INICIAR SESIÓN
Nakaupo si Luther sa harap ng chessboard habang nakapangalumbaba, nababagot na nakatitig sa pinaghalong itim at puting mga piyesa. Pinupuno ang seldang iyon ng amoy ng pawis ng mga bilanggong nagtitipon-tipon sa paligid nila at tahimik na nanonood sa kanila.
Ang kalaban niya ay isang malaking lalaki na kapwa niya preso. Kilala ito sa tawag na Ramos. Kasabay ng pagdaloy ng pawis nito sa gilid ng noo nito ay ang antisipasyon sa maaaring sunod na ititira ni Luther at kung anong kanyang istratehiya. "Kung ako sa'yo, mag-resign ka nalang. Hindi mo matatalo si Ramos!" natatawang wika ng isang preso na siyang bumasag ng katahimikan. Napatingin dito lahat ng tao roon maliban sa dalawang naglalaban. "Bakit?" kunot-noong tanong nito. "Hindi mo ba nakikita, lamang na si Kano ng apat na puntos?" bulong na sambit ng katabi nito. Dahil sa mukhang amerikano si Luther, unang tapak niya palang sa bilangguang iyon ay nabansagan na siyang kano. Idagdag pang Rutherford ang kanyang apelyido. "Eh ano naman?" Gumuhit ang pagkaarogante sa mukha ng lalaki. "Sadyang mapagbigay lang talaga si Ramos. Kabayo at pawn? Tss! Nakalimutan mo na bang mahigit dalawang libo ang kanyang rating?" "Oo nga. Dudurugin niya rin si Kano sa huli panigurado." gatong naman ng isa pa. "Pwede bang magsitahimik kayo?" angil ni Ramos sa mga ito kaya agad din namang nagsitahimik ang mga ito. Nagkatinginan nalang ang mga preso dahil sa inasta nito. Ibig sabihin lang niyon ay marahil totoong lamang na si Luther sa posisyon, hindi lang basta pinagbibigyan ni Ramos. At ibig sabihin lang din niyon ay mukhang sila ang matatalo sa pustahan. Maya-maya lang, lumangitngit ang metal na pinto nang buksan iyon ng isang pulis. Pumasok ito habang may tila naiintrigang ekspresyon sa mukha. "Chief," bati ng ilang preso rito pagkatapos ay gumilid upang paraanin ito, pero hindi pinansin ang mga ito ng pulis. Diretso lang ang tingin nito kay Luther. "Rutherford," tawag nito. "Mayroon kang bisita. May nagpiyansa sa'yo." Walang kabuhay-buhay ang ekspresyon ng mukhang dinampot ni Luther ang kanyang kabayo at ipinuwesto iyon sa hindi pangkaraniwan na posisyon, walang suporta na kahit ano. Kaya naman ay napakunot nalang ang noo ni Ramos sa pagtataka. 'Mali ba siya ng itinira?' tanong nito sa isip. "Kung sa tingin mo ay nanay ko, pakisabing hindi ko kailangan ng tulong niya." malamig na wika ni Luther sa pulis, hindi nag-abalang tingnan man lang ito. Mahigit isang linggo palang siya sa kulungang iyon. Sa unang araw niya palang ay binisita na siya ng kanyang ina para sana piyansahan siya pero binigyan niya lang ito ng malamig na balikat. Mas gugustuhin niya pang manatili sa bilangguang iyon kaysa sa makatanggap ng tulong mula sa kanyang ina. O kahit na kanino mula sa kanyang pamilya. Magkasalikop ang mga kamay sa likod na lumapit ang pulis sa tabi ng maliit na mesa kung saan nakapatong ang chessboard upang malapitang pagmasdan ang posisyon ng mga piyesa. Kumurbada ang ilalim ng labi nito nang mapagtantong nasa lamang na posisyon na si Luther at naiintindihan nitong isinasakripisyo nito ang kabayo para sa isang pamatay na tira. Bahagyang tumaas ang isang kilay ng pulis. "Tingin ko hindi," seryosong wika nito. "Para sa'kin mas mukha siyang kasintahan mo kaysa sa nanay mo." Napabilog ang nguso ng ilang preso habang nagpapalipat-lipat ang tingin ng mga ito kay Luther at sa pulis. Samantalang nagsalubong naman ang kilay ni Luther dahil sa pinaghalong pagtataka at pagkairita. 