LOGIN"Hey you girl. Bakit parang wala ka naman yatang galang? Hindi mo manlang ako binabati? Lahat ng mga nandito binati ako malaban na lang sa 'yo." Kumakain pa rin ako. Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Ayaw ko pa naman ng isturbo. "Mike, who's she? Naririnig ba niya ako?" malambing niyang tanong kay boss.
"Alexa." Agad akong napalingon kay boss ng tinawag niya ako. Kita ko na naka-upo sa kaniya ang babae. "Ah? Alexa? So, hi Alexa. Kumusta ka? Mukhang tuwang-tuwa ka kumain ah. Hindi mo kasi narinig ang sinasabi ko kanina, right?" aniya pa niya habang nakangiti. Pero peke naman 'yan. "Ako? Kinakausap mo? Ay sorry po, hindi ko alam kasi naka-focus ako kumain eh. Ang sarap ng mga pagkain. Kumain ka na rin," nakangiting saad ko. "Ahh oo nga pala, magkapatid ba kayong dalawa?" lutang kong tanong. Nakita ko ang biglang pagka-inis sa mukha niya. "No. I'm not his kapatid. I'm her girlfriend." Ang taray niya magsalita. "Oh? Good... Good..." tanging sagot ko. Kahit hindi ko naman naintindihan ang sinabi niyang english. Tumango-tango pa ako para isipin niyang alam ko ang sinabi niya. Subalit ng tiningnan ko ang mukha ni Mike. Bigla itong nagbago na tila'y nadismaya o nasaktan. Bakit kaya? Nag-away ba silang dalawa? Biglang may tumunog. Kaya napunta doon ang mga tingin namin. Nakita namin na cellphone ni Mike ang tumunog. May tumatawag. "Excuse me." Tipid niyang sabi. Kinuha niya ang cellphone niya at umalis. Samantalang naiwan kami ng babae dito. "Ikaw Alexa. Bakit ganyan ang suot mo? Anong meron sa inyo ng boyfriend ko?" Naramdaman ko agad ang panglalait niya sa akin. Tinitigan pa niya ako mula ulo hanggang paa. "Meron? Parang wala naman. Kung meron man sasabihin ko sa 'yo, okay?" sabay bigay ko ng matamis kong ngiti. Ngunit, nainis lang ito sa akin. Tumayo siya. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Dahilan na napatayo din ako. Malalim ang tingin niya sa akin. Na para bang may ginawa akong masama sa kaniya. "Kung sino ka man talaga at kung saan ka man talaga nanggaling. Huwag mong susubukan na kunin sa akin ang boyfriend ko. Dahil ilang buwan na lang naman ikakasal na kaming dalawa." Dito na naintindihan ang sinabi niya. Dito ko nalaman na magkasintahan pala sila. Tinanggal ko ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkahawak sa braso ko. "Sino ka ba? Ano ang pangalan mo?" lakas loob kong sabi. "Tsk! Ako lang naman si Margie Progella. Mas maganda pa rin ang pangalan ko kaysa sa 'yo. Mas maganda pa ako kaysa sa 'yo. Higit sa lahat mas malinis at mayaman ako kaysa sa 'yo. " Puno ng panglalait niya itong sinabi sa akin. "Gano'n ba? Sige." Tipid kong sagot. Muli akong umupo sa upuan ko at uminom ng tubig. Gayunpaman, ramdam ko ang lumalatay na galit sa buong katawan niya o mga ugat niya. Bigla niyang tinapik ang babasaging baso. Dahilan na pareho kaming nabasa. Nahulog pa ang baso sa sahig at nabasag ito. "Anong ginagawa mo Alexa?! Gusto mo ba akong patayin? Ang lamig-lamig ng tubig tapos ibubuhos mo sa akin?" sunod-sunod niyang pasigaw na tanong na may pagmamaka-awang boses. Ngunit, ang kaniyang mata at labi ay natutuwa lang sa harapan ko. "Ginagawa mo? Hindi naman kita hinawakan diyan ah. Ikaw nga ang nagbuhos ng tubig kaya pati ako basa rin. Tapos sa akin mo pa talaga isisi?" inis na inis kong sambit sa kaniya. Ang feeling eh! Siya ang may kasalanan sa akin ibubuntonh? "Babe!.. Sinasaktan ako ni Alexa!" mangiyak-ngiyak niyang sigaw. