Nang dumating ang barko sa radar screen, ngumiti ang captain ng Japanese Self-Defense Force habang sinabi, “Letse! Sa wakas ay dumating na rin ang mga g*gong iyon pagkatapos nating maghintay nang napakatagal!”Ngumiti ang deputy niya bago sinabi, “Captain, kung mahuhuli natin si Rosalie Schulz sa sandaling ito, siguradong malaking tagumpay nanaman ito, tama?”Tumango ang captain at sinabi, “Syempre! Si rosalie Schulz ngayon ang numero unong kriminal sa Japan. Hangga’t maaaresto natin siya at maibabalik natin siya sa Japan, siguradong malaking tagumpay ito kahit na patay o buhay siya!”Habang nagsasalita siya, medyo nasabik siya habng sinabi, “Subukan niyong huwag bumaril mamaya. Subukan natin siyang hulihin nang buhay!”Hindi matagal, ang distansya ng barko ay wala na sa isang nautical mile sa lokasyon ng ambush nila.Sobrang tahimik ng patrol boat ng Japanese Self-Defense Force. Pinatay na nila ang lahat ng makina nila, transponder, at ilaw sa barko habang hinihintay nila lumapit
Sa totoo lang, may kakayahan at abilidad talaga ang matandang soro na iyon, si Cadfan.Hindi niya kailangang gumastos ng marami para magpanggap na iligtas si Rosalie sa sandaling ito. Dahil, lahat ng Japanese Self-Defense Force ay mga aktor na pumayag na magpanggap kasama siya.Para naman sa kung bakit handang makipagtulungan ang Japanese Self-Defense Force kay Cadfan nang libre, dahil ito noong naaresto si Rosalie at ang ibang master ng pamilya Schulz.Sa oras na iyon, pinuksa ni Rosalie at ng iba ang buong pamilya Matsumoto, ipinahiya ang buong Tokyo Metropolitan Police Department. Pagkatapos, binalak nilang tumakas sa Osaka. Sa kritikal na sandali, nang paalis na ang eroplano nila, kumilos ang Japanese Self-Defense Force at hinuli silang lahat.Kaya, sumikat agad ang Japanese Self-Defense Force dahil sa pangyayaring ito.Noong pinuro ng mga tao ang Japanese Self-Defense Force sa ginawa nila, papagalitan din nila ang Tokyo Metropolitan Police Department nang sobra. Naramdaman ni
Kailangan niya lang gamitin ang kanyang kaliwa at kanang kamay para magtagumpay.Bukod dito, binawasan niya ang kabayaran para matapos ang lahat. Para sa pamilya Schulz, ito na ang pinakamagandang sitwasyon.Pero, walang mag-aakala na may mga biglaang pagbabago sa isang maingat at pinag-isipang plano.Kahit si Lord Schulz ay sabik na sabik sa Eastcliff. Sabik na siyang matanggap ang balita na nahuli na si Rosalie ng Japanese Self-Defense Force.Habang balisa niyang hinihintay ang balita, direkta siyang tinawagan ng isa sa mga mataas na officer ng Japanese Self-Defense Force.Sa sandaling kumonekta ang tawag, tumawag nang masaya si Lord Schulz habang tinanong, “Matsushima-kun, tagumpay mo na bang naaresto si Rosalie?”“Arestuhin mo ang ulo mo!” Galit na sumigaw ang kabila sa cellphone, “Bakit walang tao sa barko na inayos mo? Nasaan si Rosalie ngayon?!”Tinanong ni Lord Schulz sa pagkabigla, “Anong sinabi mo? Walang tao sa barko?!”Galit na sumagot ang kabila, “Oo! Walang tao sa
Ang pamilya Schulz, pati na rin ang buong Japanese Self-Defense Force, ay nagsimulang hanapin ang kinaroroonan ni Rosalie sa territorial waters ng Japan malapit sa Tokyo.Pero, walang saysay ang paghahanap nila dahil sobrang lawak ng dagat, at wala silang bakas.Habang balisang hinahanap ng Japanese Self-Defense Force si Rosalie, nakaalis na sa Japan ang barko nila Charlie.Paulit-ulit na iniiba ng barko ang daan nila habang papunta sila sa Oskia. Pagkatapos lumayag ng isang gabi, nakapaglakbay na sila ng halos one–third ng distansya.Sa umaga, lumitaw na ang pulang araw sa silangan ng dagat.Kahit na sobrang lamig ng temperatura sa dagat sa taglamig, lumabas si Charlie sa deck habang may kaswal na suot.Papunta ang barko sa kanluran mula sa silangan. Kaya, nakatayo si Charlie sa stern ng barko habang pinapanood ang pagsikat ng araw sa silangan.Sa sandaling ito, mabagal na umaangat ang pulang araw, at isa pang pula at magulong araw ang makikita sa ibabaw ng dagat. Sobrang ganda
