Share

Chapter 6

Author: Alshin07
last update publish date: 2026-08-02 21:45:34

"Ma'am, naghihintay na po sa mansyon ang mga mag-aayos sa inyo," sabi ni Ellen nang palabas na kami ng ward.

Ngayon ako lalabas ng hospital. Tatlong araw akong nakakulong lang sa ward. At ni minsan ay hindi na muling dumalaw si Lucien. Kung hindi si Ellen ang kasama ko ay si Rio naman minsan— siya ang personal na assistant ni Lucien.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapagtagpi-tagpi ang mga nangyayari.

"Mag-aayos?" nagtataka kong tanong.

"Naka-set na po ang family dinner ninyo kasama ang pamilya ni Sir Lucien," paliwanag naman ni Ellen.

"Kailangan ko na bang kabahan?" tanong ko pero parang sa sarili ko iyon tinanong. "May mga dapat at hindi dapat ba akong gawin?"

"Huwag po kayong mag-alala, ma'am," sagot ni Ellen. "Hindi kayo pababayaan ni Sir Lucien."

Mukhang hindi naman kami naglalayo ng edad ni Ellen pero dahil lagi siyang nakaitim na at laging seryoso ang mukha ay nagmukha siyang matured. Lagi siyang may bitbit na tablet at may suot na earpiece.

Ganoon din si Rio. Nakaitim na suit, laging may dalang tablet at may earpiece din siya.

Lahat naman ng tauhan ni Lucien ay may mga earpiece. Para siguro mas mabilis ang komunikasyon nila.

Nang makarating ako sa mansyon ni Lucien ay abala ang lahat sa paghahanda. Mas lalo akong kinabahan. Ilan ba silang darating? Nai-imagine ko nga na ayaw nila sa akin.

Inalalayan ako ni Ellen papunta sa isang kwarto. Naghihintay na nga sa loob ang limang babae.

Kaagad nila akong pinaupo sa harap ng salamin.

"Huwag ninyong kakalimutan ang utos ni Sir Lucien," sabi naman ni Ellen. "Ayaw niya nang masyadong makapal ang make up at simpleng formal dress lang ang ipasuot ninyo sa kanya, not too revealing."

"Kami na ang bahala sa kanya," nakangiting sagot ng babae.

Ayaw ni Lucien sa makakapal ang make up pero si Rachel ay parang factory ng make up ang mukha. Tapos gusto niyang simpleng damit lang ang sa akin pero kay Rachel, halos kita na ang kaluluwa.

Hindi ko alam kung bakit?

Gusto niya bang magmukha lang akong ordinaryo sa harap ng pamilya niya? Lihim na lang akong napamura.

Habang nakikita ko ang final touches ng make up artist, napapahanga ako sa galing niya. Akalain mong may igaganda pala ako?

"Very light lang ang make up na ginawa ko, ma'am, pero litaw pa rin ang ganda ninyo," sabi ng make up artist.

Hindi ko alam na may ganitong ganda pala ako. Tapos ang buhok ko nakalugay lang at may ginawa silang kulot-kulot sa dulo nito.

"Ito naman ang susuutin ninyo, ma'am," sabi ng isa pang babae habang pinapakita sa akin ang isang sleeveless polo dress na kulay mapusyaw na asul.

Tumayo ako at tinanggap ang damit. "Magbibihis lang ako."

Pumunta ako sa loob ng banyo at nagbihis. Hindi naman ako masyadong maputi at hindi rin morena, katamtaman lang. Kaya bumagay naman sa akin ang kulay ng damit.

May maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko nang pagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. "Ang ganda mo..."

Lumabas na ako kaagad bago ko pa purihin nanhg purihin ang sarili ko.

Pagbukas ko ng p***o ay wala na ang mga babae. Nakatayo sa harapan ko si Lucien. May bitbit na dalawang paper bag.

Pinasadahan niya ako ng tingin— mula ulo hanggang paa. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang laman ng isang paper bag. Sandal pala ang laman niyon. Lumuhod siya sa harapan ko, tinanggal ang suot kong pangloob na tsinelas at isinuot sa akin ang step-in sandal.

Ganito rin ba siya ka-sweet sa mga babaeng dinala niya rito?

Ang isang paper bag naman ang kinuha niya at mula sa loob ay nilabas niya ang isang parihabang kahon. Nang buksan niya ay nakita kong isang kwintas pala iyon.

Sinuot niya sa akin ang kwintas. Isang asul na rosas ang pendant. Hindi ko mapigilang hawakan ang pendant.

Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang singsing. "Dapat lagi mong suot ito."

Hindi na ako nakasagot nang marahan niya akong hinila at sabay na kaming naglalakad. Hindi niya binibitiwan ang kamay nang akma kon babawiin iyon.

"Ano man ang itanong nila, sagutin mo lang ang mga kaya mong sagutin," sabi ni Lucien.

