Share

Chapter 4

NIKA

HANGGANG SA magpaalam na sa amin si kuya Pierre ay di pa rin maawat sa pagwawala ang puso ko. Tinatanaw ko sya ng tingin palayo ng may pinipigil na ngiti sa labi.

Crush ko na sya!

Wala sa loob na napahagikgik na lang ako sa kilig at napakagat labi.

"Hoy anong nangyayari sa'yo Nika? Para kang naloloka jan?" Hirit pa ni tiyang kaya umayos ako ng tayo at napakamot sa pisngi.

"Pumasok ka na sa loob at magpahinga, ako na lang ang maghahatid ng mga tahi sa bayan, saglit lang ako."

"Eh kaya nyo ba tiyang? Marami rami yan." Nag aalala ako sa kanya. May katandaan na si tiyang at baka rayumahin na naman sya sa paglalakad.

"Kaya ko na, tinext ko naman si Efren at magpapahatid ako sa kanya sa bayan." Tukoy nya sa inaanak na namamasada ng traysikel.

"Kayo pong bahala tiyang. Magluluto na lang po ko."

"Wag na, marami akong nilutong ulam kaninang tanghalian iinitin na lang yon. Nakapagsaing naman na ako. Magpahinga ka na lang sa loob." Pinal na sabi ni tiyang. 

Dumating na rin ang traysikel ng inaanak ni tiyang. Binati nya ako at kinawayan ko na lamang. Hinintay ko na lang silang makaalis bago pumasok sa loob at sinara ang pinto.

Sumandal ako saglit at napatingala sa kisame habang naglalaro sa isip ang imahe ng lalaking nakapukaw sa pihikang puso. Sinasariwa ko sa isip ang mga nangyari kanina.

Ihh! Kinikilig ko! 

Parang bulateng kinikilig akong napapahagikgik pa. Mabuti na lang wala si tiyang kundi nakurot na nya ako  sa singit!

Pakanta kanta pa akong umakyat sa taas.

*****

PIERRE

HINAGIS KO ang plastik sa sofa na naglalaman ng pinatahi ko kay Aling Sabel. Mga lumang t-shirt ko ito na pinatanggalan ng manggas. Pang araw- araw ko sa talyer.

Umakyat ako sa aking kwarto, hinubad ang sapatos at lahat ng damit. Hubo't hubad akong pumasok sa banyo at tumapat sa malamig na dutsa  para mapatay ang init na kanina pa umaalipin sa katawan.

Pumikit ako at tumingala, hinayaang pumatak sa mukha ang malamig na tubig.

Ngunit tila naman tuksong ang mukha ng dalagang si Nika ang aking nakikita. Ang maganda at maamo nyang mukha na takot na takot kaninang nakasiksik sa may puno. Ang malambot nyang katawan at ang mabangong amoy na tila nakadikit pa sa ilong ko. Ang balingkinitan at makikinis nyang hita na tila kaysarap haplusin at paraanan ng labi paakyat sa nagtatago nyang yaman.

Fuck! 

Lalong nangalit ang kahabaan ko at tila di nakatulong ang malamig na tubig sa paghupa ng init sa aking katawan.

Fuck you Pierre! You shouldn't feel that way towards her! 

Parang may sariling isip ang palad ko na hinagod ang nangangalit kong kahabaan na para bang mapapakalma ito. Bumilis ang paghagod at napapaawang ang labing umuusal ng mahihinang ungol habang ang nasa isipan ay ang dalagang si Nika. Naglalaro sa aking isipan na ang mga malambot nyang palad ang humahagod  sa kahabaan ko habang nakatingala sa akin na may  nakaka akit na ngiti na tila ba tinutukso pa ako.

Ahh! Putangna!

Napamura ako at mas lalo pang binilisan ang pag taas baba. Nararamdaman ko ng malapit na ako sa sukdulan. Kaunting hagod pa ng mabilis at sumambulat ang puting likido na humalo pa sa pagdaloy ng tubig ang iba ay tumalsik sa tiles ng banyo. 

