Share

160:

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-11-28 12:47:29

Mga ilaw.

Iyon ang una kong napansin.

Hindi iyong karaniwang mga ilaw na nakikita sa loob ng mga mansyon o mamahaling establisimyento, kundi maliliit na warm lights na nakahilera sa magkabilang panig ng isang mahabang daanan.

May mga puting bulaklak na nakapalibot sa mga ito, at sa gitna ay isang maayos na inilatag na pulang carpet na tila umaabot hanggang sa pinakadulong bahagi ng property.

Napakurap ako.

Hindi ko agad naunawaan ang nakikita ko. Ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa tabi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog Kong Amo!   162:

    “I was handling it,” dugtong niya, mas mahina na ang boses. “I wanted to make sure that when I brought you back to the mansion, there wouldn't be another threat waiting outside the gate. I wanted to settle everything before asking you to trust me again.”Napahawak ako sa bibig ko.Hindi ko na napigilang umiyak nang tuluyan.“Erwin…”Agad niya akong hinila palapit at niyakap. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili sa dibdib niya, pero sa pagkakataong iyon ay hindi ko na pinigilang kumapit sa polo niya.Nanginginig ang mga daliri ko habang sinasapo ang likod niya, at paulit-ulit kong sinusubukang huminga nang maayos.Hindi ko maintindihan.Hindi ko maintindihan kung paano ako nakarating sa puntong muntik ko nang takasan ang isang bagay na hindi naman pala niya balak gawin.Pero hindi rin naman kasalanan ko kung bakit ako natakot.Ako ang nagdala kay Yami. Ako ang nag-alaga sa kaniya sa bawat gabing halos hindi ako makatulog. At matapos ang lahat ng pinagdaanan ko noon, hindi ko

  • Ang Maalindog Kong Amo!   161:

    Lumabas siya mula sa isang bahagi ng property na natatakpan ng mga halaman at ilaw. Wala na ang coat niya, at nakasuot na lamang siya ng itim na long-sleeved polo na nakatiklop hanggang sa kaniyang mga bisig. Maayos pa rin ang kaniyang buhok, pero kapansin-pansin ang bahagyang pagkakalas ng ilang hibla nito sa noo.Nakatitig siya sa akin. Hindi siya ngumiti agad.Sa halip, ilang segundo lamang siyang nanatili sa kinatatayuan habang pinag-aaralan ang mukha ko, lalo na ang mga luha sa aking pisngi. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit, at sa bawat hakbang niya ay mas nararamdaman ko ang kakaibang bigat sa aking dibdib.“Yara.”Napapikit ako.Ang boses niya ay hindi na katulad ng ginamit niya kanina sa inuupahan naming bahay. Wala na iyong matinding diin at galit. Mas mababa ito, mas maingat, ngunit ramdam ko pa rin ang emosyon na pilit niyang pinipigilan.“W-Where is my son?” tanong ko, halos hindi ko maayos ang paghinga.Agad siyang lumapit at marahang hinawakan ang magkabilang bra

  • Ang Maalindog Kong Amo!   160:

    Mga ilaw.Iyon ang una kong napansin.Hindi iyong karaniwang mga ilaw na nakikita sa loob ng mga mansyon o mamahaling establisimyento, kundi maliliit na warm lights na nakahilera sa magkabilang panig ng isang mahabang daanan.May mga puting bulaklak na nakapalibot sa mga ito, at sa gitna ay isang maayos na inilatag na pulang carpet na tila umaabot hanggang sa pinakadulong bahagi ng property.Napakurap ako.Hindi ko agad naunawaan ang nakikita ko. Ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan, hawak si Yami habang unti-unting pinag-aaralan ang bawat detalye sa harapan ko.May mga kandilang nakalagay sa maliliit na glass holders, mga bulaklak na nakasabit sa ilang arko, at mga ilaw na nakatago sa mga puno upang magbigay ng malambot na liwanag sa buong lugar.Parang hindi ako nasa isang ordinaryong private property.Parang may inihandang espesyal na okasyon.“Erwin…”Mahina kong tawag sa kaniya.Ngunit nang lingunin ko siya, wala na siya sa tabi ko.Bahagya akong napakunot-

  • Ang Maalindog Kong Amo!   159:

    “My baby…”Marahan kong idinikit ang pisngi ko sa kaniyang buhok. Amoy baby lotion pa rin siya, at may maliit na kamay na kusang kumapit sa daliri ko kahit tulog pa rin. Ilang segundo akong nanatiling ganoon, pilit na pinapakalma ang dibdib kong kanina pa tila gustong sumabog.“Anak…” mahinang tawag ni Nanay habang hinahaplos ang likod ko. “Wala namang masamang nangyari kay Yami.”Napatingin ako sa kaniya. May halong pagkalito at lungkot ang ekspresyon niya, at agad kong napansin na hindi rin siya komportableng makita akong ganoon.“Bakit kayo sumama, Nay?” tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. “Paano kung…”Napabuntong-hininga siya.“Hindi niya naman kami pinilit, anak. Kinausap niya ako. Sinabi niyang kailangan ka niyang makausap at may gusto siyang ipakita sa iyo. Sabi ko, basta kasama ko si Yami at hindi niya kami paghihiwalayin, maaari kaming sumama.”Napayuko ako.Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit dahil hindi muna niya ako natawagan o kung dapat akong magpas

  • Ang Maalindog Kong Amo!   158:

    YARA'S POINT OF VIEW“What?”Hindi agad gumalaw si Erwin na tila sobrang nabigla.Nakita kong bahagya muling bumuka ang mga labi niya, habang nanatilinmg nakapako sa akin ang mga matang kanina lamang ay puno ng pag-aalala. Ngunit sa halip na gumaan ang pakiramdam ko sa reaksiyon niya, lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.“Alam ko na ang lahat, Erwin,” ulit ko, mas mariing hinawakan ang strap ng bag ko. “Huwag mo nang piliting itanggi. Narinig ko at nakita ko mismo ang mga dokumento sa study mo.”Bahagya siyang napaatras. Napahawak siya sa batok at mariing ipinikit ang mga mata, tila sinusubukang intindihin kung paano ako nakarating sa ganoong konklusyon.Samantalang ako ay halos hindi na makontrol ang panginginig ng mga kamay ko. Ang tanging nasa isip ko ay ang posibilidad na ilang hakbang na lamang ang layo ng araw na tuluyan nang mawala sa akin si Yami.“What documents are you talking about?” tanong niya, at mabilis na bumalik sa akin ang ma

  • Ang Maalindog Kong Amo!   157:

    YARA'S POINT OF VIEWSi Erwin.Nanlamig ang buong katawan ko.Hindi ako halos makagalaw habang nakatayo sa may pintuan, hawak pa rin ang susi at bag na dala ko mula sa trabaho. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid at ang tanging nakikita ko ay ang lalaking nakaupo sa harapan ko, tila ilang oras nang naghihintay sa pagbabalik ko.Hindi ko alam kung paano niya kami natagpuan, ngunit ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan nina Nanay at Yami.Agad kong hinanap sa paningin ang dalawang iyon.Walang tao sa sala maliban kay Erwin.Akmang iiwan ko ang bag at mabilis na dadaan patungo sa kabilang silid nang bigla siyang magsalita.Bahagya niyang iniangat ang mukha at mas tumalim ang kaniyang titig, habang unti-unting nawawala ang anumang bahid ng pagpipigil sa kaniyang ekspresyon.“Where are you going, Yara? Why are you doing this? Why did you run away with my son?”Napahinto ako.Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at nakita kong nakatayo na siya mula sa sofa. Mab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status