Share

Chapter 9

Author: Alshin07
last update publish date: 2026-08-07 19:40:25

Bigla akong nagising kinabukasan nang may kakaibang nararamdaman. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Sinubukan kong bumangon nang dahan-dahan. Pero kaagad din akong napahawak sa bedside table at napaupo ulit sa kama.

Nahihilo ako. Napahawak ako sa ulo ko. Pakiramdam ko ay lumilindol. Nang biglang parang may kung anong umiikot sa loob ng tiyan ko. Kaagad akong napatayo dahil nasusuka ako. Pero nawalan lang ako ng balanse.

Akala ko ay matutumba ako sa sahig pero may mga bisig na sumalo sa aki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 55

    "Kung ganoon..." Hindi ko na nga napigilan ang bibig ko dahil kanina pa ako atat na magtanong. "May mga test subject na successful?""Ganoon na nga, pero hindi tulad mo," sagot ni Victor. "Ang abilidad na mayroon ka ang gusto namin."Abilidad na mayroon ako?"Ang instant regeneration ability ang tinutukoy ko," pagpapatuloy ni Victor. "Ibig sabihin niyon, ang kakayahan mong mabuhay ulit at ang mabilis na paggaling ng kahit anong uri ng sugat sa katawan mo— iyon naman talaga si Gaia, hindi ba? Siya ang Mother of all life."Paano nga ba ako nagkaroon ng ganoong abilidad? Basta na lamang ba tinurok sa akin ni Lolo Alfonso ang Gaia?Nang bigla akong may maalala."May mas malalim pa bang explanation ang instant regeneration ability na mayroon ako?" tanong ko pa. May gusto lang akong kumpirmahin."Sa ngayon ay wala pa," sagot naman ni Victor. "Bukod sa formula ng Gaia na gusto naming makuha kay Alfonso, gusto rin naming makuha ang video record habang inooperahan ka niya noon sa ulo mo."Nati

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 54

    Para akong napako sa kinatatayuan ko.Alam kong boss ng Artemis ang tatay ko kung saan grupo sila ng mga Assassin. Pero hindi ko inaasahang makikita ko sa personal kung gaano kawalang pusong pumatay ang isang assassin.Kanina lang, makikita ko pa sa mga mata niya ang pagsisisi at pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Pero ngayon, hindi man lang siya kumurap nang itarak ang kutsilyo sa ulo ni Rachel.Higit sa lahat...Ni wala man lang reaksyon si Lucien sa nangyari at diretso lang na lumakad papunta sa tabi ng babaeng itlog na iyon.At ano raw?Magiging asawa?Tiningnan ko si Viena, baka sakaling magsalita siya at ipaliwanag ang nangyayari. Pero ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Nakikipag-usap siya sa mga taong board of executive raw ng Olympus.Tiningnan ko si Aethon at Athena pero nakatingin lang sila sa mga monitor sa harap nila.Nilingon ko ang nanay ko pero katulad ni Viena ay hindi niya man lang ako tiningnan.Binalik ko ang tingin sa tatay ko. Pinunasan niya ang

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 53

    Namangha ako habang naglalakad sa pasilyo. May mga numero ang baway pinto. Nagmistulang hotel ang buong likod na bahagi main building!Nang mahanap ko na ang kwartong may numerong bente ay saka ko napagtanto na wala pala akong susi. Kinapa ko ang bawat dingding pero wala akong mahanap na scanner. Para akong butiki na naghahanap nang makakapitan sa ginawaga ko."Anong ginagawa mo?""Ay butiki!" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa pagkakagulat. Nilingon ko ang nagsalita. Si Veronica pala. "Paano ba buksan ang pinto na ito?""Paano ba binubuksan ang pinto?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin."H-Ha?" Naguguluhan man ay sinubukan kong pihitin ang seradura at bumukas naman iyon. Alanganin akong napatawa. "Akala ko kasi may scanner-scanner din ito.""Kapag hinawakan mo ang doorknob, madi-detect agad nito kung sino ang humawak. At dahil ikaw naman ang may-ari ng kwartong iyan ay natural na bubukas iyan," paliwanag niya pa at sinara ang pinto saka sinubukang buksan iyon pero hindi niya mab

