Share

Chapter 3

NIKA

"Bruno!"

Sigaw ng malaking boses ng isang lalaki. Tumigil naman sa pagkahol ang malaking aso. Nakarinig ako ng munting kaluskos.

"Ayos ka lang miss?"

Dahan dahan akong dumilat, una kong namulatan ang dalawang pares ng safety shoes. Tumingala ako unti- unti pataas, pantalong maong na kupas na may butas sa tuhod at muscle shirts na itim ang damit nito. Malalaki ang mga braso nito na may ilang mga minimalist tattoo sa magkabilaan. Umakyat ang mata ko sa malalapad nyang balikat at sa mukha nya. Maninipis na labi na mamulamula, matangos na ilong at pangahan na may ilang tubo ng balbas sa paligid at malalim na mapupungay na mata. 

Shet! Ang tangkad ni kuya at ang gwapo pa!

Kumunot ang noo nya habang nakatitig sa akin. Umuklo sya sa harap ko.

"Miss, ayos ka lang?". Pinitik pa nya ang daliri sa mukha ko.

Napakurap ako at tumango habang di inaalis ang paningin sa mukha nya na ilang dangkal lang ang lapit sa mukha ko.

Bumaba ang tingin nya sa mga tuhod kong may sugat at napakamot sa kilay.

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong nya.

Sinubukan kong tumayo ng dahan dahan at napaupo ulit sa lupa, ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod at napaigik na lang ako ng sumigid ang kirot ng sugat sa tuhod ko.

Napabuntong hininga na lang ang lalaki.

Napasinghap ako ng inilagay nya ang braso sa ilalim ng tuhod ko at isa naman sa bewang ko. Binuhat nya ako ng walang ka abog abog, napakapit na lang ako sa leeg nya sa takot na baka mahulog.

Ang tigas ng mga braso nyang nakakapit sa akin at amoy ko rin ang mabango nyang hininga na tumatama sa mukha ko.

"S-saan mo ko dadalhin kuya?" Kinakabahan kong tanong nang maglakad na sya.

Syempre mahirap na, kahit na gwapo sya di ko naman sya kilala baka mamaya rapist pala. Nag palinga linga ako baka may mga taong nakakakita sa amin para mahingian ko ng tulong kung sakaling gawan nya ako ng masama.

"Sa loob, gagamutin natin yang sugat mo." Sabi niya.

Napakagat labi na lang ako at di na sumagot. Mukha naman syang mabait. At ewan ko ba, di naman ako nakaramdam ng takot sa kanya kahit na malaking tao sya at kayang kaya akong ihagis palabas ng bakuran nya.

Habang pinagmamasdam ko ang gwapo nyang mukha ay may kung ano akong nararamdaman sa loob ko. Paghanga.. Marami na akong nakitang gwapo gaya ni Geoff, pero hindi ako nakaramdam ng ganito. May pagka brusko ang itsura nya at mas lalo lang nakadagdag sa kakikisigan nya. Bruskong gwapo. Sa tantya ko mga nasa trenta na ang edad nya at halatang marami nang karanasan sa buhay.

Pagpasok namin sa loob ay maingat nya akong inilapag paupo sa mahabang itim na sofa.

"Stay here, kukunin ko lang ang first aid kit." Tumango na lang ako at tumalikod na sya.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng sala, kulay puti ang pintura at kaunti lang ang gamit. May malaking flat screen tv at mahabang sofa at dalawang single na sofa, may lamesitang salamin at sa ibabaw nito ay isang maliit na ornament plant sa ilalim naman ay ilang mga magazine. May stand fan sa gilid na di nakabukas. Hindi naman mainit sa loob dahil nakabukas ang mga bintana at pumapasok ang hangin.

Nakita ko ang asong prenteng nakahilata sa gitna ng pinto. Inismiran ko na lang ang asong syang dahilan ng sugat ko sa tuhod.

"Uminom ka muna."

Lumingon ako at inabot ang isang basong tubig na dala ng lalaki, may dala na rin syang first aid kit. Uminom ako habang sinusundan sya ng tingin. Inilapag nya ang kit sa ibabaw ng lamesa. Binuksan ang stand fan at umupo sa lapag sa harap ko.

"Akin na ang binti mo." Utos nya.

Inilapag ko ang baso sa lamesita at dahan dahan itinaas ang mga binti. Hinawakan nya ito at ipinatong ang paa sa hita nya.  Kumuha sya ng bulak at nilagyan ng betadine. Hinigit ko ang aking hininga ng dahan dahan nya itong idinampi sa tuhod ko. Napapangiwi ako ng bahagya.

Seryoso sya sa ginagawa at kumukunot ang noo. Pansin ko ang pawis na namumuo sa noo nya. Mukha syang init na init pero bukas naman ang fan. Biglang naalala ko si tiyang. Oo nga pala yung tahi naiwan ko sa labas!

Napatikhim ako para kunin ang atensyon nito. Tumingala sya sa akin na nakakunot pa rin ang noo.

"Ahm, sorry po sa abala kuya-"

"Sa susunod kung gusto mo kumuha ng bunga magpapaalam ka at wag ka basta bastang aakyat ng bakod. Mabuti at itong sugat sa tuhod lang ang nakuha mo. Pa'no kung nabagok ka?" Himig panernermon nya sa akin habang yung isang tuhod ko naman ang ginamot.

