LOGINDumating ang araw ng pag-alis ng mag-inang Arguelles sa kanilang mansyon upang sunduin sa airport si Vanessa. At mukhang magtatagal pa sila sa Maynila dahil sa pag-aasikaso ni Doña Consuelo sa nalalapit na pag-iisang dibdib ni Claudio kay Vanessa. Isasabay na rin nila ang pag-aasikaso nila sa mga ari-arian nila doon. Kung gaano ka-excited ang Doñang kinikilalang panginoon ng Hacienda Avaristo na makita na niya ang kinikilala niyang future manugang, ay ganito rin ka-excited ang mga taong maiiwan dahil pansamantala silang makakaranas ng katahimikan at kapayapaan. Si Claudio naman, na sunud-sunuran, walang magawa kundi ang sumama at maging sunud-sunuran sa Ina dahil tulad ng mga tao sa Hacienda, maging siya na nag-iisang anak ng Hacienderang mapagmataas, ay nakagapos din ang mga palad at hindi magawang makaalpas.
Ilang oras bago ang kanilang pag-alis, tinipon ni Doña Consuelo ang kanyang mga tauhang nakatoka sa loob at labas ng mansyon upang kausapin at pagbilinan. Pinahilera na tila mga pulutong na miyembro ng militar. “Makinig kayong lahat mabuti.” matapang na wika ni Doña Consuelo, boses niya ng pautos na dumadagundong sa buong bulwagan. “Bibiyahe kami ng inyong Señorito Claudio papuntang Maynila upang sunduin ang aking future manugang na si Vanessa. Medyo matatagalan bago kami makabalik dito. Gusto ko pagbalik namin, maayos at malinis ang buong mansyon. Ayaw kong makakakita ako ng kahit konting alikabok, dahil kung hindi ipapangudngod ko sa mga mukha ninyo ang mga dumi dito mula loob hanggang sa labas ng mansyon.” Sa sinabing iyon ni Doña Consuelo, nagkatinginan sa isa’t-isa ang mga nakahilerang mga aliping kasambahay, isa na nga dun sina Amarra at Andeng. At umalis na nga ang mag-inang panginoon. Habang tanaw ng mga kasambahay na papalayo ng papalayo ang kotse, ay siya namang papalapit ng papalapit ang naghihintay na pansamantalang katahimikang ninanais ng lahat ng nandoon. Para bang mga presong tuwang-tuwa sa pagkakasibak ng kanilang malupit na warden. “Sana matagalan sila Doña Consuelo at Señorito Claudio sa Maynila. Sana magtagal sila sa Maynila ng pagkahaba-haba.” masayang sinabi ni Andeng habang abalang tumutulong sa pagluluto ng kanilang kakainin. “Naku, dahan-dahan ka ng pagsasalita mo dyan Andeng at baka may makarinig sa’yo, makarating pa kay Doña Consuelo yang sinasabi mo.” sabi ni Marites. Pumasok si Tiyang Rosa sa kusina para hanapin si Amarra. “Amarra, halika, may ipinagbilin sa akin si Doña Consuelo na kailangan mong asikasuhin.” “Ano po iyon Tiyang Rosa?” “Gusto ni Doña Consuelo, ikaw daw ang mag-alaga ng mga bulaklak niyang orchids at rosas.” “Ano po? Tiyang Rosa wala po akong alam sa pag-aalaga ng mga bulaklak.” “Problema mo na daw yun Amarra. Basta gusto ni Doña Consuelo, sa kanyang pagbabalik, wala ni isang bulaklak niya ang malalanta at mamamatay, kundi, humanda ka dahil hindi mo daw magugustuhan ang mangyayari sa’yo.” Nanlamig si Amarra, hindi makakilos at hindi makapag-isip kung paano niya malalampasan ang pagsubok na ito. Dito na nakompirma ni Amarra na talagang pinagdidiskitahan siya ni Doña Consuelo dahil siya na mismo ang naghahanap ng paraan kung paano siya masisilo. At sa kadahilanan kung bakit? hindi niya lubos matanto o maisip. Nagtungo agad si Amarra sa hardin. Hindi siya agad kumilos, dahil hindi naman niya alam ang kanyang gagawin. Nakikipagtitigan sa mga bulaklak na nasa harap. “Gusto ko man kayong alagaan, paano? sanay lang ako sa pagtatanim at pag-aani ng tubo. O Diyos ko. Ano ba tong pagsubok na ito na binigay niyo sa akin?” Napabuntong hininga si Amarra nang biglang may tinig siyang narinig mula sa kanyang likuran. “Huwag kang matakot. Nararamdaman ka nila.” Agad na nilingon ni Amarra ang nagsalita at tumambad sa kanyang anyo ng isang bente-dos anyos na lalake, gwapo, moreno, matipuno ang katawan, alam mong batak at sanay sa trabaho. “I… ikaw pala?” tanong ni Amarra “kanina ka pa dyan?” “Hindi naman. Kararating ko lang. Nga pala, ako si Julio, apo ni Arcadio yung matagal nang hardinero dito. Pasensya ka na at sa tinagal mo na dito, ngayon lang tayo nagkita at nagkausap, dami kasing gawain na pinagagawa sa akin si Doña Consuelo. “A, ganun ba? Siya nga pala, ako si…” tila nahihiyang pagkasabi kay Julio. “Amarra… alam ko na ang ngalan mo. Sinabi sa akin ni Aling Marites.” “A… Si Aling Marites talaga. Wala nang maitatago