'Mukhang kasintahan ko?' "Sino, si Alexi Halls?" biro niya sa kaswal na mukha. Si Alexi Halls ay isang sikat na Hollywood actress, tinaguriang isa sa pinakamagandang artista sa balat ng lupa. Ang bukod tanging artistang hinahangaan ni Luther. Mahinang natawa ang pulis. "'Wag mo sabihing wala ka pang kasintahan?" Tinugon lang ito ni Luther ng katahimikan. Wala pa sa kanyang bokabularyo sa ngayon ang salitang relasyon. Para sa kanya ay dagdag responsibilidad lang iyon. Pero kung si Alexi Halls ang pag-uusapan ay marahil bigyan niya pa ng konsiderasyon. "Wala akong inaasahang magpapiyansa sa'kin. Pakisabi sa kanyang umalis na siya." malamig na wika niya makalipas ng ilang saglit. Kung sinuman ang tinutukoy ng pulis, kung hindi man ito ang kanyang ina ay marahil isa naman ito sa ipinadala nito o ng pamilya Kingsley para aluin siya at pabalikin sa kanilang pamilya. 'Nagsasayang lang sila ng oras.' dismayadong sambit niya sa kanyang isip kasabay ng mababaw na pagbuntong-hininga. Mas lalong naintriga ang pulis, pilit na binabasa kung anong iniisip ngayon ni Luther sa pamamagitan ng nanliliit nitong mga mata. "Bakit hindi mo muna silipin kung sino ang babaeng tinutukoy ko?" Tiningnan nito ang suot nitong singsing. "May asawa na ako. Pero kung bibigyan ako ng pagkakataong lokohin siya para sa babaeng 'yon, ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon." Napasimangot si Luther dahil sa kanyang narinig, pero hindi siya umimik. Nakatuon lang sa chessboard ang kanyang atensyon. "Hindi lang ang kasuotan niya ang mamahalin kung hindi ay pati siya mismo." pagpapatuloy ng pulis. "Mukha siyang laki sa gatas at natutulog sa gintong kama. Artistahin kumbaga." "Gano'n siya kaganda Chief?" naiintrigang sabat na usisa ng isang preso. "Ang mas nakakapagbigay pa interes sa kanya ay mukha siyang desperada. At kapag desperada ang isang maganda at mayamang babae ay tiyak na malaking pabor iyon sa lalaki." dagdag pa ng pulis, hindi pinansin ang tanong ng preso. Tumaas ang isang kilay ni Luther matapos marinig ang sinabi nito. Tiningnan niya ng gilid niyang paningin ang pares ng sapatos nito. 'Desperada huh?' May ilan siyang kakilalang babae, pero wala ni isa sa mga ito ang pasok sa isinalarawan ng pulis. Bukod sa kanyang ina, wala naman siyang kakilalang babae na maaaring magpiyansa sa kanya. Lalo pa kaya ang isang maganda o mayamang babaeng hindi niya naman kakilala? Sinundan niya ng tingin ang kamay ni Ramos nang damputin nito ang reyna nito. Ipinuwesto nito iyon sa pangmate na posisyon at inignora ang kanyang pain. "Tingin mo ba ay mahuhulog ako sa munti mong patibong?" Mahina itong natawa, walang pakialam sa paksa ni Luther at ng pulis. "Ngayon, paano mo didepensahan 'yan?" nakangising ani nito sa hambog na itsura. Nagsiliwanag ang mukha ng mga preso nang makitang tila nabaliktad pa ni Ramos ang sitwasyon. Nag-apiran ang mga ito. "Sabi na nga ba eh, pinaglalaruan lang ni Ramos si Kano." ani ng isa na sinabayan ng malakas na tawa. "Ano boy? 'Kala mo mananalo ka kay Ramos? Suntok sa buwan kung mangyari man 'yon!" umaaksyong sambit pa ng isa pagkatapos ay pinagkiskis ang mga palad. "Easy money. Hehe." Naiiling-iling na tumalikod ang pulis. Makikita sa ekspresyon ng mukha nito at paraan ng pag-ismid nito ang pangungutya sa mga ignoranteng bilanggo. "Masamang pinaghihintay ang grasya, Rutherford." wika nito. Saglit itong sinundan ng tingin ni Luther karugtong ng pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. "Think don't have a choice," bulong niya. Itinulak niya paatras ang kanyang upuan at tumayo pagkatapos ay sumunod sa pulis. Napangisi si Ramos sa