Share

Ang Hot Na Mekaniko
Ang Hot Na Mekaniko
Author: Lhiamaya

Chapter 1

NIKA

"NIKA GISING na! Anong oras na nakahilata ka pa!" Sigaw ni Tiyang Sabel sa labas ng pinto ng kwarto ko. Naiinis kong tinakpan ng unan ang ulo at pumikit. Ano ba naman tong si tiyang parang others! Kitang natutulog pa eh!

"Nika, bumangon ka na jan at tanghali na! Kuh ka talagang bata ka napakahirap mong gisingin sa umaga!" Litanya pa rin ni tiyang Sabel habang kinakalampag na ang pinto. Alam kong hindi sya aalis dyan hangga't hindi ako bumabangon.

Napakamot sa ulong bumangon na ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang nakasimangot at nakapamaywang kong tiyahin.

"Tiyang naman ang aga aga pa eh, tsaka sabado kaya ngayon.." Antok na antok akong sumandal sa hamba ng pinto.

"Yun na nga! Sabado ngayon araw ng gawaing bahay. Bawal Ang tatamad tamad. Tambak ang labahin yung hugasin di pa nahuhugasan dahil tinulugan mo kagabe. Hala, kumilos ka na at mataas na ang araw, at ako'y tatapusin pa ang nakabinbin na tahiin!"

"Ano ba yan tiyang ang dami namang gagawin. Sabado naman ngayon inaantok pa ako ihh.." Papadyak padyak at kakamot kamot pa ako ng ulo.

"Aba't anong gusto mong gawin, hihilata maghapon? Di tayo mayaman Nika wala tayong katulong na gagawa ng mga gawaing bahay! Kaya kumilos ka na kundi makukurot kita sa singit!" Pinandilatan nya ako ng mata.

"Ihh, naman kase tiyang eh.. pwede naman mamaya ko na lang hugasan yang mga pinggan tas bukas na lang ako maglaba, tinatamad ako ngayon ihh.." Pagmamaktol ko pa.

"Aba't gusto mo talagang makurot ah! Umiral na naman yang katamaran mo!" Umamba pa si Tiyang Sabel ng kurot na hinarang ko naman ng kamay.

"Kyah! Oo na tiyang! Eto na kikilos na." Sumimangot at nagkamot na lang ako ng ulo.

Binigyan pa ako ng nagbabantang tingin ni Tiyang Sabel bago tumalikod at bumaba ng hagdan na gawa sa kahoy.

 

Napabuntong hininga na lamang ako at tumalima na. Niligpit ko muna ang higaan ko at hinawi ang kurtina at binuksan ang capiz na bintana. Nasilaw pa ako sa sinag ng araw na pumasok.

Dalawang palapag ang bahay namin, yari sa bato ang unang palapag at kahoy sa ikalawa. Pagmamay-ari ito ng yumao kong lolo at lola. At naiwan sa tatlong magkapatid, si tatay ko ang panganay na ofw sa bansang UAE, Isa syang operator ng mga heavy equipment, tuwing ikalawang taon lang sya kung umuwi. Magmula ng namatay ang nanay ko 8 years ago nagpaka-busy na sya sa trabaho. Dahilan nya para di daw nya naiisip palagi si inay. Naiintindihan ko naman, maging ako man ay nalulungkot at naiiyak tuwing maiisip si nanay. Maaga syang kinuha sa amin, sa isang aksidente..

Ang hirap ng walang ina pero nandiyan naman si Tiyang Sabel, bagama't may pagka bungangera sya di naman nya ako pinababayaan. Matandang dalaga si tiyang, bunso sa magkakapatid, kaya siguro laging masungit. Ang tiyuhin ko naman na si tiyo Faustino na pangalawa sa magkakapatid ay nakatira sa kabilang kanto, may dalawa syang anak na lalaki na mas matanda sa akin. Si kuya Brent 24 years old at si Kuya Bryan na 21 years old. Close ako sa kanilang dalawa, tinuturing nila akong bunsong kapatid. Parehas silang nasa Maynila at nagtatrabaho kaya bihira na lang kami kung magkita.

Matapos kong hugasan ang mga pinggan sinunod ko naman ang mga labahin, pinaghiwalay ko ang mga puti at de kolor niluglugan ko muna bago isinalang sa washing machine, kinusutan ko na lamang ang mga panloob.

Dinig ko mula dito sa likod bahay ang tunog ng makina ni Tiyang Sabel, habang sa harap ko naman ang kalye kung saan maraming bata ang naglalaro at mga tambay na hindi pa naman tirik ang araw ay mga nagiinum na. Tipikal na tanawin sa araw araw ng mga mamamayan dito sa kalye ng bayan ng San Jose.

"Uy Nika ba't tanghali ka na naglaba?"

