Noong araw na iyon, totoong nagpunta si Darryl sa Mount Hua. Gusto lamang manatili ni Audrey sa punong hall at sulitin ang tiyansang makita ang lalake.Lumubog ang mukha ni Levi nang makita nitong hindi siya sinunod ng babae, magagalit na sana siya.‘Mas lalong sumusuway si Audrey.’“Master, hayaan mo ako…” Dali-daling lumapit si Laurel at sumigaw. Pagtapos ay banayad niyang kinausap si Darryl. “Baka mayroon pang ibang gagawin ang Senior Sister. Dadalhin kita papuntang bodega ng mga elixir.”Alam niyang si Darryl ang pinakahinangaan ng kaniyang Senior Sister. Paniguradong hindi siya aalis ng ganoon lang kung naroon si ‘Darryl’.“Hmm!” Hindi isinapuso ni Darryl ang ganoong sitwasyon. Tumango at aalis na sana siya sa punong hall kasama si Laurel.Magtapos niyang humakbang ng ilang beses ay nagkaroon ng ideya si Darryl at binago niya ang kaniyang isipan. ‘Paniguradong may binabalak ang impostor kaya siya nagpunta sa Mount Hua. Kaialngan kong manatili para makita ang mga pangyayari.’
Sa katotohanan, nagmula ang Bloodwing Battlegear mula sa sinaunang libingan ng Lu Bu. Nitong mga nakaraang taon nang bumaba ang sinaunang libingan ng Lu Ba mula sa Mount Hua, ang mga elite mula sa mga iba't ibang sekta ng Nine Mainland ay nagtipon-tipon. Kalaunan, sina Darryl, Zhu Bajie, at ang iba lang ang nakahanap ng totoong Hall ng Fame ng Lu Bu. Sa kabila ng mga pagsubok, nakayanan ni Darryl hanapin ang Blood Battle Eight Directions Scripture ng Lu Bu. Dagdag pa 'ron, niregaluhan din ni Diaochan si Darryl ng Heavenly Halberd. Gayunpaman, sa sinaunang libingan ng Lu Bu, maliban sa sikretong manwal ng Lu Bu at sandatang armas, mayro'n din silang Bloodwing Battlegear, na siyang sinuot ni Lu Bu tuwing giyera. Gawa ito sa katangi-tanging paggawa at lubhang pinatibay. Sinabi rito na kaya nitong salagin ang mga atake ng pangunahing sandata ng hukbo. Sa madaling salita, kumpara sa Heavenly Halberd, ang Bloodwing Battlegear ang mas mamahalin. Sa sinaunang libingan ng Lu Bu, kinuha
Sa pagkakataong 'yon, sumulyap si Darryl kay Levi at sabi, "Kasama ang salamangka na nilikha ni Sect Master Darby. Hindi ko na kailangang guluhin si Sect Master Schwaznero para kuhain ang panloob na kaibuturan ng engkantadong hayop ng Mount Hua."Taos-pusong tumingin si Darryl, pero ang mga mata niya ay kumikislap ng katusuhan. 'Sa kabila ng maraming asosasyon ng salamangka sa Nine Mainland, mayro'n pa ring pagkukulang sa mga Elixir Master, at mayro'n lang ilan sa komunidad. Mamaya, kapag hindi nakakagawa ng salamangka ang lalaking 'to, lalantad din ang pagkakakilanlan niya.''Ito ay...'Nang marinig ang kahilingan ni Darryl, biglang kinabahan ang mukha ni Salvatore sa likod ng maskara niya habang lumalaki ang galit niya. 'Hindi ako si Darryl! Paano ako makakagawa ng salamangka?'Sa parehong oras, sina Levi, Audrey, at Laurel ay gulat na tumingin kay Darryl. Hindi nila inasahan na ang disipulo ng Elixir Sect ay walang hiyang sasabihan si 'Darryl' na gumawa ng salamangka para sa k
'Tsaka, ang kapatayan ng isang disipulo sa Elixir Sect ay hindi magiging usap-usapan.''Bwisit!'Nang marinig ang sinabi ni Salvatore, nagulat si Darryl, at sa loob niya, natatawa siya sa kanyang sarili. 'Hindi na tanga ang lalaking 'to, ayos na rin. Nakahanap siya ng palusot ng gano'n kabilis!'Habang nag-iisip sa kanyang sarili, humalakhak si Levi at sabi, "Darren, dahil sinagot ka na ni Sect Master Darby, kailangan mo nang kuhain ang panloob na kaibuturan ng engkantadong hayop mula sa warehouse ng salamangka."Hindi alam ni Levi na binigyan na niya ng pabor si Salvatore pagkatapos marinig ang sinabi niya. 'Heh.' Patagong umismid si Darryl. Paano niya hahayaang lokohin siya ni Salvatore ng gano'n kadali? Gusto pa niyang magsalita. pero bago niya gawin. Pinutol na siya ni Audrey. "Walang hiya talaga ang lalaking 'to." Naglakad si Audrey sa kanya nang nakahawak ang mga kamay sa kanyang baywang at pinagalitan si Darryl. "Sinagot ka na ni Sect Master Darby. Ano pang gusto mo?!