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 52

    Nakaharap ako sa isang malawak na fishpond habang nakaupo sa damuhan. Ganitong-ganito sa panaginip ko. Hindi pala iyon panaginip. Mga alaala ko pala iyon. At ang batang lalakeng iyon pala ay si Leon.Nilibot ko ng tingin ang palagid. May mga matatayog na puno, mayroon ding abot-kamay lang. Nagkalat ang mga bulaklak na may iba't ibang hugis at kulay.Sa unang tingin, isa itong makapigil-hiningang ganda ng kalikasan. Pero ang hindi alam ng karamihan, sa likod ng ganda nito ay nakatago ang hindi makataong mga eksperimento.May iilang bata ang masayang naglalaro. Mga kapatid ko ba sila? Nanggaling din ba sila semilya ng mga magulang ko? May nakikita rin akong mga babaeng nakasuot ng laboratory gown— ang ilan pa sa kanila ay buntis. Napahinga ako nang malalim.Ano bang dapat kong gawin para matapos na ito at wala ng buhay ang madamay?Ang tanong ay kung may magagawa ba ako?Bigla kong naalala si Lolo Alfonso at ang mga sinabi niya.Pabagsakin si Viena...Pero bakit?Ang sabi ni Viena ay si

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 51

    Isa-isa kong tinanggal ang mga nakakabit sa akin."Rania, anak...""Huwag mo akong matawag-tawag na anak!" sigaw ko at padabog na bumaba ng stretcher bed. "Okay na sana, eh. Naisip ko pang patawarin kayo kahit hindi na kayo humingi ng tawad. Naisip kong nagawa lang naman ninyo payagan si Lolo Alfonso na iturok sa akin ang letseng Gaia na iyon dahil gusto ninyo akong mabuhay! Na hindi ninyo kayang mawala ako sa inyo! Naisip kong para sa kapakanan ko rin kung bakit hinayaan ninyo akong malayo sa inyo at bigyan pa ng permiso si Tiya Adella na saktan ako! At higit sa lahat, naisip kong nagsisisi na kayo sa lahat ng mga nagawa ninyo! Pero putang ina! Ilang tao pa ba ang dapat na mamatay para maperpekto ang Gaia na iyon! Ilang babaeng birhen pa ba ang nanakawan ninyo ng karapatan para lang makabuo ng bagong bersyon ko!"Halos hindi na ako humihinga nang ilabas ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanila.Walang ni isa sa kanila ang nagsalita."Sinasabi ninyo kung gaano kasakim si Lolo Alfo

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 50

    "Ako si Leon.""Apo ako ni Lolo Alfonso, ang boss ng Zeus.""Isa ako sa mga dinakip.""Wala namang pakialam si Lolo Alfonso kung mamatay ako.""Ang mahalaga lang sa kanya ay ang mga experiment niya.""Galit na galit si mama sa kanya.""May schedule ako mamaya sa laboratory.""Mag-iingat ka, Rania..."Parang tubig sa ilog na umagos ang mga alaala sa isipan ko. Mga alaala kung saan nakilala ko si Leon.Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nagwawala sa loob ng laboratory.Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng sakit sa loob nito.Bakit Lolo Alfonso?Lahat sila ay sinasabi kung anong klase kang tao at hindi pa rin ako naniniwala. Naniniwala pa rin akong mabuting tao ka sa kabila ng lahat.Pero...Hinding-hindi magsisinungaling ang mga alaala."Rania, anak..." Mababakas sa boses ng nanay ko ang labis na pag-aalala.Tinaas ko ang kamay ko para sabihing ayos lang ako. "Bakit?"Parang bulong na lang ang boses na lumabas sa bibig ko."Bakit niya nagawa iyon mismo sa sarili n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status