring.

"Eh, bro, pinage ko lang naman na andito si Armina at may ka-date. Eh, agad naman pumarito ang mokong!" lahad ni Nick na walang preno ang bibig.

Binigyan lang naman ni Xander ng death glaire si Nicko. Ewan ko, halata namang may gusto si Xander sa magiging stepsister niya pero ayaw pa rin niyang umamin. Lalo nga itong lumayo sa babae. Tsk! Torpe talaga pagdating sa babae.

Sabagay, kung crush lang naman niya ayos lang. Huwag lang lalagpas sa crush, patay siya kapag nagkataon.

"Ano ba, Luis? Totoo naman ang sinasabi ko kay Geo, ah?" pilit pa rin niya.

Mataman kong iniikot ang mga mata ko at idinako sa isang banda ang paningin ko. Napako ang tingin ko kay Armina Deo Gracia at sa kasama niya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Bobby Fontanilla iyon. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napadako ang tingin ko sa kaibigan kong si Xander Luis.

Biglang natigil ang kulitan ng dalawa nang mapansin niyang napadako ang tingin ko rito.

NAPATIGIL kami ni Nicko nang mapansin ko ang kaseryosohan ng mukha ni George.

"Anong problema, pare?" usisa ko kay George.

"Hindi mo ba kilala ang kasama ni Armina, Luis?"

Umiling ako bilang sagot sa kaniyang tanong. Lalong naging mailap ang mga mata niya. As if parang nagdadalawang isip ito kung sasabihin niya sa akin ang nalalaman.

"C'mon, Geo, speak up. Hindi ko talaga siya kilala," patuloy ko dahil totoo namang hindi ko kilala ang lalaking ka-date ng magiging stepsister ko.

Yeah, ka-date ng stepsister ko! 'Nyetang lalake!

"Former senior ko siya noong elementary ako, pare."

"So?" sabi ko na lang habang sumisimsim ng alak.

"Hindi mo ba alam ang ugali ng lalaking iyan, Xander? Bully siya noon sa school namin. Muntik na akong nagdrop-out noon dahil sa kaniya. Mabuti na lang at lumipad sila ng Lolo niya sa America!" he murmured, pero based sa pananalita ng kaibigan ko ay andoon pa rin ang gigil.

Nagka-trauma kasi siya noon kaya malayo ito sa mga ibang kabataan. At dahil iyon sa nangyari rito noong elementarya.

Tatlong araw ito sa hospital dahil sa nangyari. Lumipad ang tingin ko sa inuukopahang lamesa nina Armina at ng lalaking kasama niya.

Kahit malayo sila . . . kitang-kita ko ang pagtawa ni Armina. In short, masaya ito kasama ang walang-hiyang lalaki. Hindi ba nito kilala ang lalaking sinasamahan? The nerve of that woman! Tsk! Basta guwapo, okay na?

"Sinasabi ko sa 'yo, Luis, that man will only hurt Armina!" siguradong sabi ni George sa akin.

Blanko akong tumititig sa dalawa. Tila nagtatalo ang puso't isipan ko. Mariin akong napapikit habang patuloy na sumisimsim ng alak. Habang nasa ganoon akong sitwasyon ay patuloy na gumagana ang isip ko.

Paano kung tama si George na sasaktan lang ng lalaking iyon si Armina?

"So, what, Xander?"

"Eh, magiging stepsister ko siya."

"Hayaan mo na nga lang siya. She's only going to be your stepsister. Remember that always, nothing more!"

Gusto kong mapasabunot sa ginagawang pagtatalo ng utak ko. Nakakainis! Ano bang nangyayari sa akin?

Patuloy ko silang minatyagan. Tila ako imbestigador sa ginagawa ko. Hanggang sa oras na ng pag-uwi namin ay ganoon lang ang ginawa ko.

"Mga tol, I gotta go na!" maikli kong sabi nang makita kong iginiya ng lalaki palabas ng pinto si Armina.

