Share

3. Dampi Ng Balat!

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-10-08 19:32:02

Umaga ng susunod na araw, tila mas lalong naging mabigat ang atmospera sa loob ng mansyon.

Kasalukuyan kong inaayusan si Ma'am Victoria sa kaniyang wheelchair sa loob ng master bedroom. Ngayong araw ang kaniyang routine clinic check-up sa isang sikat na neurologist sa siyudad.

Maputla ang kaniyang mga labi at mahinang-mahina ang kaniyang katawan, isang malinaw na manipestasyon ng patuloy na paglala ng kaniyang Multiple Sclerosis, isang sakit na patuloy na sumisira sa kaniyang nervous system at nag-aalis sa kaniya ng kakayahang gumalaw nang normal.

“Ang ganda-ganda niyo po ngayon, Ma'am,” malambing kong sabi habang sinusuklay ang kaniyang malambot na buhok.

Tipid lang siyang ngumiti sa akin, ang kaniyang mga mata ay puno ng lungkot at kapaguran. “Salamat, Yara. Masyado ka namang nambobola. Alam ko naman kung gaano na ka-walang silbi itong katawan ko.”

“Huwag po kayong magsalita ng ganyan, Ma'am,” agap ko, nakaramdam ng matinding awa sa kan'ya. “Lalaban po tayo. Kasama niyo po kami ni Sir Erwin.”

Nang mabanggit ko ang pangalan ni Sir Erwin, isang pait ang dumaan sa mga mata ng aking amo. Siguro dahil nga sa katotohanang lumalala ang sakit ni Victoria, hindi na nito kayang pagbigyan si Erwin sa kama, dahilan upang magsarili! na lamang ito?! At nasilip ko pa nga.

Jusko! Kung saan saan na lumilipad ang utak ko!

Bago pa man ako makapag-isip ng iba pang pampalubag-loob na salita, biglang namatay ang mga ilaw, ang aircon, at ang lahat ng appliances sa buong ikalawang palapag.

Isang nakakabinging katahimikan ang pumalit sa humuhuning tunog ng aircon, na sinundan ng isang serye ng kalabog mula sa ibaba. Biglang nagka-blackout sa buong subdivision.

“Ano'ng nangyari?” mahinang tanong ni Ma'am Victoria, kinakabahan.

Sumilip ako sa labas ng bintana. “Mukhang nawalan po ng kuryente sa buong block, Ma'am. Sandali po, titingnan ko.”

Paglabas ko ng kwarto, nagkakagulo na ang ilang kasambahay. Ngunit ang mas malaking problema ay ang home elevator ng mansyon—ang tanging paraan upang ibaba si Ma'am Victoria nang ligtas dahil hindi na niya kayang humakbang pababa sa mahaba at matarik na grand staircase ng mansyon.

“Damn it,” isang malalim at baritonong boses ang umalingawngaw mula sa dulo ng pasilyo.

Napalingon ako. Si Sir Erwin. Nakasuot siya ng isang manipis na puting polo shirt na bakat ang matitigas na masel ng kaniyang dibdib at braso, at isang dark slacks.

Bagama't pormal pa rin, mas presko itong tingnan kaysa sa kaniyang karaniwang business suits, ngunit ang linya ng iritasyon sa kaniyang noo ay malinaw na malinaw.

“Ang generator, bakit hindi pa umaandar?!” sigaw niya sa kaniyang head of security na nasa ibaba ng hagdan.

“Sir, may problema daw po sa linya, inaayos na po ng mga tauhan natin pero baka abutin pa ng kalahating oras!” sagot ng security.

Tumingin si Sir Erwin sa kaniyang mamahaling relo, ang kaniyang panga ay muling nagtagis. “Hindi tayo pwedeng ma-late sa appointment ni Victoria. Delikado kapag na-miss niya ang dose ng gamot niya sa clinic.”

Lumingon siya sa akin, at sa unang pagkakataon mula noong insidente sa kusina kahapon, nagtagpo ang aming mga mata. Isang kuryente ang muling gumapang sa aking gulugod ngunit pilit ko itong binalewala.

“Yara,” tawag niya sa aking pangalan, ang boses niya ay punong-puno ng awtoridad na hindi mo kayang suwayin. “Tulungan mo akong ibaba si Victoria. Bubuhatin ko siya.”

