Share

Chapter:5

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-09-10 14:35:54

“Ouch… damn! Please… be careful.”

mahinang daing ng lalaki sa matatas nitong English.

Napakamot siya sa ulo. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Dahan-dahan niyang inalis ang gasa na nakatakip sa sugat upang palitan iyon. Sa kalagitnaan ng pagtanggal ay napansin niyang may dumikit sa balat ng lalaki. Alam niyang masasaktan ito kapag bigla niyang hinila.

Habang dahan-dahan niyang tinatanggal ang nakadikit na gasa, bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Nang tingnan niya, nakapikit ang lalaki at kagat-labi, tila pinipigilan ang sakit.

“Mr., pu-puwede bang huwag mong higpitan ang pagkakahawak sa kamay ko? Paano ko matatanggal itong gasa kung kay higpit mo?”

nakaingos niyang reklamo. Halos mapapadaing na siya sa sakit ng pagkakahawak nito.

Agad namang binitiwan ng lalaki ang kanyang kamay. Kaya inayos niya ang tatlong unan, pinagpatong-patong iyon at inilapit sa headboard ng katre. Dahan-dahan niyang isinandal doon ang lalaki na halatang hinang-hina pa rin, dahil sa lagnat at sugat nito.

“Aalisin ko na itong gasa, ha? Huwag kang mag-alala, dahan-dahan lang para hindi ka masaktan.”

Hindi ito umimik ngunit tumango. Kaya maingat niyang inalis ang gasa, at nakahinga siya nang maluwag nang magawa niya iyon nang hindi nasasaktan ang lalaki. Pinalitan niya agad ng bago bago pa man muling dumugo.

Nang matapos, akma na sanang lalabas si Elaina ngunit muling hinawakan ng lalaki ang kanyang braso.

“M–may kailangan ka pa ba?” kinakabahan niyang tanong.

“Can you get me… some water, please?”

Nangunot ang noo niya. Muli na naman itong nagsalita sa matatas na English na hindi niya maintindihan. Napakamot siya sa ulo, labis ang hiya at panghihinayang. Napakahirap talaga kung hindi nakapag-aral. Ni simpleng English, hindi ko alam.

“Mr., p-pasensya na, pero hindi po kita maintindihan. H-hindi po ako nakakaintindi ng salitang English.”

Nahihiya man, nagpakatotoo na lang siya. Saglit na natigilan ang lalaki, saka tumitig sa kanya. Napalakas ang kabog ng dibdib ni Elaina. Lalo pa siyang nailang sa nakatutunaw nitong titig.

“Puwede ba akong humingi ng tubig na maiinom?”

“Ah, oo. Sandali lamang at kukuha ako.”

Agad siyang lumabas ng kwarto. Kumuha siya ng malamig na tubig mula sa kanilang tapayan at inilagay iyon sa nag-iisa nilang basong babasagin. Ayaw niyang ipagamit ang kupas na plastic na baso—nakakahiya lalo pa’t halatang galing sa mayamang pamilya ang lalaking ito.

Pagbalik niya sa silid, nadatnan niya itong pilit inaabot ang sahig kahit hirap gumalaw dahil sa sugat.

“Ito na yung tubig mo,”

sabi niya at mabilis na iniabot iyon. Agad namang kinuha ng lalaki at halos isang lagukan lang ay naubos ang laman.

“Sorry… but do you have food?”

Napakunot siya ng noo. Hindi niya na naman maintindihan ang sinabi nito. Ang kulit naman, sinabi ko nang hindi ako marunong ng English. Nahalata iyon ng lalaki, kaya napakamot din ito sa batok at napabuntong-hininga.

“Pasensya na. Baka may pagkain ka riyan. Kahit ano, nagugutom na kasi ako,”

sabi nito sa wakas sa Tagalog sabay haplos sa tiyan.

Agad siyang tumalima papunta sa kusina. Napangiti siya nang makita ang nakasabit na kaldero sa paminggalan. Alam niyang may natira pa kanina sa almusal nila. Siguro ay sinadya ni Aling Mercedes na magtabi para sa kanilang bisita.

Agad niyang ibinaba iyon at tiningnan ang laman.

May kanin at gulay pa naman. Mayroon ding pritong tilapia.

Kumuha siya ng pinggan, sumandok ng kanin, at inilagay na rin ang kaputol ng pritong tilapia. Pagkatapos ay bumalik na siya agad sa kwarto.

Ibinaba niya sa tabi ng lalaki ang dala niyang plato.

“K-kain ka na,”

alok niya, ngunit imbes na kumain, nakatitig lang ang lalaki sa plato. Pagkatapos ay lumipat ang tingin nito sa kanya at marahan na itinaas ang kanang braso.

