LOGINPagsapit ng ikapitong buwan ay nagbago ang training ko. Hindi na lamang physical exercises at paggamit ng mga armas ang pinag-aaralan ko.Kasama na rin ang hand-to-hand combat, situational awareness at mga simulation na susubok sa kakayahan kong mag-isip sa ilalim ng pressure.May mga pagkakataong kailangang makipaglaban ako sa ilang tauhan ng Olympus.Hindi ako palaging nananalo. Sa katunayan, mas marami pa akong pagkatalo kaysa panalo. Pero hindi na ako madaling mapagod tulad noong unang buwan. Mas mabilis na rin ang kilos ko at mas maayos ko nang nakokontrol ang katawan ko.Resulta iyon ng physical training na ginawa ko noong mga unang buwan. Tumaas ang endurance ko. Hindi na ako basta-basta hinihingal."Again!" sigaw ni Dimitri.Nakatayo ako sa gitna ng training mat habang nakaharap sa isa sa mga tauhan niya. Huminga ako nang malalim at muling naghanda.Sa pagkakataong ito ay nagawa kong makaiwas sa kanyang pag-atake at makabawi.Nang tuluyan ko siyang mapabagsak ay napangiti ako.
Isang taon.Iyon ang panahong ibinigay sa akin ng Olympus para hubugin ang sarili ko bilang isang assassin. Isang taon para matutunan ang lahat ng kailangan kong malaman bago ako bigyan ng mga misyong ako lamang ang makakagawa.Isang taon para maging sandata nila. At isang taon para malaman kung hanggang saan ang kaya kong gawin.Kinabukasan ay ipinakilala sa akin ni Victor ang taong magiging responsable sa pagsasanay ko. "Siya si Dimitri Volkov. Siya ang magiging personal trainer mo sa loob ng isang taon."Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko.Matangkad siya, malapad ang balikat at matikas ang tindig. Sa tingin ko ay nasa mid-thirties na siya. Maitim ang buhok niya, matalim ang mga mata at may mahabang peklat mula sa kaliwang sentido hanggang sa may pisngi.Hindi siya mukhang isang ordinaryong instructor lang. Mas mukha siyang taong kayang pumatay nang walang pag-aalinlangan— ang awra niyang ito ay kagaya sa tatay ko nang walang kurap na pinatay si Rachel."Siya ang isa sa mga p
"Kung ganoon..." Hindi ko na nga napigilan ang bibig ko dahil kanina pa ako atat na magtanong. "May mga test subject na successful?""Ganoon na nga, pero hindi tulad mo," sagot ni Victor. "Ang abilidad na mayroon ka ang gusto namin."Abilidad na mayroon ako?"Ang instant regeneration ability ang tinutukoy ko," pagpapatuloy ni Victor. "Ibig sabihin niyon, ang kakayahan mong mabuhay ulit at ang mabilis na paggaling ng kahit anong uri ng sugat sa katawan mo— iyon naman talaga si Gaia, hindi ba? Siya ang Mother of all life."Paano nga ba ako nagkaroon ng ganoong abilidad? Basta na lamang ba tinurok sa akin ni Lolo Alfonso ang Gaia?Nang bigla akong may maalala."May mas malalim pa bang explanation ang instant regeneration ability na mayroon ako?" tanong ko pa. May gusto lang akong kumpirmahin."Sa ngayon ay wala pa," sagot naman ni Victor. "Bukod sa formula ng Gaia na gusto naming makuha kay Alfonso, gusto rin naming makuha ang video record habang inooperahan ka niya noon sa ulo mo."Nati
Para akong napako sa kinatatayuan ko.Alam kong boss ng Artemis ang tatay ko kung saan grupo sila ng mga Assassin. Pero hindi ko inaasahang makikita ko sa personal kung gaano kawalang pusong pumatay ang isang assassin.Kanina lang, makikita ko pa sa mga mata niya ang pagsisisi at pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Pero ngayon, hindi man lang siya kumurap nang itarak ang kutsilyo sa ulo ni Rachel.Higit sa lahat...Ni wala man lang reaksyon si Lucien sa nangyari at diretso lang na lumakad papunta sa tabi ng babaeng itlog na iyon.At ano raw?Magiging asawa?Tiningnan ko si Viena, baka sakaling magsalita siya at ipaliwanag ang nangyayari. Pero ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Nakikipag-usap siya sa mga taong board of executive raw ng Olympus.Tiningnan ko si Aethon at Athena pero nakatingin lang sila sa mga monitor sa harap nila.Nilingon ko ang nanay ko pero katulad ni Viena ay hindi niya man lang ako tiningnan.Binalik ko ang tingin sa tatay ko. Pinunasan niya ang
Namangha ako habang naglalakad sa pasilyo. May mga numero ang baway pinto. Nagmistulang hotel ang buong likod na bahagi main building!Nang mahanap ko na ang kwartong may numerong bente ay saka ko napagtanto na wala pala akong susi. Kinapa ko ang bawat dingding pero wala akong mahanap na scanner. Para akong butiki na naghahanap nang makakapitan sa ginawaga ko."Anong ginagawa mo?""Ay butiki!" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa pagkakagulat. Nilingon ko ang nagsalita. Si Veronica pala. "Paano ba buksan ang pinto na ito?""Paano ba binubuksan ang pinto?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin."H-Ha?" Naguguluhan man ay sinubukan kong pihitin ang seradura at bumukas naman iyon. Alanganin akong napatawa. "Akala ko kasi may scanner-scanner din ito.""Kapag hinawakan mo ang doorknob, madi-detect agad nito kung sino ang humawak. At dahil ikaw naman ang may-ari ng kwartong iyan ay natural na bubukas iyan," paliwanag niya pa at sinara ang pinto saka sinubukang buksan iyon pero hindi niya mab
Nakaharap ako sa isang malawak na fishpond habang nakaupo sa damuhan. Ganitong-ganito sa panaginip ko. Hindi pala iyon panaginip. Mga alaala ko pala iyon. At ang batang lalakeng iyon pala ay si Leon.Nilibot ko ng tingin ang palagid. May mga matatayog na puno, mayroon ding abot-kamay lang. Nagkalat ang mga bulaklak na may iba't ibang hugis at kulay.Sa unang tingin, isa itong makapigil-hiningang ganda ng kalikasan. Pero ang hindi alam ng karamihan, sa likod ng ganda nito ay nakatago ang hindi makataong mga eksperimento.May iilang bata ang masayang naglalaro. Mga kapatid ko ba sila? Nanggaling din ba sila semilya ng mga magulang ko? May nakikita rin akong mga babaeng nakasuot ng laboratory gown— ang ilan pa sa kanila ay buntis. Napahinga ako nang malalim.Ano bang dapat kong gawin para matapos na ito at wala ng buhay ang madamay?Ang tanong ay kung may magagawa ba ako?Bigla kong naalala si Lolo Alfonso at ang mga sinabi niya.Pabagsakin si Viena...Pero bakit?Ang sabi ni Viena ay si