"Paano kung ang itanong nila ay kung saan ako galing?" wala sa sarili kong tanong sa kanya habang abala sa paghila ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Sabihin mo ang totoo," tipid niyang sagot.

Pwede kaya iyon? Sabihin kong binili niya ako sa lust auction na iyon? Ano bang trip ng lalakeng ito? Gusto niya ba akong ipahiya?

Nang pababa na kami sa hagdan ay nakita kong nakatayo sa may paanan sina Ellen at Rio.

Nang nasa kalahati na kami ng hagdan ay nakita ko sa sala na nakaupo ang limang tao roon at ang isa ay nakaupo sa wheelchair.

Mas lalo akong kinabahan.

Ito ba iyong sinasabi nilang kaba na nararamdaman sa twing ipapakilala ka na ng lalake sa pamilya nito? Hindi pala biro!

"Sorry for keeping you waiting," sabi ni Lucien.

Hala?

Kailangan bang mag-English din ako? Nanggaling ba sa America itong pamilya ni Lucien.

"So, ikaw si Rain..."

Ay hindi pala Amerikana. Nakahinga ako nang maluwag.

"O-Opo..."

Dahil nakagawian ko na ay lumapit ako sa kanya para sana magmano. Nakalahad na ang kamay ko pero tiningnan niya lang iyon.

Mali ba ang ginawa ko?

"Halika rito, sa akin ka magmano," biglang sabi ng lalakeng nakaupo sa wheelchair. "Hindi kasi naturuan nang mabuting asal ang mga anak ko."

Naiilang akong lumapit sa kanya at nagmano.

"Mabait na bata," sabi niya pa. "Ako ang lolo ni Lucien. Ako si Alfonso. Tawagin mo akong lolo."

"Opo..." mahina kong sagot.

"Itong limang walang asal na nakaupo sa harapan ko ay ang mga anak ko," sabi pa ni Lolo Alfonso.

Hindi naman halatang hindi niya gusto ang mga anak niya.

"Si Lorien, ang panganay. Sumunod si Lorenzo. Sunod naman si Liza. Ang pang-apat ay si Leandro at ang bunso ay si Llara," pagpapakilala ni Lolo Alfonso.

So sino sa kanila ang mama o papa ni Lucien?

"At si Lucien ay ang ampon ko. Pero lolo ang tawag niya sa akin," sabi pa ni Lolo Alfonso at kulang na lang ay mapasabi ako ng 'talaga?' "Higit sa lahat ay siya ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko."

"Papa!" halos sabay na sigaw ng mga anak ni Lolo Alfonso.

May panibago na namang gugulo sa isipan ko!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 21

    Hindi ko alam kung anong oras ako nagising. Ang alam ko lang, bago ko pa man tuluyang imulat ang mga mata ko, naririnig ko na ang mahinang pagkatok sa pinto ng hotel suite namin ni Lucien.“Ma’am Rain?”Boses ni Ellen iyon. Napabuntong-hininga ako at pilit na iminulat ang mga mata. “Pasok.”Bahagyang bumukas ang pinto. “Good morning, ma’am. Alas-sais na po.”Napapikit akong muli. Bakit parang kahapon lang nang sabihin sa amin ni Lolo Alfonso ang tungkol sa selebrasyon na iyon?Ngayon na ang araw ng selebrasyon. Ang araw na opisyal akong ipakikilala ng pamilya Del Amore sa napakaraming tao bilang asawa ni Lucien.At sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Buong buhay ko, hindi ko kailanman maiisip na isang araw ay gigising ako sa isang napakalaking hotel suite, may mga stylist at makeup artist na naghihintay sa akin, at halos buong hotel ay abala sa isang selebrasyon na para sa akin.Napaupo ako sa kama. Hindi ko a

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 20

    Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o kabahan. Mula sa sala ay lumipat kami rito sa study ni Lucien.“Gaganapin natin ang pinakamalaking selebrasyon na mangyayari sa kasaysayan ng pamilya Del Amore,” sabi ni Lolo Alfonso.Napatingin ako sa kanya mula sa kabilang bahagi ng mesa. Sa harapan namin ay nakalatag ang napakaraming dokumento—mga listahan ng bisita, floor plan ng ballroom, menu, mga disenyo ng invitation, at maging ang plano para sa seguridad. Sa dami ng papel na nakikita ko, parang hindi isang simpleng selebrasyon ang pinag-uusapan namin.Napalingon ako kay Lucien. Nakaupo siya sa tabi ko, kalmado gaya ng dati. Binabasa niya na ang mga dokumento, para bang walang anumang bagay sa mundo ang kayang gumambala sa kanya.Bahagyang kumunot ang noo ni Lucien. “Hindi ba at parang engrande masyado ito, lo?”“Dapat lang dahil ipapakilala natin si Rain,” sagot naman ni Lolo Alfonso. “Bilang asawa ng CEO ng Del Amore Group of Companies, nararapat lang ang engrandeng selebrasyon.”Na

