Share

Chapter Eleven

                              Tori

What is he doing here? I am still so mad at him.

"Tsk! Look who's here. Kapal din ng mukhang magpakita sa 'min." salubong ni Lucas dito

"As far as I know, this study room is made for me." Nag smirk pa ito kay Lucas. "At isa pa, hindi ako nandito para makipagtalo sa inyo. Blaise, I know my presence makes you feel uncomfortable, pero kailangan kong maupo dito kasama ninyo." baling niya rito sa kalmadong tono

May nangyari ba sa kanila ni Blaise? Bakit tila ang dami ko ng hindi nalalaman.

Bumaling muna sa akin si Grey bago ito tuluyang naupo. Simula noong nangyari kay Sia, hindi ko pa siya kinakausap ng maayos.

"Oh! Since we are all here, why don't we talked about our alibis that night." ani Shantel

Wala naman sa amin ang umalma sa sinabi niya. 

"That night, I was there." 

Sabay sabay kaming napabaling sa sinabi ni Grey.

Bago magsalita ay muli niya akong tinapunan ng tingin. "Nagpunta ako roon para kausapin si Sia. I was so afraid na mabuking ang pagiging cheater ko, I went there to beg." He paused.

I ball my fist. Hindi parin humuhupa ang galit ko sa kaniya.

"Pero bago pa man ako makapasok sa condo building ay nakita ko na ang pinagkaka-guluhang tumalon daw sa building. At kahit kaunti, hindi ko naisip na si Sia iyon." He paused, and took a deep breath. "And there I saw Tori, running from the building. She looks so terrified." 

Napaawang ang bibig ko. Kung ganoon nakita niya ako noong gabing iyon. Don't tell me. . 

"Noong nalaman ko kinabukasan na wala na si Sia, hindi ko mapigilang isipin na-"

"Isipin na ano? Na pinatay ko siya?" pagputol ko sa kaniya

Napayuko ito. Mas lalo lang nadagdagan ang pagkainis ko sa kaniya.

"So, that's the reason why you try to kill Blaise? In order to protect your girlfriend, papatahimikin mo si Blaise?" pagalit ang tono ni Lucas

Wait-what?! Greyson tried to kill Blaise? Oh heck! My head is about to explode. 

"Lucas, calm down." saway ni Blaise rito

Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong tanong, pero wala akong nabitawang salita. Sobra akong nagulat sa mga nalaman ko. 

"Whoa! It's getting more interesting." Pumapalakpak pa si Shantel.

Tsk, this brat.

"Sa tingin mo paniniwalan ko kayo? What if, nagkakampihan lang kayo para mapagtakpan niyo ang isa't isa. Lalo kana, wala akong tiwala sa pagmumukha mo!" singhal ni Lucas sabay duro kay Greyson

"Kung ayaw mong maniwala, problema mo na iyon. At pwede ba, wag kang masiyadong magmalinis. You also have a strong motive in killing your secret girlfriend. Don't tell me, you didn't feel betrayed when you saw those photos." litanya ko rito

I really hate his tempered. 

Nagbuga pa siya ng buntong hininga bago bumalik sa pagkakaupo. "I came to see her that night. Pero ang intensiyon ko ay marinig ang paliwanag niya, and it was only pass 8pm that time." Huminto ito at nagpakawala ng sunod sunod na hininga. "Kung hindi sana ako nagpalamon sa pride ko. Kung hindi ko sana siya iniwan noong gabing iyon tulad ng hinihiling niya." Napasabunot pa ito sa kaniyang sarili.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa rito. It must be hard and painful for him.

"Hinding hindi ko magagawa iyon kay Sia. Parang pinatay ko na rin ang sarili ko pag ginawa ko iyon." 

"It's okay, Lucas. Alam kong di mo kayang gawin iyon." Hinaplos pa ng marahan ni Blaise ang likod nito.

"Okay. So, kayong dalawa na lang ang walang alibi." baling ko kay Shantel at Blaise

"How about you Blaise? Did you went to see her that night? Diba sabi mo kakausapin mo siya." tanong ni Shantel

Umayos ito sa pagkakaupo. "Hindi ko siya nakausap after noong nangyari sa school. At hindi rin kami nagkita noong gabing iyon. May sakit si mama noon, kaya kinailangan kong tumulong sa restaurant." kalmadong paliwanag nito

"Is it really the truth?" tila unconvinced pa si Shantel

Tumango si Blaise. "I don't have any reason to kill her." 

