Share

Chapter 4

"Mukhang malaki pala yan eh, baka naman gusto mong mag volunteer--"

Akmang sasampalin ko sya pero naharangan nya kagad ang kamay ko kaya ginamit ko ang isang kamay ko para sampalin sya don.

"BASTOS!"

"Aba! Pumapatol ka talaga sa lalake ah!"

"Subukan mo lang ulit gawin yan hindi lang sampal matitikman mo, babaliin ko yang mga daliri mo sa kamay." 

"Nako bro wag mo na patulan yan si Althea, yan yong babaeng gusto ni Kenneth baka tayo pa ang sunod na mabugbug pag nalaman nya ang tungkol dito."

"Ito? Type nong Kenneth na yon? Hindi nga kagandahan. What an ugly nerd!"

Ngising umiling-iling itong nakatingin sakin.

"Ugly nerd?" Napataas ang kilay ko ng marinig ang boses na 'yon.

Nakita ko namang si Kenneth 'yon, lumapit ito sakin at hinarap yong nga lalake.

"What are you here Althea? Ba't nandito ka sa banyo ng mga lalake?"

"Because of her." Sabay turo sa babaeng nasa likuran.

"What heck happened to her?"

"Ask them, not me." May diin kong sabi sabay binalingan yung mga lalake ng masamang tingin.

Tinaas nila ang mga palad nila na para bang susuko. "Kenneth pasensya ka na hindi na mauulit, aalis na kami."

"No, you can't go out without having any blood on your faces!" Sabi nito sabay sinimulang nakipag suntukan sakanila. 

Pinabayaan ko lang sila at hinila nalang itong babae sa likuran ko. Pumunta kami don sa banyo ng mga babae, pansin ko ang titig samin ng mga babaeng nasa loob nitong banyo.

"What are staring at? Gusto nyo bang tusukin ko yang mga mata ninyo?" Banta kong tanong sakanila.

Lumabas naman sila ka agad at kami lang ang natira dito sa loob. "Ayusin mo yang uniform mo, baka kung may pumasok pang tao dito iisipin nilang ako ang may gawa niyan sayo."

"S-Salamat A-Althea." 

"I didn't did it because I want you to thank me. I mean, it bothers me okay. Ang ingay kase kaya nakialam ako, ayoko ko sa mga maiingay."

Ayokong may magkautang na loob sakin at magkakautang na loob ako sa iba. I don't like it, I just hate it.

"Kung hindi mo kayang pumasok sa klase umuwi ka nalang. Naiintindihan mo? Or why don't you transfer to a different school, mas better yun sa palagay ko lang naman."

"A-Ayoko, ayokong m-malaman ng mommy ko ang tungkol dito at lagi nalang akong l-lumilipat ng school."  Utal nitong sabi.

"So, you're tired? Why? Have even tried fighting them back? Na lumaban sakanila at ipagtanggol ang sarili mo?"

"Kase kung ayaw mo sa ganito then you should find ways na makakatulong sa sitwasyon mo. Hindi puro iyak ka lang kase yang pag iyak mo wala kang mapapala." Dagdag ko pa at lalabas na sana pero bago yon ay inabutan ko siya ng panyo.

"Pahiran mo yang luha mo, hindi bagay sa mga babae ang umiyak." Lumabas na ako ng banyo at naglakad na, napahinto naman ako ng biglang may humarang sakin.

Agad na kumunot ang noo ko ng pwersang hawakan niya ang magkabilang pisngi at na p-pout ang lips ko dahil sa ginagawa niya. 

"Althea ayos ka lang ba? Hindi ka naman siguro nila sinaktan ano? Sabihin mo??" Sunod-sunod niyang tanong at tila ay tinitignan pa ng maagi ang mukha ko.

Naiirita na ako sa ginagawa niya at ayokong hinahawakan ng ibang tao ang pisngi ko kaya hinaksi ko na ang kamay niya. "Hayst! Ano ba ang sakit ng pisngi ko!"

"Mukhang okay ka naman, m*****a ka pa rin." Para bang natutuwa nitong sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano? May nasasabihin ka pa ba?" Umiling naman siya kaya mahina ko siyang tinulak papuntang gilid. "Tumabi ka humaharang ka sa daanan, may klase pa ako."

"Althea teka lang sabay na tayong umuwi--"

"Ayoko." Mabilis kong sagot sakanya. Mabilis na akong naglakad para hindi niya ako mahabol pero ginagaya niya lang ang bawat hakbang ko.

"Nang-aasar ka ba talaga ha? Titigil ka o ihuhulog kita sa hagdan?!" May pagbabanta ko.

Tinaas naman nito ang kamay niya na para bang susuko. "Nasa kabila ang section mo diba? Lagot ka talaga sakin pag sumunod ka pa, malilintikan ka talaga tamo." Tinignan ko siya ng masama.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi niya na naman ako sinundan hanggang sa makarating na ako ng classroom.

_

Uwian na kaya lumabas na ako ng classroom. Habang naglalakad ay may bigla akong naalala kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya.

To Henkent: Hi! Uwian na namin. Otw na ako sa bahay. Ikaw?

Pagkarating ko naman don sa may parking lot ay may biglang tumawag sakin.

"Summer!" Agad akong napalingon sa lalakeng nakatayo don sa harap ng isang itim na van.

"Kenn?" Lumawak ang ngiti ko ng makitang siya nga talaga 'yon. Dahan-dahan akong lumapit sakanya at habang papalapit ay mas lalo itong gumagwapo.

Kay Kennedy lang naman ako na g-gwapohan kahit na kambal sila ni Kenneth.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status