Arianne
“Siya ba ang importanteng sinabi mo na aasikasuhin mo?” tanong ni Victor ng makapasok na kami ng bahay.
“Hindi.”
“Bakit kayo magkasama? At talagang nagpahatid ka pa rito? Para ano? Para ipakita na mas nakalalamang siya sa akin?” sunod sunod niyang tanong. Napailing na lang ako at wala akong balak sagutin siya dahil mukhang hindi rin naman niya ako papaniwalaan. Kinuha ko ang dalawang maleta at naglakad papunta sa kwarto ngunit pinigilan niya ako.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap!” galit niyang sabi na ikinainis ko. Pumiksi ako dahil hinawakan niya ako sa braso at ang higpit non.
“Nasasaktan ako!” reklamo ko. “At ano ba ang gusto mong sabihin ko? Sinabi ko na hindi siya ang importanteng pinuntahan ko. Hindi mo ba nakita ang mga dala ko?” inis kong tugon.
“Exactly. Gamit mo ang dala mo, ibig sabihin galing ka sa inyo. So ano ang dahilan at magkasama kayo ngayon?” galit pa rin niyang tugon.
“Nadatnan ko na siya sa bahay nila Mr. Aragon. At walang sasakyan na nagdadaan sa subdivision kaya nag magandang loob yung tao na ihatid ako.”
“Nag magandang loob? Hindi marunong si Donnie ng ganun. Mag-ina silang walang pakialam sa kahit na kanino.” Wala naman din akong pakialam doon, pero dahil nga sa tinulunggan ako ng tao kahit na pakitang tao lang ay kailangan ko pa ring magpasalamat na hindi maintindihan ng unggoy na ito.
“Concern sila sa akin. Pinapunta daw siya ng Mommy niya kila Mr. Aragon para alamin kung okay lang ako.” Nauubos na ang pasensya kong sagot.
“Bakit ba Mr. Aragon ka ng Mr. Aragon dyan?”
“Dahil ayaw ko siyang tawaging ama. Dahil wala akong amang kagaya niya!” Sigaw ko at hindi na siya nakaimik. Pero dahil naisip ko na ayaw ko ng away at hindi maganda na lagi na lang kaming ganito ay sinikap kong kumalma.
“Tsaka na tayo mag-usap kapag pareho ng malamig ang mga ulo natin.”
“Malamig ang ulo ko at mas lalong hindi ako galit sayo. Ikaw itong mainit ang ulo na nakasigaw agad,” sabi niya sabay talikod. Naiwan akong nakanganga dahil ang lumabas pa ay ako ang basta nagalit ng walang dahilan.
“Argh!!! Nakakagigil!!!” inis kong sigaw at tsaka nagpatuloy na sa pagpasok sa silid para ayusin ang mga gamit kong naisalba ni Manang Lina.
Inisa-isa ko ang mga damit at puro naman mga sinusuot ko ang nakuha niya. Mabuti naman at may pwesto pa para sa akin sa closet at sa tingin ko ay kasya naman ang mga gamit ko.
Nang mailagay ko na ang lahat ay dumapo ang tingin ko sa nag-iisang larawan namin ng nanay ko na magkasama. Laking pasalamat ko at nailigtas pa iyon kaya kahit papaano ay may alaala pa rin niya akong makikita.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha ng maalala ko kung paano tratuhin ni Mike Aragon ang napakabait kong ina.
Lumaki ako na nakikitang sinisigawan ng aking ama ang aking ina na ni minsan ay hindi ko nakitang umiyak. Palagi siyang nakangiti sa tuwing kakausapin ako kasabay ang paghingi ng sorry dahil wala siyang magawa sa tuwing pinapagalitan din ako ng aking ama.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako pinag-aral ng ama ko. Pero may palagay si Manang Lina na dahil iyon sa nanay ko. Iniisip niya na pinakiusapan niya ang tatay ko para lang patapusin or pag-aralin ako. Pero kahit ganon ay hindi nag tanong ni minsan man ang tatay ko ng tungkol sa akin o sa pag-aaral ko.
Magkaiba ang school namin ni Mikaela. Doon siya sa mamahalin at isa pa, ayaw niyang makasama ako sa iisang paaralan. Sa akin ay okay lang din ‘yon. Mas gusto ko nga actually dahil nakakakilos ako ng maayos. Hanggang sa makatapos ako ay wala man lang sinabi si Mike Aragon.
Muli ay tinignan ko ang larawan ng aking ina. Ayaw ko ng alalahanin pa ang mga pinagdaanan niya o naming dalawa sa kamay ng pamilyang ‘yon. Sobrang sama nila.
Binuksan kong muli ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko at tsaka inilagay ang larawan doon. Para sa akin ay kayamanan ko ng maituturing iyon kaya dapat kong pag-ingatan.
Pagkasara ko ng closet ay humarap ako sa pintuan kasabay ang pagpahid ng aking luha at nakita kong nakatayo roon si Victor.
“Kanina ka pa dyan?” tanong ko.
