Share

Mapanglaw na mga Mata

NAKASIMANGOT kong binuksan ang ref. Walang kabuhay-buhay kong kinuha ang isang petsil ng tubig, pagkatapos pabagsak ko iyong muling sinara.

"Easy Amella, nagkataon lang," paliwanag ni Shane na naka-upo sa harap ng counter island ng kusina.

"Yeah I know, but why of all the places we've been through and why of all people, that guy pa talaga ang nagkataong may ari nitong villa and a friend of yours to be exact!" bahagyang diniinan ko ang huling kataga.

Nakangusong nagsalin ako ng tubig sa basong nasa ibabaw ng mesa, kasunod ay naupo na rin ako sa kabilang upoan.

"Relax, baka ito na ang matagal na sagot sa katigangan mo, baka you both destined to be together," tuksong sabi nito sabay subo ng green salad na kanina pa nito pinagdiskitaan.

"Together?" Pinandilatan ko itong nilagok ang tubig sa baso. Yes. Mahigit isang taon nang naghiwalay kami ni Christian at wala sa bukabularyo kong maghanap ng lalaki.

"I mean to be together as a good friend," pagtatama ni Shane sa sinabi dahil alam nitong mag-alburuto ako.

"Friend? Are you kidding me? Friend with that pervert bastard! No way, for your information hindi ko masikmurang maging kaibigan 'yon—ang bastos! Wala nang ibang ginawa ang lalaking iyon kundi sirain ang araw ko!" inis kong patutsada.

"Ba't ang init-init ng dugo mo kay Hade, baka dapit huli maging lover kayo?" singit nito na hindi pa rin tinigilan ang kakasubo ng lettuce mula sa plato.

"Excuse me? Lovers? Don't be so ridiculous Shane, that Hade—I mean ang kaibigan mong iyon ay may asawa na't anak!" Hindi ko napigilan ang sarili ko't lumabas iyon sa bibig ko.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Shane na animo'y parang kiniliti ng sobra nang marinig ang pahayag ko.

Napakunot ko tuloy ang noo ko dahil sa reaction nito. "Yeah, nakita ko sila kanina!" madiin na giit ko.

"Oo na hindi kita masisisi kung gano'n ang tingin mo kay Hade. Pero bakit ang malaman na may asawa siya ay kina-iinis mo?"

"What? Am I?" Napatigalgal ako sa komento ni Shane.

"Parang kang girlfriend na niloko ng boyfriend mo!?

Isang pekeng ngiti ang gumuhit sa aking labi. "Oh come on, sinabi ko lang sa iyo kung ano ang nakita ko kanina!" pairap kong depensa. Dali kong binaling ang aking mukha sa kabilang direksiyon upang maikubli ko ang namumula kong pisngi.

Bakit ba pinalaki ko pa pa nakita kanina? Ngayon ibig ko nang magsisi parang sobrang apektado ko.

"Actually, tama ka si Hade ay may anak na. He was engaged once pero hindi umabot sa puntong kasalan," ani ni Shane na biglang sumeryoso ang mukha.

"Why?" wala sa sarili napatanong ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging interesado sa buhay ng lalaking iyon.

"Well, ang kanyang fiancee ay namatay bago sila maikasal dahil sa isang trahedya. It was such a good love story from the start but it ended terrible and very tragic," ani ni Shane na halata ang pagka dismaya. "Maybe until now he is still in the stage of moving on, he still suffering."

"Pero may kasama siyang babae kanina," pagpumilit ko. Bigla tuloy akong natauhan pero huli na naitanong ko na.

"Hmmm, siguro isa lang sa mga panandaliang relasyon. Kilala ko si Hade mula middle school at hindi iyon basta nagseseryoso. Siguro dala ng kalungkotan. I never had a chance to meet Winona, I wish I had," Napabuga si Shane ng malalim na hininga.

Namalayan ko na lang na biglang sumakit ang ulo ko nang marinig ko ang pangalang binigkas ni Shane. Tila ba parang minamartilyo.

Winona? Who is she? Tanong ko sa aking isipan habang hinilot-hilot ko ang aking masakit na sentido.

Bakit parang pamilyar ako sa pangalan pero hindi ko lang maalala kung saan o kung anong hitsura nito.The name sounds very familiar. O baka pamilyar dahil pangalawang beses iyong binanggit ng lalaking iyon sa pagmumukha ko.