Tila napaka-gentleman ng gesture nito sa ginawa. At nabuwibuwisit ako dahil doon. Oo, sobra! Nang akma akong tatayo ay tila nahilo ako. Geez, may tama na yata ako? But I know can still drive.

"Kaya mo pa ba, pare?" tanong ni Nicko na kalakip sa tono ng boses ang pag-aalala.

"Yeah, I can manage," maikli kong sagot saka kinuha ko sa headrest ng upuan ang aking jacket.

Paandar na ang kotse nila nang nakasakay na rin ako sa kotse ko.

Noong una ay tila pumalya ang andar ng sasakyan ko.

"Damn! Not this time, baby! Please, start!" nanggigigil kong saad.

Nakailan akong paandar nang sa wakas ay umandar na rin ito.

"Good, baby!"

Tapos binilisan ko na ang takbo ng kotse ko. Mabuti at alam ko kung saan ang place nina Armina.

"Tang inang lalaki ka! Ang bilis mo namang magmaneho ng kotse. Ganito ba ang mga tipo na lalaki ni Armina? Kaskasero sa daan?" iiling-iling kong sabi.

Sakto namang pababa pa lang ang dalawa sa kotseng kinasasakyan nila. Dali-dali kong pinagmasdan kung ano ang susunod nilang gagawin. I just stopped the engine of my car para marinig ko kung ano ang pag-uusapan nila.

HABANG magkausap kami ni Bobby ay tila may isang kotseng tumigil sa kaibayong daan. Ipinagmatay-malisya ko na lang iyon.

"Hey, what's wrong, Armina?".

"Nothing." Nginitian ko lang siya.

"So, goodnight," maikli niyang sagot.

"O-okay. Thanks for the dinner, by the way."

"You're welcome, dear," mahangin niyang sabi. Sabay kindat.

"Stop the endermeant, Bob!" nahihiya kong sagot kay Bob.

"Nah! Hindi ka na nasanay? So, nasaan na ang goodbye kiss ko?" pabiro niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko. I didn't expect this much of him. Masyado na siyang nag-iba. Malaki na ang ipinagbago niya magmula nang tumira siya sa America.

"Huwag ka nga, Bob! Sige, isa pa!"

Napangiti ito na tila naa-amuse sa ikinikilos ko. "C'mon, Armina! All these years ay hindi ka pa rin nagbabago. You're still naive about this," pahabol pa niya bago nito buksan ang pinto ng kaniyang kotse. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. As if naman magagawa ko ang sinasabi niya.

"Damn you, Bob, I'm not that kind of modern type as you know! Hindi ako mga katulad ng mga Amerikanang nakikilala mo sa ibang bansa!" nakasimangot kong sabi.

Kasabay niyon ay ang pagtalikod ko sa kaniya. Akma ko na sanang bubuksan ang pintuan ng gate namin nang bigla niyang pigilan ang braso ko at bigla akong hinila palapit sa kaniya.

"Ikaw naman, Armina, hindi ka na mabiro. I was joking! Alam ko, hindi ka ganoong klase ng babae. So, I like you so much for the way you are!" sinsero niyang sabi habang yakap ako sa likod.

Then suddenly, I heard a voice. A very familiar voice.

"Hindi ka pa ba papasok, Armina? It's too late for you to stay here at this hour of the night," malamig na saad niya.

Mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa akin si Bob. Maang na tinitigan nito si Xander na halos magkasalubong ang kilay.

"Who is he, Armina?" pabulong na tanong ni Bobby na cool na cool pa rin. Tila wala lang rito ang ginawang pagyakap niya sa akin in a public place.

"Ah, si Xander Luis Montenegro pala, soon to be stepbrother ko, Bobby," sagot ko bago bumaling kay Xander. "Xander, siya si Bobby Fontanilla. . . my long time friend."

Tila nagulat si Bob at agad na naglahad ng kamay bilang pagbati. Maiksing tinapunan ni Xander ang kamay ni Bobby at muling ibinalik ulit ang pansin sa akin.