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero kapag lapitan ko siya o hawakan manlang. Tiyak ako na iisipin ng iba na ako talaga ang may kasalanan. "What happened?" biglang pagsulpot ni boss. Lumapit siya kay Margie. Tumingin sa akin si Mike. Napayakap ako sa sarili ko dahil ang lamig talaga ng tubig. Nabasa ko ang mata niya. Gusto niya akong lapitan. "Babe, it's cold. Nilalamig ako, binuhusan niya ako ng malamig na tubig," pagmamakaawa ni Margie. Hindi na ako nagsalita pa. Baka mamaya mas maging masama pa sa kain ang tingin ni Mike. Walang alinlangan na hinubad ni Mike ang damit niya na parang jacket at isinuot ito kay Margie. Sa nakita ko dito ako nakaramdam ng sakit sa dibdib. Parang kumirot ang puso ko. "Mike, bakit ba ganyan si Alexa sa akin? Ayaw niya ba sa akin? Maayos naman siya kanina eh. Pero ng umalis ka bigla na lang niya ako sinaktan." Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Margie. Mukha siyang tang* "Ano ba, sabihin mo nga kay boss na ikaw ang may mali. Ikaw naman ang nagbuhos ng tubig at tinapik ang babasaging baso. Tapos sa akin mo bigla isisi? Ang sama mo namang babae..." Inis na inis ako pero ayaw kong sumigaw. "Babe, mas kilala mo ako kaysa sa kaniya. Ilang taon na tayong magkasama. Makinig ka sa akin totoo ang mga sinasabi ko." Yumakap si Margie kay Mike. "Alexa, clean this mess." Malamig niya itong sinabi sa akin. "Tatagalogin ko pa, linisin mo ang kalat na 'to." Mas lalong lumamig ang kaniyang boses. Bakit naman ang sakit sa dibdib? "Let's go." Inalalayan niya si Margie. Ngunit, bago pa man na tuluyan silang maka-alis. Isang ngiti ni Alexa ang ibinigay niya sa akin. Sinadya niya ang ginawa niya? Gayunpaman, nilinis ko na lamang ang mga bubog. Ngunit, sa kasamaang palad. Nasugatan ang daliri ko. Agad din itong nagdugo. Pero, mas masakit pa rin na makita si boss na may kayakap na ibang babae kaysa sa maliit na sugat na 'to.ALEXA POINT OF VIEW Woah! Nakakatuwa nagkita kami dito ni boss sa restaurant. Mabuti na lang pumayag siya sa alok kong kumain ng sabay sa amin. Kita ko tuloy ang inis sa mukha ni Margie. --- Sabay-sabay kaming kumain ngayon kasama na din si Gwen. Ang ganda niya talagang babae parang model. Mas maganda pa si Gwen kaysa kay Margie na puno ng kasungitan ang mukha. "Bro, mabuti naiisip niyong lumabas? Ngayon lang tayo ulit nagkasama-samang kumain ah sa restaurant. Tsyaka, mukhang mas napapalapit na ang loob mo kay Alexa ah," nakangiting wika ni Samuel. Sus, ngayon ko lang yata narinig na mabuti siyang magsalita. "Shasha na lang ang itawag niyo sa akin," sabay ngiti ko. "Wow, ang ganda pala ng palayaw mong name. It's cute like you." Matamis itong sinabi sa akin ni Lance. Ganyan nga dapat Lance, ngumiti ka palagi at maging malambot. "Cute? Saang parte ng katawan niya ang pagiging cute niya? Baka 'yong height lang?" Kita ko sa mukha ni Mike na natutuwa pa siyang asarin ako. "Grabe
MARGIE POINT OF VIEW Ito ang gusto ko. Naso-solo ko ngayon si Mike. Mabuti na lang talaga hindi niya sinama si Alexa dito. Kasi kung sumama pa ang bruhang 'yon. I'm sure na magkakagulo lang dito. She's too ignorant to understand everything that this mall has. She doesn't deserve it. "Ahm, babe I want that kind of necklace. I want to buy it." I said with my smooth tone with my love. "Sure, you can buy that. Here's my card, used it." He gave me his card. Galing sa bulsa niya, habang nasa wheelchair siya. So, hindi na ako nagdalawang-isip na bilhin ang necklace na gusto ko. Let me see Alexa, I'm sure ma-iingit ka sa binili ni Mike sa akin ngayon. Ang mga hampas lupa na gaya mo ay hanggang sa lupa lang. Never mo akong mapapantayan. "Thank you babe. I really like it." I proudly said and I hugged him. Nakangiting ibinigay sa akin ng babae dito sa cashier ang nakabalot kong necklace at ang card ni Mike. "Nice couple po ma'am. Sikat na sikat po kayo in public. Bagay po talaga kayon