Habang nagsasalita si Laurel, hindi niya maiwasang umiling at tumingin sa direksyon ng pangunahing bulwagan na may kakaibang kisap sa kanyang mga mata. Emosyonal niyang sinabi, "Ang ganda siguro kung tulad ako ni Senior Sister, at magkakaroon ako ng lakas ng loob na kausapin si Sect Master Darby?"'Ah...' Natagpuan ni Darryl ang kanyang sarili na natuwa sa taos pusong pagtatapat ni Laurel. 'Mukhang taga-hanga ko rin siya.'Ngumiti si Darryl at sinabing, "Actually, hindi naman kailangang kabahan. Kahit na si Darryl ay kilala sa buong Nine Mainland, hindi siya aloof at hindi madaling lapitan. ""Totoo ba 'yan?" tanong ni Laurel habang iniisip ang sarili.Tumango si Darryl. "Syempre! Hindi ka maipaliwanag na kinakabahan dahil hindi mo makita ang mukha ni Sect Master Darby. Kapag tinanggal niya ang kanyang maskara ng ginto, malalaman mo na talagang madali siyang pakisamahan."Naisip ito ni Darryl. 'Dahil sa aking kasalukuyang kalagayan, mahirap para sa akin na ilantad ang mapagpanggap
Habang iniisip ni Salvatore sa sarili, muli niyang tinitigan si Audrey.'Tila lubos na hinahangaan ng disipulong ito si Darryl. Kung magdamag ako rito, marahil ay matatamasa ko ang lambing ng isang magandang babae.'Si Salvatore, bilang babaero, tumango sa alok ni Levi nang walang pag-aatubili. "Nagagambala ko pa kayo, kung gano'n.""Hindi naman, Sect Master Darby." Nang makita si Salvatore na sumang-ayon, si Levi ay nakaramdam ng ginhawa sa loob niya habang sinasabi ito nang nakangiti, "Karangalan ng Mount Hua na manatili ka rito."Pagkatapos, sinabi niya kay Audrey, "Dalhin na si Sect Master Darby para magpahinga. Tandaan, walang pagkaantala. Narinig mo ako?""Huwag kang mag-alala, Master." Tumango si Audrey. "Aalagaan ko ng mabuti ang Sect Master Darby."Pagkatapos, dinala niya si Salvatore mula sa pangunahing bulwagan at nagtungo sa isang silid ng panauhin sa likuran."Sect Master Darby!" Matapos pumasok sa silid, nakangiting nagsalita si Audrey, "Ito ang silid kung saan ka
'Bwisit!'Nang makita ang ugali ni Audrey, sumimangot si Darryl at hindi makapagsalita. 'Wala ba sa pag-iisip ang babaeng 'to?"Sa pagkakataong 'yon, hindi na kayang tiisin pa 'to ni Laurel at sinabi kay Audrey. "Senior Sister, pakiusap huwag mong gawin 'to. Sinabi na ni Master sa pangunahing bulwagan na tulungan si Darren!""Masyado kang mabait, Junior Sister," singit ni Audrey. "Ang lalaking 'to ay isa lang disipulo ng Elixir Sect, at wala siyang reputasyon sa komunidad. Ginawan na siya ng Mount Hua ng isang malaking pabor sa pamamagitan ng pagtulong. Bakit sobrang bait mo sa kanya?"Pagkatapos, tumalikod at tiningnan ni Audrey ang silid kung saan nagpahinga si Salvatore, dagdag niya, "Kung may oras ka, bakit hindi mo ako samahang kilalanin si Sect Master Darby ng mas mabuti? Kukuha lang ako ng ilang alak ng prutas para kay Sect Master Darby. Samahan mo ako mamaya."Nang binanggit ni Audrey si Salvatore, nakaramdam siya ng pagmamalaki sa sarili at naramdaman ang paru-paro sa kan
'Ito ay...'Sa sandaling 'yon, napailing si Laurel at napatingin kay Darryl nang blangko habang humihina ang kanyang mga binti, halos mawalan ito ng balanse.'Akala ko isa lang siyang normal na disipulo ng Elixir Sect. Siya pala si Darryl, sikat sa buong Nine Mainland!'Nang hindi tinatanong si Laurel, saglit na nagsalita si Darryl tungkol sa kanyang karanasan.Sa dulo, pinilit ni Darryl ngumiti at sabi, "Pumunta ako ng Mount Hua para bisitahin ang Master mo. Inisip ko na may gumagaya sa'kin."Nang marinig ang salaysay ni Darryl, nagsimulang bumaba si Laurel habang hindi napigilang sabihin, "Ikaw ba talaga ang totoong Darryl?""Ang nag-iisang Darryl." Tumango si Darryl at kinuha ang Gold Emperor Token na dinala niya. "Ito ang Gold Emperor Token ng Godly Region, na sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng Heaven Emperor. Ibinigay ito sa akin ng Heaven Emperor, at may isa lang sa mundong 'to."Sa pagtingin sa Gold Emperor Token, si Laurel ay hindi na nagdududa. Gayunpaman, "Ngunit, bakit