LOGINMainit ang sikat ng araw noong mga panahong iyon. Dinig na dinig mo ang paghampas ng mga itak ng mga magsasaka na abalang-abala sa pag-aani ng tubo. Samantala sa pusod ng mansyon partikular sa hardin na puno ng iba’t-ibang bulaklak tulad ng gumamela at rosal, abala si Amarra na magwalis ng mga nalaglag na dahon. Kahit pa tuyo na ang kanyang mga kamay at ang pawis ay dumadaloy sa kanyang noo, Pansamantalang nakaramdam si Amarra na katahimikan at kapayapaan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa ang katahimikang kasalukuyan niyang nilalasap ay babasagin ng isang tinig na biglang gagambal sa kanya.
“Magandang umaga.” bati ng isang lalaking bumasag sa kapayapaan ni Amarra. Agad namang nilingon ni Amarra ang kinaoonan ng tinig at tumambad sa kanya ang isang lalakeng tila mailap at ngayon lang niya nasilayan ng malapitan. “Señorito Claudio. Andito po pala kayo. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” gulat na pagbati ni Amarra kay Claudio. “Ikaw si Amarra, tama?” tugon ni Claudio. “Opo Señorito Claudio. Ako nga po.” “Shh!!! Claudio na lang ang itawag mo sa akin.” tugon ni Claudio na tila ba ginamitan si Amarra ng mapang-akit niyang tinig. “Hindi po pupwede Señorito Claudio. Magagalit is Doña Consuelo.” Nilapitan ni Claudio si Amarra at hinawakan ang balakang nito. Nabigla si Amarra sa ginawa ng binatang amo kaya naman agad niyang napalo ang kamay ng binata. Nabigla si Amarra sa kanyang ginawa. Gayun din si Claudio. Nagkatinginan silang dalawa. Ngunit tila may pagkapilyo itong si Claudio at sa gitna ng kanilang pagkakatitigan, kinindatan ni Claudio si Amarra na naging dahilan ng pagkabitaw nito sa pagkakatitig sa binata. Siya namang pagpasok ni Tiyang Rosa na kasalukuyan na palang hinahanap si Amarra. “Amarra andito ka pa palang babae ka. Kanina pa kita hinihintay sa kusina para maghanda ng ibang mga kakailanganing sangkap.” Pagkakita ni Tiyang Rosa na andun pala si Claudio, agad nagbago ang kaninang aborido niyang tono. “Señorito Claudio, andito po pala kayo. Kanina pa po kayo hinahanap ni Doña Consuelo, magtungo daw po kayo sa kanyang silid.” “Salamat Tiyang Rosa. Amarra, alis na muna ako.” Nagpaalam si Claudio kay Amarra kahit hindi naman kinakailangan. Tila ba may ibang pakahulugan ang kanyang ikinilos. Napatingin sa akin si Tiyang Rosa. May tingin na tila may panghihinala. “Hoy Amarra, sinasabi ko sa’yo, mag-iingat ka diyan kay Señorito Claudio kung ayaw mong samain ka kay Doña Consuelo.” Tanging pagtungo na lang ang sinukling pagtugon ni Amarra kay Tiyang Rosa. Minsan isang araw, habang naglilinis ng Lanai si Amarra, bigla na lang lumabas si Claudio sa may hardin. Tanging shorts lang ang suot, walang damit pang-itaas. Nung mga oras kasing iyon ay kasalukuyan niyang ginagawa ang kanyang pang-umagang ehersisyo. Bawat sets na magawa nitong ehersisyo, laging tumitingin si Claudio kay Amarra, sabay hagod ng kanyang leeg, pababa ng kanyang muscled na dibdib, pababa sa kanyang mala-pandesal na abs. Sabay kagat labi. May halo talagang malisya. Tila napapahinto si Amarra, napapatulala sa mga pang-aakit ni Claudio. Sinasadya na nga minsan ni Amarra na hindi pansinin at umiwas na lang sa binata ngunit sadyang papansin si Claudio. Sino nga ba ang naman ang hindi makakaiwas sa anyo ng isang matangkad, moreno at gwapong tulad ni Señorito Claudio. Kung maginoo sana, baka perpekto na. Ngunit sadyang malikot ang isipan niya. Hindi maarok ang kapilyuhan handa niyang pakawalan ano mang oras. Tila may kung anong epekto kay Amarra ang mga kakaibang ikinilos ni Claudio. Hindi paghanga kundi pagkabahala. Nakaramdam na siya ng pagka-ilang. Ngunit batid niya rin sa sarili na hindi siya dapat mag paapekto. Dahil kung lumambot siya, talo siya sa larong sinimulan ni Claudio sa pagitan nila ni Amarra. Habang naghahapunan ang mag-inang panginoon ng Hacienda Avaristo, na kung saan si Amarra ang nataasang solong magsilbi sa kanila, panay nakaw kindat at malagkit na tingin ang lihim na isinusukli niya kay Amarra, At sa kanyang pagkailang ay muling magkamali si Amarra sa kanyang gawain. Aksidente niyang napuno ang baso ni Doña Consuelo dahilan upang manggalaiti nanaman ang matanda sa galit. “Tonta kang babae ka! Idiota! Ano nanaman bang nasa isip mo at pumalpak ka nanaman!” malakas na sigaw ng Doña na dinig sa bawat sulok ng hapag-kainan. “Pa…pa…patawad po Doña Consuelo, hindi ko po sinasadya.” wika ni Amarra na may halong takot at pangamba. Nakatanga lang si Claudio sa harapan ng nagmamakaawang Amarra at nanggagalaiting Ina niya. “Palpak ka talagang babae ka. Wala ka nang