LOGINTahimik kaming nakaupo sa harap ng hapag-kainan habang ako ay palihim na nakatingin sa mga bagay na nasa harapan ko. May malaking plato, tapos sa taas nito ay isang katamtamang laki ng plato at sa pinakaibabaw ay ang mangkok. Nakahilera naman sa magkabilang gilid ang mga kutsara, tinidor, at kutsilyo.
Bakit ganito karami? Samantalang sa bahay ay nagkakamay lang ako. Mukhang napansin naman ni Lucien na nasa tabi ko ang pagkabalisa ko. Hinawakan niya ang kamay ko at bumulong. "Ako ang bahala. Kumalma ka lang diyan." Kumalma? Paano kakalma kung hindi ko naman alam anong gagamitin? Teka nga... Kahapon lang kung ano-anong lumalabas sa bibig niya. Kesyo mahalaga si Rachel sa kanya at kung ano-ano pa. Tapos ngayon nagpapaka-sweet siya sa akin. Naalala ko ang sinabi ni Lolo Alfonso kanina na si Lucien daw ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan niya. Ibig bang sabihin ay nagpapakitang-gilas lang itong si Lucien ngayon? Nagpapakabait sa harap ng lolo niya para masolo niya ang lahat. Kung iisipin, bakit sa ampon ipapamana? Walang mapupunta sa sariling mga anak? Alam ba ni Lolo Alfonso ang pinaggagagawa ni Lucien? Bumibili ng mga babae at kumokolekta ng virginity! Binawi ko ang kamay kong hinahawakan ni Lucien. Hindi ko alam bakit bigla-biglang nagbabago ang mood ko. Siguro dahil sa pagbubuntis ko? Nagsimula ng mag-serve ang mga katulong. Hindi ko alam kung anong unang ihahain nila, pero nagugutom na ako. "Tell me, Rain," biglang sabi ni Lorien. "Tagasaan ka? Kailan namin mami-meet ang mga magulang mo? Nakapagtapos ka na ba sa college?" Nagulat ako nang biglang hinampas ni Lolo Lucien ang mesa. Kumalabog ito at bahagyang nasira ang pagkaka-arrange ng mga plato at kubyertos. "Anong nagbigay sayo ng karapatan para tanungin si Rain?" maawtoridad na tanong ni Lolo Alfonso. Bakit parang pinagtatanggol niya ako? Ngayon lang naman kami nagkakilala. "Papa naman, syempre gusto lang namin siyang makikala," sabi naman ni Lorien. "Bilang magiging tita niya, hindi ba at dapat kaming maging malapit sa isa't isa." Hindi ko alam pero bakit nakakatakot siya? Bakit nararamdaman kong hindi naman siya sinsero? Kaya ba hindi mamanahan ni Lolo Alfonso ang mga anak niya kasi hindi naman sila mababait? Eh, hindi rin naman mabait si Lucien! Hmpp! "Para ano?" biglang tanong ni Lolo Alfonso. Nakangiti naman siya pero iyong klase ng ngiti na may halong pang-iinsulto. "Para paimbestigahan siya at gamitin iyon laban sa kanya? Ilang beses ninyong ginawa iyan kay Lucien, pero hinayaan ko lang. Pinrotektahan ko lang siya at hindi gumawa ng kilos laban sa inyo. Pero kapag ginalaw ninyo si Rain, hinding-hindi ako mananahimik lang." Kaagad akong napalingon kay Lolo Alfonso. Bakit niya gagawin iyon? Mas pipiliin niya ako kaysa sa mga anak niya? Nakahain na ang sabaw pero mukhang wala ni isa sa amin ang gustong humigop nito. Sa tensyon pa lang na bumabalot sa amin ay mainit pa iyon kaysa sa sabaw. Nilingon ako ni Lolo Alfonso. "Humigop ka ng sabaw habang mainit pa. Makakabuti iyan sa bata." "Buntis siya?" biglang tanong ni Llara. Nagkatinginan naman silang magkakapatid. "Kapag may nangyaring masama kay Rain at sa magiging apo ko sa tuhod ay kayong lima kaagad