Nakatingin si Andrew sa katulong niyang si Akie Lyn Pangilinan na abala sa pagtitipa sa keyboard ng cellphone nito na kanina pa tunog nang tunog. Bente singko anyos ito, pamangkin ng mayordoma niyang si Melba. Taga Pangasinan ito, graduate ng high school. Hindi na nakapag-aral pa ng kolehiyo dahil hindi kayang tustusan ng ina nito ang pagpapaaral sa dalaga. Limang magkakapatid ang dalaga, ito ang panganay sa magkakapatid at nag-iisang babae. Dahil hindi ito kayang pagpaaralin ng nanay nila ay naki-usap ito sa tiyahin na si Melba na hanapan ito ng trabaho, kahit katulong lang dahil gusto nitong tulungan ang ina sa pagpapaaral sa mga kapatid nito. Wala ng ama si Akie, matagal nang namatay kaya ang ina na lang nito ang naghahanap-buhay.
Kaya tamang-tama dahil ng mga panahon na naki-usap ito kay Melba ay sakto namang pabalik sila ni Jenny sa America, kaya sinabi niya kay Melba na si Akie na lang ang kukunin na makakasama ni Jenny sa condo nito.Kinuha ni Andrew ang kape niyang umuusok pa na pinatong ng dalaga kanina sa ibabaw ng lamesa niya, dinala niya iyon sa bibig upang higopin.Napapikit siya ng mga mata nang matikman ito sapagkat tamang-tama ang lasa ng kape na tinimpla ni Akie. Nang magmulat ay muli niyang binalingan si Akie. Nakaupo ito sa isang sofa at nakatutok ang cellphone sa mukha nito. Pareho lang silang nasa sala. Dahil hindi pa tapos ang bakasyon niya sa Pilipinas at sa mga susunod na araw pa siya babalik ng America ay nakiusap ang Daddy niya na dito na muna sila mag-i-stay sa mansion ng Greyson. Dahil may sarili ng bahay si Damien sa tabi nitong mansion ay dalawang matanda lang at mga katulong ang narito sa mansion. Napa-ismid si Andrew sabay lapag ng kape sa lamesa.'Sino kaya ang ka-text niya?' Tumikhim siya para kunin ang atensyon ni Akie. Pero ang babae ay mukhang may sariling mundo, parang walang naririnig. Kaya sa inis ay malakas siyang umubo kahit na hindi naman siya inuubo.Napabaling naman sa kaniya ang dalaga. Tumayo pa nga ito.'Gotcha!'"Okay ka lang po, sir?" tanong nito sa kaniya."I'm fine," tipid niyang tugon. Sa isip-isip ay tuwang-tuwa siya dahil pinansin siya nito.Simula nang makilala niya si Akie ay hindi na niya magawang tumingin sa ibang babae. Iyon bang kapag tumitingin siya sa iba ay si Akie ang nakikita niya.Ang dalaga ay napaka-simple, at iyon talaga ang tipo niya sa isang babae. Simple manamit, hindi naglalagay ng kolorete sa mukha, o kahit pampakulay sa labi dahil likas na mamula-mula na talaga ang labi nito. Matangkad din ito, balingkinitan ang katawan at maliit ang bewang. Chinita rin ito. Mga bagay na ikinahanga niya sa dalaga. Sa katunayan ay crush na niya ito. Sa tuwing nakikita niya si Akie ay parang may tumutusok-tusok sa tagiliran niya dahilan para makiliti siya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkahumaling sa dalaga at kay Akie iyon.Naalala ni Andrew si Trina, ang asawa ng kapatid niyang si Damien. Kahit ilang taon silang nagsama ng dalaga ay wala siyang naramdaman dito, para bang kapatid niya lang ito kung ituring. Ang mga nagawa niya sa dalaga noon ay dala lamang ng galit niya sa mga taong inakala niyang tinalikuran siya. Pero talagang dugong Greyson siya dahil konting haplos lang ng mga salita na galing sa mga magulang niya ay natatanggal ang kung ano mang bara sa dibdib niya. Iyon ang dugong Greyson, hindi bitter, malawak ang