Hinihingal pa akong isinandig ang noo sa tiles habang nakatingin sa baba ko, nakasaludo pa rin ito at tila nanghihingi pa ng sapat na atensyon. Napangisi na lang ako at tinapos na ang paliligo.

Di naman ako kulang sa sex. Kung gugustuhin ko ay pwede naman akong lumuwas ng Maynila at pumunta sa mga bar kung saan ako maraming kilalang mga palaban na babae na game sa one night stand. O kaya tawagan ang isa sa mga dati ko ng nakarelasyon. 

Pero wala sa kanila ang interes ko ngayon, kundi na kay Nika.

Napapa buntong hininga na lang ako nagbihis. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina at kumuha ng dalawang incan beer. Binuksan ko ang TV at nanood ng basketball sa sala habang umiinom. Pilit inuokupa ang isipan sa panonood.

Umilaw ang phone ko sa ibabaw ng lamesita. Kinuha ko ito at sinwayp ang call button.

["Pierre, ano tong nabalitaan ko kay Lex na nasa San Jose Del Monte ka daw. Akala ko ba nasa Valenzuela ka?"]

Boses ni mama sa kabilang linya. Napakamot na lang ako sa kilay ng maalalang hindi ko pala sya nasabihan. At nalaman pa sa kaibigan kong si Lex.

"Sorry ma, nakalimutan kong sabihin. Ngbukas kase ako ng bagong branch dito at kaylangan kong tauhan muna muna ng ilang buwan." Paliwanag ko.

["Pero ang layo naman nyan anak. At ilang talyer pa ba ang bubuksan mo? Di pa ba sapat ang anim mong talyer?  Namimiss na kita anak.. Bakit kasi di ka na lang sa kumpanya ng papa mo magtrabaho di ka pa mahihirapan."]

May himig tampong sabi ni Mama.

"Ma, napag usapan na natin yan diba?". Mahinahong sambit ko.

["Anak, papa mo pa rin yon. At gusto rin nyang don ka sa kumpanya magtrabaho."]

Ang tinutukoy nya ay ang kumpanya ni papa sa Taguig. Kilala ang kumpanya ng aking papa pero di ako interesado dito. Dahil pakiramdam ko wala akong karapatan dahil anak lang ako sa labas.

Inihilamos ko ang palad sa mukha. Alam kong pipilitin na naman ako ni mama. Kaya magpaalam na ako at sinabing may gagawin pa.

Bumuntong hininga ako. Namimiss ko rin sya. Dalawang buwan ko na syang hindi nakikita dahil busy ako sa pag manage ng talyer. Lalo na ang bago kong bukas dito sa San Jose. Nasa kabilang kanto lang ito ng kalye. Kumpleto sa kagamitan at serbisyo. May ilang tauhan na rin ako at sa ngayon ay maganda ang response nito sa publiko. Hindi nawawalan ng customer ang shop. Iba't ibang uri ng mga sasakyan ang nagpapagawa, may mga pampubliko at pribado.

Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa mga sasakyan at natutunan ko na rin magkumpuni. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na magtatayo ng auto repair shop paglaki ko. Nakatapos naman ako ng kolehiyo at nakapag trabaho na rin sa malalaking kumpanya. Kaya lang ay iba ang gusto ko. Ng nakapag ipon na ako ng malaki saka ko inumpisahan ang pagbubukas ng auto repair shop. Sa kabuuan pito na ang lahat ng shop ko at maganda naman ang kita nito. Kaya ko ng buhayin si mama at ibigay ang lahat ng luho nya. Kaya di ko maintindihan kung bakit pinipilit pa ni mama na magtrabaho ako sa kumpanya ni papa.

Tumayo na ako at pinatay ang tv at ilaw. Sinarado ko na rin ang mga bintana. Hinimas ko muna si Bruno na natutulog na sa sofa bago ako umakyat sa kwarto.

Binuksan ko ang aircon at hinubad ang mga damit tanging boxer short lang ang naiwan, hindi ako sanay matulog ng nakadamit.

At sa pagpikit ko ng aking mga mata mukha na naman ni Nika ang aking nakita.

Shit!

*****

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status