Share

CHAPTER 42

CASANTHA'S POV

Hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil kasama ko siya. Nagpaalam naman ako kay Kino na sasamahan ko muna si Blue habang wala pa si Flakes. Hindi ko nga alam kung saan nagsuot ang lalaking iyon. At ang tagal na niyang wala. Puro naman corny jokes ang pinagsasabi ni Blue kaya halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Medyo napapalakas na nga minsan ang pagtawa ko dahil ang hirap magpigil ng tawa.

"... Pero seryoso na. May dinukot talaga kayong tao sa Lualhati Park?"

Bahagya namang humina ang tawa niya hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa pagtawa. "Oo. Bakit mo naman biglang natanong?"

"Nakaraan kasi may nagtangka sa buhay ko. Muntik na akong masaksak ng patalim. Muntik na malagay sa alanganin ang buhay ko," seryoso kong sabi.

"Wala kaming masamang intensiyon sa taong dinukot namin kaya huwag mo na isipin iyon. Masaya na ang taong iyon ngayon," mahinahong paliwanag niya.

"Masaya akong masaya na siya," nakanngiting sabi ko kahit medyo madilim sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status