Share

2. Kabado!

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-10-08 19:31:37

Alas-singko ng madaling araw.

Kahit anong pilit kong ipikit ang aking mga mata, hindi ako dinalaw ng antok. Magdamag akong nakatingin sa kisame ng madilim kong kwarto, nakabaluktot sa ilalim ng manipis na kumot, habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi kay Sir Erwin.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Sa tuwing pipikit ako, naaalala ko ang hitsura ng aking amo nang hindi niya namalayang may nakasaksi sa pribadong sandali niya sa library.

Diyos ko, Yara! Ano ba 'yung ginawa mo?! sigaw ko sa sarili ko habang mariing nakapikit at sinasabunutan ang sarili kong buhok.

Nahuli niya ako. Huling-huli niya akong nakasilip sa kaniya! Siguradong sisisantehin na niya ako ngayon.

Wala pang dalawang araw simula nang tanggapin ko ang trabahong ito bilang caregiver ng asawa niyang si Ma'am Victoria, pero heto ako't gumawa agad ng isang napakalaking eskandalo.

Bumuntong-hininga ako nang malalim at pilit na ibinangon ang sarili ko. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko, pero kailangan kong magtrabaho.

Kailangan kong asikasuhin ang gamot at pagkain ng asawa niya. Kung sisisantehin man niya ako mamaya, at least nagawa ko pa rin ang tungkulin ko bago ako tuluyang palayasin sa mansyong ito.

Malamig ang sahig nang lumabas ako ng kwarto. Tahimik at balot pa ng dilim ang buong ikalawang palapag. Maingat akong naglakad pababa sa malapad na hagdan patungo sa kusina, iniiwasang makalikha ng kahit anong ingay.

Pagdating sa kusina, binuksan ko ang mahinang ilaw sa ibabaw ng island counter. Kinuha ko ang blender at ang mga niresetang ingredients para sa liquid breakfast ni Ma'am Victoria.

Ngunit habang hinahalo ko ang mga gamot niya sa isang maliit na lalagyan, hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Dalawang beses kong nabitawan ang maliit na kutsara. Kumakalansing iyon sa stainless na lababo.

Paano ko siya haharapin? Anong sasabihin ko? Magso-sorry ba ako o magpapanggap na walang nangyari?

Sa sobrang paglipad ng isip ko, hindi ko namalayan ang mga yabag na palapit sa kusina.

“Good morning.”

Halos mapatalon ako sa gulat at nabitawan ko ang hawak kong plastic na lalagyan ng gamot. Paglingon ko, pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Nakatayo sa bukana ng kusina si Sir Erwin.

Naka-full business suit na siya—isang madilim na navy blue na nagpapatingkad sa kalaparan ng kaniyang mga balikat.

Maayos na maayos ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok. Pormal, malinis, at sumisigaw ng kapangyarihan ang kabuuan ng kaniyang hitsura. Ngunit ang kaniyang mukha ay madilim, pagod, at sobrang tigas ng kaniyang panga. Wala ni katiting na bakas ng lalaking nakita kong nasa library kagabi.

“S-Sir... Good morning po...” pautal-utal kong bati, agad na ibinaba ang paningin ko sa sahig. Hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga mata.

Hindi siya sumagot. Narinig ko na lang ang mabibigat niyang hakbang palapit sa gawi ko. Kumabog nang napakalakas ang dibdib ko.

Bawat hakbang niya ay tila nagpapaliit sa espasyo ng malawak na kusina. Tumigil siya sa mismong tabi ko, sa tapat ng mamahaling coffee maker na nasa ibabaw ng counter.

Isang dipa lang ang layo namin sa isa't isa.

Walang nagsasalita. Tanging ang mahinang tunog ng coffee machine at ang patak ng mainit na kape sa kaniyang tasa ang naririnig.

Dahil sa lapit naming dalawa, agad na pumasok sa ilong ko ang amoy ng kaniyang pabango.

At hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi.

Ang madilim na library. Ang bahagyang nakabukas na p***o. Ang pribadong sandaling hindi ko sinasadyang masaksihan.

Napalunok ako nang malalim at pilit na ibinaling ang atensyon ko sa mga gamot ni Ma'am Victoria. Pero parang may sarili talagang isip ang mga mata ko. Pasimple akong sumulyap sa kaniya.

Ang malalaki niyang kamay na ngayon ay kalmadong humahawak sa strap ng kaniyang relos...

Jusko, Yara! Tumigil ka! pagsuway ko sa sarili ko habang mabilis na kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang kaba.

Hinihintay ko ang kaniyang galit. Hinihintay kong sabihin niyang, 'Kunin mo ang mga gamit mo at lumayas ka na.'

Ngunit nang magsalita siya, ang boses niya ay mababa, baritono, at sobrang tigas.

“May side effect na pampatulog ang mga gamot ni Victoria sa gabi,” panimula niya.