Natameme ako at nakaramdam ng konting hiya. Kasalanan ko naman.

"K-kaya nga sorry po.. kanina pa kasi ako tumatawag kung may tao eh wala namang sumasagot." Napanguso na lang ako.

Tiningnan lang ako nya at inilapag sa sahig ang paa ko. May gasa na ang magkabilang tuhod ko.

"Pamangkin po ko ni Sabel yung mananahi po dyan sa kabilang kalsada. Pinahatid lang po nya sa akin yung mga patahi nyo, naiwan ko po sa labas." Nahihiya kong ngiti sa kanya.

"Oh I see.." Tumango tango sya at tumayo habang nililigpit ang mga bulak pabalik sa lalagyan.

Tumayo ako sa harap nya, nagmukha akong maliit na nakatingala sa kanya. Hindi man lang umabot sa baba nya ang ulo ko.

"Kaya mo na bang maglakad? Wala na bang masakit sayo?" Nakataas ang kilay nyang tanong sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang papa na ikinapula ng aking mukha.

Nakita ko pa ang pag taas ng gilid ng labi nya bago sya nag iwas ng tingin.

"Opo, kaya ko na. Di naman na gaanong masakit. Kukunin ko lang po yung patahi nyo sa labas."

Di pa naman ako nakakalampas sa kanya ng hawakan nya ang palapulsuhuhan ko. Tiningnan ko ang malaki nyang kamay na nakahawak sa akin. Ramdam ko ang init na nagmumula rito at nagbibigay ng estrangherong damdamin sa akin. Napalunok ako tiningnan syang nakatunghay sa akin. May kakaibang kislap akong nakita sa mga mata nya.

"Ako na ang kukuha pagkahatid ko sa'yo sa inyo."

"P-po? Naku wag na po! Kaya ko naman na pong maglakad." Tanggi ko habang bumibilis naman ang tibok ng puso ko.

"No. I insist. Mahirap na baka bigla kang mabuwal sa kalsada." Pinal na sabi nya  at nauna nang lumabas.

Wala na kong nagawa kundi sundan ito.

Papalubog na ang araw at siguradong nag aalala na si tiyang. Di ko naman magawang humakbang ng mabilis dahil sa sugat ko at panghihina pa ng tuhod ko.

Hinintay nya ako sa labas ng gate. Nakita ko ang plastik bag na nakasabit na sa rehas. Sinarado nya ang malilit na gate at hinawakan nya ako sa braso para alalayang makatawid. Tiningnan ko sya sa gilid ko at sakto namang lumingon din sya. Nginitian ko na lamang sya sabay iwas ng tingin.

Maraming bumabati sa kanya sa mga nadadaanan namin. Mukhang kilala na sya dito lalo na ng mga tambay at boss pa ang tawag sa kanya. May mga nagtatanong din kung ano ang nangyari sa tuhod ko. Nginitian ko na lamang sila hanggang sa matanaw ko na si tiyang sa labas ng maliit namin na gate na nakapamewang.

"Santisima kang bata ka! Kanina pa kita hinihintay. Saan ka ba nag susuot? At bakit kasama mo si Pierre? Siguro may ginawa ka na namang kalokohan no?" Litanya ni tiyang na salubong ang kilay.

So, Pierre pala ang pangalan nya. Sa loob loob ko at di na binigyang pansin ang sinasabi ni tiyang.

"Ah Aling Sabel, pagpahingahin muna natin si.. ang pamangkin nyo po, nahulog kase sya sa bakod kaya ginamot ko muna." Tiningnan nya muna ako at bumaling kay tiyang.

"Ano?? At bakit ka nahulog? Anong ginagawa mo sa bakod?" Taranta nang tanong ni tiyang habang tinitingnan ang mga tuhod kong may benda at kinapa kapa pa ang mga braso ko. "May bali ka ba? Anong masakit sayo? Dadalhin kita sa hospital." Bakas sa mukha nya ang pag alala na syang ikinangiti ko.

"Wala po tiyang. Itong mga tuhod ko lang. Saka ginamot naman na po ni Kuya Pierre."

Ang sarap banggitin ng pangalan nya. Masarap din siguro sya.

Ay erase! erase! Bad ka Nika. Nahahawa ka na sa kahalayan ni Jelly.

Tumikhim ang katabi ko.

"Wag po kayong mag alala Aling Sabel nalinis ko naman ng maayos yung sugat nya." Paninigurado ni kuya Pierre.

"Ay ganoon ba. Salamat Pierre sa pag asikaso sa pamangkin at pasensya ka na. May pagka malikot kasi itong pamangkin ko."

Napasimangot na lang ako sa itinuran ni tiyang.

Napatawa na lang si kuya Pierre.

"Oh Nika, magpasalamat ka kay kuya Pierre mo." Untag ni tiyang sa akin.

Tiningnan ko si kuya Pierre at matamis na ngumiti. "Salamat kuya Pierre. Ang bait mo po. At saka sorry sa abala."

"Wala yun, saka wag mo nang uulitin yon. Kung gusto mong kumuha ng bunga pwede kang pumasok sa loob pero dapat andun ako para di ka malapa ni Bruno." Ngumiti sya ng matamis pabalik at masuyong hinimas ang buhok ko.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko na para bang may nagkakarerahang mga daga.

Shemay! Anong nangyayari sayo heart?

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status