Share

Chapter 2

Nakakabwesit! Nakakarindi yong boses nya parang si Mommy. I'm not saying na I hate Mommy, what I mean is ang sakit lang talaga sa tenga yong boses nyang parang kambing kung makasigaw.

"Ughh, your voice is very loud, should I cut your tongue? Should I??"

"S-Shut up!"

"Oh? Ba't nauutal ka, are you scared?"

Napangisi ako nang tinignan nya naman ako ng masama.

"At ano namang dapat kung katakutan sayo!!" O baka nakalimutan na nya kong ano ang ginawa ko sakanya nong nakaraan, gusto nya yatang araw-araw kong ipaalala sakanya.

"Gosh ang sakit na talaga sa tainga yang boses mo! Gusto mo bang ma hospital ulit!?" Agad naman syang napatikom ng bibig.

Naalala sya siguro nong sinipa ko yong mukha nya nong isang buwan, ang oa nga eh nagalosan lang yong mukha nagpa hospital na, tsk pwede lang naman siguro yong gamutin diba.

"S-Sorry." Naalala mo na ba? Tsk grabe ka rin makalimot, dinaig mo pa yong matanda.

"For what?" Naka crossed arm kong tanong.

"S-Sa pag bangga sayo at sa pag sigaw sayo." Sabi nya at hindi makatingin sakin ng deretso.

"Can you say sorry again, yong sincere naman sana." Tinignan nya ako ng masama, alam ko kaseng ayaw nya yong pinapaulit pa sya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Sorry, okay!" Ba't parang galit ka? Ano napilitan ka lang ba! Tsk, halata naman.

"Again! Put some feelings will you?"

Tumingin muna sya sa mga estudyanteng nakatingin saamin.

Ano nakakahiya ba? Nahihiya ka ba? Kung sana nag sorry kalang kaagad di tayo aabot sa ganito.

"Sorry."

"Oh okay, madali naman akong kausap so let me excuse myself kase my klase pa ako." Actually mag kaklase lang kaming dalawa.

Inirapan ko sya bago tuluyang nag lakad, agad akong pumasok sa loob ng classroom namin ng makarating ako.

"Good morning Summer--" Binalingan ko sya nang masamang tingin.

"--este Althea pala." Alam nya namang ayaw kung tinatawag akong Summer, araw-araw nalang syang ganyan.

"Good morning." Saad ko at umupo na.

Napatingin ako sa labas ng room namin kase may narinig akong ingay, nakita ko yong babaeng kagaya ko na nerd din...hays, pinag tri-tripan na naman sya nong mga lalaki, hinihila-hila pa ang bag nya.

Naiinis talaga ako pag ang isang tao ay nananahimik lang sa tabi-tabi tapos biglang may mga taong pag ti-tripan ka. Nakakagigil ang mga ganyan diba?!

Tumayo ako sa tapat ng pintuan at nag crossed arm.

"Ano di ba kayo titigil?" Seryosong tanong ko 

"A-Althea." Sambit ni Leslie sa pangalan ko.

Lumingon 'yong mga lalaki sa likuran nila akala siguro nila ay hindi sila yong kinakausap ko.

"Wag nyo ngang pag tripan yong kaibigan ko." Saad ko habang ang daliri ay nilalaro-laro 'yong dulo ng buhok ko.

"Kaibigan? Ito?" Natatawang tanong nila kaya napangisi ako.

"Bakit hindi ba pwedeng maging magkaibigan ang dalawang nerd?"

Humalakhak sila ng tawa bigla, dahil ba sa sinabi ko?

"Pfft ano naman ngayon kung pag tripan namin sya? May magagawa ka ba don?"

Mabilis kong kwenelyuhan 'yong isang lalaki at malakas na sinandal sa pader. "Kapag nakita pa kitang pinag ti-tripan 'yong mga babae, bubutasan ko yang pag mu-mukha mo."

"Tandaan mo yan huh," sabi ko sabay kinindatan pa sya.

"S-Salamat Althea."

"Don't thank me," inirapan ko sya at umupo na sa upuan ko.