Nagulat ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya, ngunit hindi siya nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay nakapako sa kape na tinitimpla niya, at ang kaniyang panga ay mahigpit na nakakuyom. Nakikita ko ang gilid ng kaniyang mukha na tila nagpipigil ng sariling hiya at inis.

“Stay in your room in the middle of the night,” dugtong niya, ang boses ay malamig ngunit may diin, tila isang utos na bawal suwayin. “Huwag mo nang ugaliing magpalakad-lakad sa hallway ng madaling araw.”

Umawang ang mga labi ko.

Iyon lang?

Hindi niya ako sisisantehin? Hindi niya ako mumurahin o ipapahiya?

“Y-Yes, Sir... pasensya na po talaga—”

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, malamig na siyang tumalikod. Dala ang kaniyang mainit na kape, naglakad siya palabas ng kusina nang hindi man lang ako binibigyan ng kahit isang sulyap. Hindi siya naghintay ng sagot ko.

Naiwan akong nakatulala. Nakatulong ang pag-alis niya para makahinga ako nang maluwag, pero may napansin ako.

Sa kabila ng malamig at awtoridad niyang boses, nakita ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang tainga at ang mabilis niyang pag-iwas ng tingin.

Nandoon pa rin ang hiya sa kaniya.

Isang makapangyarihang bilyonaryo, nahihiya dahil nahuli ng isang hamak na caregiver.

Bzzzt! Bzzzt!

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa loob ng bulsa ng aking pajama. Mabilis ko itong kinuha. Isang text message mula kay Nanay sa probinsya.

Nay: Anak, pasensya na kung naistorbo kita nang ganitong kaaga. Binato na naman ng dumi ng hayop ang gate natin kagabi ng mga tauhan ni Don Tomas. Sumisigaw sila na kapag hindi raw tayo nakapagbayad ng interes sa katapusan, kukunin na nila ang bahay. Anak, maayos ba ang trabaho mo d'yan? May mai-aadvance ka ba kahit kaunti?

Pakiramdam ko ay biglang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Piniga ang puso ko sa nabasa. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nag-uunahan ang mga luha sa paglandas sa aking mga pisngi.

Ang mga pangarap ko, ang kapayapaan ng pamilya ko, nakasalalay sa lahat ng ito.

Tiningnan ko ang direksyon kung saan umalis si Sir Erwin. Kumuyom ang mga kamao ko.

Kahit gaano pa kahiya, kahit gaano pa kahirap o kabigat ang sitwasyon ko sa mansyong ito araw-araw, kailangan kong tiisin. Kailangan ko ang trabahong ito. Wala akong karapatang mag-inarte.

Pumikit ako nang mariin, pinunasan ang mga luha ko, at bumalik sa paghahanda ng pagkain ni Ma'am Victoria.

Kakayanin ko 'to. Trabaho lang, Yara. Trabaho lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Maalindog Kong Amo!   162:

    “I was handling it,” dugtong niya, mas mahina na ang boses. “I wanted to make sure that when I brought you back to the mansion, there wouldn't be another threat waiting outside the gate. I wanted to settle everything before asking you to trust me again.”Napahawak ako sa bibig ko.Hindi ko na napigilang umiyak nang tuluyan.“Erwin…”Agad niya akong hinila palapit at niyakap. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili sa dibdib niya, pero sa pagkakataong iyon ay hindi ko na pinigilang kumapit sa polo niya.Nanginginig ang mga daliri ko habang sinasapo ang likod niya, at paulit-ulit kong sinusubukang huminga nang maayos.Hindi ko maintindihan.Hindi ko maintindihan kung paano ako nakarating sa puntong muntik ko nang takasan ang isang bagay na hindi naman pala niya balak gawin.Pero hindi rin naman kasalanan ko kung bakit ako natakot.Ako ang nagdala kay Yami. Ako ang nag-alaga sa kaniya sa bawat gabing halos hindi ako makatulog. At matapos ang lahat ng pinagdaanan ko noon, hindi ko

  • Ang Maalindog Kong Amo!   161:

    Lumabas siya mula sa isang bahagi ng property na natatakpan ng mga halaman at ilaw. Wala na ang coat niya, at nakasuot na lamang siya ng itim na long-sleeved polo na nakatiklop hanggang sa kaniyang mga bisig. Maayos pa rin ang kaniyang buhok, pero kapansin-pansin ang bahagyang pagkakalas ng ilang hibla nito sa noo.Nakatitig siya sa akin. Hindi siya ngumiti agad.Sa halip, ilang segundo lamang siyang nanatili sa kinatatayuan habang pinag-aaralan ang mukha ko, lalo na ang mga luha sa aking pisngi. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit, at sa bawat hakbang niya ay mas nararamdaman ko ang kakaibang bigat sa aking dibdib.“Yara.”Napapikit ako.Ang boses niya ay hindi na katulad ng ginamit niya kanina sa inuupahan naming bahay. Wala na iyong matinding diin at galit. Mas mababa ito, mas maingat, ngunit ramdam ko pa rin ang emosyon na pilit niyang pinipigilan.“W-Where is my son?” tanong ko, halos hindi ko maayos ang paghinga.Agad siyang lumapit at marahang hinawakan ang magkabilang bra

