Share

Chapter 2: Simpleng Pagpipilian

Author: Dama Mei
Pagkatapos ng maikli pero nakakatakot na pagkikita nila ng assistant ni Mr. Laric, umuwi na si Hiraya. Kung ang assistant pa lang ay ganoon na siya nakakatakot, paano pa kaya kung si Mr. Laric mismo ang kaharap niya?

Pagdating sa bahay, binuksan ni Hiraya ang pinto ng opisina ng kanyang ama. Naabutan niya si Damian na nakaupo sa likod ng mesa, halatang punong-puno ng problema ang mukha. Nandoon din sina Marian at Asteria.

“How did the meeting go?” tanong ni Damian.

Dahan-dahang huminga si Hiraya bago sumagot. “Akala po nila, si Asteria ako,” mahina niyang sagot.

“What?” Agad na napatingin si Damian sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig. Napatingin siya kay Marian, at nagkatinginan din ang dalawa na para bang sinusubukang unawain kung paano nangyari iyon.

Sa pagkakataong iyon, sinubukan ni Hiraya na iangat ang mukha at tumingin sa kanyang ama. “Kasi… wala po ang pangalan ko sa listahan ng mga miyembro ng pamilyang Hernando. Ang alam lang po nila, si Asteria ang anak ninyo,” maingat niyang paliwanag.

Agad na tumayo si Asteria at masamang tumingin sa kanilang ama.

“What do you mean, Papa?” sigaw niya. “So, that ugly and cruel man is supposed to marry me? No way! I'm not marrying him! You can't force me to marry someone like that!”

Napakagat-labi si Damian habang napapikit naman si Marian, pilit na pinipigilan ang galit niya. Bigla siyang mabilis na lumapit kay Hiraya at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga.

“Makinig kang mabuti, Hiraya,” mariing sabi ni Marian. “This is your last chance to prove na may silbi ka sa pamilyang Hernando. Kapag napahiya mo kami, lalo na kung ikaw ang dahilan para kanselahin ni Mr. Laric ang kasal, you can forget about ever being part of this family!”

Nanlaki ang mga mata ni Hiraya, pero wala siyang nagawa kundi manatiling tahimik. Alam niyang wala siyang karapatang tumanggi. Kahit sa sarili niyang pamilya, hindi siya pwedeng magdesisyon para sa sarili niya.

*****

Samantala, sa isang napakalaking mansion, seryosong nag-uusap ang dalawang lalaki.

“So, what are your next orders, Sir?” tanong ni Marco.

Si Mr. Laric ay nakasandal sa isang leather chair. Marahang tinatapik ng mga daliri niya ang ibabaw ng mesa habang tila may malalim na iniisip.

“Who is she, really?”

Muling binuksan ni Marco, ang kanyang assistant, ang iPad at ipinakita ang mga impormasyong nakalap niya tungkol sa dalaga.

“Nagsagawa na po ako ng mas malalim na imbestigasyon tungkol sa kanya, Sir,” maingat niyang sagot.

Ini-slide niya ang screen at ipinakita ang lumang litrato ng isang magandang babae.

“Her mother's name was Jasmine Guillermo.”

Bahagyang lumaki ang mga mata ni Mr. Laric nang marinig ang pangalan.

“Jasmine Guillermo was an illegitimate daughter of the Rivera family, one of the oldest aristocratic families in the western part of the country,” paliwanag ni Marco. “Itinakwil siya ng sarili niyang pamilya dahil sa iskandalo tungkol sa kanyang pagsilang sa labas ng kasal.”

Nagsalubong ang mga braso ni Mr. Laric sa kanyang dibdib.

“And she married Damian Hernando?”

“Hindi po iyon kasal na bunga ng pagmamahalan. Based on the information we gathered, it appears to have been a transaction between the two families.” Muling tumingin si Marco sa screen. “Pero pagkatapos ipanganak si Hiraya, namatay si Jasmine. Mula noon, parang tuluyan nang binura si Hiraya sa buhay ng pamilyang Hernando.”

Iniikot ni Mr. Laric ang singsing sa daliri niya habang mabilis na pinag-iisipan ang mga impormasyong narinig.

“Damian Hernando deliberately kept his eldest daughter hidden from the public,” dagdag ni Marco. “And for reasons we have yet to uncover, he arranged for her to be presented as a candidate for your marriage.”

Saglit na nag-alangan si Marco bago muling nagsalita.

“Would you like to proceed with the original plan involving Asteria, Sir? Or should we put an end to everything?”

