Share

Ang Haplos Ng Bilyonaryo
Ang Haplos Ng Bilyonaryo
Author: Nightshade

KABANATA 1

Author: Nightshade
last update Last Updated: 2025-12-19 01:04:13

ELENA POV

Habol-hininga kong hinawakan ang malamig na doorknob ng Presidential Suite 808. Ang bawat tibok ng puso ko ay tila nagrerebelde sa loob ng dibdib ko, marahas na tumatama sa tadyang ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang puting envelope. Sa loob nito ang mga dokumentong magpapalaya sa akin, ang divorce papers na tatlong taon ko nang dapat ibinigay.

“Tatlong taon, Elena. Tama na,” bulong ko sa sarili habang pilit kong pinapakalma ang naglalabang emosyon sa loob ko.

Tatlong taon na akong kasal kay Dante Valderama, ang bilyonaryong kinatatakutan sa mundo ng negosyo. Pero sa loob ng tatlong taong iyon, isa lang akong "ghost wife.” Isang pangalan sa papel. Isang asawang hindi kailanman isinama sa mga marangyang party, at hindi kailanman tinabihan sa pagtulog. Ni hindi ko nga alam kung alam niya ang hitsura ko. Noong araw ng kasal namin, proxy lang ang ipinadala niya. Isang pirma, isang malamig na seremonya, at pagkatapos ay iniwan niya ako sa isang mansyon na mukhang ginto sa labas, pero parang libingan sa loob.

Ginamit ko ang duplicate keycard na ibinigay ng biyenan ko. Isang marahang click ang narinig ko bago dahan-dahang bumukas ang pinto.

Sinalubong ako ng kadiliman. Ang tanging liwanag ay nagmumula sa mga ilaw ng siyudad sa labas na sumisilip sa malalaking glass windows ng hotel. Ang amoy ng paligid ay nakakalasing, isang mamahaling brand ng whiskey na humahalo sa amoy ng maskuladong pabango na may kasamang kakaibang pahiwatig ng panganib.

"Dante?" mahina kong tawag. Ang boses ko ay halos maglaho sa laki ng kwarto.

Walang sumagot. Akma ko sanang kakapain ang switch ng ilaw sa pader nang biglang may humablot sa braso ko. Sa isang iglap, naramdaman ko ang likod ko na sumadsad sa matigas na pader. Ang hangin sa baga ko ay parang ninakaw ng marahas na pagkilos na 'yon.

Isang mainit na katawan ang dumikit sa akin. Napasinghap ako. Kahit madilim, ramdam ko ang matitigas na macle ng dibdib niya na nakadantay sa akin. Ang bawat bahagi ng katawan niya ay parang naglalabas ng matinding init.

"You're late," baritono at paos ang boses nito. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko, nag-iiwan ng kilabot na gumagapang pababa sa gulugod ko. Amoy alak siya, pero may kakaibang tamis sa bawat paghinga niya na parang nanunukso.

"Dante... bitawan mo ako. Mag-uusap tayo..."

"No more talking," putol niya sa sinasabi ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at itinaas iyon sa ibabaw ng ulo ko, idinidiin ako lalo sa pader hanggang sa halos wala nang espasyo sa pagitan naming dalawa.

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya. Para bang may init na naglalagablab sa loob niya. Ang mga mata niya, kahit sa dilim, ay parang nagliliwanag habang nakatitig sa mga labi ko. Sa puntong ito, alam kong may mali. Hindi ito ang normal na Dante Valderama na nababasa ko sa mga balita. Ang bawat haplos niya ay puno ng desperasyon.

"Dante, teka...may sakit ka ba?" pag-aalala ko, ngunit hindi na ako nakapagsalita dahil sinunggaban na niya ang mga labi ko.