“P-Po? Sir, mabigat po at delikado ang hagdan,” nag-aalalang sagot ko, nakatingin sa mahaba at gawa sa makintab na marmol na hagdanan ng mansyon.

“I have no other choice. Bring her wheelchair down first, then come back up and guide her legs while I carry her,” utos niya bago tuluyang pumasok sa master bedroom.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nang maihanda ko na ang wheelchair sa ibaba, mabilis akong bumalik sa itaas.

Kasalukuyan nang karga ni Sir Erwin si Ma'am Victoria. Ang isang braso niya ay nasa ilalim ng mga tuhod ng asawa, habang ang isa ay nakasuporta sa likuran nito.

Kahit mukhang magaan lang para sa kaniya ang pagbuhat, halata ang pag-iingat niya sa bawat galaw upang hindi mabanat ang mga maselang buto at kalamnan ng kaniyang maybahay.

Lihim akong humanga sa kakisigan ng kaniyang among lalaki, lalo na kapag nakikita ko kung paano nito mahalin at alagaan ang asawa nito sa kabila ng lahat.

“Sa harap ka, Yara. Hawakan mo ang mga binti niya para hindi umalog. Guide my steps. Kung maramdaman mong madudulas ako, harangan mo kami. Maliwanag?” seryosong tagubilin niya habang nakatayo kami sa pinakataas na bahagi ng hagdan.

“Opo, Sir.”

Pumwesto ako sa unang baitang sa ibaba nila, nakatalikod sa baba ng hagdan at nakaharap sa kanila. Maingat kong hinawakan ang mga binti ni Ma'am Victoria habang paatras akong humahakbang pababa ng hagdan.

“One step at a time,” bulong ni Sir Erwin, humakbang pababa.

Dahil sa posisyon namin, ang mukha ko ay eksaktong nakatapat sa dibdib ni Sir Erwin. Sa bawat paghakbang ko paatras at sa bawat paghakbang niya pasulong, ang distansya namin sa isa't isa ay nawawala.

Mainit. Nawalan ng kuryente at namatay ang aircon kaya mabilis na uminit ang paligid.

Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa katawan ni Sir Erwin, ang bango ng kaniyang sabon na nahaluan ng sariwang pawis.

Sa kalagitnaan ng hagdan, naging mas makipot ang daan dahil sa disenyo ng pasamano.

Sa isang mabigat na hakbang ni Sir Erwin, bahagyang nadulas ang kaniyang itim na leather shoes sa makintab na marmol.

“Ah!” mahinang tili ni Ma'am Victoria, napapikit sa takot.

Upang hindi sila tuluyang mabuwal pasulong at gumulong kaming tatlo pababa, mabilis kong itinukod ang dalawang paa ko sa baitang at awtomatikong ginamit ang sarili kong katawan bilang harang.

Napasandal ang buong likod at balikat ko sa matigas na dibdib at tiyan ni Sir Erwin, ang aking mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa mga binti ni Victoria habang ang braso ni Sir Erwin ay halos nakayakap sa aking leeg at balikat upang suportahan ang bigat nating tatlo.

Natigil kaming lahat sa posisyong iyon.

Ang bigat niya. Ang tigas niya.

Ang buong likod ko ay nakadiin sa kaniyang maskuladong katawan, isang posisyong napakaintimo para sa isang amo at isang hamak na caregiver. Ramdam na ramdam ko ang bawat hibla ng masel sa kaniyang tiyan.

At mas malala, dahil sa higpit ng pagkakadikit ng aming mga katawan upang mapanatili ang balanse, mararamdaman ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso ng aking amo laban sa aking likuran.

Dug-dug. Dug-dug. Dug-dug.

Hindi ako makahinga. Isang kakaibang kuryente ang biglang sumabog sa aking sistema, nagpadaloy ng init mula sa aking batok pababa sa aking puson.

Ang inosente kong isipan ay muling traydor na nilamon ng imahe ng maalindog kong amo mula noong gabing iyon sa library.

Ang katawan na dinidikitan ko ngayon ay ang parehong katawan na nakita kong n*******d at nagwawala sa sariling pagnanasa.

Dahan-dahan, sa gitna ng tense na sitwasyong iyon, nag-angat ako ng tingin mula sa balikat ni Ma'am Victoria.

At doon, nakita ko si Sir Erwin na nakatingin sa akin mula sa itaas.

