Share

Ang Malditang Nerd Series #1: Althea Summer Velazquez
Ang Malditang Nerd Series #1: Althea Summer Velazquez
Author: Pseudonym

Chapter 1

"H-How can I like you if you look exactly like him?" Tuluyan na talagang pumatak ang luha sa mata ko.

"Sa tingin mo ba kagaya nya ako? Na gagawin ko rin yon sayo? Magkakambal kami, magkapatid kami pero hindi ibig sabihin non katulad nya ako Althea." Hinawakan nya ang kamay ko.

"No, all guys are the same. Pare-pareho lang kayo!" Saad ko sabay alis sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

"I like you, no...I mean, I love you Althea."

Natawa ako ng pagak sa sinabi nya.

"Love? That's just a word. I don't believe in love Kenneth. I don't even know what love means." 

"Noon palang alam mo na diba na may pag tingin ako sayo but why do you hate me that much? Noon palang pansin ko na ayaw mo na talaga sakin."

"Because you remind me of my dad, pareho kayong babaero!"

"Hindi naman yon seryoso, I was just--"

"Hindi seryoso kase ang tingin nyo saming mga babae isang laruan!" Singhal ko.

"Wag ka nang umasa Kenneth, paulit-ulit mo man akong tanongin hindi magbabago ang sagot ko mula pa nong una. Hindi kita gusto, hinding-hindi kita magugustuhan, lalong-lalo hindi ako magkakagusto sa kapatid ng lalakeng nang r-rape sakin!"

4 weeks ago...

___

Minulat ko ang mga mata ko at nilibot ang tingin sa paligid.

"Ugh, I hate morning." Papasok na naman kase ako sa skwelahan at may mam-be-bwesit sakin.

Napatingin ako sa phone ko ng bigla 'tong tumunog.

Ang aga-aga sino naman 'tong nag text. Oh! It's him, baka siya ang nag text.

Dali-dali ko 'tong tinignan at...

From Unknown number: Good morning Ms. Nerd na maattitude, wakey wakey it's time for school :)

Nawala ang ngiti ko ng mabasa ko yon.

"Ughh, where did he get my number again?!" Irita kung tanong sa sarili.

Kakapalit ko lang ng number kahapon ah! Nakakairita na talaga!

Tatayo na sana ako para pumunta sa banyo ng bigla na namang may nag text, kaya tinignan ko 'to. 

From Henkent: Good morning Summer, have a nice day today :)

Napangiti naman ako pagkabasa ko ng message niya

To Henkent: Good morning.

Hindi ko siya kilala sa personal hindi pa kami nag kikita talaga, ahm ano lang parang textmate kami ganon. Pano ko nakuha number niya? Sya yong unang nag text sakin tapos na wrong sent lang pala siya ganon, so yon 5 years kaming ganito. Open ako sakanya and then open rin siya sakin, nag sha-share ako ng mga problema ko ganon den siya, parang lahat na ata alam niya tungkol sakin at ganon rin ako.

May klase pala ako sh*t!

Nag madali na akong naligo at nag bihis pagkatapos ay bumaba ba ako para kumain.

"Althea Summer!" What a good timing naman ang pag tawag ni mommy sakin.

"Yes, mommy?" Tanong ko nang makaraharap ko na siya.

Naka crossed arm siya ngayon habang tinitignan ako ng mabuti, inayos ko naman ang eyeglass ko at tinignan rin siya.

"What did you do again!" Napahawak ako sa tenga ko, nakakarindi kase ang boses niya. 

Ang lapit-lapit na nga nya tapos sinisigawan pa ako, mommy hindi ako bingi okay.

"What? Ano bang ginagawa ko?" Taka kong tanong.

"Sinampal mo na naman ang isa sa mga kaklase mo?!" Oh, that annoying bitch.

Inapakan niya kase yong paa ko kaya bilang ganti sinampal ko siya ng dalawang beses. Alam kong sinasadya niya yon kaya she deserved it.

"Who said that Mom?"

"Why? Are you gonna do something bad to her! huh?!"

Her?

"Oh, so it's a girl." Tango-tango kung sabi sa sarili.

"Hmm, I think who is it." Kausap ko sa sarili.

