Nakatayo si Madeline sa gitna ng ulan. Napakadilim ng kanyang paligid. Napakalaking halaga ng sampung milyon para sa kanya. Sa kabila ng pagiging madam ng pinakamayamang pamilya sa Glendale, wala siyang napalang maganda sa posisyon niya. Sa halip, bugbogsarado siya at pagod na pagod. Hindi nagtangkang tumawag sa mga pulis si Madeline dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Len. Wala siyang ibang pagpipilian. Si Jeremy lang ang mahihingan niya ng tulong. Subalit, maaaring binlock ni Jeremy ang number niya dahil hindi niya ito matawagan kahit na ilang beses niyang sinubukan. Naisip niya na baka pinahihirapan na ng kidnapper ang lolo niya ngayon. Dahil dito, bumalik siya sa Crawford Manor. Inangat niya ang kanyang kanang kamay at naalala niya kung paano tinapaktapakan ni Jon ang kamay niya. Dahil dito, nawalan ng pwersa ang kanyang kamay. Kumatok sa pinto si Madeline gamit ang kanyang kaliwang kamay. Pagkalipas ng ilang sandali, may nagbukas na ng pinto, Ngunit, bago pa man
"Bakit ko ba niligtas gamit ng bone marrow ko ang isang bruhang gaya mo? Nahulog ang loob ni Jeremy sayo kasi bulag siya!" Paulit-ulit na pinagsasampal ni Madeline si Meredith. Naglabasan ang lahat ng tao sa bahay nang marinig nila ang gulo. Noong makita ni Rose na sinasampal ni Madeline si Meredith, sumugod siya at hinablot ang buhok ni Madeline. Sinipa niya si Madeline, ngunit hindi ito bumitaw kay Meredith. "Jeremy, tulong! Tulungan mo 'ko Jeremy! Papatayin ako ni Madeline!" Nagsisigaw si Meredith. Sa wakas ay narinig siya ni Jeremy. "Madeline, nababaliw ka na ba?" Hinila ni Jeremy ang nagwawala ng si Madeline palayo. Pagkatapos nito, niyakap niya si Meredith. "Boohoo⌠Jeremy, sobrang sakit. Ang sakit ng mukha ko! Nababaliw na si Maddie!" Ang sumbong ni Meredith habang nakasandal siya kay Jeremy. Lumapit sa kanila si Madeline. "Meredith, huwag ka ngang magpanggap. Ako nga dapat yung umiiyak! Bakit ba nakilala ko ang plastic na gaya mo?" "Jeremy, tingnan mo! Sinisigaw
Nang itanong ito ni Jeremy, nahulaan na agad ni Madeline ang sagot. Tama, tinanggihan ito ng nurse sa kabilang lingya ng telepono. "Ano? Lung cancer? Bukod sa kanyang mental health, ang kanyang katawan ay napakalusog. Pano siya nagka lung cancer? Nagkamali ka ata." Pagkatapos niyang sabihin iyon, naramdaman ni Madeline na tumaas ang kanyang temperatura. Bago pa ibaba ni Jeremy ang linya, sinabi ng nurse, "Sabi mo nawawala siya kanina lang? Nawala na din siya ilang beses noon pero sabi niya sinabi daw sa kanya ng pamangkin niya na magtago siya kasi nakikipagtaguan daw siya sa kanya." Nang marinig niya ito, naunawaan ni Madeline lahat. Walang sakit si lolo at di siya nakidnap. Si Meredith ang nagplano ng lahat ng ito! "Naiintindihan ko na Maddie. Sinadya mong sabihan si lolo na magtago para mai frame up mo ako sa pagkidnap sa kanya." Nagkusa si Meredith na maunang magsalita. Nagsimula siyang umiyak. "Bakit mo yun nagawa Maddie? Tinuring kitang tunay na kapatid noon pa. Paano
Nabigla sila Jon at Rose nang makita nilang sumusuka si Madeline ng dugo, pero kasabay nito ay natuwa rin sila. Isinara ng dalawa ang pinto at di pinansin si Madeline. Wala talaga silang pake sa kanya. Mas mabuti pa kung mamamatay siya. Bumaluktot si Madeline sa gitna ng mga halaman habang ang kanyang katawan ay balot ng dumi at tubig ulan. Hinawakan niya ang masakit niyang sikmura at pinanood na dalhin ni Jeremy si Meredith papasok ng kotse. Nakikita siya nito mula sa rearview mirror, pero ayaw niya man lang tumingin sa kanya. Sa kabilang banda, si Meredith ay nakatitig sa kanya. Matagumpay siyang ngumiti nang makita niyang kasinputla ng bangkay si Madeline at puno ng dugo ang kanyang bibig. Ibinaba ni Madeline ang kanyang kamay na kawawang humihingi ng tulong nang panoorin niyang umandar palayo ang kotse. Lumabo ang paningin niya dahil sa luha at ulan. Labis siyang nag-aalala sa anak ni Meredith, pero wala siyang pakialam sa bata sa kanyang tiyan. Binalak pa nitong pata
