Share

Chapter 5

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-11-01 00:27:23

Arianne

Paglabas ko ng main door ay lumigid ako sa likod. Baka may alam ang mga kasambahay kung saan nailagay ang mga gamit ko kaya tatanungin ko sila.

Dahil sa sama ng ugali ng pamilyang iyon ay malapit naman ako sa mga katulong. “Sabi ko na nga ba at babalikan mo ang mga gamit mo eh.”

Ngumiti ako kay Manang Lina bago nagmano sa kanya. “Teka lang at kukunin ko.” Nawala lang siya saglit at pagbalik ay may hila ng dalawang maleta.

“Pasensya ka na at ito lang ang nailigtas ko. Huli ko na kasi nakita ng ipagtatapon yan ni Ma'am Sonora at Mikaela eh.”

“Okay lang po, maraming salamat.” Maigi na ang kahit papaano ay meron kaysa wala.

“Eh kumusta ka naman sa asawa mo? Base sa naririnig kong pag-uusap nila ay sanggano at tambay daw iyong Victor na iyon. Totoo ba?”

“Wala ho kayong dapat ipag-alala dahil mukhang mas maayos kasama ang asawa ko kaysa sa pamilya ng tatay ko.”

“Mabuti naman kung ganon. Eh kumain ka na ba?” nag-aalala niyang tanong.

“Tapos na ho kaya hindi niyo na kailangan na ipagtakas pa ako sa kusina.” Natatawa kong sabi. Ganun kasi ang ginagawa niya kapag ayaw akong pakainin ni Sonora. Hindi na ako nagsasabi sa nanay ko dahil ayaw kong mag-alala pa siya.

Nagpaalam na rin ako sa matanda at sa likod na rin ako dumaan. Hila-hila ko ang dalawang maleta at nagsimula na akong maglakad palabas ng subdivision na sadyang napakalayo. Wala naman kasing pumapasok na sasakyan talaga rito. Hindi pa man ako nakakalayo ay may pulang kotse na tumigil sa tabi ko at nagulat ako ng bumaba ang sakay non.

“Sabay ka na sa akin, malayo pa ang gate.” Tinignan ko ng mabuti ang lalaki dahil ayaw ko rin naman na basta magtiwala lalo at kanina lang ay kausap siya ng evil family.

Sa pagkakaalam ko at ng marami ay mabait si Donnie. Taliwas sa kapatid nito na akin na ngayong asawa na si Victor na kilala ko naman talaga, ngunit hindi ko inasahan na ganun na nga ang itsura niya ngayon. Noong freshman ako sa college ay tinitilian siya ng mga kababaihan at alam ko rin na napakababaero niya. May itsura na ito at astig astig ang dating kaya nagulat ako na balbas sarado na ito dahilan upang hindi ko siya agad makilala kahapon.

Si Donnie ay malinis tignan. Alam mo yon, yung tipong tinitilian din ng mga kababaihan. Yung green flag na tinatawag. Pero kahit ganun ay parang ayaw ko naman na basta sumakay na lang sa sasakyan niya.

“Okay lang, sanay naman akong maglakad.” Mabuti na lang at nakakumportable na damit at sapatos ako kaya siguradong hindi magpapaltos ang mga paa ko.

“Wala akong gagawing masama sayo. And gusto rin sana kitang makausap. Well, iyon actually ang sadya ko sa inyo kaya lang ay napag-alaman ko na hindi ka pala doon umuwi kagabi.”

“Bakit mo ako gustong makausap?” tanong ko. Nagkamot siya ng ulo at alanganing ngumiti sa akin.

“Can we just talk habang nagbibiyahe at ihahatid na rin kita sa kung saan ka man patungo?” Mukha naman siyang harmless sa totoo lang kaya naman kaysa mapagod ako sa paglakad ay nagdesisyon akong sumakay na lang. Wala rin naman akong makitang dahilan para gawan niya ako ng masama.

“Okay.” Maiksi kong tugon. Ngumiti siya at tsaka ako tinulungan sa mga maleta ko at inilagay iyon sa likod ng sasakyan. Pinagbukas pa niya ako ng pintuan kaya naman nginitian ko siya bago ako sumakay. Lumigid na siya papunta sa driver's seat at nagsimula ng magmaneho.

“Pinapunta ako ni Mommy dahil akala niya ay iiwan ka ni Victor sa inyo pagkatapos ng kasal. Nag-aalala siya at gusto niyang malaman kung okay ka lang,” simula niya, dahilan upang ipaling ko ang tingin ko sa kanya.

Nasa daan ang mga mata niya kaya hindi ako sigurado kung totoo ba sa loob niya ang sinasabi niya or what. Pero sinagot ko pa rin siya para hindi ako magmukhang suplada.

“Isinama ako ng unggoy--I mean ni Victor sa inuupahan niyang apartment.”