Nilingon ko ang kaibigan kong si Jelly na ngumunguya pa ng tsitsirya at may hawak na plastik ng soft drinks. Kababata ko sya at bestfriend, parehas kaming nasa unang taon ng kolehiyo.

"Tinanghali ako ng gising eh.." Pagkibit balikat ko at itinuon ang tingin sa kinukusot. Labas pasok sya sa bahay namin minsan dito na rin nakikitulog. Malamang may bago na naman syang chismis, lagi syang updated sa chismis eh kaya close sila ni Tiyang Sabel.

"At bakit ka naman tinanghali ng gising, napuyat kakapanood ng porn no? Ano, may bago ba yung poging kalbo? Pa share naman ng link!" Aniya na kinikilig pa na parang iniipit ang tingg*l.

"Gaga!" Binato ko sya ng itim na panty ni Tiiyang Sabel, sapul sa mukha.

"Ay paniki!" Tili nya at hinagis pabalik sa batya ang paniki, este ang itim na panty ni Tiyang Sabel. Tinawanan ko sya.

Mahilig kasi syang manuod ng porn natutunan daw nya ito sa ex nya at alam nyo na.. Pati ako natuto na rin manuood nito, sabi nya para daw pag nagka jowa ako di na ako aanga anga at mas lamang daw ang may alam. Nung first time ko nga makanood nandidiri pa ako lalo na pag sinusubo nung babae yung etits. Jusko ang laki ba naman ng etits nung kano! Di pa ako nakakakita nun sa personal parang nakakatakot! Pero itong m*****g kong kaibigan yun daw ang paborito nyang panghimagas nung sila pa ng ex nya. Nakakailang jowa na rin sya sa edad na labing siyam. Mas matanda sya sa akin ng one year kaya malamang marami na syang alam sa ganoong bagay.

"Hindi no! Napuyat ako kakapanood ng Turkish drama" Irap ko sa kanya.

"Ano, may jugjugan ba?"

"Wala, wholesome yun."

"Ay, ang boring naman. Dapat yung mga pinapanood mo yung may matutunan ka at dadalhin mo hanggang sa pagtanda." Tinaas taas pa nya ang kilay habang ngumunguya ng tsitsirya. Tinaasan ko rin sya ng kilay.

Naka upo sya sa mahabang bangko at halos kita na ang kuyukot sa sobrang iksi ng short. Ang pang itaas ay crop top na itim na kita ang pusod. Di naman kami nalalayo ng style ng pananamit. Mag bestfriend kami eh kaya wag na kayo magtaka. Liberated nga lang sya at marami ng alam sa larangang sekswal di gaya ko ko na never been kissed never been touched. Maputi sya at maganda. Mas maganda nga lang ako syempre. Napangisi ako. 

Diskumpyado ko syang tiningnan. Alam ko na kung ano tinutukoy nya. Tumayo ako at tinapunan sya ng bula.

"Hay naku Jel, puro ka kamanyakan." Iling ko sa kanya habang hinahango ang mga damit sa washing machine.

"Huu, nasasabi mo lang yan ngayon kasi di ka pa nakakatikim, pag ikaw nakatikim na ng biyaya ng langit ewan ko lang kung di ka maging manyak." Tatawa tawa pang sabi nya at nilamukos ang balat ng tsitsirya.

Aminado naman ako minsan curious din ako sa ganoong bagay. Minsan nga nung nanood ako ng porn nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan parang nag iinit ang loob ko na parang may gustong kumawala na di ko mawari. Naramdaman ko na lang parang namamasa ang panty ko. Ang sabi ni Jel, naapektohan daw ako sa eksena, n*********n ganon. Ipinilig ko ang ulo para maalis ang init na nagsisimulang lumukob sa katawan ko. S***a, nahahawa na yata ako kay Jel ah!

"Bakit kasi di mo pa sagutin si Geoff, mabait naman yung tao gwapo, macho, mapera, magaling magbasket ball at malaki ang... katawan!" Humahagikgik na dagdag pa nya.

"Alam mo naman wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend, focus muna ako sa pag aaral ko no." Katwiran ko.

Si Geoff ay schoolmate ko. Mas ahead sya sa akin ng isang taon. May halos kalahating taon na rin nanliligaw sa akin si Geoff. Gaya nga ng sabi ng kaibigan ko gwapo sya, mabait  at galante pa. Yun nga lang habulin ng babae, may pagka palikero kasi sya. Pero sabi nya magtitino daw sya pag sinagot ko. Di ko na lang binigyan ng pansin, gusto ko sya pero bilang kaibigan lang.

"Eh kelan ka magbo-boyfriend? 18 ka na Nika mami-miss mo ang parteng to ng buhay mo. Bahala ka, baka tumanda ka ng di nakakatikim ng biyaya ng langit gaya ni Tiyang Sabel." Maarteng itinirik pa niya ang mata.

