LOGINNora
“I am now letting my daughter handle the company.” Nasa board meeting kami at si Rod ang nagsalita.
Napaliwanag na nila sa akin ni Esmeralda ang mga pangyayari at sa desisyong ito ay hindi nila maiwasan ang mag-alala dahil sa mga pwedeng mangyari sa akin para lang matanggal ako sa posisyon.
“Rod, kalalabas lang ni Emily ng hospital, hindi ba dapat ay nagpapagaling pa siya?” Tinignan ko ang may edad na babaeng nagsalita at sa hilatsa ng mukha niya ay alam ko na ayaw niya sa akin lalo na ang maging CEO ako ng Hills Group.
“I'm still here, wala kayong dapat na ikabahala dahil gagabayan ko siya.”
“Sapat ba yon? She's the one who will make a decision and not you,” pilit pa ng may edad na babae. Kita ko na pinipilit niyang maging kalmado at magmukhang mabait, pero hindi niya ako maloloko.
“Isa pa, Rod.” Nabaling ang tingin ko sa isa pang lalaki. “Alam naman natin kung ano na ang nangyari sa kanila ni Mr. Bennett. Numero unong client natin ang kumpanya niya, hindi ba mas mabuti kung hayaan na lang natin na si Corrine ang–”
“I understand your concern, Joshua. But Emily is my daughter at walang ibang pwedeng magmana ng Hills Pharma kung hindi siya. Her marriage with Asher has nothing to do with our company.” Madiin at may halong pagbabanta ang boses ni Rod. Masasabi ko na napakaswerte ng may-ari ng katawan na ito dahil sa mabuti niyang mga magulang. Yun nga lang, ang tanga niya sa pag-ibig.
Habang nakikinig ako sa kanila ay nilalaro ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng mesa na akala mo ay nagpi-piano. Paraan ko rin yon para makapag-isip at sa ingay ng mga nasa paligid ko ay hindi ko mapigilan ang mairita kaya naman bigla akong tumigil sa paggalaw.
Kasunod non ay napansin kong tumingin sila lahat sa akin. “Wala ba akong karapatan na maging CEO ng kumpanya na tinatag ng sarili kong ama?” tanong ko, seryoso ang mukha at sigurado ako na tila walang buhay ang aking mga mata. That's how I was.
“Hindi naman sa ganon, hija. Kaya lang ay–”
“What's your name again?” tanong ko sa matandang babae na nagsasalita kanina. Alanganin siyang ngumiti, marahil ay hindi niya nagustuhan ang pagputol ko sa sinasabi niya.
“I’m Clara Williams, I own 5% of the company share.” I snorted after I heard that.
“A measly 5% and you dare to question my appointment?” taas ang kilay kong tanong. Narinig ko ang pagsinghap ng lahat. Nagbaling ako ng tingin kay Rod at kita sa mukha niya ang diabelief.
“Emily, what are you saying?” Napahawak pa sa kanyang dibdib si Clara na akala mo ay inapi.
“Anyway, who the hell is Corrine?” tanong ko pa.
“She's my d-daughter,” alanganing tugon ni Clara. Tinignan ko siyang mabuti.
“Emily, alam namin na masakit ang hiwalayan ng asawa. Ngunit sinasabi lang namin na maaaring makatulong si Clara dahil–”
“Kabit siya ni Asher ganon ba?” patuloy ko sa sasabihin pa ng may edad na lalaki.
“You've gone too far!” bulalas ni Clara.
“Bakit, hindi ba? Sino ba ang nakadikit kay Asher lagi kahit na alam na mag-asawa na kami?” tanong ko pa. Natigilan ang mga board, lalo na si Clara.
Nabanggit ng aking mga magulang na malakas ang hinala nila na si Corrine nga ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Asher. I mean, nila pala ni Emily.
Napag-alaman ko din na ang pamilya Hills ang tumulong sa pamilya Bennett para iahon ang kanilang kumpanya three years ago.
Mahal na mahal ni Emily si Asher kaya naman pinahiram ng pamilya Hills ang lalaki ng napakalaking halaga upang makabawi ito.
Literal na inahon ng pamilya Hills ang mga Bennett sa hirap tapos ganon lang ang gagawin ni Asher?
“Tapos ngayon, gusto niyo na isang ahas ang mamahala sa kumpanya? Paano kung magising na lang tayo na ubos na ang pondo ng Hills Pharma?” Nagtinginan ang mga board member. Alam nila na may punto ako.
“Sobra ka na, Emily!” Hinampas pa ni Clara ang kamay sa lamesa bago napatayo. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko patungkol sa kanyang anak.
“May mali ba sa sinabi ko?” nakangisi kong tanong. Tapos ay isa-isa kong tinignan ang iba pang board members na ngayon ay hindi na rin makatingin ng diretso. Sigurado akong nagdududa na rin sila kay Corrine.
“Since nakuha nyo na ang punto ni Emily, sa palagay ko ay wala na tayong dapat na pag-usapan pa. My daughter is smart, alam nyo yan. The company has been compromised ng magdesisyon akong tulungan ang Bennett Group, but that will never happen again. Nakita nyo naman na siguro kung gaano kadesidido ang anak ko.” Tumango ang board sa sinabing iyon ni Rod. Pero si Clara? Kita ko pa rin ang galit sa kanyang mga mata. But I don't care.