Bahagya siyang tumingin sa akin at nagtanong. “Maayos naman ba? Komportable ka ba?”

“Okay lang naman. Hindi ako mapili sa tirahan basta malinis.”

“Mabuti naman kung ganon. Kung sakali at may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang lumapit sa akin. Hindi ko man kayang swetuhin si Victor dahil alam mo naman na siguro kung bakit, pero kaya naman kitang tulungan sa ibang bagay kung kinakailangan.”

Hindi na ako umimik dahil ayaw ko namang may masabi at baka hindi niya magustuhan. Ayon sa usap-usapan ay hindi nga magkasundo ang dalawa. Well, parang normal lang naman ang ganun kapag hindi magkapatid na buo. Yung tunay nga eh nagkakaroon pa ng hidwaan, sila pa?

Kami rin naman ni Mikaela ay parang sila din. Ano ba yang mga pamilya namin, Puro dispalinghado.

“Nagulat nga ako ng makita kita. Ang alam ko kasi ay si Mikaela ang ikakasal at tsaka si Victor.”

“Huwag mo na lang intindihin ‘yon, ang mahalaga ay wala na rin akong koneksyon pa sa pamilyang ‘yon.”

Hindi na siya umimik pagkatapos at imbes na hanggang sa gate lang niya ako ihatid ay hanggang sa bahay na. Wala na akong nagawa dahil hindi naman niya itinigil ang sasakyan.

Ang lugar ni Victor ay hindi kagaya ng napapanood ko sa mga teleserye na siksikan ang mga bahay. Maluwag din ang kalsada kaya naman malayang nakadaan ang sasakyan ni Donnie.

Pero, kagaya ng sa mga palabas ay nagtinginan din ang mga tao. Mga curious kung sino ang mga dumating at pinalibutan ang sasakyan ni Donnie.

Hindi naman sila pinansin ng lalaki at inilabas na ang mga maleta ko at iniabot sa akin.

“Maraming salamat sa paghatid,” nakangiti kong sabi.

“Walang anuman, basta kung may kailangan ka ay i-text or tawagan mo lang ako,” nakangiti niyang tugon. “Nga pala, i-save mo ang number ko.”

“Sige—” sagot ko kasabay ng paglabas ng aking phone ngunit hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang kinuha iyon sa kamay ko.

“Hindi na kailangan dahil wala naman siyang kakailanganin sayo. I can provide for my wife,” sabi ng biglang sulpot na unggoy— este, Victor.

“Kung sakali lang naman, Victor.”

“At sinabi ko na na ako ang bahala sa asawa ko kaya kahit sakali ay hindi mangyayari iyon.”

Pagkasabi niya non ay pinihit niya ako patalikod tsaka kinuha ang maleta sa mga kamay ko. Lumingon pa ako para sana magpasalamat sa lalaki.

“Donnie, thank you—” hindi ko na natapos dahil hinarangan na rin ako ng unggoy kong asawa kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumakad na papasok ng bahay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gracie
At mukhanh may nagjejelly... hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Husband kong Hoodlum   Chapter 186

    ArianneHindi ko alam kung ano ang totoong status nila Kuya Donnie at Ate Juliette. Pero kung titignan ko ay mukha naman silang masaya kahit na biglaan ang kanilang pagtatagpo ganon din ang kanilang kasal.Kakatapos lang ng kanilang wedding reception at ngayon ay kakaalis lang nila para sa kanilang honeymoon. Pinaiwan na namin si baby Jessica para magkaroon sila ng time para sa isa’t-isa. Excited naman si Dad pati na si Mommy na pareho ding mahilig talaga sa bata.Kung wala lang klase ang kapatid ni Juliette na si Julienne ay maiiwan din sana ito upang tingnan din ang pamangkin. Ngunit dahil may yaya naman si Ariadna ay ayos lang din lalo at nandito lang din ako lagi sa bahay dahil sa ikalawang anak namin ni Victor na pinagbubuntis ko.Ayaw niyang magtrabaho ako kapag ganito ang kalagayan ko pero pumupunta pa rin ako sa office namin nila Candy. Stop na ulit muna kami sa paggawa ng products pero nagkasundo na kami na kumuha ng mga bagong chemical engineers para makatulong ko sa pagformu