"Bata pa naman ako no at di ako nagmamadali, bruha ka!" Ganting irap ko sa kanya.

Hanggang sa natapos na lang ako sa paglalaba ay hindi pa rin matapos tapos sa chismis at kwentong kamanyakan si Jel.

***

PIERRE

"OHH FUCK Pierre baby! You're hitting the spot ohhh.. give me more! Ahhh..."

Ungol ni Kesca habang nirarapido ko sya ng bayo. Hawak ko ang nakataas niyang mga paa habang nakabukaka. Patuloy ako sa pag ulos ng mabilis at malalim. Sinisiguro kong natatamaan ang parteng nagpapatirik ng mga mata nya. Pawisan na ako at namumutok na ang mga ugat ko sa leeg at braso at nararamdaman ko na rin na malapit na akong labasan. Mas binilisan ko pa ang pagkadyot hanggang sa nanginig ang katawan ng babaeng katalik ko senyales na lalabasan na sya.

"Ughh, malapit na ko fuck!" I cursed as I came inside her the nth time. Hinihingal pa akong hinugot ang k*****a ko at binaba ang mga paa nya. Tinanggal ko ang condom at itinapon sa trash bin. Kita sa mukha nya ang pagod pero mas lamang ang kontento at sarap na nalasap. Napangisi ako at dumiretso sa banyo at nag shower ng mabilisan.

Paglabas ko nakabihis na sya at handa ng umalis. Lumapit sya sa sakin at niyakap ako. I hugged her back and kissing her while caressing her back.

Una syang bumitaw sa halikan namin at tumingala sa akin. "Thanks for everything Pierre. Salamat at dumating ka sa buhay ko nung mga panahon na bigo ako." She smiled sweetly habang magkayakap pa rin kami.

Tinitigan ko sya. Maganda si Kesca at sexy. Pangarap ng halos lahat ng kalalakihan.

Kesca and I are not in a relationship, pure fuck lang ang meron kami but we are good friends. Nakilala ko sya sa isang high class bar umiinom mag isa. Nilapitan ko sya at kinausap hanggang sa magkapalagayan ng loob. Doon ko nalaman na heartbroken pala sya. Hiniwalayan ng nobyo at pinagpalit sa iba. May nangyari sa amin ng gabing yon at naulit pa ng ilang beses hanggang sa naging mag kaibigan kami at nagtrabaho sya bilang secretary sa kompanya ng dad ko. Wala akong naging problema kay Kesca sa tatlong taon naming pag kaibigan kahit ganito ang set up ng friendship namin. Walang selosan, pwede syang makipag date sa iba at ganun din ako. No hard feelings attached, compatible lang kami sa kama but I only adore her as a friend. At ngayon nga ay tatapusin na namin relasyon namin sa kama dahil nakipagbalikan na ang ex nya at ikakasal na sila. So what we did earlier is a goodbye sex. Maninirahan na sila America at doon nagtatrabaho ang nobyo nya. Malungkot ako kasi mami-miss ko sya at masaya rin dahil nakikita kong masaya rin sya.

"Masaya ako para sayo Kesca. Sana nga lang totohanan na yan at di ka na saktan ni Yael kundi pasasagasaan ko sya sa ten wheeler truck." Banta ko.

Napatawa sya at napailing. "Don't worry nagbagong buhay na sya. Pinakilala na nya ako sa magulang nya. Gusto sana kitang imbitahin sa kasal pero alam kong tatanggi ka dahil di mo maiiwan ang mahal mong talyer."

"Babatiin na lang kita sa araw ng kasal mo."

"Sana makahanap ka na rin ng mgpapatino sayo Pierre, di ka na bumabata. Isang taon na lang wala ka na kalendaryo." Pang aasar pa nya at bumungisngis.

"Tsk, sige na baka ma late ka pa sa flight mo." Iiling iling na lang ako at di na pinatulan ang pang aasar nya.

Hinatid ko na sya sa labas ng bahay hanggang sa kotse nya. Nagyakapan kami ng ilang sandali hanggang sa pumasok sya sa loob ng kotse. Binigyan nya ako ng matamis na ngiti at kumaway bago minaniobra ang sasakyan. Hinatid ko na lang sya ng tingin.

Bumuntong hininga ako at napahimas sa batok.

"Boss Pierre!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Isang grupo ng mga lalaking nagiinuman sa kabilang kalsada sa may harap ng tindahan. Kilala ko ang iba sa kanila na mga kapitbahay ko.

"Tagay boss!" Aya nila sa akin.

Ngumisi naman ako at tumawid ng kalsada. Pagbibigyan ko lang sila ng mga ilang tagay. Pakikisama na rin.

******

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status