Habang nagkukuwentuhan at umiinom sila Charlie sa The Heaven Springs, kasalukuyang nagsasagawa ng press conference si Sophie sa internet.Ginanap ang press conference gamit ang isang full live broadcast sa social media. Pinili rin ni Sophie na gawin ang live broadcast sa loob ng isang vintage study room sa lumang mansyon ng pamilya Dunn.Akala ng lahat magpapakita ng galit si Sophie kay Cadfan habang isinasagawa ang press conference.Subalit, sa ikinagulat ng lahat, kalmado lamang si Sophie at wala siyang ipinakitang kahit anong agresibong ekspresyon sa kanyang mukha habang nagsasalita.Nang magsimula ang press conference, tumayo si Sophie at hinarap niya ang camera, “Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Sophie Schulz. Gusto ko kayong pasalamatan para sa inyong pag-aalala sa amin. Ginawa ko ang press conference na ito para sabihan ang lahat ng nag-alala at nangangamba sa kaligtasan namin ni mama na ligtas kaming nakabalik sa pamilya namin. Bukod pa rito, maganda rin ang kondisyon
Nagtaka si Isaac kaya nagtanong siya, “Bakit hindi ginamit ni Miss Schulz ang pagkakataong ito para gipitin si Cadfan Schulz? Ilang milyong tao ang nanonood ng live broadcast niya ngayon sa iba’t ibang online platforms sa bansa. Perpekto sana ang oportunidad na ito para magdulot siya ng malaking pinsala kay Cadfan Schulz. Ika nga nila, ‘it’s now or never’. Hindi na siya magkakaroon ng ganitong pagkakataon sa hinaharap.”Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Hindi mo kailangang masyadong masorpresa. Sigurado akong may mga bagay siyang kailangang isipin.”***Sa puntong ito, tinapos na ni Sophie ang kanyang live broadcast. Nakaupo siya nang hindi gumagalaw sa loob ng study room habang paulit-ulit niyang iniisip ang susunod niyang hakbang.Kumatok si Helen sa pinto ng kwarto, “Sophie, lumabas ka muna para kumain tayo.”Nakabalik si Sophie sa kanyang huwisyo at agad siyang sumagot, “Sige, Mama. Lalabas na rin ako.”Habang nagsasalita, inilabas ni Sophie ang isang makapal na salansan ng m
Kahit sikretong nagrereklamo si Jaime at hindi niya mapigilang magalit sa loob ng kanyang puso, mas nag-aalala siya.Natatakot siyang makarating ang mga salita ni Sophie sa mga tainga ng kanilang lolo na si Cadfan. Paano kung maisip ni Cadfan na siya ang nagbigay ng ganitong ideya kay Sophie? Hindi ba parang kinakalaban niya ang lolo nila kung sakali?!Kahit si Jaime ang pinakamatandang apo sa pamilya Schulz, madali pa rin para kay Cadfan na siguruhing walang makukuhang kahit ano si Jaime mula sa pamilya.Matapos ang lahat, hindi siya katulad ni Sophie. Nagkakahalaga ng ilang hundred billion dollars ang net worth ng kanyang kapatid. Kapag naisapubliko ito, maaaring si Sophie na ang maging pinakamayamang babae sa buong Oskia.Nang maisip ito, hindi mapigilang bumigat lalo ng loob ni Jaime.Subalit, hindi pinagdudahan nila Jefferson at ng iba pang mga miyembro ng pamilya Dunn ang mga salita ni Sophie.Pumalakpak pa si Jefferson at pinuri niya ang kanyang apo, “Sophie, napakagaling
“Oo, dito rin ako kumain.” Ngumiti si Matilda, “Nagkataong kumain kami ng mga kasamahan ko sa Senior University dito.”Ganoon din, habang nakatalikod sa tabi ni Charlie, bumalik na rin si Yolden sa kanyang huwisyo. Nang makita niya ang magandang si Matilda, nakaramdam siya ng tuwa, “Matilda, andito ka pala!”Nasorpresa rin si Matilda at napangiti siya, “Oh! Yolden, andito ka rin pala?”Pagkatapos itong sabihin, itinuro ni Matilda si Charlie at napabulalas siya, “Kilala… mo si Charlie?”Sumagot agad si Charlie habang nakangiti, “Aunt Hall, nagkataong may bagong negosyo na pinapatakbo ang kaibigan ko. Inimbitahan niya rito si Professor Hart para kumain ng hapunan. Hindi ko rin inaakalang magiging magkakilala kami.”Alam ni Yolden na ayaw ni Charlie na marami ang nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao. Kaya, sumang-ayon na lamang siya, “Oo, Matilda. Nasorpresa rin ako nang magkita kami ni Charlie. Mukhang itinadhana ang pagkikita namin.”Walang kahit anong duda si Matilda kaya tuma
