Compartilhar

Chapter:1

Autor: Miss Jesszz
last update Última atualização: 2025-09-10 14:34:49

“Mahal, nasaan ka na ba? Pakiusap, umuwi ka na…” piping hiling niya sa sarili. Halos mangiyak-ngiyak siya nang maalala ang mahal na asawa. Isang linggo na itong out of the country dahil sa negosyong inaasikaso sa labas ng bansa. Kaya naman malaya ang ginagawang pang-aalipusta at pang-aalila sa kanya ni Doña Octavia.

“Kung naririto ka lang, mahal… sana’y hindi ko ito nararanasan ngayon.” bulong niya sa sarili at napahagulgol na lamang sa pag-iyak. Habag at awa sa sarili ang tanging naramdaman. Napasandal siya sa pader nang maramdaman ang pag-ikot ng kanyang paningin. Nasapo niya ang sariling ulo—pakiramdam niya ay mabibiyak iyon sa sobrang sakit. Tuluyan na siyang napasadsad sa pader, nanghihina, para siyang kandilang nauupos… hanggang sa nanlabo na nang tuluyan ang kanyang mga mata.

“Kawawa naman itong asawa ni Senyorito Arkin. Halos gawin na siyang katulong ni Doña Octavia.” ani Arlene habang pinagmamasdan si Elaina, na hanggang ngayon ay natutulog at mataas ang lagnat. Nadatnan nila ito sa laundry area na walang malay. Malamang ay hindi na kinaya ng katawan ang labis na gutom at pagod.

Napailing si Aling Erma. Hindi siya sang-ayon sa mga maling ginagawa ni Doña Octavia kay Elaina. Ngunit sino ba siya para sawayin ang matapobreng donya? Isa lamang siyang hamak na mayordoma.

“Wala tayong magaga—” hindi pa man niya natatapos ang sasabihin, biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto. Iniluwa noon si Doña Octavia. Lahat ng maids ay nahintakutan nang makita ang malupit na donya.

“Sino’ng may sabi sa inyo na tulungan niyo ang babaeng ‘yan?!” galit na sita nito sa mga katulong.

“Isko! Ipasok mo rito ang isang timba ng tubig, bilis!” utos nito sa driver. Wala namang nagawa si Isko kundi sundin ang matapobreng donya.

“Doña Octavia, ano pong gagawin niyo?” ani Aling Erma nang makita ang isang timba ng tubig na may yelo. Agad siyang humarang sa harapan ni Elaina.

“Gigisingin ko lang naman yang hampas-lupa na ‘yan. Kaya tumabi ka diyan kung ayaw mong madamay!” madiing saad nito, sabay tabig sa mayordoma at saka ibinuhos ang isang timba ng malamig na tubig kay Elaina.

Dahil sa gulat, napabalikwas ng bangon si Elaina mula sa pagkakatulog.

“M-Mama…” paos at takot na saad ni Elaina nang makita sa harapan ang galit na naman si Doña Octavia.

“Hoy! Kumilos-kilos ka na diyan at ayusin mo ang sarili mo. Darating si Arkin ngayong gabi!” bulyaw nito sa kanya.

Tila biglang sumigla ang pakiramdam ni Elaina nang marinig iyon. Darating na mamaya ang kanyang asawa! Agad sana siyang tatayo upang ayusin ang sarili ngunit napatigil nang hablutin ng donya ang kanyang braso.

Nangigigil na itinuro siya nito. “Binabalaan kita, Elaina. ‘Wag na ‘wag kang magkakamaling magsumbong sa anak ko kung ayaw mong pati pamilya mo ay madamay sa galit ko! Naiintindihan mo?!”

Napalunok si Elaina sa narinig. Marahan siyang tumango.

“Magaling. At kayo,” sabay lingon sa mga maids, “itikom niyo ang mga bibig ninyo! Kung ayaw n’yong masisante sa trabaho, wag kayong magmamalasakit sa babaeng ‘to!”

Agad na nagmamadaling lumabas ang mga kasambahay, takot na takot sa banta ng donya. Naiwan si Elaina na nanginginig pa rin.

Pag-alis ni Doña Octavia, agad siyang nagtungo sa kanilang silid at inayos ang sarili. Ganoon naman madalas ang nangyayari—kapag parating si Arkin, pinapaganda at pinapabango siya ng kanyang biyenan. Para bang walang nangyaring kalupitan. Kapag kaharap na nito ang anak, biglang nagiging mabait ang donya at kunwari’y maalaga, para hindi mahalata ni Arkin ang totoong pagtrato sa kanya.

