Share

Chapter 2

"Sabay tayo umuwi mamaya Althea." Saad nito saka ngumiti pa sakin.

"Sabay? Bakit? Close ba tayo huh?" Taas kilay kong tanong sakanya.

"Yan talaga gusto ko sayo eh, napaka m*****a mo." Hahawakan nya sana ng pisngi ko pero mabilis ko itong tinabig.

"Tapos ka na ba?"

"Tapos saan?" Takang tanong nito.

"Tapos ka na bang dumaldal? Para makaupo na ulit ako sa upuan ko."

"Pwede ka naman umupo oh, dito sa lap ko--" hindi na nito natapos ang sasabihin ng mabilis syang pumikit dahil akmang sasampalin ko na sana siya.

"Sa susunod na may sasabihin kang ganyan lalapat na talaga itong palad ko dyan sa makapal mong pisngi." Diin kong sabi bago sya tinalikuran.

"M*****a talaga kahit kelan."

"Ang gwapo-gwapo na nga ni Kenneth, pasalamat nga sya si Kenneth na mismo ang lumalapit sakanya."

"Feeling maganda tsk."

"Lalagyan ko ng papel yang mga bibig nyo pag di pa kayo tumahimik!" Banta ko sakanila.

Dumating na si ma'am at nag simula na itong mag discuss. Ilang oras ang lumipas ay biglang nag bell.

Tumayo na ako at pumunta sa cafeteria.

"A-Althea pwede bang dito ako makiupo? Wala na kaseng ibang bakanteng table."

"You don't need to ask me, hindi ko naman pag-aari yang upuan at saka table. Lastly, wala namang pumipigil sayong umupo." Wika ko.

"S-Salamat." Umupo na sya sa upuan na nasa harapan ko.

"Hi, Althea!" Biglang dumating si Kenneth. Boses palang alam na alam ko na, hindi ko siya tinignan nagpatuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain.

Nilapag nya ang tray nya sa table at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Kinuha ko itong papel na nasa bulsa ko at nilagay ko sa ibabaw ng mesa.

"Wag mo akong kausapin, kumakain ako." Basa nya don sa nakasulat sa papel.

Lagi nya naman akong ginugulo kapag ganito. Kapag di sya lumalapit sakin sa ganitong oras ibig sabihin non may kasama syang babae. Sabi nga nila once a cheater will always be a cheater, sakin naman once a playboy, will always be a playboy kaya hindi ako naniniwala sa mga lalakeng playboy dati nag nagbago na daw sila? What? That's a bullsh*t, tanga lang ang maniniwala dyan.

"Wow, authomatic. Nag effort ka pa talaga na isulat yan para sakin ang sweet mo naman baby girl ko."

Hindi talaga nakakaintindi itong loko na to! Sinabing wag nya akong kausapin! Baby girl? Damn, I hate that word lalo na kapag sya ang nagsabi nyan gosh!

Binilisan ko na ang pagkain para matapos na ako dito at para makaalis na.

"Ito oh, pancake paborito mo to diba? Ako gumawa nyan."

"Whatever." Sabi ko.

Kumunot ang noo ko dahil nilagay nya yon sa tray ko. Seryoso ko syang tinignan at panay lang ang ngiti sakin. 

Pansin ko si Leslie ay palihim na sumusulyap kay Kenneth. Tsk, I know she likes Kenneth. Halos lahat naman yata ng babae may gusto sakanya. Ano nga bang nagustuhan nila sa lalaking ito? Wala naman akong nakikitang kahit na anong espesyal. 

"Kahit isang tikim lang please?" Tukoy nya sa pancake.

Napairap ako at tumikim ng kunti non. Ilang minuto lang ay para bang sumakit bigla ang tyan ko.

"Ayos ka lang ba?" Tinignan ko sya ng masama.

"You-- sh*t!" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. Dali-dali na akong tumayo at nagtungo sa banyo. 

Bumuntong hininga ako pagkatapos kong mag banyo.

"That punk!" Gigil kong sabi habang naghuhugas ng kamay.

Siguro dahil sa pancake na yon kaya sumakit ang tyan ko! Wala ba talaga syang magawa sa buhay, gustong-gusto nya talaga akong pag tripan eh!

Pagkatapos kong maghugas ay lumabas na ako ng banyo. May narinig akong ingay sa kabilang banyo, banyo ng mga lalake pero hindi ko na 'yon pinansin. Ayoko na makialam, bahala kayo sa mga buhay niny--

Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa batok ko. "No, wag ka na makialam Althea." Saad ko sa sarili.

Pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na bumalik don at pumasok sa banyo ng mga lalake.

May nakita akong limang lalake na para bang may tinitignan. Nagtatawanan pa ang mga ito.

"Ano pang inaantay mo? Pasko o new year?"

"Itong si Rebica pakipot pa eh."

Rebica?

Lumapit ako sakanila, hinawakan ko yong dalawang lalake sa balikat at tinabig sila para makadaan ako. Nakita ko naman itong babae na nakasandal sa pader, pansin kong nakabukas lahat ng batones nito sa uniform niya. Kitang-kita ko ang kulay pula nito na bra at ang buhok nito ay napaka gulo.

Tinitigan ko ng mabuti ang leeg nya at may nakita akong isang hickey doon. Nakayuko ito at nanginginig pa ang mga kamay, halatang takot na takot sya dahil sa mga loko-loko na to!

"Hoy ano ba? Gusto mo yatang isali ka namin dito eh." Dinig kong sabi ng isang lalake sa likuran ko.

Tinalikuran ko itong babae at hinarap yong mga lalake.

"Bro si Althea yan." Dinig kong mahinang saad ng isa sa mga kasama niya.

"Ingat ka bro nananampal yan."

"Ba't ka nandito? Banyo to ng mga lalake miss."

"Owws talaga ba? Di bakit sya nandito?"

Tukoy ko sa babaeng nasa likuran ko.

"That's none of your business."

Sabi nitong nasa harapan ko. Nakabukas din ang mga batones nila pero may silang t-shirt sa loob ng uniform.

"Well, it's none of your business kung nandito man ako."

"Ano ba sa tingin nyo ang ginagawa nyo sakanya?" Tanong ko.

"We're just having fun." Sagot nila.

"Fun? Baka naman gusto niyo rin mag having fun sa principal's office!"

"Wag kang makialam kung ayaw mong madamay." Hinawakan nya ako sa braso pero kaagad kong winaksi ang kamay nya.

"Don't touch me." Nandidiring sabi ko don sa lalakeng humawak sakin.

"Woah, ang tapang-tapang mo ah? Alam mo ba ang ginagawa namin sa mga babaeng kagaya mo huh?" Unti-unti syang naglakad ng mas malapit pa sakin pero hindi ako umatras.

Hinawakan nya ang batones sa uniform ko at para bang nilalaro-laro 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status