ang suspek," sabi naman ni Lolo Alfonso. "Mukhang sobra naman yata iyan, papa..." sabi naman ni Lorenzo. "Kung sabagay, kailan mo ba nakita ang mga mabuti naming nagawa. Simula nang magising ka ay lumala pa ang pagkaayaw mo sa amin. Ano kayang gamot ang pinainom ni Lucien sayo." Simula nang magising? "Para sayo, lagi kaming palpak," dagdag naman ni Liza. "At si Lucien lang ang apple of the eye mo," sabi pa ni Leandro. "Tell me, Lucien, anong pinakain mo sa papa namin at ganyan siya kapabor sayo." Akala ko mananahimik lang si Lucien pero damang-dama ko ang kalamigan nang magsalita siya. "Then also tell me, ano bang ginawa ninyo bakit ganito kayo tratuhin ng sarili ninyong ama?" "How dare you!" sigaw ni Lorien. "Enough!" sigaw ni Lolo Alfonso. Akala ko noon masaya at walang problemang kinakaharap ang mga mayayaman. Pero hindi ko akalain na ganito pala kagulo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang nasa tama at kung sino ang nasa mali. Higit sa lahat, hindi ko alam kung ano itong napasok kong gulo. Natapos ang hapunan na para bang hindi nagkaroon nang mainit na bangayan. Narito kami ulit sa sala, nagkakapale sila. Habang ako ay nakatingin sa macaroons na nakahain sa harapan ko. Gusto kong kumuha kaso baka sabihin nilang patay-gutom ako. Tumayo si Lucien, kumuha ng platito at nilagyan ng macaroons. Pagkatapos ay binigay niya sa akin iyon. Nababasa niya ba lagi ang iniisip ko? Hindi na ako tumanggi at tinanggap iyon. Binasag ni Lorien ang nakabibinging katahimikan. "Papa, hindi naman makaturangan kung wala kayong ibibigay na mana sa amin. Dugo at laman mo kami." "Dugo at laman?" nang-uuyam na tanong ni Lolo Alfonso. "Oras na siguro para itanong sa inyo ito, anong ginawa ninyo para ma-comatose limang taon na ang nakalilipas?" Nanlaki ang mga mata ng magkakapatid. "Sinabi ba ni Lucien sa inyo?" gulat na tanong ni Leandro. "Gumawa na naman ba siya ng kwento!" "Sinabi niya man o hindi ay may ebidensya ako," sagot naman ni Lolo Alfonso. "Pasalamat pa nga kayo dahil hindi ko kayo pinakulong at hinayaan pa ring mamuhay nang marangya. Kaya kapag may ginawa kayong masama kina Lucien at Rain, ipapakulong ko kayo at ilalabas ko ang ebidensyang iyon. At matutuklasan ng buong mundo kung anong mga ilegal na bagay ang ginagawa ninyo." "Pinagbabantaan mo ba kami, papa?" seryosong tanong ni Llara. "Try me," nanghahamon naman na sagot ni Lolo Alfonso. "Alam ninyo kung anong kaya kong gawin at higit sa lahat, alam ninyo na wala kayong panalo kapag kinalaban ninyo ako." "Huwag kayong mag-alala," singit ni Lucien. "Hindi naman ako sakim. May shares pa ring matatanggap ang mga anak ninyo. Pero ako ang magdedesiyon kung magkano. Let's say, base on their behaviour. Pero kung nagmana sila sa inyo, mukhang mahihirapan akong ibigay ang shares nila." Padabog na tumayo si Lorien. "Huwag kang umasta na isa kang tunay na Del Amore. Sa mata ng batas mas lamang ang dugo kaysa sa tubig." "Sa mata rin ng batas, matagal na sana kayong nabulok sa bilangguan kung kinalat ko ang ebidensiya," ganting sabi ni Lucien. Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari kasi abala ako sa pagkain ng macaroons. Nakikinig lang naman ako. Pag-angat ko ng tingin ay wala na ang limang magkakapatid. "Masarap ba, Rain?" "P-Po?" natataranta kong tanong habang nakatingin kay Lolo Alfonso. Nakangiti siya sa akin, ibang-iba sa matapang at nakakatakot na Lolo Alfonso kanina sa harap ng mga anak niya. "O-Opo, masarap po." Ang bait niya sa akin tapos halos itakwil niya na mga anak niya. "May iku-kwento ako sayo," dagdag niya. "Handa ka bang makinig?"Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. Ang alam ko lang, bago ko pa man tuluyang imulat ang mga mata ko, naririnig ko na ang mahinang pagkatok sa pinto ng hotel suite namin ni Lucien.“Ma’am Rain?”Boses ni Ellen iyon. Napabuntong-hininga ako at pilit na iminulat ang mga mata. “Pasok.”Bahagyang bumukas ang pinto. “Good morning, ma’am. Alas-sais na po.”Napapikit akong muli. Bakit parang kahapon lang nang sabihin sa amin ni Lolo Alfonso ang tungkol sa selebrasyon na iyon?Ngayon na ang araw ng selebrasyon. Ang araw na opisyal akong ipakikilala ng pamilya Del Amore sa napakaraming tao bilang asawa ni Lucien.At sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Buong buhay ko, hindi ko kailanman maiisip na isang araw ay gigising ako sa isang napakalaking hotel suite, may mga stylist at makeup artist na naghihintay sa akin, at halos buong hotel ay abala sa isang selebrasyon na para sa akin.Napaupo ako sa kama. Hindi ko a
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o kabahan. Mula sa sala ay lumipat kami rito sa study ni Lucien.“Gaganapin natin ang pinakamalaking selebrasyon na mangyayari sa kasaysayan ng pamilya Del Amore,” sabi ni Lolo Alfonso.Napatingin ako sa kanya mula sa kabilang bahagi ng mesa. Sa harapan namin ay nakalatag ang napakaraming dokumento—mga listahan ng bisita, floor plan ng ballroom, menu, mga disenyo ng invitation, at maging ang plano para sa seguridad. Sa dami ng papel na nakikita ko, parang hindi isang simpleng selebrasyon ang pinag-uusapan namin.Napalingon ako kay Lucien. Nakaupo siya sa tabi ko, kalmado gaya ng dati. Binabasa niya na ang mga dokumento, para bang walang anumang bagay sa mundo ang kayang gumambala sa kanya.Bahagyang kumunot ang noo ni Lucien. “Hindi ba at parang engrande masyado ito, lo?”“Dapat lang dahil ipapakilala natin si Rain,” sagot naman ni Lolo Alfonso. “Bilang asawa ng CEO ng Del Amore Group of Companies, nararapat lang ang engrandeng selebrasyon.”Na
Nagising ako kinabukasan na sobrang bigat ng nararamdaman. Naghalo-halo na yata lang mga iniisip ko. Idagdag pang buntis ako.Hindi naman ako nasusuka o nahihilo. Parang gusto ko lang humiga buong araw at matulog nang matulog.Nang biglang tumunog ang tiyan ko. Nagugutom lang pala ako.Narinig ko ang mahinang tawa sa tabi ko. Nakalimutan kong sabihin na may katabi pala akong lalake.Hinarap ko siya at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. Nagtagisan yata kami ng tingin at wala ni isa sa amin ang gustong umiwas ng tingin.Ilang sandali ay inayos niya ang buhok kong nagkalat sa mukha ko. "Mabuti na lang at walang may nangahas na alukin ka ng kasal noon.""Sino namang mag-aalok ng kasal sa tulad kong mahirap, walang pinag-aralan at—""But you're beautiful, inside and out," kaagad niya naman sabi.Ang aga-aga kung ano-anong sinasabi.Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Rachel o ni Tiya Adella. Sabihin na lang nating masama nga siyang tao pero sa twing nakatingin s