Ngunit kapag nakaalis na muli ang kanyang asawa, balik na naman sa pangmamalupit at pagpapahirap ang matapobreng biyenan.

Akala ni Elaina ay maayos na ang lahat. Akala niya’y tanggap na siya ng pamilya Delavega. Pero simula’t sapul, halos isumpa na siya ng mga magulang ni Arkin nang siya’y pakasalan nito.

At sino nga ba naman ang gugustuhin para sa anak nila? Isang babaeng galing sa kahirapan. Walang pinag-aralan. Hindi marunong bumasa at sumulat. Sa madaling salita—mahirap na nga, mangmang pa.

Nang una siyang dumating sa mansyon, maganda ang pakita sa kanya ni Doña Octavia. Akala niya’y totoo na iyon. Pero pakitang-tao lang pala, lalo na sa harap ni Arkin.

Ngayon, unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay ng matandang donya—sakim, malupit, at maitim ang budhi. At iyon ang kinatatakutan ni Elaina: kung ano pa ang kayang gawin ng kanyang biyenan… lalo na kapag wala sa mansyon ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:19

    Hapong-hapon na nang matapos si Elaina sa paglilinis. Masakit ang kanyang likod at mga braso, ngunit pinili niyang huwag magreklamo. Tahimik niyang inayos ang huling kurtina at saka muling tiningnan ang kabuuan ng silid. Malinis. Maayos. Walang kapintasan. Malalim siyang humugot ng hininga. Sa nakikita niya, maayos na nagawa niya ang paglilinis ng guest room. Marahil hindi na siya masi-sermonan ni Donya Octavia. Marahang bumukas ang pinto. Napalingon siya. Napatigil si Arkin sa may entrada ng guest room. Nakasuot pa rin ito ng coat, tila kagagaling lamang sa kung saan. Ngunit ang mga mata nito—agad bumagsak sa kanya. “At bakit ikaw ang naglilinis nito?” Kunot na kunot ang noo tanong sa kanya ni Arkin. Mababa ang boses nito, ngunit nasa tinig nito ang pagtataka. Nagulat siya. “A-Arkin… kanina ka pa?” Hindi ito sumagot. Lumapit ito, mabagal ang hakbang. Tumingin ito sa kanyang mga kamay—may bahid pa ng panlinis. Sa kanyang noo—may manipis na pawis. “Sino ang nag-utos sa’yo?”

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:18

    Dumiretso siya sa dining area. Tamang-tama, naroroon si Manang Erma. Naglilinis ito ng ibang pinagkainan na sa hula niya ay pinagkainan iyon ni Donya Octavia. “Magandang umaga po, Manang Erma.” Nakangiting bati niya sa mayordoma. “Magandang umaga naman, iha. Kakain ka na ba? Sandali lamang at ipaghahain na kita,” tanong nito at akmang titigil sa pagliligpit ng mga nagamit na plato. Ngunit mabilis niya itong pinigilan. Kaya na naman niyang gawin iyon. “Manang, ako na po. Ipagpatuloy ninyo na lang po ang ginagawa ninyo.” “O, sige. Ikaw ang bahala. Kung gusto mo ng kape, may brew na doon sa countertop,” saad nito at muling pinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit. Kumuha siya ng plato at sumandok ng pagkain. Kumuha na rin siya ng kapeng mainit at nagsimula nang kumain. “Manang, si Arkin po?” Hindi niya napigilang magtanong kay Manang Erma. “Ah, si Senyorito—” “Kanina pa nakaalis ang hinahanap mo. May importante silang pupuntahan ngayon ni Priea. At ikaw? Kagigising mo lang? Ha

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   CHAPTER:17(SPG SEXUAL CONTENT!!!(