Nung una ay hindi niya agad nakuha ang ibig nitong sabihin.

“Maari mo ba akong subuan?”

walang kagatol-gatol na sabi ng lalaki.

Napaawang ang bibig niya sa gulat. Hindi niya alam kung susundin ba ang sinabi nito.

“H-hindi ko pa kasi kayang igalaw itong mga braso ko,”

dagdag ng lalaki nang makita ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

Marahan siyang tumango. Siguro naman ay hindi ito masamang tao, bulong niya sa sarili.

“S-sige… w-walang problema,”

ani niya at agad na kinuha ang kutsara. Nilagyan niya iyon ng kanin at ulam bago dahan-dahang isinubo sa lalaki.

Nakailang subo na ito nang mapansin niyang nakatitig sa kanya ang lalaki. Napalunok siya. Agad na pumasok sa isip niya na baka may masama itong balak. Dahil sa kaba, mabilis niyang hinagilap ang kaninang nabitawan niyang kawali.

Inihanda niya iyon at iniamba sa mukha ng lalaki.

Nagkunot ang noo nito. “W-what are you doing?”

takang tanong ng lalaki, halatang naguguluhan.

“Wag mo akong ma-English-English, Mr.! Hindi ko man maintindihan ang mga sinasabi mo, pero marunong akong makiramdam. Isang maling galaw mo lang, tatama itong mauling na kawali sa mukha mo!”

matapang ngunit nanginginig ang boses niyang babala.

Lalong nagkunot ang noo ng lalaki. Maya-maya pa ay napailing ito, saka marahang nasapo ang sariling noo. Pagkatapos ay dahan-dahang sumandal pabalik sa papag, wari bang sumusuko na lang sa sitwasyon.

“Geezz… Do you think magagawan pa kita ng masama sa lagay kong ’to?”

tanong ng lalaki, sabay taas ng kamay at braso nitong may benda.

Napakagat-labi siya. Kung iisipin nga naman, tama siya. Sa kalagayan ng lalaki ngayon—hirap na hirap nga sa pagtayo—halos imposibleng may magawa itong masama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:11

    Chapter 11 “P-para sa akin ang lahat ng ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Elaina sa asawang si Arkin habang nakatingin sa iba’t ibang klase ng school supplies. Nai-excite siya sa mga maaaring magawa roon. Nakangiting tumango sa kanya ang asawa. “Yes. Para sa’yo ang lahat ng iyan, Mahal.” Nakangiting sagot ni Arkin sa asawa. Masayang nilapitan ni Elaina ang mga kagamitang pang-eskwela. Inisa-isa niya iyong hawakan. Kahit hindi man sabihin sa kanya ni Arkin, alam niyang mamahalin ang mga kagamitang binili nito para sa kanya. Hindi man siya marunong bumasa, ngunit kahit paano ay marunong siyang tumingin sa kalidad ng mga gamit. “Nagustuhan mo ba, Mahal?” Malambing na tanong sa kanya ni Arkin. Nakangiti siyang tumango sa asawa. Para siyang isang paslit na nabilhan ng laruan ng magulang. Sobrang saya niya dahil unti-unting natutupad ang mga pangarap niya. Kinuha niya ang isang lapis at notebook. Excited siyang masulatan iyon. Ngunit agad din niya iyong binitawan at b

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:10

    (Donya Octavia) Pabalang niyang ibinato ang mamahaling bag sa kama. Galit na galit siya. Kalat na-kalat na kasi ang balita na nagpakasal ang kaisa-isang anak niyang si Arkin sa isang mahirap, hindi lang iyon, kundi sa isang babaeng hindi marunong bumasa at sumulat. “Hindi maaari ito, Minandro. Kumakalat na ang katangahang ginawa nang anak mo. Kailangan mapatay natin ang isyu tungkol kay Arkin. Kung magpapatuloy ito at malalaman ng mga tao—lalo na ng mga ka-negosyo natin—ang totoo, at hindi iyon maaari! Pagtatawanan tayo ng mga ka-negosyo natin, Minandro Magiging mababa ang tingin sa atin ng mga tao! At iyon ang ayaw kong mangyari.” Malalim na bumuga ng hangin ang matandang Don, at napailing sa kawalan. “Ano ka ba naman, Octavia? Mas importante pa ba sa’yo ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa nararamdaman nang anak mo? Kung malaman man nila ang katotohanan, wala na tayong magagawa dahil iyon ang totoo.” Mahinahon ang sagot ni Don Minandro sa asawang paroon-parito ang gawa. K

