Share

Chapter 4

Author: R.Y.E.
last update Huling Na-update: 2025-12-22 11:20:42

Nora

Dalawang linggo ang nakalipas at narito na ako sa opisina ni Rod bilang bagong CEO ng Hills Pharma and officially took over Rod's position and title. “Ma'am, ito na po ang financial report from the last couple of years.”

Tinignan ko ang mga folder na nilapag ni Matt sa aking office table. Tumango ako bago ko inangat ang aking kamay, indikasyon na pinapaalis ko na siya. I was always like that. Minsan naman ay tinatanguan ko lang si Dante at alam na niya ang gagawin.

Umayos ako ng upo at sinimulan tignan ang mga folder matapos tuluyang sumara ang pintuan.

Hindi ako maalam sa mga gamot na yan, pero pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo ay hindi ako magpapahuli. Maraming legal na negosyo ang aking organisasyon and I don't need to show my face. 

I run the business na may mga nakafront na tao na siyang humaharap sa kahit na sinong dapat na makakatransact ko.

Reading the financial report, masasabi ko na maganda ang pagpapatakbo ni Rod sa kumpanya.

Ito ang una kong tinignan dahil gusto kong malaman ang tunay na pagkatao ng mag-asawang Hills. Malay ko ba kung may illegal activities pala sila? 

Hindi ako nagmamalinis, pero naniniwala ako na kailangan panatilihing matino ang isang kumpanya kung legal din naman ito. Hindi na kailangan pang haluan ng kalokohan. Iba pa rin kapag alam mong may mga negosyo kang sasagip sayo pagdating ng panahon.

Saglit lang at natapos ko ng pag-aralan ang financial status ng Hills Pharma.

Ngunit ang kinakataka ko, sa kabila ng magandang pamamalakad ni Rod, bakit nagdedecline pa rin ang Hills Pharma? Kailangan kong tignan ang iba pang anggulo na may kinalaman sa cash flow ng kumpanya.

Ngayon naman ay gusto kong malaman ang simula nito. 

Pinindot ko ang intercom at sinabi kay Matt ang aking nais. 

“Right away, Ma'am,” tugon niya kaya dinismiss ko na siya.

Hindi nagtagal at pumasok na si Matt bitbit ang kailangan ko na agad kong tinignan. Gusto kong maimpres dahil sa humble beginning ni Rod Hills.

So, Hills Pharma started after Rod returned from abroad. That time, kasama na niya si Esmeralda.

Dating pharmacist si Rod na naging pharmaceutical chemist. So, nilaan niya talaga ang buong buhay niya para sa kumpanya.

Halos patapos na ako ng biglang may kumatok.

“Come in,” sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa aking binabasa. Hinintay kong magsalita ang pumasok na alam kong nakatayo na sa harap ng table ko. “Speak,” sabi ko.

“Is that how you treat a guest?” Dahil sa narinig ko ay tumaas ang aking kilay kasunod ang pag-angat ko ng tingin.

“All I see is trash,” sabi ko.

“Emily!” sigaw ni Asher.

“Sa lahat ng ayaw ko ay yung sinisigawan ako ng isang taong wala naman bilang sa buhay ko. Wala akong naaalala kung ano ang mga ginawa mo sa akin, but one thing is sure, I don’t like you. I don’t like to see your face. I don’t like to see a man na umasa sa isang babae para lang makaahon sa hirap.”

Natigilan si Asher, ang mga mata ay titig na titig sa akin na parang hindi makapaniwala.

“W-What did you just say?” utal na tanong niya.

“Oh, did I stutter? Gusto mong ulitin ko pa?” tanong ko din sabay sandal sa aking upuan.

Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay, halatang nagpipigil ng galit at isang damdamin na hindi ko mapangalanan. But I don’t need him to do that.

“I came here para sunduin ka at samahan na iurong ang pagproseso ng ating divorce. And now you’re telling me those words?” naniningkit ang mga matang sabi niya.

“At bakit ko naman ica-cancel ang ating divorce? Ano ako, bale? I was insane when I asked my parents to help your family. Hindi na ako ganon kabaliw para bawiin pa ang divorce na ikaw mismo ang nag-offer.”

“Emily Bennett!” sigaw niya. Naningkit ang mga mata ko at kung pwede lang ay napilipit ko na ang leeg niya. But I can’t do that, I am Emily Hills now at hindi si Nora Dumont. I need this body para sa sarili kong kapakanan.

“Emily Hills. That’s my name. Wala na akong kinalaman sa pamilya mo. Ang pagtulong na binigay ng mga Hills sayo ay ituring mo ng abuloy mula sa akin para sa buong pamilya mo.”

“What–” Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita.

“Now, get out bago pa ako tumawag ng security at ipakaladkad ka palabas.” Pagkasabi ko non ay muli kong tinuon ang aking mga mata sa aking binabasa. Naramdaman ko ang may ilang saglit na pagtayo ni Asher  bago naglakad papunta sa pintuan.

Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. Hindi ako si Emily para paganahin ang puso. I am not as stupid as her.

Siraulo ba siya?

After kong ipaalam sa mag-asawang Hills na sinabi sa akin ni Asher na nagfile na siya ng divorce ay desidido na silang ilayo ako sa kanya. Kaya nga sa bahay na nila ako pinauwi pagkagaling sa hospital.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. I want to learn how this company works.

Bilang Emily Hills, I need to protect what was mine.

Before lunch ay natapos na ako sa pagbabasa. Sumakit ang ulo ko pero worth it naman.

Tinawag ko si Matt at pinalinis ang aking table.