    “Ah… asawa ko!…” Hindi mapigilan ang halinghing ni Elaina nang ipasok ni Arkin ang pagkalalaki nito sa kanyang pagkababae at ang sunod-sunod na pag-ulos na ginawa nito sa kanyang loob. Hindi niya malaman kung saan niya ipapaling ang sariling ulo. Halos ibaon na niya ang sariling katawan sa malambot na kama dahil sa sarap at kaluwalhatiang pinapalasap sa kanya ng asawa. Hindi pa nga ito nakontento sa pag-ulos na ginagawa sa kanya; gumapang ang kanang kamay nito sa kanang dibdib niya at saka minasahe ang kanyang bundok. Nilaro-laro nito ang kanyang nipple. Halos mapaliyad pa ang likod niya nang sakupin ng bibig nito ang kaliwang ituktok niya at saka mapang-akit na dinilaan iyon. Dahil sa ginagawa ng asawa ay napasabunot siya sa buhok nito. “Ah… A-Arkin… Ah…” Halinghing na muli ang tawag niya sa pangalan ng asawa. Halos tumirik ang mata niya dahil sa sarap na ginagawa nito sa kanya. Bawat pag-ulos nito sa ibabaw niya ay nagbibigay ng kakaibang sarap na hindi niya kayang ipaliwa

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:16

    “P-pasensya na po kayo, Manang. Pati kayo, nagtatalo na dahil sa akin,” hingi ng paumanhin ni Elaina kay Manang Erma. Tigas na pag-iling ang ginawa ng matandang mayordoma sa kanya.“Wala kang dapat hingin ng pasensya, Elaina. Sila ang dapat na humingi ng pasensya sa’yo dahil sa maling asal at pakikitungo nila sa’yo.”“Oo nga, Elaina. Sumosobra na kasi iyang kamalditahan ni Doray. Abay kung magsalita, akala mo kung sino dito sa pamamahay. Eh isang hamak na muchacha lang naman siya. ’Di hamak na mas may karapatan kang magsungit dahil asawa ka ni Senyorito,” gatong na saad ni Arlene sa sinabi ni Manang Erma.Malungkot siyang ngumiti sa mga ito at ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain, kahit nawalan na siya ng gana dahil sa eksenang nangyari kanina. Matapos kumain ay nagpasya na lamang siyang maligo. Medyo nanlalagkit na rin kasi ang katawan niya dahil sa pagtanggal ng mga damo sa paso kanina.Ilang minuto lang din ang itinagal niya at agad na rin siyang lumabas ng banyo. Nagulat pa si

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:15

    Buong akala niya, pagpasok ng mansyon ay matatahimik na ang kalooban niya. Buong akala niya ay nakaalis na si Priea, ngunit nagkamali siya nang maabutan ito sa malaking sala ng mansyon. Prente itong nakaupo roon, animoy isang prinsesa. Nakapaskil sa mukha nito ang saya. Tumatawa ito habang magiliw na kinakausap ang kanyang asawa.Napalunok siya. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Tama nga sina Doray at Sonia. Wala siyang panama sa dating kasintahan ng kanyang asawa. Mayaman, maganda, higit sa lahat, edukada at may pinag-aralan. Maipagmamalaki nga naman ito ni Donya Octavia kung ito ang naging asawa ni Arkin. Hindi mahihiya ang donya na iharap ito sa mga sosyal na kaibigan at mga kasosyo sa negosyo.Kaya sa kabilang banda, hindi rin niya masisi si Donya Octavia kung mas gusto nito si Priea kumpara sa kanya na mangmang, no read no write pa. Hindi nga naman siya maipagmamalaki ng pamilya Delavega dahil sa pagiging walang pinag-aralan niya.Dahil sa mga negatibong iniisip ay unti-unti

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:14

    Dahil sa mga narinig mula sa mga kasambahay ay minabuti niyang huwag na lamang munang pumasok sa dining area. Alam naman niya na kahit ang mga ito ay maliit ang tingin sa kanya. Dahil lang sa hindi siya nakapag-aral—hindi marunong bumasa at sumulat. Tanging si Manang Erma lamang ang tunay na nagmamalasakit sa kanya. Si Manang Erma at si Arkin lamang. Isinuyo na lamang niya kay Arlene ang dala niyang juice at sandwich na para sana kay Arkin. Tumungo siya sa likod ng mansyon at doon ay inayos ang mga halaman. Inabala niya ang sarili sa pagbubunot ng mga damo sa bawat paso. Sa ganitong gawain lamang naman siya sanay—mga gawaing nakasanayan niya sa bukid noong nasa probinsya pa siya. Nalibang siya nang husto. Hindi niya namalayan ang oras hanggang sa tawagin siya ni Arlene. “Nandiyan ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Senyorito Arkin.” Saad nito habang kunot-noong tinitingnan ang kanyang ginagawa. “Ganoon ba? Tapos na ba ang pag-uusap nila ni Donya Octavia?” Naninigur

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status