“Kakadating lang,” tugon niyang walang kahit na anong expression.
“Anong kailangan mo?” Lumakad na ako palapit sa pintuan kung saan siya nakatayo para lumabas din ng silid. Naalala kong bibili pa nga pala ako ng mga groceries.
“Ayaw kong makikita ka na kasama ang Donnie na ‘yon.” Namasahe ko ang aking sentido dahil sa sinabi niya. “Bakit, ayaw mo akong sundin?”
“Alam mo, ikaw na ang bahala. Basta ang sinasabi ko lang ay hindi sinasadya ang pagkikita namin. Kung kakatagpuin ko siya intentionally ay hindi mangyayari iyon dahil ayaw kong madamay pa sa drama ng pamilya niyo dahil kotang kota na ako sa sarili kong pamilya.”
Pagkasabi ko noon ay naalala kong kunin ang purse ko at cellphone. “Saan ka na naman pupunta?” tanong niyang kunot ang noo.
“Lalabas, bibili ng groceries at laman ng ref mo.”
“Huwag na, ako na ang bahala doon.”
“Saan ka kukuha ng pera? May trabaho ka?”
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Ano naman ang kinalaman ng tiwala ko sa pagtatanong ko kung may trabaho ka or kung saan ka kukuha ng pambili?”“Hindi ba tayo pwedeng mag-usap ng maayos?” tanong niyang nayayamot na naman.
“Ako pa talaga ang tinanong mo niyan?”
“Dahil ikaw itong ang daming sinasabi.”
“Ano naman ang sinabi ko? Sana kung nagtanong ako ay sumagot ka para wala na tayong usapan ngayon.”
“At kung sabihin kong wala akong trabaho, ano sayo ngayon?”
“Eh di manahimik ka at hayaan mo akong umalis dahil maggo-grocery nga ako.”
“Ikaw rin lang ang may gustong gumastos eh di sige, ikaw na ang mamili.” Humalukipkip siya at napa-iling na lang ako tsaka ko siya nilagpasan na at naglakad papunta sa pintuan palabas.
Paglabas ng pintuan ay may gate pa. May rehas na bakal ang harapan ng apartment na kasya ang dalawang motor. Pwede rin iyong gamitin na labahan lalo at maliit ang banyo. At dahil naisip ko ang labahan ay napapikit ako. Walang washing machine. Tsaka ko na nga lang iisipin iyon.
Bubuksan ko na ang gate ng unahan ako ni Victor. “Anong ginagawa mo?” tanong ko ng makalabas na ako matapos niya iyong buksan para sa akin at inakala kong gentleman din pala siya.
“Sasamahan kita.”
“Bakit?” tanong ko.
“Alam mo ba kung saan ka mamimili?”
“Mukha ba kong engot?” patanong kong sagot tsaka nagsimula ng maglakad.
“Kailangan ba talaga ay sarcastic ka?”
“Hindi ako sarcastic at kaya kong mag-isa kaya hindi ko kailangan ng alalay.”
“Ang gwapo ko namang alalay.” Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napatigil sa paglakad at tinignan siya. Tumigil din siya at tumingin sa akin. Lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin ng ngitian niya ako na hindi ko malaman kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba kaya naman hindi na ako nagsalita at tinalikuran na siya.
Nasa pilahan na kami ng tricycle ng makasalubong namin ang isang babaeng umiiyak at agad na yumapos sa unggoy. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman or magiging reaksyon ko, dahil hindi ko naman akalain na mangyayari ang ganito.
“Iuwi mo na ako sa inyo, Vic. Ayaw ko na sa bahay, magsama na tayo…” sabi ng babae habang humahagulgol ng iyak.
Ano daw?
Hi!!! Sana po ay suportahan niyo po ang story na ito nila Victor at Arianne. Mag-iwan naman po kayo ng like at comment at kung may gems po kayo ay pa-vote na rin. Maraming salamat!!!