"Pero boss, oo nga pala. Paano kung ako ang magkagusto sa isang lalake? Masama po ba 'yon? Hindi ko kasi alam kung paano maging magkasintahan ang dalawang tao eh." Napatigil ako sa pagkuskos ng plato. Habang ang tubig ng gripo ay tumutulo pa rin. "Ako nga kinain mo na sa kama eh. Pero hindi naman tayo magkasintahan??? Paano kaya 'yon boss???" Humarap ako sa kaniya. Ngunit, hindi siya makatingin sa akin ng deretso. "Bakit boss? May mali po ba sa sinabi ko?" pagtatakang tanong ko. "No. Pero huwag mo basta-basta sabihin 'yan," sabay lunok laway niya. "Bakit? Nahihiya ka ba? Ayiee... Marunong ka pa lang mahiya ahh," natatawang wika ko. Hindi niya ako sinagot. Pero natatawa pa rin ako. "Ang gwapo mo talagang mahiya boss," natatawang bulong ko sa sarili ko. "May sinasabi ka ba diyan Shasha?" "Huh? Wala po. Halaka boss! Baka nakakarinig ka ng hindi kagaya sa atin. Lagot ka... Minumulto ka na boss." Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Samantalang seryoso lang siyang nakatingin sa ak
"What the f*ck! Sino ang pumatay ng ilaw?!" I shout. "Walang hiya naman oh! Kung saan nasa exciting part na. Tsyaka naman nawala ang kuryente!" sigaw naman ni Lance. After that, muling bumalik ang kuryente. "Mukhang pati ang laro ayaw niyang may manalo sa atin ah," natatawang saad ni Lance. Ibinagsak ko sa sofa ang hawak-hawak kong teddy bear at ang laruan. "Wala na akong gana makipaglaro. Bahala ka na diyan maglaro mag-isa," malamig kong tugon sa kaniya na may malalim na tingin. "Okay. Sige ako na lang." He respond. "Anong ginagawa niyo? Tapos na akong magluto." pagsulpot ni Alexa. "Nag-aaway ba kayong dalawa?" Tanong niya ng makalapit siya sa amin. Inilagay niya ang dala niyang pagkain sa mesa. "Huh? Hindi.... Magkapatid kami bakit kami mag-aaway?" sabay ngiti ni Lance. Nagawa pa niya akong akbayan. "Ah... Ang ganda naman ng samahan niyo," sabay ngiti ni Alexa. "Ito na pala kain ka na Boss. Masarap 'yan, pero hindi ko tinikman eh." Masarap pero hindi tinikman? Paano
MIKE STILL POINT OF VIEW I'm here at the conference room. Mahalaga ang meeting ngayon. But, I can't focus. Pero, pinapakinggan ko naman ng maayos ang mga sinasabi nila. They are explaining the plans and possible outcomes. I didn't say anything. Hanggang sa matapos ang mga sinasabi nila. "Boss, wala ka bang sasabihin sa kanila?" bulong ni Sandro sa akin. "No." Tipid kong sagot. "Okay, everyone pwede na kayong umalis. Pag-uusapan muna namin ni boss ang lahat. At kung ano ang magiging desisyon niya ipapadala ko agad sa inyo. Sa ngayon, end na muna ang meeting," seryosong tugon ni Sandro. Walang kahit isa ang nagreklamo sa kanila. Sumunod sila sa sinabi ni Sandro ay sabay-sabay silang umalis ng office. "Boss, bakit hindi ka maka-focus. Importante ang naging meeting ngayon. We need to do an action for this. Kung ayaw niyo pong bumagsak na lang bigla ang kompanya mo." He said with his poor voice. "I know what I'm doing. Nakikinig naman ako." Seryoso kong pinaandar ang wheelc
Nandito na nga kami sa loob ng magandang restaurant. Ang dami ng masasarap na pagkain. Pero ang mata ko nakatuon sa dictionary na nasa gilid ko. Hindi talaga ako makapaniwala na ito ang babasahin ko. Baka abutin ako ng ilang taon bago matapos 'to eh. Dapat pala hindi na lang ako nag-request. "Kumain ka na. Baka lumamig ang pagkain," saad niya. Nag-umpisa na akong kumain kaya kumain na rin ako. Hanggang sa lutang akong napaisip. "Lance, bakit gano'n? Hindi naman tayo nagbayad kanina ng pera sa mall eh. 'Yong card mo lang naman ang binigay mo tapos nag-swipe sa ginamit nila. Tapos bayad na agad 'yon?" pagtataka kong tanong. "Yes. Bayad na 'yon. Gano'n ang pamamaraan ng pagbayad gamit ang card. Kaya ang card na ibinigay sa 'yo ng kuya ko. Itago mo 'yan. Huwag mo basta-basta ipapakita sa iba kung ayaw mong kunin nila sa 'yo. Malaki ang pera diyan. Kahit ano ang gusto mo mabibili mo," sabay ngiti niya. "Gano'n ba talaga 'yon? Hindi ko maintindihan pero, sige na nga. Naniniwala na ako