"Yeah. Blaise, doesn't have any motive to kill Sia. Sa inyong lahat, siya lang ang naging totoong kaibigan kay Sia." sabat ni Lucas, "How 'bout you Shantel?" dagdag pa nito

"Me? Do you really think I can kill a person?" umikot pa ang mga mata nito

"Just tell us your alibi." seryosong sabi ko

Nag-crossed leg pa ito. "That night. I was peacefully sleeping at my room. Why would I go to Sia's place? Is she a gold, para puntahan ko siya?" Naghuhumiyaw talaga ang pagka-brat na ugali nito. 

"Really?" sabat ni Greyson na nagpalingon sa amin, "Kung wala kang alam, bakit halos araw arawin mo ang pagpunta sa psychologist? And why do you need to take sleeping pills?" 

Sumilay ang sarcastic na ngisi ni Shantel. "So just because I am seeing a psychologist and taking a sleeping pills, means I am Sia's murderer. Wow!" Nag slow clap pa ito. 

"Then tell us what you know. Kanina siguradong sigurado ka na hindi si Tori ang pumatay kay Sia. Bakit? Nakita mo ba ang nangyari o ikaw mismo ang tumulak kay Sia?" sunod sunod na tanong ni Lucas

Sa mga tingin pa lang ni Shantel ay halata ng nagpipigil itong masampal si Lucas.

"How dare you?" mariing sabi niya rito saka umikot ang mata. Muli siyang bumaling sa amin. "Nightmare. Simula noong mawala si Sia, palagi akong binabangungot. She is asking for help. I am so mad, hanggang sa kabilang buhay hindi niya ako pinapatahimik. You all know how weak my little brain is, that is why I seek for medical help." paliwanag niya, she looks sincere while saying it

"Iyon lang ba talaga ang alam mo?" tanong ni Blaise

"Bakit? Sa tingin mo magbubulag bulagan ako kung sakaling may nasaksihan nga ako? I am not that stupid, Blaise." mataray na sagot nito

Is she really saying the truth? Bakit pakiramdam ko may hindi siya sinasabi? 

"In the end, we are all guilty in Sia's death. Kaya kung may mga tinatago pa kayo, please sabihin niyo na para matapos na 'to. Para mabigay na natin sa kaniya ang hustisyang deserve niya." litanya ni Grey

"Why? Are you tired of playing detective? Isn't fun?" 

"Shantel, stop." saway ni Blaise rito

That brat. She really think we are just doing this for fun. 

Oh! I remember something.

"Guys, the text message. . ." Napabaling sila ng may pagtataka. "Hindi ba nakapagtataka na hindi man lang ako pinatawag for questioning? Isn't it odd that the police easily conclude that it's suicide case? By reading that text message, hindi ba sila magdududa na baka may foul play?" mahabang litanya ko

"What if, hindi si Sia ang nagtext ng message?" dagdag pa ni Lucas

"The police easily conclude it as a suicide because there's a suicide note." sabat ni Shantel

"And her text message sounds more like a threat. At isa pa, Sia is an orphan and that only means na walang pamilyang maghahabol ng imbestigasyon sa kaso niya." paliwanag ni Blaise

"On point. Bakit naman magpapakahirap pa silang mag imbestiga para sa isang babaeng walang pamilya." dagdag pa ni Shantel

Sabay sabay kaming napa-buntong hininga. Iyong maliit na lead namin ay bigla na namang nawala.

"Cctv! Damn. Bakit ngayon ko lang naisip? Ofcourse, there's a cctv in that hallway." halos mapatalon pa sa tuwa si Lucas

"Stupid." bulong pa ni Shantel

Shit that cctv footage.

"I-I get rid of it." nag aalangang sabi ko

"What?! Why? Tangina bakit?" Nanlalaki pa ang mata ni Lucas.

"Takot na takot akong masisisi sa nangyari kay Sia, nabasa mo naman sa text diba? She said that she will make me responsible for her death. Sinong di matatakot nun? Kaya hindi na ako nakapag isip ng tama, at pina-format ko yung footage." nahihiyang paliwanag ko

"Talaga? Baka natatakot ka kasi ika talaga ang pumatay sa kaniya?" sarkastiko ang ngisi sa akin ni Lucas

"Hindi kita mapipilit kung ayaw mo akong paniwalaan. But, I am really saying the truth." Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko.

