Share

CHAPTER 28

Author: Gael Aragon
last update Huling Na-update: 2025-09-22 07:54:59

KINAGABIHAN nang makatapos silang maghapunan, nagkayayaan ang mga bata na maglaro ng spin the bottle sa harap ng fireplace. Inaya rin ng mga ito sina Ana, Caren, at Roy.

Habang nagkakasiyahan doon ay masaya naman silang pinanonood nina Manong Fred, Nanay Mercy at Leandro; na nagkakape.

Nakailang ikot na ang bote pero hindi pa rin iyon natapat kay Francesca.

“Ate Ikay, you were the only one who haven’t picked by the bottle,” Jacob said complaining. Nakanguso ito sa kaniya.

Natawa siya.

Katatapos lang kasi nitong gumawa ng parusa at pinasayaw ito ng mga kapatid. Tawa siya nang tawa habang pinanonood ito. Hindi kasi ito marunong sumayaw.

“Hindi ko iyon kasalanan. Sisihin mo ang bote,” nakangiting tugon niya rito.

“Alright.” Sabay hinga nito nang malalim. “I’ll ask this bottle to choose you,” nakapikit na turan nito, habang hawak ang bote, bago muli iyong pinaikot.

Mabilis na umikot ang bote. Lahat sila ay nakamata roon. Siya ay halos hindi kumukurap, habang titig na titig sa guma
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 41

    KINABUKASAN maagang gumising si Leandro. Sinadya niya talaga iyon para makasabay sa agahan ang mga anak. May pasok na rin ang mga ito kaya maaga rin silang gumigising. May bago na ring yaya si Jacob at wala pa naman siyang naririnig na reklamo mula rito. So far so good. Behave na behave na ang bunso niya. Hindi talaga niya alam kung paanong diskarte ang ginawa ni Francesca at kahit sa pagpasok ay ganadong-ganado ito. Nasa kalagitnaan na sila ng pag-aagahan nang magsalita si Jacob, “Daddy. . .” Ngumiti siya rito. “Yes?” Isa-isa muna nitong tiningnan ang mga kapatid bago nagsalita, “Can you buy me a phone? `Yung may sim card, puwede ipantawag.” Nasa mga mata nito ang pagsusumamo. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. “Why? Saan mo naman gagamitin?” Napakamot ito sa ulo. “Did you already forget?” disappointed na tanong nito. Lumalim ang gatla sa noo niya. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng anak. “Please, tell me about it,” aniya. Huminga nang malalim si Jacob bago

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 40

    NANLALAKI ang mga mata ni Francesca na napatitig dito. “Are you insane!?” may kalakasang palatak niya. Napalingon tuloy sa kanila ang mga nasa katabing table. Pero bago pa makasagot si Renz dumating na ang waiter dala ang in-order nitong pagkain. Maingat iyong inilipag ng waiter sa table. Nagpasalamat dito si Renz bago sila iniwan. “I am not insane,” sagot nito habang hinihiwa ang steak sa plato niya. Kung sa iba sigurong pagkakataon, baka sakaling nagustuhan niya ito. Nakikita niya kasing may mabuting puso din ang lalaki. He was also gentle and kind. Pero hindi naman natuturuan ang puso. Her heart was already beating for someone. Tumitibok lang iyon para kay Leandro. But seeing him today with another woman broke her heart. Alam niyang wala naman siyang aasahan dito, but she was still hoping. Subalit tila malabo na iyong mangyari pa. “I am just suggesting that, para ipakita sa papa ko that we are in good terms,” narinig niyang sabi nito. “Para hindi siya maghinala. At para hindi

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 39

    BIGLANG tumalim ang mga mata ni Francesca nang makita si Renz. Kaagad siyang sumakay sa elevator na naghihintay sa kaniya. “Francesca! Wait!” malakas na wika nito at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kaniya. Hindi niya ito pinansin. Mariin niyang pinindot ang close button ng elevator. Kaagad naman nitong iniharang ang katawan sa papasarang pintuan noon. “Whoa! That was so close!” palatak nito nag makasakay sa loob. Hindi siya umimik, nor bothered herself to look at him. Hindi niya ito gustong makita. Kung puwede nga lang huwag niya na itong makita kahit na kailan—ginawa na niya. Marinig pa nga lang ang pangalan nito kumukulo na ang dugo niya, ang makita pa kaya ito? At dito pa talaga mismo sa opisina! Sino kayang nagsabi rito na naroroon siya? “You already knew everything, didn’t you?” tanong nito makalipas ang ilang sandaling katahimikan. Nananatiling tikom ang bibig niya. Narining niyang bumuntonghininga ito. “I’m really sorry, Francesca. I didn’t really know what my fath