Ilang minuto ang lumipas ay di pa dumadating si prof. Ang boring ba't ang tagal nya?! Ang ingay-ingay na nila dito sa loob tapos ang iba kung kaklase dito ay nag hahabulan para bang nga bata.

"Hoy kayong dalawa tama na yang kakatakbo nyo!" Pinanlakihan ko sila ng mata.

"Pumunta ba kayo dito sa school para mag landian?" Diin kung tanong dito sa katabi ko, kunting-kunti nalang kase mag hahalikan na sila.

"Oh, galit ka huh?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Pakialamera talaga." Dinig kung bulong nya at inirapan ako. Nag crossed arm lang ako at ang tingin ay nasa harapan lang.

"Ouch!" D***g ko ng muntik na akong mahulog sa pagkakaupo para kaseng may tumulak sakin mula sa likod ko. Tumayo ako at agad na nilingon kung sino 'yon.

"Sinabi ko nang tama na yang kakatakbo nyong dalawa diba?" 

Ako ang president sa section na 'to kaya responsibelidad ko sila kapag wala si teacher.

Nakatayo lang silang dalawa habang nakayuko. "Ano? Uupo kayo sa upuan nyong dalawa o uupo sa hangin?" Tanong ko at kinamot 'yong noo ko.

Agad naman silang tumakbo papunta sa upuan nila at pag tingin ko dito sa katabi ko ay ang lapit-lapit na nang mukha nila. Kinuha ko 'yong notebook na nasa arm chair ko at hinarang 'yon sa pagitan nila. 

"Kung gusto nyong mag halikan don kayo sa labas." Sabay tinuro ko pa 'yong pintuan.

"Bwesit!" Mura nya.

Akala nya siguro sya lang ang naiinis? Kung naiinis sya sakin well, mas naiinis ako sakanya.

"Kayong dalawa tayo don sa harapan." Seryosong wika ko at pareho silang napatingin sakin.

Tumayo 'yong kaklase kung babae at masama nya akong tinignan.

"At sino ka naman para patayuin kaming dalawa huh! Pesteng nerd na 'to! Ambobo!" 

"Bobo? Wait sarili mo ba yong tinutukoy mo? Sa pagkakaalala ko kase 'yong grade mo lahat line of 7." Wika ko dahilan para manahimik sya.

"Kung sana nag aral ka ng mabuti hindi 'yong puro landi, I didn't mean na bawal kang mag ganyan pero sana naman wag mong kalimutan 'yong pag aaral kase mas importante 'yon, you know. Wait, alam na ng magulang mo na ganyan ka? Should I tell them about this?"

"Umupo ka nalang babe." Hinila nito ang kamay nya para mabalik sa pagkakaupo.

"Sorry, Althea di na mauulit."

"Talaga lang kase next time, sasabihin ko na kay teacher yang pinaggagawa nyong dalawa, baka sabihin nyong s****p ako? Pwes mali ang iniisip nyo kase ang sabi sakin ni teacher na sabihin ko lahat sakanya ang mga nangyayari dito sa loob ng classroom kapag wala sya--" napahinto ako sa pag sasalita kase sobrang ingay nila dito.

"QUIET!!" Malakas kong sigaw dahilan para manahimik ang lahat.

"Summer--"

"I SAID QUIET!!" Malakas kung sabi ulit. Bigla namang may kumalabit sa balikat ko.

"Ah-Ah, tinatawag ka oh." Nilingon ko si Leslie na nandito sa tabi ko rin, may kung ano syang tinuro kay sinundan ko 'to ng tingin.

Nakita ko naman si Kenneth nasa labas ng room namin.

Ano na naman bang trip nya!

Umirap lang ako at umupo ng maayos.

Taka ko ulit nilingon si Leslie dahil bigla nya akong kinalabit sa balikat. Tinura nya si Kenneth na panay pa ang kaway nito sakin, para syang tanga na kaway ng kaway.

"Okay, bumalik ka na sa upuan mo." Saad ko kay Leslie.

Tumayo ako at pumunta sa malapit sa pintuan. "What?" Bagot kong tanong kay Kenneth.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status