Palakad-lakad si Andrew at hindi malaman kung uupo pa ba o mananatili na lang sa ganoong gawain. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang resulta ng DNA test na isinagawa ng Doctor nang nakaraang buwan pa. Hindi lang nila naalala ang tungkol doon dahil naging abala sila sa sunod-sunod na okasyon na naganap. Una, ang kasal ng kapatid niya, at sumunod naman ay kasal ng kaibigan at pinsan niya.
Kung hindi pa siya nangalkal ng email ay hindi pa niya mababasa ang email na pinadala ni Doctor Romulo. Ang Doctor na nagsagawa ng DNA sample nilang mag-ama. Pinapasabi ng Doctor na kailangan nilang mag-ama na pumunta sa opisina nito.Hindi naman sa pinagdududahan siya ni Daniel na anak siya talaga nito, pero dahil siya talaga ang may gusto niyon. Gusto niyang magpa-test nang sa gano'n ay hindi na niya pagdudahan pa ang sarili. Wala naman kasi talagang nakakaalam ng nangyari nang gabing makilala ng nanay niya si Daniel. Hindi niya rin alam kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo, kaya para matapos na ang mga katanungan niya sa sarili ay hinikayat niya ang ama na magpa-test. At heto siya ngayon, kanina pa hindi mapakali sa kinatatayuan sa loob ng opisina ng Doctor. Hinihintay na dumating ito.Palakad-lakad siya habang ang ama niyang si Daniel ay napapahawak sa noo nito habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam tuloy ng matanda ay nahihilo na ito sa paroon at parito niya. Nang hindi ito makapigil at makatiis ay tumayo ito at hinawakan ang braso niya upang patigilin siya sa pagmamartsa na parang sundalo."Tigil! Diyos kong bata ka mahilo-hilo na ako sa ginagawa mo! Will you please sit down? Alam mo kung nagsasalita lang ang mga sapatos mo malamang kanina pa iyan nagreklamo!" anang matanda sa kaniya.Napangiwi siya at napaupo sa tabi nito. "I-I just felt n-nervous, Dad." "Nerbyos? Bakit naman?" kunot ang noo na saad ng ama niya.Napabuntonghininga si Andrew at napayuko."Sa result. P-Paano kung. . . nagsisinungaling lang si Nanay? Paano kung h-hindi mo talaga ako. . . anak?" Parang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ni Andrew matapos niyang sabihin iyon.Pero tinapik-tapik ng matanda ang balikat niya dahilan upang mapaangat siya ng tingin dito."Ano ba ang nararamdaman mo, anak? Ano ba sa palagay mo ang sinasabi ng puso mo?" malumanay ang boses na tanong ng ama niya sa kaniya.Natahimik siya. Pinakiramdaman ang sarili, lalo na ang puso niya. "Na. . . anak mo ako." Sambit niya na nakatingin sa mga mata ng ama. Napangiti ang ama at ginulo-gulo ang buhok niya."Iyon naman pala, eh. Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano pa diyan," anito."How about you, Dad? Ano ang nararamdaman mo?" balik-tanong niya sa ama. Nagkibit-balikat naman ito at matiim siyang tiningnan."Anak kita. Iyan ang nararamdaman ko. Hindi puwedeng magkamali ang lukso ng dugo, Andrew," kampante nitong saad at muling tinapik-tapik ang balikat niya."Pero paano kung hindi totoo?" giit pa ni Andrew."Walang magbabago sa pakikitungo ko sayo, Andrew, kahit ano pa man ang resultang lalabas," seryusong sagot ni Daniel.Pero talagang hindi siya mapakali hangga't hindi lumalabas ang resulta. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang maraming tanong."Pero paano nga kung hindi mo ako anak?" nakanguso niyang giit sa ama.Napakamot sa batok ang matanda at tila nagsisimula ng makulitan sa kaniya."Walang magbabago. Anak pa rin kita—""Eh, kung hindi mo nga ako anak?" ungot pa niya.Napahilamos sa mukha ang matanda. Niluwagan din nito ang necktie, at sunod-sunod na bumuga ng hangin."Ang kulit mo naman na bata ka. Sabi ng wala ngang magbabago!" may himig inis na sa tono ng matanda.Pero talagang makulit ang dila niya at hindi niya malaman kung bakit patuloy pa rin siya sa pagtatanong."Kung hindi mo nga ako anak, ano ang gagawin mo?""Diyos