"R-Rania?" Bakas sa mukha ni Tiya Adella ang labis na pagkagulat. "P-Paanong nandito ka? Ang s-sabi ni Badong ay binenta ka niya sa isang auction kaya abswelto na ako sa mga utang ko sa kanya at sa boss niya."Nalipat ang tingin niya kay Lucien at mukhang nakuha niya naman ang sagot sa mismong tanong niya."Siya ang nakabili sayo?" tanong niya pa at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Lucien.Inalalayan akong maupo ni Lucien sa bangkong hinila niya. Prente akong umupo habang nakatingin sa nakaluhod na si Tiya Adella."Noong dalhin ka ni tatay sa bahay, akala ko ay mapupunan mo ang pangungulila namin kay nanay. Nakaramdam ako ng pag-asa, dahil bilang panganay, nahirapan ako sa lahat ng bagay," panimula ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha kong nagbabadya nang pumatak. "May saya at may pangamba rin. Dahil baka iwan mo rin si tatay dahil baka gawin niya sayo ang ginawa niya kay nanay— nananakit at palamunin mo lang."Naramdaman ko ang kamay ni Lucien na pinatong niya sa balikat
Hindi rin kami nagtagal ni Inday sa pakikipagkwentuhan kay Ellen. Bukod sa kailangan niya munang magpahinga ay nagugutom na rin ako.Wala pa rin si Lucien nang makabalik ako sa loob ng mansyon."Kumain ka na muna," sabi pa ni Manang Fely. "Bawal sa buntis ang nagpapalipas ng gutom.""Umalis na ba ang bruha, manang?" tanong ni Inday habang nagpalinga-linga."Kanina pa, hindi yata nakayanan ang mga sinabi ni Rain kanina," sagot naman ni Manang Fely at nilingon ako. "Ihahanda ko lang ang hapag."Nasaan kaya si Lucien?Gusto ko siyang tawagan pero wala naman akong cellphone.Hanggang sa matapos na lang akong kumain ay wala pa rin siya. Wala akong nagawa kung hindi ang hintayin siya sa may sala. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at paggising ko ay nasa kwarto na ako."Gising ka na pala."Bigla kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Lucien na nagpupunas ng kanyang buhok. Mukhang bagong ligo yata siya."Nakauwi ka na pala," sabi ko at dahan-dahang bumangon. "Kanina pa a
Kung saan-saan na napunta ang kwentuhan namin lalo pa at si Inday ang panay salita. Puro lang kalokohan ang alam.Oras na siguro para mas kilalanin namin ang isa't isa. Para sa akin hindi lang sila basta mga tauhan lang— mga kaibigan ko na sila."Alam ba ninyo na hindi pa rin ako makapaniwala na biglang ganito kalayo ang niliko ng buhay ko," panimula ko at nakuha ko naman ang atensyon nila dahil bigla silang naging seryoso. "Akala ko ay roon na ako mamamatay sa auction na iyon. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magpasalamat sa madrasta namin dahil binenta niya ako kaya nakilala ko si Lucien.""Para sa akin density ang tawag doon, mam!" sabi pa ni Inday.Panay na ang saway ko sa kanila na tawagin na lang akong Rain o hindi kaya ay Rania, pero ayaw pa rin talaga nila."Anong density? Destiny iyon, Inday," pagtatama naman ni Ellen."Pareho lang iyon, binaliktad mo lang!" nakangusong sabi ni Inday.Tinawanan lang siya ni Ellen. Mas maganda si Ellen kapag ganitong tumatawa at ngumingiti







