LOGINALEXA CHAN POINT OF VIEW
Pagkamulat ko ng mata ko. Medyo, naramdaman ang mabigat na pakiramdam sa katawan ko. Medyo masakit ang hita ko. Pero ayaw ko rin naman na humiga lang dito sa kama o umupo lang. Gusto ko lumabas ng kwartong ito at maglibang sa labas. --- Dahan-dahan akong bumangon. Ano ba naman 'to. Parang matigas na bagay ang pinasok ni boss kahapon sa perlas ko. Ayos lang kaya siya ngayon? Napatawa ako sa kama ko ng bigla kong maalala ang mga nangyari. Kaya ko naman tumayo. Kaya humakbang agad ako upang humarap sa salamin. Ang ganda ko naman. Ang fresh ko tingnan. "Hoy, ikaw Alexa! Bakit ang ganda mo? Kanino ka nagmana huh? Siguro sa nanay mo? O sa tatay mo?" sunod-sunod kong sinabi habang tinuturo ang sarili ko. Ngunit, agad din na kumunot ang noo ko. "Wala na naman nanay at tatay. Kaya wala kang pinagmanahan." Imbis na manatili dito sa loob ng mag-isa. Pinili ko na lang na lumabas na ng kwarto. Pagkabukas ko pintuan. Agad kong nalanghap ang isang napakasarap na amoy. Amoy ng pagkain. Tuwang-tuwa akong sinundan ito. Hanggang sa nakahakbang ako sa hagdan pababa. "Woa-Woah!!!" napasigaw ako at napapikit ng mata ng mawalan ng balanse ang katawan ko. Ngunit, hindi ko naramdaman na natumba ako sa sahig. Kundi isang malambot na medyo matigas na bagay. Ang bango-bango pa. Pwede bang hindi na lang ako tatayo ng maayos? Mas gusto kong sumandal sa bagay na 'to habang inaamoy. "Hmmm... Ang bango...." Halos mapangiti ako sa tuwa. "Ahm, hindi ka dapat lumabas sa kwarto ng ganyan ang suot mo," boses ni Boss. Agad akong lumayo sa kaniya ng kunti at tumayo ng maayos. "Magandang araw po boss. Hehehe, sorry hindi ko alam na ikaw pala 'yan. Akala ko unan lang na mabango eh," nahihiyang aniya ko. Ngunit, hinimas-himas ko ang dibdib niya. Baka naman kasi nasakyan sa pagkahulog ko eh. Bigla niyang hinila ang kamay ko kaya muli akong nadikit sa katawan niya. Magkalapit na naman ang mukha naming dalawa. Hanggang sa bigla niya akong pina-upo sa hita niya. Agad kong pinigilan ang bugso ng aking damdamin. "Boss, hindi ba nakakalakad ka naman? Nakatayo ka naman? Bakit nasa wheelchair ka ulit ngayon?" mahinang bulong ko sa kaniya. "Huwag mo sabihin 'yon kahit kanina. Nagmalik mata ka lang," sagot niya na may seryosong boses. "Ahm, ano ang gagawin natin boss? Mabuti pa boss magtrabaho na ako dito. Para may sweldo na ako," sabay ngiti ko. Hindi ko alam sa sarili ko. Pero hinimas ko ang buhok niya na parang bata. Nakakatuwa pala ng ganito. "Magbihis ka na muna. Nasa kwarto na ang mga damit mo. Ayaw ko na makitang ganyang suot mo kapag lumalabas ka ng kwarto natin. Masyadong maikli at manipis," mahinahon niyang sabi. Ang lambing niya magsalita na para bang anak niya ako? Ate niya ako? Kapatid niya ako? O Kasintahan niya ako? --- Ayaw ko nga mag-isip ang gulo sa utak. "Oum." Sabay tango ko. Agad akong kumilos. Mabilis akong tumayo at tumakbo paakyat. Deretsahan din akong bumalik sa kwarto. Pagkabukas ko ng kabinet. Nakita ko nga agad ang magagandang damit. Pagkatapos ay pumili ako at sinuot ito. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. "Bakit iba yata ang damit ko kaysa sa ibang maid dito? Kailangan ba na ganito ang suot ko? Ang ganda oh..." Nagtataka ako sa isipan ko. Pero wala akong ibang pagpipilian kundi ito lang. Dahil ito lang naman ang nasa kabinet eh. 'Yong iba nga ay mas maganda pa kaysa nito. Nang tuluyan akong matapos ay agad din akong bumaba. "Miss sa dining area po tayo. Nandoon po naghihintay si boss," salubong sa akin ng isang yaya. "Dining area? Saan po ba 'yan? Malayo po ba? Kailangan pa ba natin sumakay ng eroplano, taxi, kotse, tricycle o barko? Para makapunta doon?" Labis kong pagtataka. Ngunit, bigla niya lamang akong tinawanan. "Bakit po? Kailangan ko bang maghanda ng mga damit kasi matagal ang byahe papunta doon?" lutang ko lang dagdag. "Inosente. Hindi ko alam kung saan ka lupalop ng mundo galing. Dahil kakaiba ka, wala ka manlang kaalam-alam?" tanong niya sa akin. "Sa