Share

Ang Larong Sinimulan Natin
Ang Larong Sinimulan Natin
Author: Ukiyoto Publishing

Prologue

 

 

“Guys, ano na? Let’s play?”

Ako mismo ang nag aya sa kanila na mag laro, ngayong break time. Kailangan maisagawa ko ang plano ng maayos at matiwasay. Hindi ko pupwedeng biguin ang pinag usapan ng pinsan ko.

“Ano na naman bang laro?” Si Ira ang nag tanong non sa amin. Wala kasi siya kanina noong sabihin ko sa barkada na mag lalaro ngayong break time.

Para sa plano.

Nakangiting naupo sa papag si Chia, “G! Habang break time at wala pa naman akong masyadong gagawin,” ngiting ngiti si Aya ng maupo siya sa tabi ni Chia.

Kung alam mo lang.

Pumalakpak ako sa ere upang makuha ang atensyon nilang lahat, “Game! I will spin the bottle aready, okay?”

Nag tanguan sila kaya naman pinaikot ko na ang bote. Habang umiikot ang bote, namataan ko na hindi kalayuan sila Kurt at Wade na nag lalakad papalapit sa amin.

Palihim akong napalunok habang tinitignan ko na unti-unti ng bumabagal ang ikot ng bote.

“What are you doing?”

Si Wade ang nag tanong non. Napatingin ako sa kanya, nang akbayan siya ni Kurt, “Obviously pare, nag lalaro sila, hindi ba?” Tinignan ako ni Kurt saka ako nginisian.

“Can we join, then?”

Naghiyawan ang mga tao nang tumapat ang bibig ng bote sakto sa paanan ni Wade. Tuloy ay lahat kami napatingala sa kanya.

“Truth or dare?”

Nag kibitz balikat si Wade saka naupo irn sa papag, katabi ko lang mismo, “Dare.”

Tinapik siya sa balikat ni Kurt, “I dare you na ligawan si Paris,” walang sing seryoso ang tono ng panalita ni Kurt ng sabihin niya iyon.

Lihim akong napalunok habang tinitignan silang dalawa.

So, let the game begin?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status