"Summer!" Oh, I hate it when mommy calls me by my second name, it's sound like... Uhm, basta I just don't like it!

"What?" Tinignan ko siya ng nagtatakang mukha.

"Wag mo nang ituloy yang binabalak mo. I'm telling you Althea hindi mo magugustuhan kung an---"

I rolled my eyes.

"Goodbye, Mom!" Paalam ko at nag simula ng maglakad palayo sakanya.

"Althea, come back here! Hindi ka pa kumakain!"

"I really need to go, bye Mom!"

Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko 'yon pinansin.

Uhm, wala naman akong gagawin sakanya, hindi naman ako yong tipo na sasampalin ka nalang bigla kahit wala kang ginagawa saking masama. 

No, I'm not that kind of person, kung may mam-be-bwesit sakin be-bwesitin ko rin sila, kung sasampalin mo ako sasampalin den kita. Kung wala kang gagawin sakin, wala rin akong gagawin sayo, simple lang diba. So, if you don't want me to ruin your mood then don't ruin mine, understand.

***

Habang naglalakad eh, may bumangga sakin kaya napaupo ako sa sahig.

This is what I'm talking about, my mood is ruin now.

Inayos ko muna yong eyeglass ko kase natagilid kase siya ng kunti, tumayo ako at pinagpag ang skirt ko.

"Oh, sorr... nevermind." Tinignan ko yong babae, oh it's her Vallery Gavis sya yong nag sabi sa mommy ko, pano ko nalaman? Simple siya lang naman ang s****p na nagsasabi sa mommy ko kapag nasasangkot ako sa gulo.

"Your going to say sorry, right?" 

"No, because I'm not sorry at all." Diin niyang sabi and she rolled her eyes on me, napatawa naman ako ng pagak.

Gusto mo ring subukan maging maattitude? Papatawarin sana kita kung nag sorry ka kalang.

"Then I'm not sorry for slapping you..." Mabilis ko syang sinampal sa pisngi.

"...right now." Dugtong ko.

"What the f**k!!" Mura niya at hinawakan yong pisngi na sinampal ko.

Saamin naman nabaling ang atensyon ng mga estudyante, mga chismosa at chismoso talaga.

"You want more?" Di ko na siya inantay na sumagot at kaagad na siyang sinampal sa kabilang pisngi.

"F**k!" 

"You still want? Oh okay." Sasampalin ko na sana siya nang bigla niyang hinarang ang kamay niya kaya napatigil ako.

"Stop! Sh*t ang sakit na nang pisngi ko!!" Yeah I know it's hurt, I'm not stupid you know.

"Halata nga, instant blush on nga eh."

Ngisi kong sabi, kahit tag iisa lang yong sampal ko sa magkabilang pisngi eh, pulang-pula na ito.

Malakas pala talaga akong manampal. Hmm, how nice that's why I really love my hands.

"Galit ka ba sakin kase sinabi ko sa Mommy mo?!" Tinatanong pa ba yan? kahit naman sinabi mo o hindi wala akong pakialam.

"No, not at all, I just ahm hmm... nanggigigil lang ako sa pagmumukha mo." I said; the truth is kaya ko siya sinampal kase hindi siya nag sorry ng binangga niya ako...? I hate it pa naman pag ang isang tao ay may kasalan sakin tapos ayaw pang mag sorry, kahit alam naman nito na may kasalanan siya.

"That's all?!"

"Yeah."

"Pano kaya kung suntukin kita sa mukha at sabihin kung nanggigigil ako sayo sa tingin mo matutuwa ka!!"

"Then punch me if you can, wag puro daldal." Ngising sabi ko, puro ka lang naman salita Vallery.

"Oh, I forgot to tell you that, I don't let anyone punch my precious face!" Diin kong sabi sakanya.

"Maattitude ka talagang pangit na nerd ka!!" Me? Ugly? Who f**king said that! Oh, syempre siya sino pa ba!

I admit that I'm attitude but I'm not ugly, wala naman kaseng pangit sa mundo right?

"You're the one who's ugly, bitch." I said. Except nga pala sakanya, pasensya na attitude lang talaga.

"I'm not a bitch! You ugly nerd!!" Ayoko talaga don sa mga lalaitira but if gusto nila nang lait eh, di lalaitin ko den sila, simple.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status