earth lang naman po ako galing. May iba pa po bang mundo?" pagtataka ko. Napapa-isip tuloy ako. Hmmm, saang lupalop ng mundo nga ba? "Hay naku. Sige na, tara na baka mamaya pagtumagal ka pa ay magalit si boss. Kanina ka pa niya hinihintay sa dining area." Magsasalita pa sana ako upang kumuha ng mga damit. Kasi nga baka malayo ang byahe. Pero hinawakan niya ako sa kamay ko. Binitbit niya ako. Hanggang sa makita ko na si Mike. Nagkatitigan kami ni Mike. Pero, parang nakakita siya ng multo. Napatigil siya na natulala sa hangin. Hmm, multo ako? Lumapit ako sa kaniya. "Boss, multo ba ako? Nakikita mo ba ako?" sabay-sabay kaway-kaway ko ng kamay ko sa harapan niya. Bigla siyang napakurap. Muntik pang mahulog ang kutsarang hawak niya. "No. Hindi ka multo. Umupo ka na dito. Kumain na tayo," wika niya pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Ibigsabihin ba kausap niya ang plato niya at pinapa-upo niya? Ito hindi ako umupo. Seryoso lang akong nakatayo. "Ano pa ang hinihintay mo? Umupo ka na dito sa tabi ko at kumain tayo ng sabay," aniya na at binigyan ako ng tingin. "Ako boss?" sabay turo ko sa sarili ko. Tumango siya. "Hahah, ako pala ang kausap mo. Akala ko kasi 'yong plato. Sa kaniya ka kasi nakatingin kanina eh," sabay ngisi ko. Hindi siya nagsalita pero nakita ko siyang tumawa paglingon niya sa tabi niya. "Wow, ang bango naman nito. Ang daming pagkain. Ang sasarap nito!" tuwang-tuwa kong saad. Napapakamot na ako. Masaya akong kumuha ng pagkain at inilagay sa plato ko. Tahimik si Mike kaya tahimik na lang din ako. --- Mas masarap kumain ng may kasabay. Ngayon ko lang naranasan na kumain ng hindi nasa kalsada. Nakakatuwa pala kapag ganito eh. "Mike? My babe, where are you?" boses ng isang pagsulpot ng babae. Ramdam ko na tuwang-tuwa siyang naglalakad papalapit sa amin. Rinig na rinig ko ang tunog ng takong niya. Hanggang sa makalapit siya sa amin. Hindi ko siya nilingon kasi kumakain ako."Ano ang ibig mong sabihin Alexa?" Napuno ng lungkot niya itong tinanong. Tila nakikiramay siya ngayon sa kalungkutan ko. "Tama ang narinig mo. Kaya, walang sino man ang mag-aalala sa akin. Wala akong magulang, iniwan nila ako mula ng bata pa ako. Kaya para sa akin, hindi lahat ng ina ay hindi kayang tiisin ang mga anak nila. Dahil, ilang taon! Ilang taon akong naghirap samantalang hindi ko man lang alam kung na saan na sila! Kung ano ang mga ginagawa nila! Kung kumusta sila! Kung hinahanap pa ba nila ako?!" Sa malalamig na espadang tumarak sa dibdib ko. Tila isang iglap lang ay nawasak ako. "Ewan ko ba! May mga araw na umaasa akong babalik sila. Iniisip kong hinahanap nila ako. Pero wala eh... Umabot na lang ako sa 29 kong edad, wala pa rin sila." Naging emosyonal ako kaya tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko. "Alexa...." Agad kong hinawi ang kamay ni Ma'am Lycka ng dadampi ito sa pisnge ko para muli niyang himasin. "Umalis ka na po. Ayaw ko na pong pag-usapan pa 'to," malung
ALEXA CHAN POINT OF VIEW "BOGS!" Isang malakas na tunog ang nagpagising sa akin. Kulang na lang pati kaluluwa ko bigla ng umalis sa katawan ko dahil sa gulat. Napabalikwas ako at deretsahan na bumangon kahit antok na antok ako. Infairness, nakatulog ako kahit mainit. Humarap ako sa pintuan. Doon ay nakita ko ang nakatayong si Lycka. Walang emosyon ang mukha niya. Baka naman nandito siya para awayin din ako? Kahit na anong gawin niya sa akin pipiliin ko pa rin ang tumayo ng tuwid. Humakbang siya papalapit nang papalapit sa akin. Hanggang sa kunting espasyo na lang ang pagitan naming dalawa. Pero, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang kakaiba ang titig niya. Napapikit ako ng makita kong itinaas niya ang palad niya. Nanginig ako sa takot dahil muli na naman akong makakatanggap nito ng sampal. Nakakapagod na rin masampal ng kung sino-sino lang. Tapos ako walang laban. "Pasensya ka na Alexa." Gulat na gulat kong binuksan ang mga mata ko. Hindi niya ako sinampal. Kundi, h