Nang marinig ni Matilda ang mga salita ni Autumn, tumango siya bilang pagsang-ayon saka siya tumawa, “Bibihira ka lang makakilala ng isang tao na may mga parehong karanasan sa’yo. Syempre, masaya akong makilala ang tatay mo.”Nanggaling ang mga salitang ito mula sa kaibuturan ng puso ni Matilda.Hindi man naging masyadong mahirap ang buhay niya, may sarili pa rin siyang mga problemang pinagdadaanan.Umalis siya papunta ng ibang bansa, doon siya nanirahan, nagpakasal siya, nanganak siya, nawalan siya ng asawa, at pinili niyang bumalik sa Oskia kasama ang kanyang anak.Maiksi man ang pangungusap na ito pero ito ang naglalarawan sa 50 na taong buhay ni Matilda.Sa tulong siguro ng tadhana, pareho rin ang mga naging karanasan ni Yolden sa kanya.Napagpasyahan rin ni Yolden na bumalik ng Oskia nang pumanaw ang kanyang asawa.Noong una, inakala ni Matilda na ang pinagkaiba lamang nila ni Yolden ay mag-isa itong bumalik sa bansa samantalang nasa United States naman ang anak nito. Subal
“Oo naman!” Seryosong tugon ni Autumn, “Hindi naman ako boomer. Matanda ka na kaya ayos lang na magkaroon ka ng makakasama sa buhay. May permiso ka na galing sa akin kung balak mo talagang ligawan si Aunt Hall. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin o sa kahit ano. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong.”Sa totoo lang, nag-aalangan talaga si Autumn sa ideya na mahulog ang kanyang ama sa ibang babae.Ito ay dahil matagal siyang galit na galit kay Yolden dahil sa nangyari sa kanyang nanay. Naniniwala siyang may kasalanan si Yolden sa pagkamatay ng kanyang ina.Subalit, pagkatapos ng kanyang karanasan sa Syria, mas naging maluwag ang kanyang loob at mas naunawaan niya na rin ang sitwasyon ng kanyang tatay.Matapos ang lahat, sila ang dahilan kung bakit pumupunta si Yolden sa iba’t ibang lugar para magtrabaho sa lahat ng taong ito. Gustong bigyan ni Yolden ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Hindi rin naman siya nagkaroon ng ibang babae at hindi rin siya nangaliwa sa kabil
Pagkatapos ihatid si Yolden at Autumn, inutusan ni Charlie ang driver ng MPV na dumiretso ng Shangri-La.Hinihintay ni Rosalie ang pagdating ng kanyang ina na si Yashita. Hindi niya mapigilang maubusan ng pasensya.Nang dumating ang kotse sa entrance ng hotel, kinausap ni Charlie si Isaac, “Mr. Cameron, pakidala na lang si Madam Harker sa taas. Hindi na ako sasama.”Agad na nagtanong si Yashita, “Master Wade, hindi ka ba sasama sa itaas kahit saglit?”Ngumiti si Charlie, “Hindi na. Medyo malalim na ang gabi, kailangan ko nang dumiretso nang uwi.”Tumango si Yashita, “Sige. Maraming salamat sa paghahatid sa akin dito. Master Wade, pwede niyo akong tawagan kung may kailangan kayo! Kahit kailan!”Tumugon si Charlie, “Sige, mag-usap na lang tayo sa cellphone. Nagkaroon tayo ng agreement na magbabayad ako ng 100 million dollars sa pamilya Harker bawat taon. Kaya, pakisend na lang sa akin ang bank account mamaya, Madam Harker. Magpapadala agad ako ng pera. Para naman sa natitirang pill
“Sige.” Walang masyadong sinabi si Charlie, “Pakisend na lang sa akin sa text.”Hindi nagtagal, nakatanggap si Charlie ng isang text message na naglalaman ng isang American phone number.Direktang tinawagan ni Charlie ang numero. Ilang segundo lamang ang hinintay niya bago niya narinig ang prompt na nagsasabing sinagot na ang linya.Maririnig ang boses ni Chandler mula sa kabilang bahagi. “Hello, sino ito?”Sumagot si Charlie, “Master Chandler, ako ito, si Charlie.”Nang marinig at makilala ni Chandler ang boses ni Charlie, nasorpresa siya, “Oh! Ikaw pala iyan Young Master Wade! Bakit bigla kang napatawag?”Nagsalita si Charlie, “Ito ang kaso. May gusto sana akong itanong sa’yo. May ginagawa ka ba?”Agad na tumugon si Chandler, “Pakiusap, sabihin mo lang sa akin.”Nagtanong si Charlie, “May kilala ka bang matanda na tinatawag na Carvalho Mason? Isa siyang American-Oskian.”“Carvalho Mason?!” Napatanong si Chandler sa sorpresa, “Young Master Wade, nakita mo na ba siya?”“Oo.”