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 38

    ISANG katok ang nagpatigil sa nagliliwaliw na diwa niya. Nang bumukas ang pinto, nakita niya si Diday, isa sa kanilang katulong. “Ma’am, may tawag ho kayo sa telepono,” anito. Wala sa sariling tumayo siya at sumunod rito. “Hello?” sagot niya nang damputin ang awditibo. “Ate Ikay?” tanong ng nasa kabilang linya. “Ate Ikay, it’s me. . . Jacob.” Biglang nawala ang alalahanin ni Francesca nang marinig ang tinig nito. Napangiti siya sa sarili. She missed Jacob already. “Bakit ka bumubulong?” tanong niya at ginaya ang pagsasalita nito. Parang may pinagtataguan ito nang mga sandaling iyon. Narinig niyang huminga nang malalim si Jacob. “Eh, kasi you said, it’s just our secret that’s why I’m whispering. . .” Napangiti siya. Jacob really wanted to fulfill his promise. Truly, a man of his words, ika nga. “Who was there and why did you call?” tanong niya rito. “I was here in the living room. They were busy preparing for Kuya Alejandro’s welcome back party. Wala naman ako maitutulong sa

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 37

    WALA pang isang oras ang ipinaghintay ni Francesca ay dumating na rin ang isang lalaking halos kasing-edad ng kaniyang ama. Nakasuot ito ng ternong gray business suit at may itim na salamin sa mata. Sa kanang kamay nito ay hawak-hawak ang isang attaché case. Hindi pamilyar ang lalaki, dahil hindi naman siya noon interesado sa mga nagiging bisita ng ama. “Good morning, Atty. Jacinto,” magalang na bati niya rito bago ito pinatuloy sa loob. Dumeretso sila sa library ng ama upang doon mag-usap. Nagpahanda na rin siya ng maiinom doon kay Elsa, isa sa mga katulong nila. “Good morning din, Miss Quijano. Alam kong hindi mo pa ako nakikilala, but I knew you because of your dad. By the way, matagal na kaming magkaibigan ng tatay mo,” nakangiting tugon nito. Nginitian niya ito kasabay ng pagtango. “Please sit down, Attorney.” Inilahad niya ang upuan na nasa harap niya, pagkatapos ay naupo siya sa katapat niyon. “Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong, alam na ninyo kung bakit ko ka

  • Ang Ikatlong Misis Lagdameo   CHAPTER 36

    HINDI na sumama pa si Francesca pabalik ng ospital. Hindi na rin naman siya pinayagan pa ni Leandro. Pagkatapos nilang mag-usap, mabilis niyang tinawagan si Yaya Lomeng at ito na muna ang pinagbantay niya sa kaniyang ama. Sinabi niya ritong may aasikasuhin lang siya. Hindi naman na ito nagtanong pa. Pagkatapos noon ay inayos na niya ang kaniyang mga gamit. Isa rin sa rason kung bakit hindi na siya bumalik sa hospital ay dahil gusto niyang makasama si Jacob ngayong gabi. Alam niyang ito ang unang-unang malulungkot kapag sinabi niya rito ang totoo. Nagpatulong siya kay Ana na magluto ng espesyal na hapunan. Nagtaka naman ito at si Caren. Panay ang tanong ng mga ito pero hindi niya sinagot isa man sa mga iyon. Nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Pagsapit ng gabi, masaya silang naghapunan. Nagpaalam siya kay Enrico kung puwede silang sumabay sa mga ito. Pumayag ang binatilyo. Kaya’t sa may verandah na lang sila naghain. Masaya silang nagsalo-salo roon. Panay ang pagbibiruan nina Ana

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status