Nagtagpo ang aming tingin. Ang kaniyang mga mata ay madilim, pagod, at puno ng kakaibang kuryente na hindi ko mabasa kung galit o isang pinipigilang init.

Isang titig na parang bumabalot sa buong pagkatao ko, na tila ba sa sandaling ito, hindi lang asawa niya ang hawak niya, kundi maging ako ay nakukulong sa kaniyang presensya.

“Are you okay?” pabulong at halos paos niyang tanong, ang mainit niyang hininga ay tumama sa tuktok ng aking buhok at sa aking noo.

“O-Opo, Sir,” nanginginig kong sagot, pilit na lumulunok. “Ayos lang po ako... L-Ligtas na po. Pwede na po tayong magpatuloy.”

Humugot siya ng isang malalim na hininga bago muling inayos ang kaniyang balanse, pilit na nilalayo ang kaniyang katawan sa akin.

Nang makababa sila nang ligtas sa huling baitang at maayos na naiupo si Ma'am Victoria sa kaniyang wheelchair, mabilis na lumayo si Sir Erwin sa akin na parang napaso sa pagkakadikit naming dalawa.

Tinalikuran niya ako at mabilis na inayos ang kaniyang gusot na puting polo nang hindi nagsasalita. Ang kaniyang panga ay mariing nakakuyom, ang dibdib ay mabilis na umaangat-baba dahil sa pisikal na pagod at, siguro, sa tensyon.

Si Ma'am Victoria naman ay nakapikit lang, hinihingal at pagod sa biyaheng pababa, walang kamalay-malay sa tensyon, sa kuryente, at sa tahimik na mundong nabuo saglit sa pagitan naming dalawa ng kaniyang asawa sa makipot na hagdanan.

“Let's go,” malamig na utos ni Sir Erwin sa driver nila na nag-aabang sa pintuan. Hindi man lang niya ako sinulyapan pabalik.

Pagkaalis ng sasakyan ni Sir Erwin kasama si Victoria patungong ospital para sa check-up, naiwan akong mag-isa at tulala sa sala ng mansyon.

Sapo-sapo ko ang aking dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pagtibok. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit ako naaapektuhan nang ganito sa amo ko?

Oo, lihim akong humahanga sa kakisigan ng amo kong lalaki, ngunit alam kong hanggang doon lang dapat iyon.

May asawa siya. At ang asawa niya ay ang mismong pasyente ko na nagbibigay sa akin ng trabaho upang mabuhay ang pamilya ko.

Pilit kong inalis ang mga makasalanang isipan sa aking ulo.

Huminga ako nang malalim at nagpasyang bumalik sa ikalawang palapag upang mag-ayos ng mga naiwang gamit at linisin ang kwarto ng mag-asawa habang wala sila.

Umiilaw na muli ang ilang bahagi ng mansyon dahil gumagana na sa wakas ang backup generator.

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag, dumiretso ako sa master bedroom.

Ngunit paglapit ko sa p***o, napansin kong nakabukas ito nang kaunti. Hindi ko ito naisara nang maayos kanina sa pagmamadali naming ilabas si Ma'am Victoria.

Pumasok ako sa loob. Madilim ang kwarto dahil nakasara ang mabibigat at makakapal na kurtina. Tanging ang liwanag mula sa pasilyo ang nagbibigay ng ilaw.

Lumapit ako sa malaking kama upang ayusin sana ang mga unan at kumot, ngunit ang aking paningin ay nahagip ng isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ni Sir Erwin.

Isang tablet.

Bukas ang screen nito at nanatiling naka-on, maliwanag na nakatapat sa gawi ko. Tila naiwan ito ni Sir Erwin sa pagmamadali niyang magbihis kanina bago ang blackout.

Dahil sa natural na kuryosidad, lumapit ako nang kaunti upang patayin sana ang screen at itabi ito nang maayos. Ngunit nang makita ko kung ano ang nakalagay sa screen, tila umurong lahat ng dugo ko sa katawan at nanlamig ang aking mga paa.

Hindi ito isang ordinaryong dokumento o business email.

Ito ay isang security camera footage.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tinititigan ang gumagalaw na video sa screen. Black and white ang footage, ngunit malinaw na malinaw ang detalye. Kuha ito mula sa anggulo ng CCTV camera na nakakabit sa dulo ng pasilyo ng ikalawang palapag, direktang nakatapat sa labas ng pintuan ng library.

Ang timestamp sa ibaba ng video?

January 4, 1:45 AM.