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:9

    Matamis niyang nginitian si Priea at tumango rito. “Beautiful…” ani niya at saka inalalayan ang babae. Pagkatapos mamili ay nagyaya si Priea na kumain sa paborito nilang restaurant noong sila pa ng babae. Napatigil siya sa ginagawa nang masuyong hawakan ni Priea ang kamay niya. “Do you still remember our sweet memories in this restaurant?” masuyong tanong sa kanya ng babae at matamis na ngumiti sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at marahan na tumango. “Yeah, of course. Dito tayo nagkakilala, at dito ka rin nakipaghiwalay sa akin, four years ago,” ani niya at gumuhit sa mata ang lungkot. Muli niyang naalala kung paano siya nagmakaawa noon kay Priea upang huwag lamang siya nitong iwanan. Ngunit sa huli, mas pinili ng babae ang career nito kaysa sa kanya. “I’m sorry for what I did. But I’m here now, Arkin. Pwede ulit tayong magsimula. Pwede na tayong magsama, gaya ng gusto mo noon. Pwede na tayong bumuo ng pangarap nating pamilya.” “And how can I do that? You kn

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:8

    Magaan siyang ngumiti kay Manang Erma at mariing umiling sa matanda. “Wala po kayong kasalanan, Manang. Nagpapasalamat nga po ako dahil kahit paano, tinutulungan ninyo ako kahit na puwede ninyong ikapahamak iyon.” Mabigat na nagbuntong-hininga si Manang at umiling. “Sa totoo lang, iha, kung ako ang masusunod, matagal ko nang isinumbong yang si Octavia kay Arkin.” Nanlaki ang mata ni Elaina at matigas na umiling sa matandang mayordoma. Kapag ginawa nito iyon ay mapapahamak ito, higit sa lahat ang kanyang pamilya sa Quezon. “Manang, nakikiusap po ako sa inyo, ‘wag na ‘wag n’yo pong sasabihin kay Arkin ang mga ginagawa sa akin ni Mama. Maaaring ikapahamak mo iyon at ng pamilya ko po, Manang.” Napailing na lamang sa kanya si Manang. “Alam ko, Elaina. Ngunit hanggang kailan ka magtitiis kay Donya Octavia? Hanggang kailan ka magtitiis sa mga pananakit niya sa’yo,sa mga pagpapahirap?” Panandalian siyang natigilan sa tanong na iyon ni Manang Erma. Hanggang kailan nga ba siya m

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:7

    Imbes na bumaba at salubungin niya ang asawa ay nagmamadali siyang bumalik sa kanilang kwarto ni Arkin. Nasapo niya ang sariling dibdib. Tila nanlambot siya sa nakita niya. Alam niya na gentleman ang asawa niya, pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos. Lalo pa at dalawang linggo din silang hindi nagkita ng asawa.   Bakit ganoon, imbes na siya ang unahin nito, hindi—dahil may iba pala itong kasama sa pag-uwi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda sa asawa. May tiwala siya kay Arkin. Isa pa, pinanghahawakan niya ang mga sinabi nito sa kanya.   Sunod-sunod na pagbuntong-hininga ang kanyang ginawa at nagdesisyon na muling bumaba upang salubungin ang kanyang asawa. Ngunit nagtaka siya nang pagdating niya sa malawak na sala ay wala na roon ang kanyang asawa, maging ang babaeng kasama nito ay wala din doon. Nagtungo siya sa kusina at doon niya naabutan ang mayordomang si manang Erma.   “Ikaw pala, Elaina, may kailangan ka ba?”   Nakangi

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:6

    Mapait siyang napangiti nang maalala kung paano niya nakilala ang asawang si Arkin. Naaksidente ito, at sa kabutihang-palad ay nakita ng kanyang ama at kapatid. Nang gumaling ang lalaki, inakala niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit laking gulat niya nang isang araw ay naging bisita nila ito. Ang pagbisita ni Arkin nang minsan ay nasundan pa ng maraming beses. Kalaunan, naglakas-loob itong magtapat ng damdamin sa kanya. Subalit dahil sa malaking agwat ng kanilang estado at uri ng pamumuhay, tinanggihan ng dalaga ang panliligaw ni Arkin—kahit pa hindi na niya maitatangging may nadarama na rin siya para sa binata. “Kayraming babae riyan na kasing-lebel mo—mayayaman, magaganda, at higit sa lahat, edukada. Bakit ako? Na simula’t sapol alam mong hindi marunong sumulat at bumasa? Bakit ako, na isang anak-mahirap at mangmang?” ani Elaina kay Arkin, lihim na nasasaktan sa pagtanggi sa pag-ibig na buong pusong iniaalay sa kanya ng binata. Buong akala niya ay titigil na sa pan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status