kong bata ka naman, Andrew, oh! Alangan naman itapon kita? Malamang anak pa rin kita kahit anong resulta pa ang lumabas! Wala nang magbabago pa roon dahil pamilya mo na kami!" anang matanda na tila nahapo pa matapos sa mahabang pahayag na iyon.Napatayo si Andrew at napakamot sa ulo nito. Nakanguso ang bibig at nakasimangot ang mukha. Binalingan niya ang ama at hinawakan pa ito sa magkabilang balikat at mata sa mata na tinanong."Hindi mo naiintindihan, Dad, eh. Paano nga kung—"Bumukas ang pinto at pumasok si Doctor Romulo. Nang makita niya ito ay mabilis siyang napaupo sa silya na parang estudyante na naabutan ng guro na nakikipagdaldalan sa loob ng klase."Oh, guys, sorry, I'm late. Ang traffic, grabe. By the way, salamat at dumating kayong dalawa," nakangiting pahayag ni Doctor Romulo.Ang ama niya ang nagsalita dahil bigla siyang hindi makapagsalita. Umurong yata ang dila niya."Okay lang, Doc. So can you please read the result already? Hindi na kasi mapakali itong kasama ko," ani ng ama niya sabay baling sa kaniya.Napatikhim naman siya at napakislot pa sa kinauupuan. Lalo rin siyang kinabahan habang tinitingnan ang envelope na ipinatong ni Doc Romulo sa lamesa."Sure. Hindi ko na rin ito patatagalin pa dahil may lakad pa ako, eh. Well. . ." Kinuha ni Doc Romulo ang envelope at binuksan. Inilabas nito ang puting papel at hinarap silang mag-ama.Napalunok si Andrew. Sa tensyon na nararamdaman niya at wala sa loob na napa-akbay siya sa ama ng mahigpit. Siniko naman siya ng ama at binulongan."Para kang nadudumi. Tumigil ka na, nakakahiya," mahinang bulong ng ama niya.Napangiwi siya at nakagat ang pang-ibabang labi."Shut up, Dad." Doc Romulo commented, "Okay. Listen. I will announce the result.""Go ahead," sabat niya. Napatango-tango si Doc Romulo habang binabasa ang resulta. Kapagkuwa'y tiningnan sila isa-isa at bumuntonghininga ito. Lalo namang bumigat ang dibdib ni Andrew. Napayuko siya at hinintay na lang ang sasabihin ng Doctor. Napapikit din siya ng mga mata habang naka-akbay pa rin ng mahigpit sa ama."The result is. . ." Pigil ni Andrew ang kanyang paghinga. "Ninety-nine point ninety-nine percent! Congratulations! Positive! Mag-ama kayo at saka kitang-kita naman iyon sa mukha ninyong dalawa!" masayang komento ni Doc Romulo.Samantalang napatayo naman si Daniel at napapalakpak sa tuwa. Binalingan nito ang anak na natutulala at kaagad na niyakap."I told you hindi nagsisinungaling ang lukso ng dugo!" anito sa anak.Napakurap-kurap naman si Andrew na napapatingin sa ama niyang masayang-masaya ngayon. Parang may kung anong tinik na nabunot sa kanyang dibdib at gumaan iyon. Sa isang iglap ay nawala na parang bula ang mga katanongan sa isipan niya. Ni hindi na nga niya maalala kung ano ang mga iyon. Upang masiguro pa na totoo ang sinabi ng Doctor ay inagaw niya rito ang hawak na papel at siya mismo ang bumasa niyon."P-Positive." He said while shuttering. He then looked at the man standing beside him.Napangiti siya sa ama at inabot ang palad dito upang makipagkamay."It's nice to meet you, Dad," madamdamin na wika niya habang inaabot ang palad sa ama.Wala namang kagatol-gatol na tinanggap nito ang pakikipagkamay niya.Mahigpit nito iyong hinawakan, lalaki sa lalaki."Nice to meet you too, my son." Malapad siyang napangiti at kaagad na niyakap ang ama.Sa wakas ay nasagot na rin ang mga katanongan niya at hindi na rin siya magdududa pa sa sarili.Nakatingin si Andrew sa katulong niyang si Akie Lyn Pangilinan na abala sa pagtitipa sa keyboard ng cellphone nito na kanina pa tunog nang tunog. Bente singko anyos ito, pamangkin ng mayordoma niyang si Melba. Taga Pangasinan ito, graduate ng high school. Hindi na nakapag-aral pa ng kolehiyo dahil hindi kayang tustusan ng ina nito ang pagpapaaral sa dalaga. Limang magkakapatid ang dalaga, ito ang panganay sa