Kagabi.

Sa video, kitang-kita ang isang pamilyar na bulto ng babae.

Ako.

Nakatayo ako sa mismong labas ng awang na p***o ng library. At ang mas nakakapangilabot? Kitang-kita sa timestamp kung gaano katagal akong nakatayo roon, nakasilip at tahimik na pinapanood siya.

Hindi lang isang segundo.

Hindi lang isang simpleng silip at aksidenteng pagkakamali. Kitang-kita sa camera na sinadya kong manatili roon, pinapanood ang makasalanang gawain niya, bago pa man ako umatras, nakabangga ng porselanang dekorasyon, at nahuli niya ako.

Napasinghap ako at napatakip sa aking bibig, ang mga mata ko ay nanlalaki sa matinding takot at hiya na tila lalamon sa buong pagkatao ko.

Alam na ni Erwin.

Alam niyang hindi lang ako nagkataong napadaan. Alam niyang pinanood ko siya. At higit sa lahat, base sa pagkakabukas ng file na ito sa mismong tablet niya... pinanood niya ang CCTV footage na ito bago pa man siya bumaba kanina sa hagdan at bago mangyari ang matinding pagdidikit ng aming mga katawan.

Diyos ko. Patay na talaga ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   18: Galit!

    Napatingin ako kay Erwin.Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa doktor, ngunit halatang wala roon ang kaniyang paningin. Ang kaniyang mukha ay tuluyan nang nawalan ng kulay, putlang-putla.Ang kaniyang malalapad na balikat na karaniwang sumisigaw ng kapangyarihan ay dahan-dahang bumagsak, tila ba dinala niya ang buong bigat ng langit at lupa sa kaniyang likuran.“Less than a year...” bulong niya, halos walang tunog na lumabas sa kaniyang bibig.“I'm sorry, Erwin. We did our best. Pwede mo na siyang bisitahin sa loob kapag nailipat na siya sa private room,” huling bilin ng doktor bago tuluyang naglakad palayo.Naiwan kami ni Erwin sa tahimik na hallway. Walang ibang tao. Tanging ang mahinang tunog ng aircon ng ospital ang naririnig.Tumingin ako sa kaniya nang may matinding awa. Gusto ko siyang lapitan.Gusto ko siyang hawakan sa braso upang ibahagi ang bigat na nararamdaman niya.Gusto kong sabihin na narito ako para sa kaniya... dahil sa loob ng

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   17: Result!

    It was there as evidence... sariwa, mapula, sumisigaw ng kataksilan, bakat na bakat sa harap mismo ng kaniyang nag-aagaw-buhay at namamatay na asawa.Napatingin ako kay Erwin. Nakita ko ang biglaang pagbaba ng kaniyang tingin sa akin.Nagtagpo ang aming mga mata sa gitna ng pagbubuhat kay Victoria.Ang kaniyang mga mata ay nanlaki nang bahagya, nakita niya kung saan nakapako ang aking paningin.Alam kong pareho kami ng nararamdaman sa mga oras na ito. Isang matinding hiya, pait, at guilt.Mabilis niyang hinila ang kaniyang polo shirt upang takpan ang marka.“Let's go! Ipantay ang stretcher! Bilisan niyo!” sigaw ng medic.Isinakay si Victoria sa ambulansya. Sumakay si Erwin sa tabi nito, habang ako naman ay sumama sa unahan kasama ang driver.Sa buong biyahe patungo sa ospital, ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng sirena... at ang nakatutulig na boses ng aking konsensya na sumisigaw na ako ay isang maruming babae.Sa ospital. ICU Waiting Room.Alas-otso na ng umaga.Dalawang oras n

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   16: Marka ng Kasalanan!

    “Khhh... ugh... khhh...”Gumagawa siya ng isang nakakapangilabot na tunog mula sa kaniyang lalamunan.Nahihirapan siyang huminga na parang nalulunod siya sa sarili niyang laway.Ang kaniyang mga kamay na paralisado ay pilit na nanginginig, sinusubukang abutin ang kaniyang dibdib na mabilis na bumababa ngunit hindi na umaangat.Jusko po! Sinusumpong siya! Inaatake ng sakit niya si Ma’am Victoria!“Diyos ko! Ma'am! Ma'am Victoria!”Nawala lahat ng pananakit ng katawan ko. Kumaripas ako ng takbo papalapit sa gilid ng kama. Nanginginig ang buong sistema ko sa tindi ng panic.Agad ko siyang binuhat nang bahagya, iniharap sa aking tagiliran upang hindi siya tuluyang mabilaukan sa sarili niyang likido.“Khhh... Ya... ra...” Ang kaniyang mga labi ay nangingitim na, walang hangin na lumalabas. Ang kaniyang matitigas na mata ay nakatitig sa akin, puno ng pagsusumamo, puno ng banta ng kamatayan.“Manang! Manang Celina! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilisan niyo po!” sigaw ko sa pinakamalakas na bo

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   15: Sumpong!