Napailing na lang ito at muling hinarap ang iba.

"Baka may paraan pa para ma-retrieve yung footage." ani Blaise

"Wala na. Sinubukan ko nang kausapin ang may ari ng condo building, pero hindi siya pumayag. Ikasisira ng negosyo niya kapag napatunayang murder o homecide nga ito." paliwanag ni Grey

Napasuntok na lang sa pader si Lucas. Shit! Bakit tila may pumipigil sa amin na malaman ang totoo.

"This is fucking ridiculous! How the hell that they conclude that this is a suicide when there's a missing footage. The exact footage of the crime." bulalas ni Lucas

"Two things. Maaaring tamad ang pulis na mag imbestiga since walang maghahabol sa kaso ni Sia, o may makapangyarihang tao na nagpatahimik sa kanila." ani Blaise

The latter one. Posible nga kayang pinagtatakpan ng pulis ang totoong nangyari kay Sia? Why? I mean kung oo, sino ang maaaring gumawa nun?

Maya maya pa ay nagulat naman kami sa pagtayo ni Greyson. "The fire alarm. Hindi na ako naka-akyat dahil nagkagulo na ang mga tao dahil sa pagtunog nito."

"Walang nangyaring sunog o lindol noong gabing iyon." mabilis na segunda ni Lucas at tumayo rin ito 

"It means, ginawa iyon ng suspect para magkagulo at magkaroon siya ng pagkakataong tumakas. Nakisabay siya sa mga taong nag uunahang makalabas na parang wala siyang ginawang krimen." tugon naman ni Greyson

Kaming tatlong babae naman ay parang mga batang namamangha sa dalawa.

"At ginamit niya si Tori para burahin ang footage. That means narinig at nakita niya ang mga pag uusap niyo." sagot naman ni Lucas

"We finally have a lead!" sabay na sabi nila tapos ay napapalakpak pa. Tsk!

"Wow! You two can pass as a real detective." Nag slow clap pa si Shantel. "And you are that stupid accessory to the crime." baling nito sakin saka umirap

This spoiled brat. Tsk. Pasalamat ka wala ako sa wisyo na sabunutan ka.

"So ngayon ang kailangan lang natin alamin ay kung sino ang totoong salarin." ani Blaise na nagpalaglag sa balikat ng dalawa, "Masasabi na ba natin ngayon na wala sa ating lima ang pumatay kay Sia?"

Napabaling kami sa isa't isa. Wala sa amin, sigurado ako wala sa amin ang suspect. 

"The real culprit is not here." Lucas stated.

"So, sino nga?" naiinip na si Shantel

Lahat kami ay napa-isip. Kung wala sa amin, edi sino?

"That old man." mahinang sabi ni Blaise

Old man? Who-Oh! That old man man in Sia's wake. 

"Pero bakit niya naman gagawin kay Sia iyon? Diba guardian siya ni Sia?" tanong ni Grey

"Iyon ang kailangan nating alamin." tugon ko saka bumaling sa kanila, "Pero saan tayo magsisimulang itama ang lahat?" 

"Kung saan nagsimula ang lahat ng ito. ." tugon ni Blaise

"To where it all started? You are not saying-" 

"Cheating." pagputol ni Blaise rito

"Still, anong kinalaman nun sa totoong suspect? Hindi naman siya mabubuhay ulit, pag tinigil natin iyon." depensa ni Shantel

"Shantel, wala man sa atin ang totoong pumatay kay Sia, responsable parin tayo sa pagkawala niya." sabi ni Lucas 

"He's right. Kailangan na nating itigil ang mga kalokohan natin." dagdag ko pa

Tumayo si Shantel. "Fine! Goodluck." ngumiti pa ito ng sarkastiko at saka umalis

There is really something odd with her.

"Next thing to do is to gather information about Mr. Nam." ani Blaise

"Leave it to me." tugon ni Greyson na tinanguan ni Blaise

"At ako, anong maitutulong ko?" tanong ko rito

"Maghintay. Iyon lang muna ang kailangan nating gawin." sagot niya

Napa-tango naman kami ni Lucas dito. 

Sia hang in there, we will give you the justice you deserved.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status