It was a searing, hungry kiss. Isang halik na puno ng pagnanasa at tila humihingi ng tulong. It tasted like whiskey and obsession. Noong una ay pilit akong kumakawala, iniisip ang mga papeles na dala ko, ang kalayaan na matagal ko nang hinahangad. Pero nang maramdaman ko ang kanyang mainit na palad na gumagapang mula sa baywang pataas sa likuran ko, tila nawala ang lahat ng lakas ko. Ang haplos niya ay tila kuryenteng gumuguhit sa bawat bahagi ng balat ko, binubura ang lahat ng katinuan sa isipan ko.

Sa loob ng tatlong taon, naging bilanggo ako ng isang kasal na walang pag-ibig. Pinanood ko siya mula sa malayo. Alam ko ang bawat detalye ng mukha niya sa mga magazine, ang kanyang mga tagumpay, at ang kanyang reputasyon. Pero ako? Para sa kanya, isa lang akong obligasyong kailangang bayaran buwan-buwan.

"You're shaking," bulong niya, ang boses niya ay tila haplos na malambot sa pandinig ko. "Don't be afraid. I've got you."

Hindi niya alam na ang takot ko ay hindi sa kanya, kundi sa katotohanang baka bukas, paggising niya, ay hindi pa rin ako ang babaeng nais niyang makasama. Pero sa gabing ito, sa ilalim ng alak at ng kung anong kemikal na nagpapatindi sa kanyang pagnanasa, ako ang mundo niya. Ibinaba niya ang mga labi sa balikat ko, bawat halik ay parang selyo ng pang-aangkin. Ang mga kamay ko, na kanina’y nakakuyom, ay dahan-dahang bumukas at gumapang sa malapad niyang balikat. Ang mga muscle niya ay parang bakal sa ilalim ng mga daliri ko.

binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap patungo sa malaking kama sa gitna ng suite. Ang bawat galaw niya ay puno ng kontrolado pero nag-aalab na pwersa. Sa ibabaw ng malambot na sapin, sa pagitan ng anino at liwanag ng buwan, ay naging isa kaming dalawa.

Walang mga salita ng pag-ibig, dahil alam kong hindi iyon para sa akin. Ang bawat ungol at haplos niya ay para sa isang estrangherong akala niya ay ipinadala para sa kanyang aliw. Ngunit sa bawat sandaling magkadikit ang aming balat, ibinibigay ko ang lahat, tatlong taon ng pangungulila, sakit ng pagbabalewala, at lihim na pag-asang sana ay makilala niya ako.

Lumipas ang mga oras na tila isang panaginip. Ang ingay ng ulan sa labas ay naging musika sa aming bawal na pagsasama. Nang humupa ang pag-aalab sa pagitan naming dalawa, dahan-dahang bumigat ang kanyang paghinga hanggang sa tuluyan siyang dinalaw ng antok.

Dahan-dahan akong bumangon, iniingatan na huwag siyang magising. Ang katawan ko ay hapu-hapo, pero ang isip ko ay gising na gising. Sa kaunting liwanag mula sa digital clock sa side table, sa wakas ay pinagmasdan ko ang kanyang mukha nang malapitan. Ang matangos niyang ilong, makapal na kilay, at mga labi na kanina lang ay nagbigay liwanag sa mundo ko. Napakagwapo niya, pero kasabay nito ang matinding kirot sa dibdib ko, sakit na malaman na paggising niya, hindi na niya maaalala ang aking presensya.

Hinanap ko ang dress ko sa sahig. Isinuot ko ito habang nanginginig ang mga kamay. Kinuha ko ang divorce papers sa ibabaw ng mesa. Dinampot ko ang ballpen at, sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang linyang dapat kong permahan.

Ngunit may isang bagay na nagpahinto sa akin. Isang mamahaling gintong cufflink na may inisyal na "DV" ang nakapatong sa drawer. Kinuha ko ito at mahigpit na pinisil sa palad. Isang alaala ng gabing ito. Isang piraso ng kanyang pagkatao na dadalhin ko sa pag-alis.

“Ito na ang huling beses na magiging asawa mo ako, Dante,” bulong ko habang nakatingin sa kanyang natutulog na itsura.