    Kinabukasan.May kakaibang lamig ang hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakaawang na bintana ng aking silid, ngunit taliwas sa lamig na iyon, ang buong katawan ko ay tila pinapakuluan sa nagbabagang apoy.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang sumalubong sa akin ay ang nakatutulig na tibok ng sarili kong dibdib at ang nakasakal na amoy sa loob ng silid.Ang amoy ng kasalanan.Ito ang pinaghalong halimuyak ng mamahaling pabango ni Erwin Demetrio, ang pait ng kaniyang pagnanasa, at ang malapot, malinamnam, at nanunuot na amoy ng aming mga katas na natuyo na sa ibabaw ng aking nagusot na kumot.“Ugh...” Isang mahinang daing ang kumawala sa aking tuyong lalamunan nang subukan kong ikilos ang aking katawan.Awtomatikong napapikit ako nang mariin habang mabilis na humawak sa gilid ng kutson.Ang aking balakang ay tila ba nabiyak, ang aking mga hita ay nanginginig sa matinding panghihina, at ang aking ibabang bahagi ay nag-iiwan ng isang mahapdi ngunit nakatutunaw na alaa

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   14: SSPG! MABAGSIK!

    “AHHH—! MMMMPH!”Napasigaw ako nang malalim dahil sa biglaang pagkapuno at kirot, ngunit mabilis na isinubsob ni Erwin ang kaniyang mukha sa aking leeg, nilunok ang hiyaw ko habang ang kaniyang balakang ay nagsimulang gumalaw nang mabilis at pabalik-balik.Napakasikip!Pakiramdam ko ay mapupunit ako sa tindi ng kaniyang laki. Nagsimula siyang bumayo nang sunod-sunod.Malalim. Marahas. Mabilis. Parang magkakalasog-lasog ang bawat bahagi ng katawan ko sa sobrang bagsik niya.Pilit kong kinakagat ang sarili kong mga daliri upang hindi makagawa ng ingay, habang si Erwin naman ay walang-awang humahampas, tila walang pakialam kung marinig ng kabilang kwarto ang tunog ng kaniyang marahas na pag-k*dyot.Ang kaniyang bawat ulos ay tumatama sa aking kaibuturan, nagpapadala ng matinding kiliti na unt-unting gumapang sa sistema ko.Hindi pa ako nakakabawi sa tindi ng unang sensasyon nang bigla niya akong iwanang bitin.Humugot ako ng malalim na hininga, nanginginig ang mga binti habang pinapanood

  • Ang Maalindog Kong Amo! (SSPG)   13: Kiliti!

    Bago pa ako makatugon, marahas na niyang sinunggaban ang mga labi ko sa isang halik na walang pasubali—mas agresibo, mas mabigat, at puno ng kakaibang pagkauhaw na parang hindi siya nabusog sa ginawa namin kagabi sa study room.Ang mga kamay niya ay mabilis na gumapang sa ibaba. Walang kahirap-hirap niyang itinaas ang manipis na tela ng suot kong pantulog hanggang sa malantad ang aking mga hita. Ang mga magaspang at mainit niyang palad ay dumampi at humaplos pataas, direktang sumalubong sa gitna ng aking pagkababae na agad namang nagrehistro ng matinding basa at init.“F*ck… you’re wet, Yara,” garalgal niyang usal sa pagitan ng aming mga halik.Ang mababa, paos, at nanginginig na boses ni Sir Erwin ay parang malamig na hanging humaplos sa aking balat, ngunit kabaligtaran nito ang nag-aapoy na init na biglang sumabog sa aking dibdib.Ang kaniyang mga salita ay may bigat ng kaniyang pagpipigil, parang isang utos na nagmula sa pinakamalalim na bahagi ng kaniyang nagwawalang sistema.Bago

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status