"Sasama na ako kay Vladimir," seryosong saad ni Sabrina makalipas ang ilang buwang pakikipagrelasyon nito kay Vladimir.
Napamaang si Criselda, napakatigas ng ulo ng alaga niya. Tila nakawalang ibon ito mula sa pagkakalaya sa hawla. "Señorita!" "Buo na ang desisyon ko, ipapakilala niya na ako sa pamilya niya." "Paano ang Mommy't Daddy mo? Naisip mo bang kamatayan ko ang katumbas kapag may masamang nangyari sa'yo?" nagtitimpi lang na huwag mainis na saad ni Cris. Umiling si Sabrina. "Hindi nila malalaman," Naglabas ng checkbook mula sa bag ang dalaga. Matapos magsulat ng halaga ay pinirmahan nito ang tseke saka iniabot sa assistant. "Nasa tamang edad na ako, isang milyon para sa kalayaan mo bilang konektado sa buhay ko." Natigagal si Criselda, akala niya ay isang teen-ager na kulang sa atensyon lang ang kaniyang alaga. Hindi niya inaasahan na may sarili na itong paninidigan. Sarkastikong ngumiti si Criselda, saka umiling. "Kahit gawin mo pang limang-milyon hindi ako aalis sa buhay n'yo. Pananagutan kita sa mga magulang mo." Gustong alugin ni Criselda ang kaharap, nababaliw na ba ito? Nagtagis ang bagang ni Cris, gusto niyang durugin ang pagmumukha ni Vladimir. Napakalaki ng impluwensya nito sa dalaga. Isang bulag na pag-ibig na walang nakikitang mali kundi puro kilig. Gusto niyang magmura ng paulit-ulit. "Kahit ano pa ang sabihin mo, wala ka ng magagawa." Natigilan si Cris, nakita niya sa mga mata nito ang determinasyon na sundin ang gusto nito. Nanlalambot na idinayal niya ang numero ng cellphone ng ama ng dalaga. Nagpaalam siya ng maayos sa mga ito na nagulat sa ginawa niyang pagbibitiw bilang personal assistant ng bunsong anak ng mga ito. Mabilis na nagfile ng formal resignation sa e-mail si Criselda saka malungkot na inayos na ang gamit upang iwan na ang dalaga. Hindi na siya lumingon pa kaya hindi niya na nakita ang mga luha ng dalaga na nag-unahan sa pagpatak. MATAPOS ayusin ang ilang gamit sa boarding house ay eksayted na hinintay ni Sabrina ang pagsundo ni Vladimir. Alam niyang mula sa araw na iyon ay magbabago na ang takbo ng buhay niya. Napasinghap ang dalaga nang bumaba mula sa kinalululanan nitong taxi ang binata, araw-araw itong lalong gumugwapo sa paningin niya. Kinilig siya nang alalayan siya nitong makapasok sa sasakyan. Konkreto ang bahay na pinagdalhan sa kaniya ni Vladimir, maayos naman. Halos kasinlaki lang ito ng maids quarter nila sa mansion. Ipinakilala siya nito sa ina nitong si Aling Marsha. Ulila na sa ama at may dalawa pa itong kapatid na sina Nene at Ness. Dama agad ng dalaga ang pagka-disgusto ng mga ito sa kaniya. "Hirap na nga tayo, nagdala ka pa ng palamunin?!" talak ni Marsha saka tiningnan mula ulo hanggang paa ang dalaga. Kagat-labi na yumuko lang si Sabrina. Iniiwasan niya ding tingnan ang mukha ng dalawa pa nitong anak, ang pagtataas ng kilay ng mga ito at pag-ismid. "Hindi siya magiging pabigat, masipag 'yan." sagot ni Vladimir na hindi niya inaasahan. Nag-angat ng tingin si Sabrina, nagsimula na siyang kabahan. Mukhang hindi magiging madali ang buhay niya sa piling nito. Ngunit kung ang kapalit naman ay makakasama niya ang binata, lahat ay kakayanin niya. Iginiya siya nito sa isa sa maliit na silid na naroon. Umikot ang paningin ni Sabrina sa silid. Manipis na sapin ng kamang pang-isahan, isang 'sintaas niyang durabox, lumang electric fan, maliit na sidetable na may nakapatong na ashtray. May maliit na bintana na may nakasabit na lumang kurtina. Mga nakasabit na sumbrero sa wall ng silid. Napalunok siya ng tuyong-laway nang maisip na baka may ipis ang ilalim ng kama nito kung saan naroon ang mga sapatos ni Vladimir. Ito ba ang ipinagpalit niya sa marangyang buhay? Bulong ng kabilang-bahagi ng utak niya. Ngunit isinantabi niya ang alalahanin, may mas mahalaga pa ba sa pagkakataong