“I'm going out for lunch.” Tumango sa akin ang lalaki at hindi na nagsalita pa habang ako naman ay naglakad na palabas ng aking opisina. 

Alam ko na ang pupuntahan ko kaya naman pagsakay ko ng kotse ay agad akong nagmaneho papunta sa paborito kong restaurant bilang Nora Dumont.

Pagpasok ko ay sinalubong ako ng magiliw na ngiti ng waitress. As always, very accomodating ang mga staff. 

“Do you have a reservation?” tanong ng waitress. 

“No.” Natigilan ang babae pagkasabi ko non. 

“I'm sorry, Ma'am. Pero kailangan nyo po munang magpareserve.”

Alam ko naman yon, pero sinubukan ko pa rin.

Ang restaurant na ito ay madalas na puntahan ng mga mayayaman at mga taong kagaya ko bilang si Nora. 

Ang isang Emily Hills na nakatayo ngayon sa harap ng waitress ay malayo sa uri ng customers nila.

Huminga ako ng malalim, hindi ko madadaan sa galit ang kahit na sino dito dahil hindi naman nila ako kilala.

“I'm really hungry, gusto ko lang makakain na at ito ang una kong nakita habang nagda-drive.” Nilambingan ko ang aking boses, yun para bang wala akong kakayahan manakit kahit na lamok.

“I'm really sorry, Ma'am. But we have rules.” Apologetic ang dating ng babae kaya hindi na ako nakipagtalo pa. Tatalikod na ako na bagsak ang mga balikat ng biglang may magsalita.

“Just let her in. Ang sabi niya ay gutom na raw siya.” Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaking mukhang kagalang-galang. Nakaputi siyang business suit, itim na necktie na kakulay ng pares ng kanyang sapatos.

Hindi ko siya kilala at hindi ko pa rin siya nakita dito simula ng maging regular customer ako dito.

“But Mr. Ashworth, according to–”

Hindi na natapos ng babae ang sasabihin dahil nagsalita ulit ang lalaki. 

“It's fine. I'll talk to Mr. Moss.”

“Okay, Sir.” Pagkasabi non ay bumaling na ang babae sa akin. “Please follow me, Ma'am.”

Tumango ako. Pero bago ko sundan ang babae ay nagbaling muna ako ng tingin sa bagong dating na lalaki na tinawag ng waitress na Mr. Ashworth. 

“Thank you,” sabi ko. Walang ngiti o kahit na anong emosyon sa mukha ko. Napansin ko na napa-smirk ang lalaki bago ako tuluyang tumalikod at sumunod sa isa pang waitress. Ako naman ay nagmental note na alamin ang tungkol sa lalaki.

Habang naglalakad, hindi ko mapigilan na maisip si Mr. Ashworth pati na ang pagsingit niya sa usapan namin ng waitress.

Kilala kaya niya si Emily?

Kung ganon nga, hindi kaya magtaka siya kung bakit ganon na lang ang pakitungo ko sa kanya? 

Hindi ko na lang pinansin iyon. Pwede kong sabihin na may amnesia ako kaya hindi ko siya matandaan kung sakali ngang magkakilala ang dalawa.

For now, kakain muna ako. Tsaka ko na sila iisipin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 10

    AsherHabang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.Until that day.Until the hospital.She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadi

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 9

    Nora“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.“Mrs.

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 8

    AsherIsang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.Hindi ako nagkamali

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 7

    Asher“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang,

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 6

    NoraHindi na nakapagsalita pa si Asher dahil biglang dumating sina Rod at Esmeralda. “Anong ginagawa mo dito?”“Dad,” sabi ni Asher ng lingunin si Rod. Ngunit matalim na tingin ang pinukol sa kanya ng matanda. “Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi kita anak.” Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng labi ni Asher pati na ang pagkuha ng kanyang kamay na para bang nagpipigil na sumagot.“Bakit ka pa nandito, hindi ba at divorce na kayo ng anak ko?” Malumanay ang boses ni Esmeralda pero halata ang hostility.“I canceled the application for our divorce.” “Ano?” bulalas ng mag-asawang Hills. Kita sa mukha nila ang pinaghalong gulat, galit at pagkadismaya.“Asawa ko pa rin si Emily at nandito ako upang iuwi siya,” sabi ni Asher.“Hindi ako uuwi sa bahay mo. We're done. I am done with you,” singit ko sa usapan nila.“Ang mabuti pa Asher ay umalis ka na muna. Kung hindi mo alam ang gulong sinuong mo ay mabuti pang mag-isip-isip ka. Hindi kami papayag ni Rod na dalhin mo ang anak namin pagkat

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 5

    NoraDinala ako ng waitress sa isang medyo sulok na bahagi ng restaurant. Pabor sa akin, at least pwede akong makapag-observe ng mga pumapasok at lumalabas dito.Naupo ako, facing the entrance. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa loob ng isang private room na nasa bandang kanan ko. Alam kong one way mirror iyon kaya hindi ko kita ang loob pero kitang-kita ako ng kung sinumang nandoon.“Here's the menu. Kung may order na po kayo ay pwede nyong pindutin ang button na nasa gitna ng table.” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng waitress bago ako tumango. First time kong kumain dito dahil palagi akong nasa private room. May button din sa loob pero sa dingding naman nakakabit. “No need. Mabilis akong mag-order. Pwede mo ng kunin ngayon.” Pagkasabi ko non ay agad akong namili sa menu.Simple lang naman ang gusto ko at kahit nasa katawan na ako ni Emily ay hindi iyon nagbago. Seafood.Oh, I love seafood.Walang pag-aatubili, nilista na ng waitress ang lahat ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status