Natapos na lang ang lunch time. Pero, walang kahit kunti man lang ang bumawas na kinakain ni Mike. Hindi na rin nagtagal si Mike at Lance sa bahay ng mga Progella. Nagpaalam na sila nang maayos at sabay din silang lumabas. Magkasama sila sa iisang kotse lang at si Lance ang nagmaneho. "Kuya, pwede bang magpakita ka naman ng kunting pagmamahal kay Margie. Masyado mo na siyang sinasaktan. Nakita mo naman kanina kung gaano siya kasaya nang pumasok sa kwarto niya sa hospital 'di ba? Pagbigyan mo naman siya sa hiling niyang manatili ka rin sa tabi niya kahit paano." Seryoso at buong boses itong wika ni Lance. Subalit, sinandal lang ni Mike ang kaniyang ulo sa kaniyang upuan. Tahimik pa rin at nakatingin lang sa malayo. "Hindi ka naman ganyan kay Margie. Kaya, tama na ang pagpapanggap mo. Tyaka, kahit saglit lang kuya pasayahin mo siya. Ako na ang nakikiusap sa 'yo. Dahil, ilang araw na lang babalik na si Luna at hindi ka na masyadong malalapitan ni Margie tulad ng paglapit niya sa
Nakamasid lang ako sa lahat habang nakaupo lang ako dito sa sofa sa sala. Oo, lahat sila ay abala pa rin sa mga ginagawa nila. Samantalang ako ay walang magawa dito sa buhay ko. Walang pinagbago kasi kung sa bahay ni Mike wala rin akong masyadong magawa. Ang kaibahan lang, mas maayos ang trato nila sa akin kaysa dito. Kung nandito lang sana si Tita, ede sana siya ang kausap ko ngayon. Kaso nga lang, saan ko naman siya hahanapin? Mukhang kasama naman siya ni Señora sa paglabas ng bahay na 'to. Hindi magawang maging masaya ng mata ko ngayon. Tahimik nga lang ako at walang kibo. Ngunit, ilang saglit lamang ay nakarinig ako ng tunog ng mga sasakyan. Tila kakarating lang nila dito sa bahay. Siguro sina lola na iyon. Kaya naman, tumayo ako upang magtungo sa pintuan. Subalit, hindi pa man ako nakakapunta roon. Biglang lumapit sa akin ang dalawang lalaki kanina na nakatayo sa pintuan. Ikinagulat ko na bigla akong kinarga ng isang lalaki. Kinakabahan ako ng makita ko mula sa likuran niya ang
ALEXA CHAN POINT OF VIEW Bahala na nga ang buhay ko. Basta hindi ko kaya ang init dito. Sobrang init, parang nasa loob ako ng oven na niluluto eh. Kulang na lang maging lechon tao ako dito at gawing ulam nila ngayon. Walang gana akong tumayo mula sa pagkahiga ko. Pakiramdam ko pagod na pagod na ang katawan ko. Pero, alam ko rin naman na hindi ako makakatulog kapag mainit talaga dito sa loob ng kwarto. Kaya kailangan kong humanap ng paraan. Lumabas ako sa kwarto, mainit ang araw. Sobrang init dala yata ng pagiging hot ng katawan ko, ayieee! Patuloy lang akong naglakad, tahimik ang bahay. Pero, abala ang iba sa pagluluto o sa pag-aayos ng bahay. Samantalang ako, malaya lang naglakad-lakad dito sa loob. Kaso nga lang mula sa isang yaya na na nagpupunas sa isang vase. Malalim ang tingin nito sa akin. Halatang mataray ang babaeng 'yon. Pero ayos lang naman, dahil hindi naman siya maganda. Saglit akong napatawa sa isipan ko dahil sa kalokohan na pumasok sa utak ko. Ngunit, gayunpama
Pagod na pagod na napa-upo si Shasha sa sahig. Naghabol siya ng hininga dahil sa pagod. At dahil din sa init, ginawa niyang pamaypay ang suot niyang damit. Pawis na pawis ang dalaga, halos maligo siya sa sariling pawis niya. "Ang init naman dito, nakakapagod na nga maglinis eh. Pero, yehey! Mabuti na lang tapos na akong maglinis!" tuwang-tuwa na sigaw ni Shasha sabay masayang itinaas niya ang dalawang kamay niya. Inilibot niya ang kaniyang paningin at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. Dahil ang maduming kwarto kanina ay sobrang malinis na ngayon. Kahit paano ay nakahinga na ng maluwag si Shasha. Napahiga siya sa malinis na sahig at nakangiting tumingin sa bubong. Sa Mondragon family naman. Mahigpit na nakakuyom si Mike ng kamao niya. Dahil sa mensaheng iniwan ni Shasha sa kwarto nito. "Kaya ba nanatili ka sa tabi ko kagabi. Dahil aalis ka pala? Damn it Alexa, I told you hindi ka pwedeng mawala sa akin!" Halos mangitngit sa galit ang panga ni Mike. Halos manlisik ang