makasama ang lalakeng pinangarap niyang makasama. Huminga siya ng malalim saka ngumiti, inayos niya na ang mga gamit niya sa bakanteng kahon na naroon. Wala siyang hindi kakayanin para sa lalakeng minamahal. Lumabas na siya ng silid, hinanap ang binata ngunit wala na raw ito dahil may training. Nagitla siya nang ihagis sa kaniya ni Nene ang laman ng laundry basket. Nagkalat ang laman nitong mga maruruming damit. "Maglaba ka na!" utos nito saka tinalikuran na siya nito. Natitigilang dinampot niya ito saka ibinalik sa basket. "S-saan ho ang laundry area?" tanong niya kay Ness na naka-dekwatro at nanonood ng TV. "Sa likod ng bahay, tanga!" singhal nito. Tahimik na tinungo ni Sab ang likod-bahay. Madadaanan niya ang ina nito na tinaasan siya ng kilay at inirapan. "Pagkatapos mong maglaba, magluto ka na! Ayoko ng tamad sa pamamahay ko!" asik nito na ikinatango ng mabilis ni Sabrina. Unang beses na naglaba sa buong-buhay niya si Sab, mabuti na lang pala at madalas niyang panoorin kung paano maglaba ang yaya niya noon kaya kahit papaano ay may ideya siya. Natapos niya ang gawain, binalewala ang hapdi ng mga naging sugat sa manipis na palad. Hinahayaan lang siya ng mga ito na kumikilos sa kusina habang nanonood ang mga ito ng TV. Natutunan niya sa pamamagitan ng panonood sa y*u tube ang pagluluto kaya nakahinga siya ng maluwag dahil gamay niya naman kahit papaano. "Hindi pa ba luto?!" sigaw ni Ness habang nagbu-lower ng buhok. Natatarantang inayos ni Sab ang hapag-kainan. Naghahain na siya nang bumalik si Vladimir, pawisan ito. Napangiti ang dalaga nang makitang papalapit na ito sa lamesa. Hinintay niyang halikan siya nito sa pisnge tulad ng ginagawa nito sa nakalipas na mga buwan ngunit tila hindi siya nito nakikita na umupo sa upuang naroon. Nakadama siya ng lungkot. Nanatiling nakatayo si Sab habang kumakain na ang lahat. Ni hindi siya inalok man lang ng mga itong kumain, at dahil wala ng bakanteng upuan pa tiniis niya na lang ang tumayo na tila katulong na naghihintay ng mga ipinag-uutos ng mga ito. Tila hangin lang siya na naroon na hindi napapansin ng lahat hanggang sa matapos ang mga itong kumain. Umalis na ang mga ito sa harap ng lamesa saka iniwan siya upang magligpit ng pinagkainan ng mga ito. Nakaramdam na siya ng gutom ngunit wala ng natirang pagkain para sa kaniya. Awtomatikong nanubig ang mga mata ng dalaga, unang araw niya pa lang sa piling ni Vladimir at ng pamilya nito ay tila ramdam niya na tama nga si Criselda. Uminom siya ng tubig upang mapigilan ang pagpatak ng mga luha. Ginusto niya ito, paninindigan niya.NAPAAWANG ang bibig ni Sabrina nang makapasok sa mamahaling resto bar, napakaraming socialite ang naroon. Talaga palang tambayan iyon ng mga celebrity. Airconditioned at napakaluwang ng kabuuan, ngayon lang siya nakapasok sa ganong establisiyemento at bagong bagay sa kaniya ang mga nakikita. Ang malakas na tugtog ng musika ay hindi niya gusto na tila umaalingawngaw sa isang malaking silid, humahalo sa ingay at hiyawan ng mga taong naroon. Nilingon niya si Criselda na nasa 'di kalayuan na kumuha na rin ng sariling table kasama si Zachary.Nangangapa si Sabrina, ang pagiging inosente ang tanging bumabalot sa kaniyang pagkatao. Ito ba ang mundo ng mga spoiled-brat na richkid sa henerasyon niya? Kumukuti-kutitap ang iba't ibang kulay ng liwanag ng mga pinong ilaw ng mga mumunting bombilyang naroon. Lahat tila umiindak sa saliw ng musikang hindi gusto ng kaniyang pandinig at panlasa niya sa musika. Tila gustong tumakbo palabas ni Sab, sumakay ng kotse at magpahatid na lang pauwi upang mak