  • Ang Maalindog Kong Amo!   160:

    Mga ilaw.Iyon ang una kong napansin.Hindi iyong karaniwang mga ilaw na nakikita sa loob ng mga mansyon o mamahaling establisimyento, kundi maliliit na warm lights na nakahilera sa magkabilang panig ng isang mahabang daanan.May mga puting bulaklak na nakapalibot sa mga ito, at sa gitna ay isang maayos na inilatag na pulang carpet na tila umaabot hanggang sa pinakadulong bahagi ng property.Napakurap ako.Hindi ko agad naunawaan ang nakikita ko. Ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan, hawak si Yami habang unti-unting pinag-aaralan ang bawat detalye sa harapan ko.May mga kandilang nakalagay sa maliliit na glass holders, mga bulaklak na nakasabit sa ilang arko, at mga ilaw na nakatago sa mga puno upang magbigay ng malambot na liwanag sa buong lugar.Parang hindi ako nasa isang ordinaryong private property.Parang may inihandang espesyal na okasyon.“Erwin…”Mahina kong tawag sa kaniya.Ngunit nang lingunin ko siya, wala na siya sa tabi ko.Bahagya akong napakunot-

  • Ang Maalindog Kong Amo!   159:

    “My baby…”Marahan kong idinikit ang pisngi ko sa kaniyang buhok. Amoy baby lotion pa rin siya, at may maliit na kamay na kusang kumapit sa daliri ko kahit tulog pa rin. Ilang segundo akong nanatiling ganoon, pilit na pinapakalma ang dibdib kong kanina pa tila gustong sumabog.“Anak…” mahinang tawag ni Nanay habang hinahaplos ang likod ko. “Wala namang masamang nangyari kay Yami.”Napatingin ako sa kaniya. May halong pagkalito at lungkot ang ekspresyon niya, at agad kong napansin na hindi rin siya komportableng makita akong ganoon.“Bakit kayo sumama, Nay?” tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. “Paano kung…”Napabuntong-hininga siya.“Hindi niya naman kami pinilit, anak. Kinausap niya ako. Sinabi niyang kailangan ka niyang makausap at may gusto siyang ipakita sa iyo. Sabi ko, basta kasama ko si Yami at hindi niya kami paghihiwalayin, maaari kaming sumama.”Napayuko ako.Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit dahil hindi muna niya ako natawagan o kung dapat akong magpas

  • Ang Maalindog Kong Amo!   158:

    YARA'S POINT OF VIEW“What?”Hindi agad gumalaw si Erwin na tila sobrang nabigla.Nakita kong bahagya muling bumuka ang mga labi niya, habang nanatilinmg nakapako sa akin ang mga matang kanina lamang ay puno ng pag-aalala. Ngunit sa halip na gumaan ang pakiramdam ko sa reaksiyon niya, lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.“Alam ko na ang lahat, Erwin,” ulit ko, mas mariing hinawakan ang strap ng bag ko. “Huwag mo nang piliting itanggi. Narinig ko at nakita ko mismo ang mga dokumento sa study mo.”Bahagya siyang napaatras. Napahawak siya sa batok at mariing ipinikit ang mga mata, tila sinusubukang intindihin kung paano ako nakarating sa ganoong konklusyon.Samantalang ako ay halos hindi na makontrol ang panginginig ng mga kamay ko. Ang tanging nasa isip ko ay ang posibilidad na ilang hakbang na lamang ang layo ng araw na tuluyan nang mawala sa akin si Yami.“What documents are you talking about?” tanong niya, at mabilis na bumalik sa akin ang ma

  • Ang Maalindog Kong Amo!   157:

    YARA'S POINT OF VIEWSi Erwin.Nanlamig ang buong katawan ko.Hindi ako halos makagalaw habang nakatayo sa may pintuan, hawak pa rin ang susi at bag na dala ko mula sa trabaho. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid at ang tanging nakikita ko ay ang lalaking nakaupo sa harapan ko, tila ilang oras nang naghihintay sa pagbabalik ko.Hindi ko alam kung paano niya kami natagpuan, ngunit ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan nina Nanay at Yami.Agad kong hinanap sa paningin ang dalawang iyon.Walang tao sa sala maliban kay Erwin.Akmang iiwan ko ang bag at mabilis na dadaan patungo sa kabilang silid nang bigla siyang magsalita.Bahagya niyang iniangat ang mukha at mas tumalim ang kaniyang titig, habang unti-unting nawawala ang anumang bahid ng pagpipigil sa kaniyang ekspresyon.“Where are you going, Yara? Why are you doing this? Why did you run away with my son?”Napahinto ako.Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at nakita kong nakatayo na siya mula sa sofa. Mab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status