magkakapatid at nag-iisang babae. Dahil hindi ito kayang pagpaaralin ng nanay nila ay naki-usap ito sa tiyahin na si Melba na hanapan ito ng trabaho, kahit katulong lang dahil gusto nitong tulungan ang ina sa pagpapaaral sa mga kapatid nito. Wala ng ama si Akie, matagal nang namatay kaya ang ina na lang nito ang naghahanap-buhay.Kaya tamang-tama dahil ng mga panahon na naki-usap ito kay Melba ay sakto namang pabalik sila ni Jenny sa America, kaya sinabi niya kay Melba na si Akie na lang ang kukunin na makakasama ni Jenny sa condo nito.Kinuha ni Andrew ang kape niyang umuusok pa
Hindi na mabilang ni Akie kung ilang beses na siyang pinatawag ng amo sa silid nito. May uutusan siyang ipagtimpla ito ng kape, may ipapalinis ito na kung ano at pati ang pagtutupi ng brief nito ay pinapagawa pa sa kaniya. Wala naman siyang karapatang magreklamo dahil unang-una sa lahat ay kailangan niya ang trabahong ito, kaya heto siya at tahimik na lang na sinusunod ang inuutos ng amo. "Are you done, Akie?" tanong ng amo niya. Nakaupo ito sa isang couch habang nakatingin sa ginagawa niyang pagtutupi sa mga briefs nito. Nakaupo siya sa kama nito at doon tinutupi ang mga bagay na iyon."Yes po, sir," sambit niya. Hindi siya makatingin sa amo dahil namumula ang pisngi niya. Ikaw ba naman kasi ang pagtupiin ng maraming briefs na ito at ang lalaki pa! Natatawa na nga lang siya sa isipan."Okay, good. Pagkatapos mo riyan ay masahihin mo ang balikat ko. Medyo masakit kasi."Sa sinabi ng amo ay napaangat ng tingin si Akie. Nagsalubong ang mga mata nila ng amo, napangiwi siya na wala sa lo
"Faster, Akie! You are going to waste my precious time!"Nanggagalaiting sigaw niya sa babae. Kanina pa ito sa loob ng silid nito pero hindi pa rin lumalabas. Naiinis na siya. Ano ba kasi ang ginagawa nito sa loob?Kulang na lang ay tadyakan niya ang pintoan ng silid nito para lang bumukas iyon."I hate late! Fuck it!" inis pa niyang bulong.Hindi nagtagal ay narinig niya ang pag-click ng lock mula sa loob.Aba't naglo-lock pa talaga! Hiyaw ng isipan niya.Pero hinintay niyang bumukas iyon, ngunit lumipas lang ang ilang segundo ay hindi pa rin iyon nagbubukas. Sa inis niya ay muli niyang tinangka na katokin ang pinto, pero muntikan pa siyang mapabuwal sa kinatatayuan ng bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang pawis na pawis na dalaga."Damn it!" hawak ang dibdib na wika niya dahil sa pagkagulat."Pasensya na, Sir, natagalan. Nagbanyo pa kasi ako!" anang dalaga na pawisan.Napabuga ng hangin si Andrew at mabilis itong tinalikuran."Let's go!" masungit na turan niya. Naramdaman niyang su
Panay ang pabaling-baling ni Andrew sa dalagang nakabukas ang bibig habang mahimbing na natutulog. Sakay sila ng kotse papunta sa Pangasinan. Naiinis siya sapagkat tinulugan siya nito kaya wala siyang makausap ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay napanis na ang laway niya. Hindi niya napigilan ang sarili at napapairap siya sa hangin habang nagkandahaba-haba pa ang nguso.Napabulong na rin siya at bakas sa tono ng pananalita ang pagkainis."Wala man lang makausap! Mabuti pa ang iba diyan ang sarap ng tulog, samantalang ako? Panis na ang laway ko!" Panay ang irap niya sa hangin. Pero matutuluyan na lang yata lahat-lahat ang mga mata niya sa pagtirik ay walang pakialam ang dalaga. Hanggang sa bigla na lamang niya itinigil ang kotse sa isang tabi dahilan upang mapasubsob ang dalaga sa unahan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat, hawak-hawak rin nito ang sariling dibdib."Anong nangyari?!" tila wala pa sa sarili na tanong nito sabay tingin sa kaniya.Napangisi si Andrew. Nagdiriwang ang isipan