  • Ang Husband kong Hoodlum   Chapter 185

    Donnie“Kiss me, Juliette,” sabi ko. Hindi siya kumilos agad at nanatili lang na nakatingin sa akin. May ilang saglit na ganon lang siya hanggang sa napansin kong nagsimula na siyang ilapit ang kanyang mukha sa akin kasunod ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.Gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang ulo niya para mas lalo pang madiin ang aming halikan na natigil lang ng mapansin kong gumalaw si Jessica.“I’ll take care of the crib,” sabi ko bago ako tumayo at pumasok na sa aming silid kung nasaan nga ang tulugan ng bata.Naisip ko ng kumuha ng mag-aalaga kay Jessica ngunit ayaw pa ni Juliette dahil nandito lang naman daw siya sa bahay at walang ginagawa kaya kayang kaya na niya iyon. Binanggit ko rin ang pagkuha ng regular ng kasambahay ay tinanggihan na rin niya.Hindi ko magets kung bakit kailangan niyang magpakahirap na gawin ang mga ‘yon gayong pwede namang may makatulong.Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kasama ang bata kaya naman binilisan ko ang pag-aayos ng cri

  • Ang Husband kong Hoodlum   Chapter 184

    Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang sinasabi ni Donnie na gusto ng magkaroon ng apo sa kanya ang matanda.Ayaw ko namang magsinungaling sa kanila kaya tumingin muna ako kay Donnie para lihim na ipaalam sa kanya na kailangan kong sabihin ang totoo. Hindi naman niya ako pinigilan at tinanguan lang ako, ibig sabihin ay hinahayaan niya lang ako sa desisyon ko.“Anak po siya ng kapatid ko na namatay na. Hindi ko maiwan sa probinsya kaya hiniling ko kay Donnie kung pwede kong isama.”“How about her father?” curious na tanong ni Arianne. Nakilala ko naman na kasi sila dati pa at alam kong mababait sila.“Nang malamang nagdadalantao ang kapatid ko ay iniwan na sila. Kaya ng ipanganak itong si Jessica ay pangalan ko na ang ginamit niy

  • Ang Husband kong Hoodlum   Chapter 183

    Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ko.“Eh, sino siya? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?” curious niyang tanong din. Pero wala pa akong balak na sabihin sa kanya ng kaharap ang lalaki.“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya magpilit na malaman. Alam naman niya siguro na sasabihin at sasabihin ko pa rin sa kanya kung ano ang totoo.Naiwan kaming muli ni Donnie sa aming sala. Walang nagsalita sa amin. Siguro ay hinihintay niya na tugunin ko siya."Kailangan ko munang kausapin ang mga kapatid ko.”Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin sa akin.“Alam mong kailangan ko ring ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin. Ayaw ko na mag-alala sila sa akin na sigurad

  • Ang Husband kong Hoodlum   Chapter 182

    JulietteHindi ko inaasahan na makita ang lalaking ito. Alam kong nandito ang planta ng kumpanya ngunit alam ko rin na hindi naman ito nabibisita ninuman sa mga matataas ang katungkulan sa main office.“Let’s hear it,” sabi niya ulit.Ano ba ang nakain niya para alukin ako ng kasal? Wala naman siyang dapat na panagutan sa akin.“Nakita mo ang baby?” tanong ko at tumango siya. “She needs a father, I mean, parents.”“We’ll adopt her.” Natigilan ako, ganon lang kabilis sa kanyang sumagot. “Bakit mukhang nagtataka ka?”“Hindi ba katakataka ‘yon? Parang hindi mo man lang pinag-isipan at basta ka na lang pumapayag.”“Hindi kailangang pag-isipan.”“Sir!”“Donnie. ‘Yan na ang itatawag mo sa akin at huling beses ko ng sasabihin sayo ‘yan.” Tinignan ko siya ng mabuti. Marami akong isipin sa buhay pero ang pinaka problema ko talaga ang lalaking inutangan ng namayapa kong ama ng magkasakit at namatay din naman ang aking ina.Nakasanla ang aming lupain at hindi ko pwedeng hayaang mangyari iyon dahi

  • Ang Husband kong Hoodlum   Chapter 181

    DonnieSinundan ko si Juliette hanggang sa tumigil ang tricycle sa isang bungalow style na bahay na may bakuran. Walang gate although may nakaabang na dalawang maliit na poste para doon. Nakita ko ng pumasok doon ang babae dala ang take-out food niya from the fast food.Nanatili ako sa aking sasakyan at nag-isip kung kakatok ba ako sa pintuan niya at magpapakita. Kung sakali, ano naman ang idadahilan ko kung bakit ako nandito?Yes, pwede kong sabihin na nakita ko siya pero dapat pa ba na sundan ko hanggang dito sa kanila? I mean, ano ang iisipin niya kapag iyon ang idinahilan ko?Shit, hindi! Wala na akong pakialam. I want to know kung ano talaga ang dahilan ng pagre-resign niya. Hindi ako matatahimik dahil iniisip ko na baka ako yon.Inayos ko ng pagkakaparada ang aking sasakyan at in-off ‘yon bago bumaba. Naglakad ako papasok sa bakuran nila diretso sa pintuan ng bahay na nakita kong pinasukan niya.Nakabukas ang pintuan pero may screen door at kakatok na sana ako ng bigla iyong bumu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status