Pinunit ko ang pahina ng divorce papers kung saan nakasulat ang buong pangalan ko, iniwan ko lang ang blangkong dokumento na may perma niya. Kung gusto niya akong palayain, kailangan niya akong hanapin. Gusto kong mabaliw siya sa kakaisip kung sino ang babaeng nagnakaw ng kanyang gabi at ng kanyang cufflink.

Mabilis akong lumabas ng suite, hindi lumingon, at hinayaan ang dilim ng hallway na lamunin ang anino ko. Bukas, ang mahinang si Elena Villareal ay mawawala na. At sa susunod na magkita kami, sisiguraduhin kong siya naman ang luluhod sa harap ko, magmamakaawa para sa isa pang haplos na ibinigay ko sa kanya nang libre sa gabing ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 8

    ELENA POV Nagising ako sa loob ng isang pamilyar na kwarto. Ang amoy ng lavender at fresh linen, itong kwartong 'to sa mansyon ng mga Valderama na saksi sa mga iyak ko gabi-gabi noon. Pero ngayon, hindi na ako yung mahinang babaeng nakasubsob sa gilid ng kama. Dahan-dahan akong bumangon. Wala na yung swero sa kamay ko, pero naroon pa rin yung bigat sa katawan ko. Nang lumingon ako sa tabi, nakita ko si Dante. Nakaupo siya sa couch malapit sa bed, nakasandal at pikit ang mga mata. May hawak siyang maliit na rosaryo, bagay na hindi ko akalaing alam niyang gamitin. "Nasaan ako?" malamig kong tanong. Agad siyang nagmulat ng mata. Sa bilis ng pagtayo niya, kitang-kita kung gaano siya ka-alerto pagdating sa akin. "Elena... nasa mansyon ka na. Sabi ng doctor, kailangan mo ng matinding pahinga. Mas safe ka rito, mas mababantayan kita... kayo ng anak natin." Ngumiti ako nang mapait habang pilit na tumatayo kahit medyo hilo pa. "Safe? Dito sa lugar na 'to? Dante, ang mansyong ito ang

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 7

    ELENA POV Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa banyo ng office ko. Ang "Alana" na nakikita ko ngayon, sobrang layo na sa Elenang dating nagmamakaawa para lang mapansin ng asawa. Nakasuot ako ng emerald green silk slip dress na hapit sa katawan ko, at pinatungan ko ng black blazer para magmukhang professional pero palaban. Yung stilettos ko? Matulis at kumikinang, handang tapakan ang kahit anong pride na natitira kay Dante. Kinuha ko ang lipstick ko at muling kinulayan ang mga labi ko. Medyo maputla ako dahil sa sobrang hilo kaninang umaga, pero hinding-hindi ko hahayaang makita 'yon ni Dante. Kailangan manatiling perfect ang facade ko. Eksaktong 5:00 PM nang lumabas ako ng opisina. Gaya ng inaasahan, bumukas din ang pinto ni Dante. Nakatayo siya doon, wala na ang blazer niya at nakatiklop na hanggang siko ang sleeves ng white polo niya. Halatang pagod ang mga mata niya, kitang-kita na wala siyang tulog. "Saan ka pupunta?" tanong niya, gamit ang boses na puno ng author

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 6

    DANTE POV Nanatili akong nakatayo sa gitna ng sala ng maliit na apartment ni Elena, no, ni Alana. Bawat salitang binitawan niya ay parang mga balang bumaon sa dibdib ko. At ang tunog ng pagsara ng pinto matapos niya akong itaboy? Para iyong hudyat na gumuho na ang buong mundo ko. "I am Alana na ngayon. At sisiguraduhin kong hinding-hindi mo mahahawakan ang anak ko." Paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang mga salitang iyon. Anak. May anak kami. Napatingin ako sa mga palad ko na nanginginig pa rin. Ang mga kamay na ito... ito rin ang mga kamay na humawak sa kanya noong gabing iyon sa hotel nang may pagnanasa. All this time, hindi ko alam na ang babaeng inaangkin ko sa gabing 'yon ay ang asawang tatlong taon kong binalewala at hinayaang mabulok sa isang mansyong kailanman ay hindi ko tinapakan. "Tang-ina, Dante! Ang tanga mo!" Isang malakas na mura ang kumawala sa bibig ko sabay suntok sa pader. Pero ang sakit sa kamao ko, wala pang isang porsyento ng sakit na nakita ko sa mg