ginawang tama.” “Paumahin po Doña Consuelo, di na po mauulit. “Talagang hindi na mauulit” sabay tayo handa nang manampal. Mapipigilan lang si Doña Consuelo sa pagsawsaw ng kanyang anak na si Claudio sa eksena. “Mama. Please stop it!” wika ni Claudio. Napatingin si Doña Consuelo at Amarra sa kanya. “Sinabi na nga niya na hindi niya sinasadya, bakit hindi niyo siya pakinggan?” Muling napaupo si Doña Consuelo sa kanyang upuan. “Hoy babae, linisin at punasan mo tong lamesa, ngayon din.” “Ma..masusunod po Doña Consuelo.” Napatingin si Amarra kay Claudio habang pinupunasan ang nabasang lamesa. Ganun din ang binata sa kanya. Para bang game na game makipagtitigan. At tumunog ang cellphone ni Claudio, tumayo siya sa hapag-kainan at lumayo upang sagutin ang tawag. Naiwan sila Amarra ati Doña Consuelo. “Maswerte ka Amarra at andito ang anak ko. Kung hindi, baka napuruhan na kita. Kapag naulit pa to, latigo ang aabutin mo sa akin.” pagbabanta ni Doña Consuelo. “O…opo…” Matapos ng banta ni Doña Consuelo sa akin, bumalik si Claudo sa hapag. Agad na tinanong ni Doña Consuelo ang anak kung sino ang tumawag. “Claudio, Iho, sino ba yang tumawag sa’yo at hindi man lang makapaghintay na matapos ang hapunan.’ “Mama, tumawag si Vanessa. Paparating na daw siya dito sa susunod na linggo.” Agad na nagliwanag ang kaninang kunot nuong mukha ni Doña Consuelo. “Talaga si Vanessa. Ang aking future manugang parating na. Kilangan aba, kailangan nating paghandaan ang kanyang pagdating” Napakunot noo si Senorito Claudio, tila may kung anong sinabi ang kanyang Ina na di niya nais marinig. “Paghandaan? Bakit pa? Hindi naman siya espesyal na tao.” “Magtigil ka sa sinasabi mo Claudio. Si Vanessa ang magiging future wife mo, sa ayaw at gusto mo, at wala kang magagawa kung di gawin ang gusto ko. Hindi mo ba naisip, mas mabuti pang mapunta ka sa isang babaeng ka-uri natin, mayaman, edukada, sopistikada, lahat ay nasa kanya na. Kaysa mapunta ka kung kani-kanino lamang na babae na walang narating sa buhay at habangbuhay na lang na nasa alikabok.” sabay tingin sa nakatayong si Amarra na nanimo’y siya ang pinatutunguhan ni Dona Consuelo. Matapos ang sinabing iyon ni Dona Consuelo, nag-walk out si Claudio. Tila Hindi nagustuhan ang mga winika ng kanyang ina.Dumating ang araw ng pag-alis ng mag-inang Arguelles sa kanilang mansyon upang sunduin sa airport si Vanessa. At mukhang magtatagal pa sila sa Maynila dahil sa pag-aasikaso ni Doña Consuelo sa nalalapit na pag-iisang dibdib ni Claudio kay Vanessa. Isasabay na rin nila ang pag-aasikaso nila sa mga ari-arian nila doon. Kung gaano ka-excited ang Doñang kinikilalang panginoon ng Hacienda Avaristo na makita na niya ang kinikilala niyang future manugang, ay ganito rin ka-excited ang mga taong maiiwan dahil pansamantala silang makakaranas ng katahimikan at kapayapaan. Si Claudio naman, na sunud-sunuran, walang magawa kundi ang sumama at maging sunud-sunuran sa Ina dahil tulad ng mga tao sa Hacienda, maging siya na nag-iisang anak ng Hacienderang mapagmataas, ay nakagapos din ang mga palad at hindi magawang makaalpas.Ilang oras bago ang kanilang pag-alis, tinipon ni Doña Consuelo ang kanyang mga tauhang nakatoka sa loob at labas ng mansyon upang kausapin at pagbilinan. Pinahilera na tila mg
Mainit ang sikat ng araw noong mga panahong iyon. Dinig na dinig mo ang paghampas ng mga itak ng mga magsasaka na abalang-abala sa pag-aani ng tubo. Samantala sa pusod ng mansyon partikular sa hardin na puno ng iba’t-ibang bulaklak tulad ng gumamela at rosal, abala si Amarra na magwalis ng mga nalaglag na dahon. Kahit pa tuyo na ang kanyang mga kamay at ang pawis ay dumadaloy sa kanyang noo, Pansamantalang nakaramdam si Amarra na katahimikan at kapayapaan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa ang katahimikang kasalukuyan niyang nilalasap ay babasagin ng isang tinig na biglang gagambal sa kanya. “Magandang umaga.” bati ng isang lalaking bumasag sa kapayapaan ni Amarra. Agad namang nilingon ni Amarra ang kinaoonan ng tinig at tumambad sa kanya ang isang lalakeng tila mailap at ngayon lang niya nasilayan ng malapitan. “Señorito Claudio. Andito po pala kayo. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” gulat na pagbati ni Amarra kay Claudio. “Ikaw si Amarra, tama?” tugon ni Claudio. “Opo
Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka
Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti
Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. “Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran,
Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nak