pang unawa at nagpapasalamat siya dahil may dugong Greyson na nananalaytay sa ugat niya.Kung may isa rin babae na nagpatibok ng puso niya ay si Jenny iyon—asawa ng pinsan niyang si Lyzander. Ang totoo niyan ay unang kita niya pa lang kay Jenny noon ay nagkagusto na siya sa dalaga, kahit pa buntis ito ng mga panahon na magkakilala sila'y wala siyang pakialam dahil tumibok talaga ang puso niya kay Jenny to the point na gusto niya itong pakasalanan. Si Jenny ang tipo ng babae na gustong-gusto niya. Morena, singkit ang mga mata, matangkad, maganda. At higit sa lahat sexy at mabait. Pero nang malaman niya na ang pinsan pala niyang baliw ang mahal nito ay dumistansya na siya. Akala niya ay wala ng katulad ni Jenny, pero dumating si Akie. Ang nararamdaman niya kay Jenny ay nagmistulang naglaho dahil muling tumibok ang puso niya kay Akie, at malala pa iyon sa nararamdaman niya kay Jenny. Hindi lingid sa kaalaman nito na may lihim siyang pagtingin para rito."Kala ko po nabulunan na kayo ng kape, eh." Komento ng dalaga na ikinabalik ni Andrew sa kasalukuyan.Tumikhim siya at nagkibit ng balikat. "Ano ngayon ang plano mo, Akie? Ngayong may sarili ng pamilya si Jenny at dito na siya maninirahan sa Pilipinas ay tapos na ang trabaho mo sa kaniya sa America. Ano na ang balak mo?" aniya.Kaya lang niya ito pinapasok sa trabaho noon dahil kailangan niya ng makakasama ni Jenny, pero dahil hindi na babalik si Jenny sa America ay tapos na rin ang trabaho ni Akie. Nakita niya ang paglungkot ng awra ng dalaga sa itinanong niya. Alam niyang kailangan nito ng trabaho para sa pamilya nito sa Pangasinan."I-Iyon na nga po, sir. G-Gusto ko nga sanang sabihin sa inyo na. . . kung puwede po ay huwag niyo akong tanggalin sa trabaho? Kailangan ko po talaga ng trabaho sa ngayon dahil magha-high school na po ang dalawa kong kapatid," pahayag ng dalaga sa malungkot na tinig.Tumango-tango si Andrew. Muli niyang kinuha ang kape at hinigop. Napatingin pa siya sa cellphone ng dalaga ng sunod-sunod na naman itong tumunog."Sino ang ka-chat mo riyan?" tanong niya sabay nguso ng bibig sa cellphone na hawak ni Akie. Imbes na sagutin niya ang pahayag nito ay iba ang sinabi niya.Napakamot sa ulo ang dalaga at tiningnan nito ang cellphone na panay ang pagtunog ng ringtone."Si nanay po, sir. Gusto niya po kasing umuwi muna ako sa Pangasinan dahil miss na raw nila ako," saad ng dalaga."Bakit hindi ka umuwi?" wika niya."B-Baka po kasi. . . hindi niyo na ako pabalikin sa trabaho?"Mahinang natawa si Andrew sa sinabi ng dalaga. Hindi naman niya ito tatanggalin sa trabaho dahil kailangan nito iyon para sa pamilya nito. Naisip niyang mas makakasama niya si Akie kung sa bahay na niya ito magtatrabaho kasama ng Nanay Melba niya."Puwede ka namang umuwi kung gusto mo," giit niya."Hindi niyo po ba ako tatanggalin sa trabaho, sir?" naninigurong saad nito."Bakit, gusto mo?" "Naku hindi, sir!" Mabilis na tugon ng dalaga sa malakas na tono, "kailangan ko po ng trabaho, sir!""Okay. So, sasama ka sa akin sa pagbalik ko sa America?" paniniguro niya."Opo, sir!""Good. Sasamahan kita sa pag-uwi sa Pangasinan kung kailan mo gusto," walang paliguy-ligoy niyang sabi.Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi niya."Po? Bakit po? Puwede naman po na ako na lang ang uuwi. Maiistorbo pa po kayo, sir." May himig taranta na komento ng dalaga.Napasimangot si Andrew sa tinuran ng dalaga.'Ayaw niya akong isama?'"Kung hindi mo ako isasama, hindi din kita isasama pabalik ng America," masungit na wika niya sabay tumayo at tumalikod upang maglakad."Sir! Sandali, sir!" Hinabol siya ng dalaga at napangiti naman siya. "Sige po, sir! Sama ka po para makilala mo rin po ang pamilya ko at makita mo rin po ang sira-sira naming bahay!" Lalong napangisi si Andrew. Binalingan niya si Akie. Namulsa siya at pinagkatitigan ng mabuti ang itsura ng dalaga, partikyular sa mga labi nito. Tila gusto niyang sunggaban ng halik ang mga labi nito pero pinigil niya ang sarili at baka matakot ito sa kaniya."Good. Get ready dahil aalis tayo ng maaga sa Martes." Siya na lang ang nagbigay ng schedule dahil ilang araw na lang ang natitira niyang bakasyon dito sa bansa. Marami kasing trabaho na naghihintay sa kaniya sa kompanya niya sa America.Tumango ang dalaga, "Opo, sir. Salamat po." Tinanguan niya rin ito at muli na siyang tumalikod na nakangiti.Gusto niyang sumama dahil nais niyang makilala ang pamilya nito, at kung ano man ang sitwasyon ng buhay nito sa Pangasinan. At higit sa lahat, gusto niyang sumama para malaman niya kung may lalaki bang umaaligid sa dalaga sa lugar na nilisan nito.'At kung mayroon man. Dumistansya na siya ng maaga pa bago ko mabasag ang pagmumukha niya.'Panay ang tingin ni Carla sa isang gwapong lalaki na kakapasok lang sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Matikas ang pangangatawan nito, matangkad at sobrang guwapo. Alam niya rin na mayaman ito. Pero wala siyang pakialam sa kung ano man ang estado nito sa buhay—kung mayanan ito o mahirap, basta ang alam niya, crush niya ito. Tinatawag niya ito kanina pa at tinatanong ng kung anu-ano pero hindi siya nito pinapansin."Kahit anakan mo na lang ako," pilyang bulong niya sa sarili. Ang ganitong klase ng lalaki ang gusto niyang maging tatay ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya. Wala siyang balak na guluhin ang buhay nito o ano pa man. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak pero wala siyang lalaki na napipili na bigyan ng kanyang pagka-birhen."Tangina, eh. Trenta na ako pero birhen pa rin. Hindi kaya ang kunat ko na? Por dios, ayaw kong mamatay na hindi nakakatikim ng malaking hotdog!" Napasampal siya sa noo sa naiisip.Tinawag siya ng amo nila kaya kaagad siyang napalap
Tuloy ang kasiyahan sa mansion Sebastian—sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Naghagis na rin ng bouquet si Akie at sa lahat ng mga babaeng sumali ay si Suzette ang mapalad na nakasalo sa bouquet, syempre naghiyawan ang mga tao, at hindi lang iyon dahil mas malakas humiyaw at tumili si Suzette. Nang maghagis naman ng garter si Andrew, syempre hindi si Enton ang nakasalo dahil hindi naman ito sumali. Ibang bisitang lalaki ang nakasalo, pero dahil ipinanganak nga talagang pilya itong babaeng si Suzette, inagaw nito sa lalaki ang garter at pinilit iyon kay Enton."Kami ang susunod na ikakasal!" malakas na tili ni Suzette sabay na tumakbo papunta kay Enton na umakmang aatras nang napagtanto ang gagawin ng babae, pero huli na ang lahat dahil para ng tuko na lumambitin ang dalaga sa katawan nito."Oh, bebe, tayo na ang ikakasal!""Shut up! Umalis ka nga sa katawan ko!" pilit na pinaalis ni Enton ang dalaga sa katawan nito, pero para na yatang magnet ang babaeng dumikit sa katawan niya.