Hindi agad sumagot si Mr. Laric. Isang beses niyang tinapik ang mesa, nanatiling malamig at puno ng kalkulasyon ang ekspresyon ng mukha niya. Sa huli, bahagya siyang ngumiti.

“Interesting.”

***

Kinabukasan.

Sa pinakamataas na palapag ng building, punong-puno ng mga dokumento ang opisina ni Damian Hernando. Nakakalat sa mesa ang mga report tungkol sa patuloy na pagbaba ng presyo ng shares ng kompanya, mga liham na nagsasabing tinanggihan ang kanilang mga credit application, at mga email mula sa mga investor na isa-isang umaatras sa kanilang mga investment.

Nakapaupo si Damian sa likod ng mesa, halatang pagod na pagod. Minamasahe niya ang magkabilang sentido habang pilit na iniisip kung paano pa maililigtas ang kompanya. Nang marinig niya ang katok sa pinto, agad siyang umayos ng upo.

Pagkabukas ng pinto, bumungad sa kanya si Marco na nakatayo sa harap ng mesa.

“Good morning, Mr. Damian,” malamig na bati nito.

Pinilit ni Damian na ngumiti kahit halatang kinakabahan siya.

“Ah… Mr. Marco. Please, have a seat.”

“I won't be staying long,” sagot ni Marco nang hindi man lang gumalaw mula sa kinatatayuan niya. “I have a message from Mr. Laric himself.”

Napalunok si Damian. Muling binuksan ni Marco ang itim niyang tablet.

“Mr. Laric wants to make it clear that you have misrepresented the facts and deliberately misled his side.”

Agad na tumayo si Damian, halatang nataranta.

“I—I didn't mean to!” nauutal niyang sagot. “Wala akong balak na lokohin siya. I was just… desperate. The company was on the verge of collapse, and Hiraya… she was the only—”

“Your daughter's name was not included in the list of your family members,” malamig na putol ni Marco.

Natigilan si Damian.

“You deliberately concealed her identity and presented a candidate whose name was not among those you submitted. That is a direct violation of the original agreement.”

Napabuntong-hininga nang malalim si Damian. Halatang hindi niya alam kung paano ipagtatanggol ang sarili niya.

“Mr. Marco, my Asteria… hindi pa siya handang magpakasal. She's still young, and she has her whole life ahead of her.”

“This isn't about who you want to protect,” malamig na sagot ni Marco habang diretso siyang nakatingin kay Damian. “You deceived one of the most dangerous men in this country through a business contract. Do you understand the seriousness of what you've done?”

Agad na namutla si Damian.

Muling tumingin si Marco sa tablet bago nagpatuloy. “Second, Mr. Laric is still willing to provide financial assistance to your company.”

Napahinga nang maluwag si Damian. Para bang nabawasan kahit kaunti ang bigat na dinadala niya.

“Maraming salamat. I really appreciate this, and please tell Mr. Laric that I—”

“But,” putol ni Marco, “...the original amount will no longer be honored. Mr. Laric has decided to provide only seventy percent of the initially agreed amount.”

Natigilan si Damian. Agad na napalitan ng matinding pag-aalala ang mukha niya.

“P-Pero, Mr. Marco… hindi sapat iyon! With only seventy percent, ilang buwan lang ang itatagal ng kompanya namin. We need the full amount to stabilize our finances and keep the business running!”

“Mr. Laric. Doesn't. Care,” mariing putol ni Marco, mas matalim na ngayon ang boses.

“Seventy percent is all he's willing to provide because you breached the agreement. Consider it the most generous offer you'll receive before he decides to withdraw his support entirely.”

Mahigpit na hinawakan ni Damian ang gilid ng mesa. Nanginginig ang mga daliri niya habang sinusubukang mag-isip ng ibang paraan.

“W-Wala na po bang posibilidad na mapag-usapan pa ito? I'm willing to negotiate. We can come to another arrangement.”

Bahagyang nagtaas ng kilay si Marco.

“There's nothing left to negotiate.”

Napahawak si Damian sa ulo niya at sumandal sa mesa, tila nawalan ng lakas.

“I… I'm going to lose everything,” mahina niyang sabi.

Isinara ni Marco ang tablet niya. “Your choices are simple, Mr. Damian.”

Lumapit siya nang kaunti sa mesa, nanatiling kalmado ang mukha habang nakatingin sa lalaking halos hindi na makakilos sa sobrang pag-aalala.

“Accept the seventy percent funding and save your company, or watch everything you've built collapse within a matter of weeks.”

Tumingin si Damian kay Marco. Namumula na ang kanyang mga mata, at halatang hirap na hirap siyang tanggapin ang sitwasyon.