"Amella? Okay ka lang?" napansin ni Shane ang mukha kong namimilipit sa sakit. Mabilis itong tumalima at tumabi sa inu-upoan ko. Mas napadaing ako't lumala ang sakit.

"Masakit ang ulo ko, Shane," paos na saad na hindi ko pa rin tinigilan ang kakahilot sa ulo ko.

"Amella, h'wag mo akong takotin ng ganyan?!" natataranta na si Shane.. "Teka, ikukuha lang ako ng pain reliever, okay?".

Kahit na masakit ang pinilit kong labanan ang sakit. "D-don't worry, this isn't that severe, mild lang 'to siguro kailangan ko lang magpahinga," mahina kong ani na tama lang na marinig nito.

"I am sorry, Amella, ba't pa ba kasi kita sinama," paumanhin nito.

"Ano ka ba, mild lang naman."

"Well, let's get you to bed," suhestiyon nito na inalalayan ako paakyat ng hagdanan.

NAPALIKWAS ako ng bangon mula sa kama. Ilang oras ba akong nanatiling nakahiga? Dali kong nilinga ang aking paningin sa dingding baka sakaling may mahagilap akong wall clock, hindi nga ako nabigo at may nakasabit d'un mamahaling orasan.

Mag alas dyes na pala ng gabi. Tinikwas ko ang kumot mula sa pagkabalabal sa aking katawan.

Bumaba ako ng kama. Nagbihis ako't bumaba. Hindi ko na namataan si Shane siguro ay kanina pa ito tulog.

May dalawang bahay itong Villa na ito na isa sa pinapasalamat ko. Malaya akong makakagalaw na hindi ko makikita ang presensiya ng lalaki—I mean ng Hade na iyon. Ewan ko ba at parang naaasiwa akong isipin na makahalubilo ko ito.

Naisipan kong maglakad lakad sa dalampasigan. Kailangan ko munang humagap ng hangin. Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang linggo ay tila hindi ko maipakali ang sarili ko.

Pabaybay ako sa buhanginan nang kusa kong binalingan ang bahay na inuukupa ng lalaki. Madilim na iyon tanging ang mga tanglaw lang ay ang mga outdoor post lamp. Hindi ko man aminin pero may parte sa pagkatao ko ang nadismaya pero para saan?

Isang malalim na hininga ang pinakawala ko at pinagpatuloy ang napintong mga hakbang hanggang narating ko ang baybayin. Tanging ang linawag ng buwan at bituin ang nagbibigay ng ilaw sa buong karagatan.

Hindi ko napigilang mapayakap sa aking sarili dahil sa lamig ng hanging tumama sa aking balat.

Tahimik at walang ibang ingay bukod lang sa mga alon na humahampas sa baybayin at mga kuliglig na animoy nagsasaya sa kadiliman.

Naipikit ko ang aking mga mata. Malaya kong dinama ang preskong hangin. Sunod-sunod ang hagap ko ng hangin nang biglang lumitaw sa balintataw ko ang imahe ng lalaki. Nagmarka sa diwa ko ang mga mata nitong puno ng pangungulila at lumbay. Ang lalaki ay may mapanglaw na mga mata.

"Whats wrong with you Amella?" hindi ko napigilang tanong ko sa loob loob kung bakit ba palagi kong na-isip ang Hade na iyon.

Ano ba ang meron sa lalaking iyon at kay laki ng epekto sa isipan ko?

Napa-iling iling na lang ako at pinilit kinalimutan ang isiping iyon. Pinagpatuloy ko ang naudlot kong mga hakbang. Animo'y sarap na sarap akong nakikinig sa alon na humampas sa baybayin. Dama ko ang kapayapaan ng isip pati na ang kalayaan mula sa malupit na realidad.

Nasa gano'n akong punto nang may naulingigan akong isang panauhin na naglalakad patungo sa dagat. Naglalakad na animoy nakalutang. Lumulusong sa kailaliman ng karagatan. Malalaki ang mga alon ngunit parang hindi nito alintana iyon at patuloy na lumusong.

Kinabahan akong bigla, dali kong hinubad ang suot kong sandal at agad kong sinundan ang tinahak ng lalaki.

"Teka sandali!" sigaw ko sa lalaking nasa unahan. Pero parang wala itong naririnig at patuloy ang pagsulong sa kailaliman ng tubig.

Pasuray-suray nitong linusong ang karagatan na hindi ininda ang lamig.

"Please wait, don't leave me!" dinig kong sigaw nito sa hangin.

Mas lalong binilisan ko ang aking mga hakbang dama kong hanggang dibdib ko na ang tubig.