ArianneHindi ko alam kung ano ang totoong status nila Kuya Donnie at Ate Juliette. Pero kung titignan ko ay mukha naman silang masaya kahit na biglaan ang kanilang pagtatagpo ganon din ang kanilang kasal.Kakatapos lang ng kanilang wedding reception at ngayon ay kakaalis lang nila para sa kanilang honeymoon. Pinaiwan na namin si baby Jessica para magkaroon sila ng time para sa isa’t-isa. Excited naman si Dad pati na si Mommy na pareho ding mahilig talaga sa bata.Kung wala lang klase ang kapatid ni Juliette na si Julienne ay maiiwan din sana ito upang tingnan din ang pamangkin. Ngunit dahil may yaya naman si Ariadna ay ayos lang din lalo at nandito lang din ako lagi sa bahay dahil sa ikalawang anak namin ni Victor na pinagbubuntis ko.Ayaw niyang magtrabaho ako kapag ganito ang kalagayan ko pero pumupunta pa rin ako sa office namin nila Candy. Stop na ulit muna kami sa paggawa ng products pero nagkasundo na kami na kumuha ng mga bagong chemical engineers para makatulong ko sa pagformu
Donnie“Kiss me, Juliette,” sabi ko. Hindi siya kumilos agad at nanatili lang na nakatingin sa akin. May ilang saglit na ganon lang siya hanggang sa napansin kong nagsimula na siyang ilapit ang kanyang mukha sa akin kasunod ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.Gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang ulo niya para mas lalo pang madiin ang aming halikan na natigil lang ng mapansin kong gumalaw si Jessica.“I’ll take care of the crib,” sabi ko bago ako tumayo at pumasok na sa aming silid kung nasaan nga ang tulugan ng bata.Naisip ko ng kumuha ng mag-aalaga kay Jessica ngunit ayaw pa ni Juliette dahil nandito lang naman daw siya sa bahay at walang ginagawa kaya kayang kaya na niya iyon. Binanggit ko rin ang pagkuha ng regular ng kasambahay ay tinanggihan na rin niya.Hindi ko magets kung bakit kailangan niyang magpakahirap na gawin ang mga ‘yon gayong pwede namang may makatulong.Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kasama ang bata kaya naman binilisan ko ang pag-aayos ng cri
Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang sinasabi ni Donnie na gusto ng magkaroon ng apo sa kanya ang matanda.Ayaw ko namang magsinungaling sa kanila kaya tumingin muna ako kay Donnie para lihim na ipaalam sa kanya na kailangan kong sabihin ang totoo. Hindi naman niya ako pinigilan at tinanguan lang ako, ibig sabihin ay hinahayaan niya lang ako sa desisyon ko.“Anak po siya ng kapatid ko na namatay na. Hindi ko maiwan sa probinsya kaya hiniling ko kay Donnie kung pwede kong isama.”“How about her father?” curious na tanong ni Arianne. Nakilala ko naman na kasi sila dati pa at alam kong mababait sila.“Nang malamang nagdadalantao ang kapatid ko ay iniwan na sila. Kaya ng ipanganak itong si Jessica ay pangalan ko na ang ginamit niy
Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ko.“Eh, sino siya? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?” curious niyang tanong din. Pero wala pa akong balak na sabihin sa kanya ng kaharap ang lalaki.“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya magpilit na malaman. Alam naman niya siguro na sasabihin at sasabihin ko pa rin sa kanya kung ano ang totoo.Naiwan kaming muli ni Donnie sa aming sala. Walang nagsalita sa amin. Siguro ay hinihintay niya na tugunin ko siya."Kailangan ko munang kausapin ang mga kapatid ko.”Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin sa akin.“Alam mong kailangan ko ring ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin. Ayaw ko na mag-alala sila sa akin na sigurad
JulietteHindi ko inaasahan na makita ang lalaking ito. Alam kong nandito ang planta ng kumpanya ngunit alam ko rin na hindi naman ito nabibisita ninuman sa mga matataas ang katungkulan sa main office.“Let’s hear it,” sabi niya ulit.Ano ba ang nakain niya para alukin ako ng kasal? Wala naman siyang dapat na panagutan sa akin.“Nakita mo ang baby?” tanong ko at tumango siya. “She needs a father, I mean, parents.”“We’ll adopt her.” Natigilan ako, ganon lang kabilis sa kanyang sumagot. “Bakit mukhang nagtataka ka?”“Hindi ba katakataka ‘yon? Parang hindi mo man lang pinag-isipan at basta ka na lang pumapayag.”“Hindi kailangang pag-isipan.”“Sir!”“Donnie. ‘Yan na ang itatawag mo sa akin at huling beses ko ng sasabihin sayo ‘yan.” Tinignan ko siya ng mabuti. Marami akong isipin sa buhay pero ang pinaka problema ko talaga ang lalaking inutangan ng namayapa kong ama ng magkasakit at namatay din naman ang aking ina.Nakasanla ang aming lupain at hindi ko pwedeng hayaang mangyari iyon dahi
DonnieSinundan ko si Juliette hanggang sa tumigil ang tricycle sa isang bungalow style na bahay na may bakuran. Walang gate although may nakaabang na dalawang maliit na poste para doon. Nakita ko ng pumasok doon ang babae dala ang take-out food niya from the fast food.Nanatili ako sa aking sasakyan at nag-isip kung kakatok ba ako sa pintuan niya at magpapakita. Kung sakali, ano naman ang idadahilan ko kung bakit ako nandito?Yes, pwede kong sabihin na nakita ko siya pero dapat pa ba na sundan ko hanggang dito sa kanila? I mean, ano ang iisipin niya kapag iyon ang idinahilan ko?Shit, hindi! Wala na akong pakialam. I want to know kung ano talaga ang dahilan ng pagre-resign niya. Hindi ako matatahimik dahil iniisip ko na baka ako yon.Inayos ko ng pagkakaparada ang aking sasakyan at in-off ‘yon bago bumaba. Naglakad ako papasok sa bakuran nila diretso sa pintuan ng bahay na nakita kong pinasukan niya.Nakabukas ang pintuan pero may screen door at kakatok na sana ako ng bigla iyong bumu