“Fine… fine. I agree.”

Bahagyang tumango si Marco, na para bang inaasahan na niya ang sagot na iyon mula pa sa simula.

“There will be no need for an extravagant wedding,” malamig niyang sagot. “All that is required is the presence of the bride and groom and their signatures on the necessary legal documents. Mr. Laric will handle the arrangements for the ceremony.”

Napayuko si Damian at tinakpan ng dalawang kamay ang mukha niya. Wala na siyang ibang magagawa. Kung gusto niyang mailigtas ang kompanya, kailangan niyang tanggapin ang lahat ng kondisyon ni Mr. Laric.

“And as for the bride…” muling sabi ni Marco.

Dahan-dahang ibinaba ni Damian ang mga kamay niya.

“Miss Hiraya Guillermo Hernando will remain the woman Mr. Laric intends to marry.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Inosenteng Asawa ng Halimaw na Bilyonaryo   Chapter 50: Bagong Umaga sa Villarreal Mansion

    Tumagos ang mainit na sikat ng araw sa umaga sa pagitan ng mga kurtina ng master bedroom. Dahan-dahan nitong tinanglawan ang sahig na marmol hanggang sa tumama ang liwanag sa malaking kama, kung saan kapwa nakahimlay ang dalawang taong kagabi lang ay tuluyang naglapit ng kanilang mga puso.Dahan-dahang iminulat ni Hiraya ang mga mata niya. Mahigpit pa rin siyang yakap ni Alaric, na nakapulupot ang matipunong mga braso sa katawan niya.Napatingin si Hiraya sa mukha ng asawa na mahimbing pang natutulog. Habang nakapikit ito, mas malambot tingnan ang matitigas nitong facial features. Wala ang karaniwang malamig at nakakatakot na ekspresyon nito. Sa halip, may kapayapaan sa mukha ni Alaric na nagbigay-lakas ng loob kay Hiraya upang marahang haplusin ng dulo ng mga daliri ang panga nito.Mahinang umungol si Alaric. Bahagyang gumalaw ang mga talukap ng mata niya bago tuluyang dumilat, at agad na nagtama ang mga mata nila ni Hiraya.Unti-unting nabuo ang isang bahagyang ngiti sa mga labi

  • Ang Inosenteng Asawa ng Halimaw na Bilyonaryo   Chapter 49: Ang Huling Kanlungan ng Makapangyarihang Tao

    Lalong lumalim ang gabi, pero tila mas umiinit ang hangin sa loob ng master bedroom dahil sa matinding damdaming namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi inaalis ni Alaric ang tingin sa mga matang puno ng luha ni Hiraya. Ramdam niyang bahagya pa ring nanginginig ang maliit na katawan ng dalaga sa loob ng mga bisig niya.Dahan-dahang yumuko si Alaric hanggang sa magdikit ang mga noo nila. Nagkahalo ang maiinit nilang hininga, na bumuo ng isang tahimik na sandali na silang dalawa lang ang tunay na nakakaunawa."Don't cry," paos na bulong ni Alaric.Marahang gumalaw ang hinlalaki niya upang punasan ang isang patak ng luhang tuluyang dumaloy sa pisngi ni Hiraya."I've broken so many things in this world, Hiraya. Ayokong pati ikaw, sirain ko rin at paiyakin nang ganito."Marahang umiling si Hiraya. Ang mga kamay niyang kanina ay naninigas sa kaba ay naglakas-loob nang dumampi sa matipunong dibdib ni Alaric, na wala nang nakaharang na tela.Mainit ang balat ng lalaki, at ang tibok ng puso

  • Ang Inosenteng Asawa ng Halimaw na Bilyonaryo   Chapter 48: Pagguho ng Pader na Yelo

    Nakatayo si Alaric sa mismong likuran ni Hiraya. Dahan-dahang gumagalaw ang mahahaba at matitibay niyang mga daliri habang isa-isang hinahawakan ang maliliit na butones sa likod ng midnight blue gown ng asawa. Nang direktang dumikit sa maputi at makinis na balat ng likod ni Hiraya ang mainit na mga daliri ni Alaric, agad na nangilabot ang dalaga.Walang sinuman sa kanila ang nagsalita. Napakabilis ng tibok ng puso ni Hiraya, at pakiramdam niya ay umaabot ang bawat pintig hanggang sa mga dulo ng kanyang mga daliri. Mariin siyang pumikit habang nararamdaman niyang unti-unting natatanggal ang mga butones ng gown, na sinundan ng mahinang tunog ng silk zipper na dahan-dahang ibinababa.Napakaingat ng bawat paggalaw ni Alaric, na para bang may hinahawakan siyang pinakamarupok na porselana sa buong mundo. Nang matanggal ang huling butones, hindi na kayang suportahan ng mga ito ang bigat ng mamahaling tela. Dahan-dahang dumulas pababa ang gown na obra maestra ni Jean hanggang sa tuluyan iton