sa kanya?” Napangiti sila sa isa’t isa sa sinabing iyon ni Amarra, ngunit napalitan muli ng pagkabahala nang muling mapatingin sa malawak na hardin na nagpapaalala ng kanyang imposibleng misyon. Agad itong napansin ni Julio kaya naman, agad niyang pinawi ang pangamba ng dalaga. “Huwag kang mag-alala, tuturuan kitang mangalaga at magtanim ng mga bulaklak dito sa hardin ni Doña Consuelo.” “Talaga? tuturuan mo ako?” “Oo naman, basta ikaw.” tugon ng binata sa sinabi ng dalaga. Sa puntong iyon, nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan ni Amarra at ni Julio. Agad nilang nakapalagayan ng loob ang isa’t-isa. Kung makakapagsalita lamang ang puso ng isa’t-isa, tila may kung anong spark ang agad namagitan sa kanilang dalawa. Ang spark na di pa nila nararanasan na nagdudulot ng kakaibang ligaya at ngiti. Dumaan ang mga araw, natuto si Amarra sa gabay at turo sa kanya ni Julio. Lalong napahanga si Julio sa mabilis na pagkatuto ni Amarra. Napahanga ang binata sa dedikasyon at pusong pinamalas ni Amarra sa ibinigay sa kanyang responsibilidad. Sa puntong iyon, tila mas naging malapit si Julio kay Amarra. Isang pakiramdam na mas lalo pang nagpaudyok sa binata na mukhang si Amarra na ang babaeng matagal nang hinahanap ng kanyang puso. Salamat sa mga halaman bukod sa pagkatuto ni Amarra sa mga pangangalaga sa mga bulaklak, natutunan din niya ang isang bagay na hindi pa niya lubos na nararanasan, ang makaramdam ng kakaibang damdaming di pa niya nararanasan. Isang pakiramdam na nagpapatibok ng puso tuwing kasama si Julio. Natuto siyang magtanim ng pag-ibig sa kanyang puso para sa isang lalakeng tulad ni Julio. Di alam ni Amarra na ganun din ang nararamdaman ng binata sa kanya. Tila ba nagkakaisa ang kanilang puso sa nararamdaman. Sabay na tumitibok ito. Iisang ritmo kapag kapwa kumakabog at tila sumisigaw ng tunay at dalisay na pag-ibig. Para sa binata, ito na ang senyales na talagang may pagtingin na siya kay Amarra. Umpisa nang pakawalan ang masidhi at makulay na pag-ibig na sigaw ng kanyang tumitibok na puso.Dumating ang araw ng pag-alis ng mag-inang Arguelles sa kanilang mansyon upang sunduin sa airport si Vanessa. At mukhang magtatagal pa sila sa Maynila dahil sa pag-aasikaso ni Doña Consuelo sa nalalapit na pag-iisang dibdib ni Claudio kay Vanessa. Isasabay na rin nila ang pag-aasikaso nila sa mga ari-arian nila doon. Kung gaano ka-excited ang Doñang kinikilalang panginoon ng Hacienda Avaristo na makita na niya ang kinikilala niyang future manugang, ay ganito rin ka-excited ang mga taong maiiwan dahil pansamantala silang makakaranas ng katahimikan at kapayapaan. Si Claudio naman, na sunud-sunuran, walang magawa kundi ang sumama at maging sunud-sunuran sa Ina dahil tulad ng mga tao sa Hacienda, maging siya na nag-iisang anak ng Hacienderang mapagmataas, ay nakagapos din ang mga palad at hindi magawang makaalpas.Ilang oras bago ang kanilang pag-alis, tinipon ni Doña Consuelo ang kanyang mga tauhang nakatoka sa loob at labas ng mansyon upang kausapin at pagbilinan. Pinahilera na tila mg
Mainit ang sikat ng araw noong mga panahong iyon. Dinig na dinig mo ang paghampas ng mga itak ng mga magsasaka na abalang-abala sa pag-aani ng tubo. Samantala sa pusod ng mansyon partikular sa hardin na puno ng iba’t-ibang bulaklak tulad ng gumamela at rosal, abala si Amarra na magwalis ng mga nalaglag na dahon. Kahit pa tuyo na ang kanyang mga kamay at ang pawis ay dumadaloy sa kanyang noo, Pansamantalang nakaramdam si Amarra na katahimikan at kapayapaan ng mga sandaling iyon. Hanggang sa ang katahimikang kasalukuyan niyang nilalasap ay babasagin ng isang tinig na biglang gagambal sa kanya. “Magandang umaga.” bati ng isang lalaking bumasag sa kapayapaan ni Amarra. Agad namang nilingon ni Amarra ang kinaoonan ng tinig at tumambad sa kanya ang isang lalakeng tila mailap at ngayon lang niya nasilayan ng malapitan. “Señorito Claudio. Andito po pala kayo. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” gulat na pagbati ni Amarra kay Claudio. “Ikaw si Amarra, tama?” tugon ni Claudio. “Opo
Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka
Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti
Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. “Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran,
Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nak