Umuwi si Madeline sa bahay. Balak niyang umalis matapos mag-impake ng damit. Subalit, nang makita niya ang mga pambatang damit sa sofa, di niya mapigilang hawakan ang mga ito at mag-alinlangan. Nang maalala niya na si Jeremy ang bumili ng mga pambatang damit na ito para kay Meredith, nakaramdam siya ng di maipaliwanag na sakit sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kanyang tatlong buwang nagbubuntis na tiyan. Nararamdaman niyang napupuwing siya ng luha sa sulok ng kanyang mga mata. Subalit, mabilis na pinawi ni Madeline ang kanyang mga luha. Kinamuhian niya ang kanyang sarili dahil wala siyang narating sa buhay. Napakalupit sa kanya ng lalaking itp subalit labis pa rin siyang nag-aalala at nasasabik sa lalaking ito na di niya makukuha. Kumuha si Madeline ng damit na pambata at bumaba. Subalit, di niya inasahan na makakasalubong niya sila Jeremy at Meredith sa pinto. Nang makita niyang palapit si Meredith habang hawak ang kamay ni Jeremy, nagsimulang sumakit ang puso ni Madel
Masusuot ng sanggol sa kanyang tiyan ang mga damit na ito kahit ano pang kasarian nito. Magbabayad na sana si Madeline para sa mga damit. Subalit paglingon niya, nakita niya si Meredith. Tila ba mag-isa siya. May masama itong ngiti sa kanyang mukha. Gusto siyang lagpasan ni Madeline, ngunit hinarang siya nito. "Maddie anlaki na ng problema mo pero may gana ka pang mamili? Diba hinahanap ka ng mga pulis?" Naguguluhan si Madeline sa kung ano bang tinutukoy niya. Pagkatapos nagpatuloy si Meredith. "Napakagaling mo ring magpanggap noh. Ayos lang kung wala kang talento, pero bakit ka nag plagiarize ng gawa ng iba? Kinasuhan ka ng Minora sa pagsira sa pangalan ng kompanya nila. Atsaka kinakasuhan ka nila sa paglabag sa intellectual property rights. Kung mahuli ka sa krimeng ito makukulong ka." Naguluhan si Madeline. Ang kompanyang binanggit ni Meredith ay ang kompanyang nagtiwala sa kanya na magdisenyo ng mga couple ring. Subalit sarili niyang likha ang mga iyon. Di siya kailanma
Nakakulong si Madeline sa presinto. Makalipas ang dalawang araw, nakita na niya sa wakas si Jeremy. Yun ang same na meeting room gaya ng dati. Subalit, mas mukha siyang balisa kaysa noon. Sa kabilang banda, mas galit tignan ang lalaki kaysa noon. Para siyang isang demonyo mula sa impyerno. Sa sandaling pumasok siya, hinablot niya ang kwelyo ni Madeline nang halos tusukin siya ng malamig na titig nito. "Madeline, ano bang sinabi ko sayo noon? Napakahirap bang mamuhay nang tahimik? Gusto mo bang mamatay?" "Di ko siya tinulak Jeremy. Si Meredith ang sadyang bumitaw sa kamay ko matapos akong hablutin! Pwede mong panoorin ang security footage kung ayaw mong maniwala sa akin! Baka may mga security camera sa shop na yun! Jeremy, malalaman mo ang totoo pag nakita mo ito!" Kumakapit na si Madeline sa huling tyansa niyang mabuhay. Diniin niya ang mga sinabi niya. "Ang totoo ay tinulak mo si Mer! Kitang-kita sa security footage!" "Ano?"Nagulantang si Madeline. Nagblangko ang kanyang
Pagkatapos ng kanyang pumalpak na apela, napilitan si Madeline na tanggapin ang hindi kapanipaniwalang sitwasyon. Tatlong taon. Tumawa siya nang mapait. Hindi pa rin niya alam kung mabubuhay pa siya hanggang sa ipanganak ang kanyang anak. Hindi sinabi ni Madeline sa officer ang kanyang pagbubuntis. Hindi niya nakalimutan kung paano siya pinagbubugbog noong sinabi niya ito. Subalit, naroon pa rin ang kanyang kinakatakutan. Sa gabing iyon, binugbog si Madeline ng isang grupo ng mga kalbong preso. Walang lakas na lumaban si Madeline. At higit pa roon, pinapahirapan rin siya ng kanyang tumor. Nagsimula siyang mangingig sa sakit. Wala siyang magawa kundi mamaluktot para hindi nila masipa ang kanyang tiyan. Minsan ay nangyayari ang ganitong sitwasyon. Buti na lang at hindi nila tinatamaan ang kanyang tiyan. Sinumbong na ito ni Madeline ng ilang beses, pero walang nangyari. Sa bawat gabi ng kawalan ng pag-asa, nagkikiskisan ang mga ngipin ni Madeline sa sobrang sakit. Naka