Ngumiti si Jasmine bago niya hinagod ang kanyang buhok sa likod ng tainga niya habang sinabi, “Sobrang pagod na talaga ako, at gusto ko talagang matulog nang mahimbing. Pero, hindi ko na kayang tiisin ang matigtig at maalon na tubig. Kaya, bumangon ako para magpahangin.”Tinanong ni Charlie nang nag-aalala, “May sea sickness ka?”Bahagyang tumango si Jasmine bago sinabi, “Buti na lang, hindi ito masyadong seryoso.”Pagkatapos nito, naglakad si Jasmine papunta sa tabi ni Charlie habang sumandal siya sa railing at tumingin sa sumisikat na araw. Pagkatapos nito, sinabi niya nang emosyonal, “Sobrang ganda talaga ng pagsikat ng araw. Ito ang unang beses sa buhay ko na nakita ko ang pagsikat ng araw sa dagat.”Nang makita ni Charlie ang bakas ng pag-aalala at kaba sa pagitan ng mga kilay ni Jasmine, hindi maiwasang sabihin ni Charlie, “Jasmine…”Nagmamadaling tumingin si Jasmine kay Charlie at tinanong, “Master Wade, may gusto ka bang sabihin?”Tinanong siya ni Charlie, “Nagagambala ka
Pagkatapos ng isang araw at isang gabi na paglalayag, sa wakas ay mabilis na huminto ang barko ni Charlie sa Raventon.Dumating ang barko ng alas-nuwebe ng umaga ayon sa oras sa Eastcliff. May isa’t kalahating oras pa bago ang board meeting nina Tyler at Reuben.Nagkataon na iyon ang oras ng flight ng helicopter. Kaya, hindi makakarating sa oras si Charlie sa board meeting ng Moore Group.Pero, kahit na hindi siya makakarating sa oras, makakapunta pa rin siya sa press conference na kasunod nito.Sila Jasmine, Rosalie, at ilang crew member na nagtatrabaho para sa pamilya Schulz ay sinundan si Charlie pababa sa barko.Bukod dito, ang vice-chairman ng Nippon Steel, si Hashimoto Kazumi, na nakatali, ay kasama rin nila.Habang direktang lumilipad ang helicopter papunta sa Aurous Hill, pumasok si Tyler sa pinakamalaking conference room sa Moore Group.Sa sandaling ito, mahigit isang dosenang shareholder at director ng Moore Group, kasama ang anak ni Tyler, si Reuben, ay nakarating na
Kung patuloy silang maghihintay, hindi lang sila ang mawawalan ng pasensya, ngunit mabilis din mawawalan ng pasensya ang mga investor at stockholder.Kung gano’n, siguradong malaki ang malulugi ng Moore Group.Pagkatapos itong pag-isipan, unti-unting pumayag ang lahat sa mungkahi ni Tyler dahil naniniwala sila na ang pinakamagandang solusyon sa sandaling ito ay pumili ng pormal na chairman sa lalong madaling panahon para patatagin ang sitwasyon.Kaya, sinabi ng isa, “Sinusuportahan ko ang desisyon ng acting chairman.”“Ako rin!”Nang makita ito ni Reuben, natuwa siya nang sobra, at sinabi niya nang nagmamadali, “Bakit hindi natin sabihin ang pananaw natin ngayon din? May labing pitong tao dito ngayong araw. Basta’t may mahigit walong tao ang sasang-ayon na pumili ng bagong chairman, pormal nating ipagpapatuloy ang paghirang ng acting chairman at simulan ang bagong proseso ng pagboboto.Pagkatapos itong sabihin, tumayo si Reuben at sinabi, “Ako ang unang sumasang-ayon sa mungkahi
Hindi mapigilang mairita ng mag-amang si Tyler at Reuben nang marinig nila ang mga sinabi ni Xavier!Matapos ang lahat, layunin ng dalawang ito na paalisin si Jasmine sa board of directors ng Moore Group habang buhay.Kahit buhay o patay man si Jasmine, ayaw nilang magkaroon pa ng koneksyon ang babae sa board of directors ng Moore Group.Subalit, kahit ilang araw nang nawawala si Jasmine, iniisip pa rin ng board of directors ang kapakanan ni Jasmine.Dagdag pa roon, agad na nakuha ng mga salitang ito ang loob ng iba.Nagsimulang magsalita ang iba pang miyembro, isa pagkatapos ng isa, pinahayag nila ang kanilang pagsang-ayon sa pananaw ni Xavier.Walang lakas ng loob si Tyler at Reuben na umangal.Matapos ang lahat, hindi alam ng board of directors na sila ang tunay na may pakana sa likod ng aksidente ni Jasmine.Pinapakita rin ng lahat na tila ba nanghihinayang sila sa nangyari, para bang wala na silang magawa kundi mag re-elect ng bagong chairman para sa kapakanan ng Moore Gro