“I would like to announce that there will be some changes in the company soon. While in the hospital ay nag-isip ako ng mabuti kung paano pa mapapalago ang kumpanya. And I hope na sama-sama tayong tatahak sa landas ng tagumpay,” nakangiti kong sabi pero pilit kong pinakita sa kanila na hindi ako basta-basta.
Natapos ang meeting na wala na akong narinig pa na kahit ano mula kay Clara at sa isa pang lalaking nagngangalang Joshua.
Kami ni Rod ang nahuling lumabas ng boardroom at dumiretso kami sa kanyang opisina kung saan nadatnan namin si Esmeralda na naghihintay kasama si Matt na assistant ni Rod.
“Anak, okay ka lang ba? Wala bang nagsalita sayo ng hindi maganda?” nag-aalalang tanong ni Esmeralda na tumangging sumama sa amin kanina dahil hindi daw niya gusto kung paano mag-usap ang mga board member. Kita daw sa mukha ng mga ito ang pagiging peke na sinang-ayunan ko naman.
“You won't believe it, Esme. Napakatapang ng ating anak. Kahit ako ay hindi makapaniwala.” Bakas ang pagmamalaki sa mukha at tinig ni Rod habang sinasabi iyon.
Nang tignan ko si Esmeralda ay bakas ang disbelief naman sa kanya. Parang tinubuan ako ng sungay kung makatingin siya.
“Matapang? The board didn't ate her alive?” tanong niya, halatang hindi makapaniwala pero may himig ng pag-aalala habang hinawakan niya ang aking kamay.
Rod chuckled before looking at me intently. “I don't know what happened but I like the version of Emily now. No doubt, masaya ako na mabuti siyang tao. Mabait, mapagmahal, mapagpatawad at mapagkalinga. But those qualities were exactly the reason why people, even her own husband, stepped on her.”
Ang lahat ay nakatutok ang mga mata sa akin, hinihintay na may sabihin akong kahit ano. Siguro ay kahit na maikling paliwanag kung bakit tila nag-iba ang personality ko.
“I just didn't want them to think that I am a pushover. I realize, I am your daughter. Sobrang mahal nyo ako na ni hindi nyo man lang hinayaan na kahit lamok ay madapuan ako kaya bakit ko papayagan ang ibang tao na tratuhin akong tila isang walang silbi at kwentang tao?” Nakita ko ang pangingilid ng luha ng Esmeralda matapos kong sabihin iyon. Kasunod ay ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.
Hindi ko inaasahan ang kakaibang pakiramdam na lumukob sa akin. My father loves me so dearly. He would protect me with his life. But what Esmeralda is making me experience now was something different.
Umangat ang kamay ko upang yapusin din siya. Sa ngayon, sila ni Rod ang pamilya ko. Wala pa rin akong maisip na paliwanag para kay Dante na aking kanang kamay kaya hindi pa ako pwedeng magparamdam sa kanya.
Paano ko sasabihin sa kanya na ako ito? Na ako si Nora Dumont ang pinakakinatatakutang underground organization leader habang nasa katawan ni Emily Hills na kilala bilang isang doormat?
Tsk!
AsherHabang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.Until that day.Until the hospital.She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadi
Nora“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.“Mrs.
AsherIsang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.Hindi ako nagkamali
Asher“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang,
NoraHindi na nakapagsalita pa si Asher dahil biglang dumating sina Rod at Esmeralda. “Anong ginagawa mo dito?”“Dad,” sabi ni Asher ng lingunin si Rod. Ngunit matalim na tingin ang pinukol sa kanya ng matanda. “Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi kita anak.” Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng labi ni Asher pati na ang pagkuha ng kanyang kamay na para bang nagpipigil na sumagot.“Bakit ka pa nandito, hindi ba at divorce na kayo ng anak ko?” Malumanay ang boses ni Esmeralda pero halata ang hostility.“I canceled the application for our divorce.” “Ano?” bulalas ng mag-asawang Hills. Kita sa mukha nila ang pinaghalong gulat, galit at pagkadismaya.“Asawa ko pa rin si Emily at nandito ako upang iuwi siya,” sabi ni Asher.“Hindi ako uuwi sa bahay mo. We're done. I am done with you,” singit ko sa usapan nila.“Ang mabuti pa Asher ay umalis ka na muna. Kung hindi mo alam ang gulong sinuong mo ay mabuti pang mag-isip-isip ka. Hindi kami papayag ni Rod na dalhin mo ang anak namin pagkat
NoraDinala ako ng waitress sa isang medyo sulok na bahagi ng restaurant. Pabor sa akin, at least pwede akong makapag-observe ng mga pumapasok at lumalabas dito.Naupo ako, facing the entrance. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa loob ng isang private room na nasa bandang kanan ko. Alam kong one way mirror iyon kaya hindi ko kita ang loob pero kitang-kita ako ng kung sinumang nandoon.“Here's the menu. Kung may order na po kayo ay pwede nyong pindutin ang button na nasa gitna ng table.” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng waitress bago ako tumango. First time kong kumain dito dahil palagi akong nasa private room. May button din sa loob pero sa dingding naman nakakabit. “No need. Mabilis akong mag-order. Pwede mo ng kunin ngayon.” Pagkasabi ko non ay agad akong namili sa menu.Simple lang naman ang gusto ko at kahit nasa katawan na ako ni Emily ay hindi iyon nagbago. Seafood.Oh, I love seafood.Walang pag-aatubili, nilista na ng waitress ang lahat ng