January 22, 2024 The Garden Wedding Sebastian's Mansion It was a wonderful and glorious day for a wedding. Ang paligid ay puno ng magagandang tanawin— sa hardin na pagdarausan ng kasal nina Andrew at Akie. It's simple yet breathtakingly beautiful. A venue that has a long and expansive table with a different kind of flowers on the top and side of it, at sa itaas ay mayroong ilang chandelier papunta sa pinakadulong bahagi ng lamesa na nakasabit sa luntiang halaman na sinet-up ng magaling na organizer. Mayroon na rin plate and glasses na nakahanda sa ibabaw niyon. Ang pahabang table ay sapat para sa bilang ng pamilya Greyson mula sa asawa hanggang sa mga anak. Sa kabilang banda naman ay may isa pang pahabang lamesa na para naman sa mga ninong, ninang at ilang bisita. Everything is ready. Lahat ay nasasabik na masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Akie at Andrew. Naroon na silang lahat at nakahanda nang lumakad sa red carpet na nakalatag sa bermuda grass patungo sa altar. Mayroon din
TRUE love doesn't care about the past, it cares about the future. Tama nga naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ng isang tao kung patuloy siyang bumabalik sa nakaraan, kundi galit siya o sadyang hindi maka move on. Patuloy na tumitingin ng maling nagawa o ginawa ng taong mahal o minahal nito kaya imbes na pagmamahal ang mararamdaman nito ay napapalitan na ng galit. When you say mahal mo ang isang tao, nandoon na lahat. You are willing to sacrifice everything for the people you loved, kahit pa masaktan ka. Ipaglalaban mo siya, ipagtatanggol sa lahat ng gustong manakit o sumira sa kaniya. Kung minsan pa nga'y ubos na ubos kapag tayo'y nagmahal. Iyon bang walang tinitira sa sarili dahil gusto lamang natin iparamdam kung gaano natin sila ka mahal. It doesn't care anymore, right? Dahil nga mahal natin ang taong iyon kaya handa tayong gawin ang lahat para sa kaniya. Iyon ang nagagawa ng love. Because love is powerful at kayang pabaliwin ang isang taong nagmamahal at kaya nitong ga
"NASAAN ang pasyente, Sir?"Salitang nagpakunot sa noo ni Andrew.Pasyente raw!Napabaling siya sa magkabilang gilid niya. Walang pasyente. Pero siya ang nakasakay sa stretcher at prenteng nakahiga. So ako ang pasyente?"Mr. Sebastian, mukhang wala yata kayo sa inyong huwisyo. This is a Delivery Room at tanging pinapapasok ko lang dito is 'yong babaeng manganganak na. So, hindi naman ikaw 'yong manganganak, syempre." Makahulugan siyang tiningnan ng Doctor ni Akie. "Where is your wife? Bakit ikaw ang nandito imbes na siya ang dapat?"Oh my fuck!Realizing his stupidity, napangiwi si Andrew at dali-daling bumangon at tila napapasong bumaba sa stretcher."M-my wife. . . Oh God what have I done! Iniwan ko siya sa bahay!" natataranta niyang sabi na napapakamot din sa kaniyang ulo. "I need to go back to my house!"Napatawa at napailing sa kaniya si Doc. Santos. Sa isip-isip ng Doctor ay nasobrahan sa pagkataranta ang binata kaya imbes na isakay ang asawa sa ambulance ay ito ang sumakay at
1 and ½ months later. . .Isa't kalahating linggo na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya, pero pakiramdam ni Akie ay kahapon lang ito nangyari. Nailibing na ang bangkay ni Miguel Cortez sa L.A at si Jack ang nag-asikaso ng labi nito na dinala pa sa nasabing bansa. Humingi ng patawad sa kanila si Jack sa kung ano mang ginawa ni Cortez sa kanila. Si Jack ay pinatakas ni Enton matapos siyang bawiin ng binata rito. Hindi na rin sila nagsampa pa ng kaso kay Jack dahil sa kabila ng pagiging loyal nito kay Cortez ay nagawa pa siya nitong iligtas. Si Enton nama'y bumalik sa L.A at may mga importante itong aasikasuhin.Napatanaw sa kalangitan si Akie. May namuong luha sa gilid ng mga mata niya habang hinahaplos ang tiyan na may kalakihan na. Sa susunod na linggo ay kabuwanan na niya. Baka nga hindi na dumating ang due date niya't tuluyan na siyang manganak. Medyo nahihirapan na nga siyang gumalaw-galaw ngayon. Nag-i-exerise rin naman siya dahil iyon ang payo sa kaniya ng OB niya."Bakit