  • Ang Inosenteng Asawa ng Halimaw na Bilyonaryo   Chapter 47: Sa Likod ng mga Gintong Kadena

    Pakiramdam ni Hiraya ay mas mahaba kaysa karaniwan ang biyahe pauwi mula sa hotel papunta sa Villarreal mansion. Napakabigat ng katahimikan sa loob ng marangyang sasakyan. Nakaupo si Alaric habang nakasandal sa upuan at nakapikit ang mga mata. Pero halatang hindi pa rin humuhupa ang galit sa loob niya. Mahigpit ang pagkakakuyom ng panga niya, habang paulit-ulit namang tinatapik ng mga daliri niya ang armrest ng upuan.Tahimik lang si Hiraya at nakatingin sa labas ng bintana. Pinagmamasdan niya ang mga ilaw sa kalsadang mabilis na dumaraan sa kanyang paningin. Magulo pa rin ang isip niya dahil sa halik na nangyari sa balkonaheng iyon. Hindi niya alam kung paano haharapin si Alaric pagkatapos ng lahat ng nangyari sa gabing iyon.Pagdating nila sa mansion, agad na binuksan ni Marco ang pinto ng sasakyan. Naunang bumaba si Alaric nang walang sinasabi at mabilis na pumasok sa bahay.Sumunod naman si Hiraya sa likuran niya, mabagal at parang wala nang lakas ang mga hakbang. Nanginginig pa

  • Ang Inosenteng Asawa ng Halimaw na Bilyonaryo   Chapter 46: Ang Lambat ng Pagtataksil

    Lalong naging maingay ang ballroom ng hotel habang papalapit sa kasukdulan ang tugtog ng waltz. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Alaric sa mga daliri ni Hiraya, na para bang kapag niluwagan niya iyon kahit kaunti, mawawala ang dalaga sa gitna ng napakaraming tao.Pero bilang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa mundo ng negosyo at sentro ng atensyon sa gabing iyon, hindi maaaring magtago si Alaric habambuhay sa likod ng mga tao. Ilang kilalang real estate tycoon at mga ministro ng ekonomiya ang nagsimulang lumapit sa kanya. Unti-unti silang bumuo ng isang grupo sa paligid niya, kaya napilitan si Alaric na bumalik sa kanyang papel bilang makapangyarihang pinuno.Sandaling nilingon ni Alaric si Hiraya.Napansin niyang mukhang hindi pa rin nakakabawi ang asawa niya sa mga nangyari. Hindi pa rin regular ang paghinga nito, at kapansin-pansin pa rin ang pamumula ng mga labi nito dahil sa mainit nilang halikan sa balkonaheng iyon kanina."Wait here, sweetheart," bulong ni Alaric.Pagk

  • Ang Inosenteng Asawa ng Halimaw na Bilyonaryo   Chapter 45: Pag-angkin ng Isang Makapangyarihan

    Hindi napansin ni Arvie ang matangkad na lalaking nakatayo sa bungad ng pinto ng balkonaheng kinaroroonan nila, kaya patuloy pa rin siya sa pagbibiro. Pero nang biglang tumigil sa pagtawa si Hiraya at mapansin niya ang takot sa mga mata nito, napilitan siyang lumingon.Hindi gumagalaw si Alaric. Nakatayo lang siya sa ilalim ng mahinang liwanag ng mga ilaw sa dingding. Sa likod ng itim niyang maskara, matalim ang kislap ng mga mata niya habang diretso siyang nakatingin kay Arvie. Para bang isa itong peste na kailangan niyang alisin agad sa harapan niya.Samantala, ramdam ni Hiraya ang napakabilis na tibok ng puso niya. Halos umalingawngaw na sa mga tainga niya ang bawat pintig nito. Alam niyang nakamasid sa kanya si Alaric, at alam din niyang hindi maganda ang mood nito."Arvie," paos na bulong ni Hiraya. Nanginginig ang boses niya. "Mas mabuti sigurong... pumasok ka na muna. Baka nagsimula na ang main event."Kumunot ang noo ni Arvie. Tumingin siya kay Alaric na nanatiling tahimik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status