"Just go inside, Armina."

Napatingin lang sa akin si Bob at sinagot ko lang siya ng apologetic na tingin.

"Okay, Armina! Goodnight!" mabilis niyang sabi. Bago pumasok ay maigi niyang tinitigan si Luis at sumakay na rin ng kotse.

I can feel the intensity between the two man right now. At hindi ko iyon gusto.

NANG makaalis ang ungas na lalaki ay agad kong kinumpronta si Armina.

"Why are you here so late in the evening? And with that guy, huh, Armina?" Pigil ang gigil kong saad sa kaniya.

Nabubuwisit pa rin ako sa nakita ko kanina. Ano ang pumasok sa hinayupak na lalaking iyon? Sino siya para yakapin si Armina, eh, kaibigan lang naman pala niya ang dalaga?

At ang nakakainis ay hinayaan lang iyon ni Armina!

"Pakialam mo ba Xander, we're just friend, kaya magtigil ka nga diyan!" Inis niyang buwelta sa akin.

"Kaibigan? May ganoon bang magkaibigan na kung magyakapan, eh, parang wala nang bukas? Huwag mo nga akong pinagloloko, Armina!" I hissed.

Maang niya akong tinitigan. Tuloy pa rin ako sa paghuhuramentado. Sasabat na sana siya nang magsalita ako ulit.

"You don't know him, Armina!"

"Stop, Xander!" putol pa niya sa mga sasabihin ko tungkol kay Bob.

"Bakit? Kilala mo ba siya? As far as I know, mula pagkabata ay magkasama na kami!" naniningkit niyang sawata sa akin.

Tinitigan ko siya na tila binabasa kung ano man ang nasa isip niya. Then, suddenly I spoke softly.

"Yeah, I know, pero hindi mo siya ganoong kakilala, Armina. He's a bully back then. Puwede ka niyang saktan physically or emotionally!" pigil ang galit na sabi ko sa kaniya.

Wala na akong pakialam sa iisipin niya. Kahit sabihin niyang sinisiraan ko sa kaniya ang kaibigan niya. Concern lang ako sa kaniya. Yeah, I am so concerned, kasi magiging magkapatid na kami bukas. Then, napatingin ako sa agad niyang sinabi sa akin.

"Bakit, kilala mo ba siya, Xander? At saka wala kang karapatan na pagsabihan ako. You're not my Dad!" balik ding sigaw niya sa akin.

Napakurap ako nang ilang beses. Dahil sa sinabi niya ay lumambot ang facial expression pati ang pagsasalita ko.

"Yeah, I'm not your father, pero pinapaalalahanan lang kita, Armina. Kung si Tito ang nakakita niyon ay tiyak na magagalit din siya. Lalo na't malalaman niyang 'di mo pala nobyo ang lalaking iyon," mahinahong kong sabi.

Siya naman ang napakurap sa harap ko.

"Huwag mo akong sisisihin, Armina, kapag sinaktan ka ng lalaking iyon. Binalaan na kita," maiksi kong sabi. Kasabay niyon ang pagtalikod ko sa kaniya.

Papasok na ako ng aking kotse nang marinig ko ulit ang mabini niyang boses.

"Thanks for the concern stepbrother. Pero kaya ko ang sarili ko." Kasabay niyon ang pagpasok niya sa malaking gate.

Matagal kong tinitigan ang gate na pinasukan niya. Ewan ko, pero nasasaktan ako sa huling pag-uusap namin. Bumuga muna ako ng hangin at iinot-inot na pumasok sa aking kotse.

"Ba't ba ganito? Tila nagseselos ako!" iiling-iling kong sabi sa isip at nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.

Nang bigla kong itinigil sa resto bar nina George ang aking kotse ay nagulat pa ang dalawa nang makita ako.

"Bumalik ka, pare?" nagtatakang tanong ni George.

"Yeah, I want to drink more and past out until I don't remember anything anymore."

Tumango lang sila na tila alam ang nangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status