"Teka, Mister malalim na 'yan diyan!!" pasigaw na pigil ko pero hindi pa rin ito nagpatinag. Hanggang leeg na nito ang tubig.

"Please Win....I can't live without," muling sambit ng lalaki. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga hikbi at hagulhol nito. "Winona!" sigaw nito.

Nanlaki ang aking mga mata. Napatiuna ako nang makilala kung sino.

Hade?

Bakas sa mukha ko ang gulat pero agad akong nagbawi. Mas lalo kong nilakihan ang mga hakbang hanggang sa lumangoy na ako dahil mas malalim na ang gawing iyon na kinaroroonan ng lalaki.  Matangkad ito kaya hanggang sa leeg pa rin nito ang tubig.

Humihingal na narating ko ang kinaroroonan nito. "Hey are you out of you mind?" gigil na sumbat ko.

"I can't live without you, I can't," anas nito na humagulhol at parang ako ang kinaka-usap.

"You son of bitch!" mura ko nang pilit nitong binawi ang sarili sa pag-unat ko. "Pull yourself together! Napakadelikado ng ginawa mo!" madiin na pangaral ko hinawakan ko sa bisig nito.

Hindi ko na ininda ang lamig ng tubig. Ang alam ko sa pagkakataong ito ay kailangan kong iligtas ang lalaki sa kapahamakan. I want to save him from the darkness that he is in. I want him to move on.

"No! Gusto ko nang mamatay! I want to die!"  ang lalaki na nagprotesta sa akma kong pagkaladkad nito sa patungo sa dalampasigan.

Halos mabilaokan na ako sa maalat na tubig sa pagmamatigas nito. "Are you that insane? If you want to die then die! but for now can you pull the piece of yourself and let's get out in here," inis na giit kong pilit inunat ang lalaki.

Bigla itong tumahimik kasunod ay hinagod nito ng tingin ang aking mukha. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw sa aming kinaroroonan.

Naasiwa man ako sa mga pinukol nitong tingin pero kailangan panatilihin ko ang aking tamang pag-iisip.

"Please, let's get out in here," muli kong imbita. Hindi nakaligtas sa akin ang amoy ng alak mula sa lalaki.

He's drunk.

"Come on." Dahan-dahan ko itong inakay patungo sa baybayin.

Hindi ito umimik at sumunod lang sa akin. Hawak-hawak ko ang braso nito. Nakahinga ako ng maluwag nang tuloyan naming sinapit ang baybayin. Maingat kong kinalas ang palad mula sa pagkakahawak ko sa braso ng lalaki ng madama ko na ang tuyong buhangin.

"If you want to die, maghanap ka ng lugar na walang makakita sa iyo!" inis na pangaral ko sa lalaki pero wala akong narinig na sagot mula dito. "Hey are you dumb or what—"

Hindi ko na natuloy ang pangungusap. Biglaang hinagip nito ang batok ko at walang permisong sinakop ang labi ng napaka-init na halik. Sobrang gulat ko't nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"I missed you all these years, babe," ungol nito sa gitna ng halik na ginawad nito sa aking labi.

Nang marinig ko ang saad nito ay pilit kong binawi ang sarili ko't nagpumiglas ako ng buong lakas. Sa halip na lumayo ay mas hinapit pa ako nito at pinulupot ang makisig na braso sa katawan ko na tila bakal.

He pulled me closer. Hinalikan ako nito na para bang uhaw na uhaw. Gutom na gutom hanggang kalaona'y kusang nagbago at naging masuyo at banayad na tama lang upang mabaliw ang katinuan ko.

Hindi ako nakatinag at unti-unti akong nadala at na-ipikit ko ang aking mga mata. Ang kaninang mga bisig na nagpumiglas ngayon parang may sariling utak at kusang yumakap sa leeg ng lalaki.

Hanggang ang mga halik nito ay bumaba sa leeg ko. Hindi ko napigilan ang mga ungol na kumawala sa aking lalamunan. Dama ko ang bawat dampi ng labi nito sa aking balat na animoy may boltahing hatid sa ugat ko. Dinig ko ang mga habol hininga nito na kay sarap pakinggan.

"Winona," dinig kong sambit nito.

Parang binuhusan ako ng isang baldeng yelo dahil sa pangalang sinambit nito. Dali kong naikalas ang aking sarili mula sa pagkakayapos sa bisig nito.

Hindi ko napigilan ang emosiyon. Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaliwang pisngi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status