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 5

    ELENA POVAng bigat ng bawat hininga ko habang pinapanood ko ang unti-unting pagsasara ng pinto ng elevator. Naiwan si Dante sa loob, pero tila dala-dala ko pa rin ang bigat ng presensya niya. Ramdam ko pa rin sa mga labi ko yung init ng mapusok niyang halik, isang halik na tila gustong pilitin na ilabas ang lahat ng katotohanang itinatago ko. Ang mga kamay ko, nanginginig pa rin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa baywang ko kanina.“Sino ka ba talaga?” Parang naririnig ko pa ring bulong niya sa tenga ko, puno ng desperasyon at pagnanasa.Naglakad ako palabas ng hotel lobby nang mabilis, hindi pinapansin ang malamig na hangin sa labas. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong makahinga. Sa bawat hakbang ko, ang tunog ng stilettos ko sa semento ay tila nagpapaalala sa akin na bawat galaw ko, binabantayan na niya. Alam kong nagdududa na siya. Ang gintong cufflink na nasa bag ko, tila nagiging mas mabigat, isang ebidensya ng nakaraan ko at ng kasalanang ginawa ko.Pagdating ko sa apart

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 4

    ELENA POVAng bawat haplos ng emerald green silk gown sa balat ko ay nagsisilbing paalala na hindi na ako ang dating Elena. Ang telang ito, dumidikit sa bawat kurba ng katawan ko, isang katawan na sa loob ng tatlong taon ay itinago ko sa ilalim ng maluluwag at boring na damit. Noon, ang pangarap ko lang ay maging sapat sa paningin ni Dante. Ngayon, ang goal ko ay makita siyang malunod sa sarili niyang pagnanasa habang tinitingnan ako.Tiningnan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin ng powder room dito sa Grand Hyatt. Ang maikli kong ash gray hair ay perpektong naka-style, at ang pulang lipstick na pinili ko ay tila isang babala. Isang warning na handa na akong maningil."Kaya mo 'to, Elena," bulong ko sa hangin. "O mas tamang sabihin... Alana."Ngayong gabi ang Charity Gala ng Valderama Foundation. Ito ang first time na haharap ako sa publiko bilang official Marketing Consultant ng Valderama Empire. Pero higit pa doon, ito ang gabing plano kong itanim ang binhi ng obsession sa isip

  • Ang Haplos Ng Bilyonaryo   KABANATA 3

    ELENA POVHuminto ang elevator sa 50th floor. Bawat floor ng Valderama Empire ay simbolo ng power, testamento sa yaman ng pamilyang minsang umalipin sa pagkatao ko. Pero ang floor na 'to, ang kuta ni Dante, ay may ibang klase ng pressure na nagpapasikip sa dibdib ko. Lumabas ako nang taas-noo. Ang tunog ng stilettos ko sa marble floor ay parang ritmo ng isang digmaan na ako mismo ang nagpasimula."Good morning, I'm Alana V. I have a 10:00 AM briefing with Mr. Valderama," sabi ko sa secretary niyang si Sarah.Tiningnan ko si Sarah nang diretso. Naalala ko siya. Siya yung boses sa kabilang linya na laging sumasagot sa mga tawag ko noon mula sa mansyon, yung mga tawag na puno ng pagmamakaawa para lang makausap ang sarili kong asawa. Ang mga tawag na laging nauuwi sa malamig na, "He's busy, Mrs. Valderama." Ngayon, ang tingin niya sa akin ay puno ng paghanga at konting kaba. Hindi niya nakilala ang babaeng dati ay binalewala lang niya."This way, Ms. Alana. Inaasahan ka niya," sabi niya h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status