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 19

    Nagising ako kinabukasan na sobrang bigat ng nararamdaman. Naghalo-halo na yata lang mga iniisip ko. Idagdag pang buntis ako.Hindi naman ako nasusuka o nahihilo. Parang gusto ko lang humiga buong araw at matulog nang matulog.Nang biglang tumunog ang tiyan ko. Nagugutom lang pala ako.Narinig ko ang mahinang tawa sa tabi ko. Nakalimutan kong sabihin na may katabi pala akong lalake.Hinarap ko siya at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. Nagtagisan yata kami ng tingin at wala ni isa sa amin ang gustong umiwas ng tingin.Ilang sandali ay inayos niya ang buhok kong nagkalat sa mukha ko. "Mabuti na lang at walang may nangahas na alukin ka ng kasal noon.""Sino namang mag-aalok ng kasal sa tulad kong mahirap, walang pinag-aralan at—""But you're beautiful, inside and out," kaagad niya naman sabi.Ang aga-aga kung ano-anong sinasabi.Sa totoo lang ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Rachel o ni Tiya Adella. Sabihin na lang nating masama nga siyang tao pero sa twing nakatingin s

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 18

    "R-Rania?" Bakas sa mukha ni Tiya Adella ang labis na pagkagulat. "P-Paanong nandito ka? Ang s-sabi ni Badong ay binenta ka niya sa isang auction kaya abswelto na ako sa mga utang ko sa kanya at sa boss niya."Nalipat ang tingin niya kay Lucien at mukhang nakuha niya naman ang sagot sa mismong tanong niya."Siya ang nakabili sayo?" tanong niya pa at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Lucien.Inalalayan akong maupo ni Lucien sa bangkong hinila niya. Prente akong umupo habang nakatingin sa nakaluhod na si Tiya Adella."Noong dalhin ka ni tatay sa bahay, akala ko ay mapupunan mo ang pangungulila namin kay nanay. Nakaramdam ako ng pag-asa, dahil bilang panganay, nahirapan ako sa lahat ng bagay," panimula ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha kong nagbabadya nang pumatak. "May saya at may pangamba rin. Dahil baka iwan mo rin si tatay dahil baka gawin niya sayo ang ginawa niya kay nanay— nananakit at palamunin mo lang."Naramdaman ko ang kamay ni Lucien na pinatong niya sa balikat

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 17

    Hindi rin kami nagtagal ni Inday sa pakikipagkwentuhan kay Ellen. Bukod sa kailangan niya munang magpahinga ay nagugutom na rin ako.Wala pa rin si Lucien nang makabalik ako sa loob ng mansyon."Kumain ka na muna," sabi pa ni Manang Fely. "Bawal sa buntis ang nagpapalipas ng gutom.""Umalis na ba ang bruha, manang?" tanong ni Inday habang nagpalinga-linga."Kanina pa, hindi yata nakayanan ang mga sinabi ni Rain kanina," sagot naman ni Manang Fely at nilingon ako. "Ihahanda ko lang ang hapag."Nasaan kaya si Lucien?Gusto ko siyang tawagan pero wala naman akong cellphone.Hanggang sa matapos na lang akong kumain ay wala pa rin siya. Wala akong nagawa kung hindi ang hintayin siya sa may sala. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at paggising ko ay nasa kwarto na ako."Gising ka na pala."Bigla kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Lucien na nagpupunas ng kanyang buhok. Mukhang bagong ligo yata siya."Nakauwi ka na pala," sabi ko at dahan-dahang bumangon. "Kanina pa a

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 16

    Kung saan-saan na napunta ang kwentuhan namin lalo pa at si Inday ang panay salita. Puro lang kalokohan ang alam.Oras na siguro para mas kilalanin namin ang isa't isa. Para sa akin hindi lang sila basta mga tauhan lang— mga kaibigan ko na sila."Alam ba ninyo na hindi pa rin ako makapaniwala na biglang ganito kalayo ang niliko ng buhay ko," panimula ko at nakuha ko naman ang atensyon nila dahil bigla silang naging seryoso. "Akala ko ay roon na ako mamamatay sa auction na iyon. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magpasalamat sa madrasta namin dahil binenta niya ako kaya nakilala ko si Lucien.""Para sa akin density ang tawag doon, mam!" sabi pa ni Inday.Panay na ang saway ko sa kanila na tawagin na lang akong Rain o hindi kaya ay Rania, pero ayaw pa rin talaga nila."Anong density? Destiny iyon, Inday," pagtatama naman ni Ellen."Pareho lang iyon, binaliktad mo lang!" nakangusong sabi ni Inday.Tinawanan lang siya ni Ellen. Mas maganda si Ellen kapag ganitong tumatawa at ngumingiti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status