Share

Kabanata 16

Author: Sixteenth Child
Natapos panoorin ni Jeremy ang video, at blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Saan mo ito nakuha?” Malamig ang boses niya.

Para bang kalokohan ang naririnig ni Madeline. “Mahalaga pa ba kung saan ko ito nakuha? Hindi ba ang katotohanan ang dapat mong pagtuunan ng pansin.”

“Ang katotohanan?” Inangat ni Jeremy ang kanyang ulo at dinelete ang video sa isang swipe ng kanyang kamay. Dinelete niya rin ang backup copy nito na nasa album ni Madeline.

Gulat na gulat si Madeline sa mga kilos nito. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Subalit, huli na ang lahat. Wala ng laman ang album niya.

“Jeremy, bakit? Bakit mo iyon ginawa? Hindi mo ba alam kung gaano karaming tao ang hinahamak ako ngayon? Iyan lamang ang video na makapagpapatunay na wala akong ginawang kasalanan!”

Naging emosyonal si Madeline.

Subalit, napasinghal lang si Jeremy. “Ano bang kinalaman ng pagiging inosente mo sa akin? Magiging maayos ang lahat basta masaya si Meredith.”

Hindi makapagsalita si Madeline sa tanong ni Jeremy.

Wala siyang paki sa pagiging inosente niya at sa buhay ni Madeline!

Si Meredith lamang ang gusto niya. Kaya kahit may masama itong gawin, ayos lang.

Dahil nga naman mahal niya ito. Nabubulag siya ng pagmamahal; masyado niya itong iniibig para magkaroon ng prinsipyo.

Sa isang bigla, napakalma si Madeline. Nang tignan niya ang lalaking nasa harap niya, tutulo na sana ang luha niya. “Jeremy, ayos lang ba sa iyo kung mamatay ako dahil sa ginagawa nilang cyberbullying?”

Hindi inangat ni Jeremy ang kanyang ulo. “Mamamatay ka ba?”

Malamig ang kanyang sagot. Tila ba isa itong kutsilyo na tumusok sa puso niya. Bawat pulgadang bumabaon sa kanya, kumakalat ang sakit sa katawan ni Madeline.

Kinuyom niya ang kanyang kamao. Nanlabo ang gwapong mukha nito dahil sa luha niya. “Jeremy, sana ganyan ka pa rin hanggang sa araw na mangyari iyon.”

Nang sabihin ito, umalis na si Madeline at hindi na lumingon pa. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang walang tigil.

Pwede naman niyang kalimutan ang pagmamahal na mayroon siya para sa lalaking ito sa nakalipas na labindalawang taon. Hindi lang siya makapaniwala na nahulog ang loob niya kay Jeremy.

Umalis si Madeline papalabas ng gusali at nagsimula pang umulan. Nakatulala siya at hindi napansing may kotseng papalapit.

“Screech!” Isang nakabibinging tunog ang maririnig nang tumigil ang sasakyan, inangat ni Madeline ang kanyang tingin. Subalit, malabo ang mata niya dahil sa ulan at luha. Gayundin, kita niya na may lalaking lumabas sa kotse at nagmadaling puntahan siya. Bago niya pa makita ang mukha nito, nahimatay na siya.

Nang magising si Madeline, gabi na.

Tumingin siya at napagtanto niyang nasa isa siyang magandang apartment. Ganoon pa man, kakaiba ito.

Sa pagkakataong napaupo siya, isang gwapo at magtangkad na lalaki ang naglakad sa pinto.

Matapos itong tingnan nang ilang segundo, hindi makapaniwala si Madeline, “Dan?”

Ngumiti nang banayad si Daniel Graham. “Matagal tayong hindi nagkita, Maddie.”

Matagal na nga. Simula noong makagraduate si Daniel sa high school, hindi na siya nakita pa ni Madeline.

“Pinakiusapan ko ang aking private doctor na tingnan ka ngayon. Sabi niya ayos ka lang,” inabutan ni Daniel si Madeline ng isang baso ng maligamgam na tubig habang nagsasalita.

Ngumiti si Madeline na tila ba humihingi ng pasensya. “Pasensya ka na, Dan. Talagang naabala pa kita.”

“Hindi naman abala. Ayos lang ang lahat basta ayos ka,” nagbigay init sa puso ni Madeline ang sagot ni Dan/

Subalit, nang maalala niya ang sinabi ni Jeremy kanina, naramdaman niyang muli ang pagkawasak ng kanyang puso.

Ito siguro ang bunga ng kanyang delusyunal at tagilid na pagmamahal.

Gabi na at uuwi na si Madeline. Subalit, nagtake out pa si Daniel mula sa isang five-star hotel. Punong-puno ng pagkain ang buong mesa.

Ayaw naman ni Madeline na masayang ang mabuting intensyon ni Daniel, kaya nanatili na lang siya at sinamahan itong kumain. Pagkatapos ng hapunan, namilit si Daniel na ihatid si Madeline pauwi.

Nang dumating ang kotse sa harap ng villa, sinabi ni Dan bigla, “Sabi ng doktor ko, buntis ka raw. Alam ba ni Jeremy?”

Napatigil si Madeline. Lumingon siya at nakita niyang nagliwanag ang gwapong mukha ni Daniel. Mabait at banayad ang mga mata nito.

“Alam niya. Oo naman, alam ng asawa kong buntis ako.” Nagpilit ng ngiti si Madeline at lumabas na sa kotse. “Salamat, Dan. Sa susunod ibibili kita ng hapunan.”

Tumango si Daniel at ngumiti. “Hihintayin ko ang tawag mo, Maddie.”

“Sige.” Ngumiti si Maddie at kumaway. Tumalikod na siya pagkatapos tignan na umalis ang kotse ni Daniel.

Sa pagkakataong pumasok siya ng bahay, isang malamig na kamay ang agad na humatak sa kanya.

Hindi ito nakita ni Madeline, at tumama ang ilong niya sa dibdib ng lalaking ito. Sa sumunod na pagkakataon, narinig niya ang boses ni Jeremy sa itaas ng kanyang ulo. “Madeline, mas wala ka pang kwenta sa inaakala ko.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sarhee periera
natatangahan aq sa babae nkkairita
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2473

    Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2472

    "Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2471

    Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status