isiping aalis si Luther nang hindi tapos ang kanilang laro. "Suko ka na ba?" tanong nito sa mabilog at malalim na boses. Huminto si Luther pagkatapos ay umismid. Bumalik siya sa tapat ng mesa habang nakapako ang tingin sa kanyang reyna. "Bakit ako susuko kung panalo na ako?" natatawang wika niya sabay dampot sa reyna at kinain ang h7 pawn. "Mate. Ngayon ay may utang kayo sa'kin." Umalis si Luther at iniwang tulala si Ramos. Ang ibang preso ay nagsimulang magkumpulan sa palibot ng mesa upang ianalisa ang board. Napaawang nalang ang bibig ng mga ito nang maunawaan ng mga ito kung para saan ang sakripisyong ginawa ni Luther sa kanyang reyna. Hindi iyon direktang mate, pero doon din ang bagsak niyon dahil pwersado na iyon. "Ilan nga raw ulit ang rating niya?" tanong ng isang preso. "Isang libo," nakatulalang bulong na tugon ng isa. "Imposible..." naiusal nalang ni Ramos, ang mukha nito ay puno ng hindi pagkapaniwala. Kung isang libo lang ang rating ni Luther, paano nito natalo si Ramos na mayroong mahigit dalawaang libong rating?"What?!""Ano raw? Boyfriend ni Catriona?""Hindi ba't engaged na siya kay Denver?""What's going on?"Mula sa pagdating, hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon ay nakasunod lang ang tingin ng mga bisita kay Catriona at sa lalaking kasama nito, kaya hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang ginawang pagpapakilala ni Catriona kay Luther sa mga magulang nito.Karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang mapaawang ang bibig sa gulat, sa puntong pwede nang pagkasyahin ang buong itlog sa bunganga ng mga ito."A-anong sabi mo? This guy... is your boyfriend?"Sa kabila ng napakalinaw na pagkakabigkas ni Catriona ng sinabi nito ay tila hindi iyon naintindihan nang lubos ni Carmen. Malikot ang mga matang napatitig ito nang husto sa mukha ng anak, hinihiling na sana ay mali lang ang pagkakarinig nito."Mom, you heard me." pagkumpirma ni Catriona. "Plano ko nang ipakilala sainyo noon pa man si Luther, but he's a busy man. Business thing... you know." dagdag pa nito na sinundan ng awkward na pagtaw
"Ehem," Tumikhim si Jake upang agawin ang atensyon ni Catriona. "Akala ko ba hindi siya ang tipo mo? Eh bakit titig na titig ka d'yan?"Mabilis na umiling-iling si Catriona nang magbalik ito sa sariling diwa. "O-of course not! Tinitingnan ko lang kung sakto sa kanya ang binigay mo." depensa nito pagkatapos ay marahang itinulak palayo si Jake. "Stop messing around with me, Jake."Tumawa si Jake. "Then tell me, Cat. Ano siya sa'yo? Once in a blue moon lang kitang makitang may kasamang lalaki. It doesn't seem like he's your bodyguard to me. Or is he? Malamang na ang assistant mo ang kasama niya ngayon kung tauhan mo—""It's none of your business," putol ni Catriona rito sabay abot ng card na kakadukot lang nito sa bag nito. "Hurry up. Kailangan na naming magmadali."Mababaw na bumuntong-hininga nalang si Jake bilang pagsuko sabay kuha ng card. "Alright."Pagkaalis nito ay nilapitan ni Catriona si Luther na nag-aayos ng necktie sa harap ng malaking salamin. Kumunot ang noo nito nang mapan