Pagkatapos ng mahaba-habang biyahe ay nakarating rin sa wakas sina Andrew at Akie sa Bolinao, Pangasinan. Ipinarada ni Andrew ang kotse niya sa ilalim ng isang malaking puno dahil hindi iyon makapasok sa daan na patungo sa bahay ni Akie. The place is breathtakingly beautiful, tahimik at buhay na buhay dahil sa luntiang paligid, at sagana ito sa magagandang tanawin. Preska rin ang hangin. Well, isa lang naman ang Pangasinan sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas."Ando!"Napabaling si Andrew sa lalaking tinawag ni Akie. Nakangiti ito at patakbong sinalubong ang dalaga. Magkamukha ang dalawa kaya sa tantiya ni Andrew ay kapatid ito ng dalaga."Ading!" Nagyakapan ang dalawa at bakas ang pagka-miss sa isa't isa. "Tara sa bahay, Ading. Kanina ka pa hinihintay ni Inang!" anang lalaki at inakbayan si Akie. Tumalikod ang mga ito at naglakad. Naiwan si Andrew na napasimangot, mukhang nakalimutan yata ng dalaga na kasama siyang pumunta sa lugar na ito. Tiningnan na lang niya ang mga ito na mas
Bolinao falls,Nakasuot ng trunk shorts na kulay blue si Andrew at walang pang-itaas na damit habang palangoy-langoy sa malamig na tubig na nanggagaling sa falls. Ang lamig ng tubig at ang linaw niyon kaya naman maraming turista ang pumapasyal sa lugar. May mga naliligo rin gaya niya, may iba na abala naman sa pagkuha ng mga litrato sa paligid. Mahilig siya sa dagat, mahilig lumangoy. Sa katunayan nga ay pabalik-balik siya sa Palawan noon dahil iyon talaga ang paborito niyang lugar sa Pilipinas. Mayroon siyang rest house doon na pinamana sa kaniya ng amang si Romano, doon rin siya nagpapalamig ng ulo kapag medyo stressed siya sa trabaho.Pero ngayon, mukhang magiging paborito na rin niyang lugar ang Bolinao. Marami kasing magagandang tourist spot sa lugar, marami kang mapapasyalan."Kuya Andrew!" napabaling siya sa batang lalaki. Kapatid ito ni Akie. Nasa gilid ito ng pampang at naglalaro ng mga bato."Hey," nakangiti niyang tugon sa batang si Alexis. Ito iyong bunso sa lahat na magka
"Tagay pa, Mang Isko!" Kinuha ni Andrew ang isang puting gallon na may laman na lambanog at sinalinan niya ang baso ni Mang Isko at pati na rin ang kaniya. Gusto niya lang sana magpahangin kanina pero nakita niya itong kubo na may karatola na 'Lambanog for sale'. Nang una ay hindi siya pamilyar sa inomin na ito, pero nang maka-usap niya ang may ari at pinatikim sa kaniya ang lasa nito ay kaagad siyang um-order ng dalawang gallon. At heto siya ngayon, nakalahati na niya ang laman ng isang gallon and he wants more of it. Ang matanda ay naiiling na lang habang nakatitig sa binata. Kung si Mang Isko ay sanay na sa lambanog, pero ang binata ay sa tingin nito ay hindi sanay sa ganoong inomin.Ayaw niya sana itong pagbigyan kanina dahil ang lambanog na stocks niya ngayon ay medyo may katagalan na at malakas na ang tama niyon kapag iinomin at tiyak na iikot talaga ang mundo mo kapag tinamaan ka ng ganitong inumin. Hindi katulad ng bagong ani na medyo matamis pa ang lasa at hindi ganoon kat
Habang nasa biyahe pabalik ng Manila ay walang imikan sina Andrew at Akie. May pagkakataon na hinuhuli ni Andrew ang mga mata ng dalaga sa pamamagitan ng kaniyang mga titig ngunit masyado itong naging mailap. Napabuntonghininga siya ng malalim. Alam niya kung bakit naging mailap si Akie sa kaniya, iyon ay dahil sa nangyari nakaraang araw. "Galit ka ba?" tanong niya sa dalaga na hindi ito binalingan. Sa kalsada kasi ang atensyon niya habang ito naman ay nakatingin sa labas ng bintana, nakatulala. Magmula nang umusad ang sasakyan ay wala na itong imik hindi katulad ng magpaalam ito sa ina at mga kapatid na todo ito sa pag-ngiti at pagsasalita bagay na siyang ikinaiinis niya. Kung umakto kasi ito ay parang hindi siya nakikita.Muli siyang napabuga ng hangin nang hindi man lang ito nagsalita. Nagsimula na siyang mairita."Will you please talk to me, Akie?" mariin at may pagbabanta niyang untag dito.Subalit katulad kanina ay wala siyang natanggap na sagot."Fuck!" Galit niyang hinampas an