Makikita ang paghinto ng puting kotse sa harap ng isang malaking boutique. Mula sa labas ay makikita ang mga manikin na nakadisplay at nakasuot ng magagarang suits. Sa taas ng entrance ay makikita ang gold sign na may nakasulat na 'Jake's Atelier.'Bumaba mula sa backseat si Catriona bago pa man ito mapagbuksan ng driver nito, tila pinagsukluban ng langit at lupa ang itsura nito. Diretso itong naglakad patungo sa entrance ng boutique, walang binabanggit na kung ano.Agad din itong tumigil nang mapansin nitong walang nakasunod sa likuran nito."This man is getting into my nerves..." inis na usal nito habang mahigpit na nakuyom ang mga kamao.Bumuga ito ng hangin upang pakalmahin ang sarili bago muling bumalik sa kotse. Tumambad dito ang natutulog na si Luther pagkabukas nito ng pinto ng passenger seat. Nakasuot pa ito ng airpods. Mas lalo pang sumama ang timpla ng ekspresyon ng mukha nito nang dahil doon."Wake! Up!" Malakas na kinalampag nito ang bubong ng sasakyan kaya bumalikwas ng
Pumailanlang sa malawak na visitors' area ang isang malakas na tawa. Halos lahat napalingon sa direksyon ng mesa nina Luther at Catriona."Ako? Magpapanggap bilang syota mo? Seryoso ka ba?" nakatawang tanong ni Luther na sinundan ulit ng malutong na tawa.Medyo malakas pa ang kanyang pagkakasabi niyon kaya napaawang nalang ang bibig ng ilang taong nakarinig niyon. Lalo na iyong mga kanina pang palihim na nakatingin kay Catriona.Maging ang pulis na kasama ni Luther kanina lang ay mayroong hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito."Timamaan ka nga naman ng lintik na swerte," natatawang bulong nito sabay nailing.Nagsalubong ang mga kilay ni Catriona. "Can you lower down your voice? It's not something you should be grateful for." inis nitong sambit.Kumalma si Luther ngunit nananatili siyang nakabungisngis. "Pasensya na. Nadala lang ako sa napakaganda mong biro. Pwede kang maging komedyante dahil d'yan." pang-uuyam niya pagkatapos ay muling naupo."I'm serious, Luther. I bailed you
Dinala ng pulis si Luther sa visitors' area, kung saan makikita ang pahabang bakal na mesa. Pinaghihiwalay niyon ang mga bilanggo sa kani-kanilang mga bisita. Mabagal ang kanyang mga paghakbang, habang mayroong seryosong ekspresyon lang sa mukha.Sa dulong bahagi ng mesa ay matatanaw ang isang babaeng nakaupo, tahimik na naghihintay. Napakaelegante nitong pagmasdan at tila hindi ito nababagay sa ganoong klaseng lugar. Ikinukubli ng anino ng mahaba at medyo kulot nitong buhok ang mukha nito. Sinasabi na ng magara nitong kasuotan na kabilang ito sa isang high class na pamilya."Siya ang tinutukoy ko," wika ng pulis sabay turo sa babae gamit ang hawak nitong baton. "Kilala mo ba siya?"Naningkit ang mga mata ni Luther. Makaraan ang ilang saglit ay umiling siya. "Marahil sa nakaraan naming buhay." pabiro niyang tugon.Mahinang natawa ang pulis. "Mukhang nasa puder mo ngayon ang swerte, Rutherford." makahulugan nitong sambit. Pumalatak pa ito bago lumapit at tumayo sa tabi ng isa pang puli
Nakaupo si Luther sa harap ng chessboard habang nakapangalumbaba, nababagot na nakatitig sa pinaghalong itim at puting mga piyesa. Pinupuno ang seldang iyon ng amoy ng pawis ng mga bilanggong nagtitipon-tipon sa paligid nila at tahimik na nanonood sa kanila.Ang kalaban niya ay isang malaking lalaki na kapwa niya preso. Kilala ito sa tawag na Ramos. Kasabay ng pagdaloy ng pawis nito sa gilid ng noo nito ay ang antisipasyon sa maaaring sunod na ititira ni Luther at kung anong kanyang istratehiya."Kung ako sa'yo, mag-resign ka nalang. Hindi mo matatalo si Ramos!" natatawang wika ng isang preso na siyang bumasag ng katahimikan. Napatingin dito lahat ng tao roon maliban sa dalawang naglalaban. "Bakit?" kunot-noong tanong nito."Hindi mo ba nakikita, lamang na si Kano ng apat na puntos?" bulong na sambit ng katabi nito.Dahil sa mukhang amerikano si Luther, unang tapak niya palang sa bilangguang iyon ay nabansagan na siyang kano. Idagdag pang Rutherford ang kanyang apelyido."Eh ano naman