TAMA si Zach, aniya ng isip ng dalaga napapansin na nga siya sa University. Off-shoulder knitted blouse ang suot niya na pinaresan ng trendy denim pants, sa halip na sandals ay white skechers shoes ang ipinasuot ni Zach sa kaniya at pinakulayan pa nito ng ash blonde ang dati niyang brown hair na tinalian ng puting lace. Maging siya ay naninibago sa bago niyang ayos, ang white smartwatch na paborito niya ang hindi lang nito pinalitan dahil alam nitong regalo iuon ng kaniyang daddy. Ang manipis na gpagkakapahid ng liptint at foundation ay aaminin niyang nagustuhan niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag saiyo nakatuon ang atensyon at paningin ng lahat. Tila binura ni Zach ang dating anyo ng mahiyain at simpleng Sabrina. Sanay siyang maging lowkey sa kabila ng pagiging heiress. "Sab?!" tila hindi makapaniwala si Mia nang makita ang pagbabago sa bihis niya.Nginitian ito ni Sabrina saka sinabayan sa pagpasok sa loob ng kanilang silid. Napatingin sa kaniya ang mga kaklaseng naroon. "Anong
ANG paglapit ni Vladimir ay pinaghandaan na ni Sabrina, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng malaking puno malayo sa karamihan upang magbasa ng paborito niyang libro. "Hi pretty!" Nakangiting bati nito. Tiningnan lamang ito ni Sabrina, tila tuksong sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Zachary. Kaswal niya itong nginitian. "Pwede ka bang samahan?" tanong ni Vladimir ngunit umupo na ito sa tabi niya na may isang dipa ang pagitan."May kailangan ka ba?" Seryosong sinalubong ni Sabrina ang mga tingin nito. Bahagya itong natigilan nang matitigan siya ngunit muling ngumiti. "Gusto ko lang makipagkaibigan," wika nito. Iniabot nito ang kanan nitong palad. Tiningnan lang ito ng dalaga saka muling bumalik sa pagbabasa. Napatiim-bagang si Vladimir, wala pang babaeng nambalewala sa kaniya ng ganito. Sino ba ang babaeng ito para tratuhin siyang parang wala lang? Siya si Vladimir Hidalgo, na tinitilian at hinahangaan ng maraming babae. "Pwede ka bang yayaing magdinner? O, 'di kaya samahan mo ak
MALAYO pa lang ay naririnig na ni Sabrina ang malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng malaking Auditorium. Pinili niyang tumayo muna sa gilid ng malaking pinto at pagmasdan mula sa kinatatayuan ang taong dahilan kung bakit nagtitilian ang marami. Walang iba kundi ang itinuturing na pinaka-gwapong Varsity Player ng SAU na si Vladimir Hidalgo. Kung alam lang ng marami na ang lalakeng halos sambahin nila ay kampon ni satanas na nagkukubli lang sa panlabas nitong anyo marahil ay ni hindi nila ito papangaraping makasama man lang. Gumuhit ang kirot sa kaniyang dibdib nang maalala ang sinapit niya sa mga kamay nito, tila nadarama niya pa rin ang bawat pananakit nito sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hangin at pilit na binalewala ang paninikip ng dibdib. "Kanina ka pa?" untag ni Mia. Nilingon niya ang kaibigan na tulad niya ay nakasuot din ng simpleng skinny-jeans at white t-shirt. May nakasukbit na bag sa likod at kipkip sa dibdib ang portfolio. Nakasuot din ito ng University I.D ga
MAHIGPIT na niyakap ni Sabrina ang mga magulang, hindi niya na napigilan ang mga luhang kusang pumatak. Pagkatapos ng mahabang panahon, bumalik na ulit siya sa mansyon. Naninibago ang kaniyang Mommy't Daddy sa ikinikilos niya, likas siyang malambing na anak pero tila mas higit siyang naging clingy sa mga ito. "May gusto ka bang bilhin?" ani Doña Meraly na ginagap ang palad ng bunsong anak. Umiling si Sabrina saka humilig sa balikat ng ina na hanggang ngayon ay walang alam sa mga pinagdaanan niya. "What about a new car?" sabad ng nakangiting si Don Felipe. Ngumiti ng maluwang si Sabrina. "Bakasyon ang gusto ko Daddy na kasama kayo." Nagkatinginan ang mag-asawa, alam nilang imposible ang hinihiling nito. Abala ang mag-asawa sa mga negosyo nito at wala ng oras para magliwaliw pa. "Sab," malungkot na turan ni Doña Meraly. Nag-aalalang tiningnan ang asawa saka muling tiningnan si Sabrina na nakangiti. "Okey lang naman Mom, Dad. Naiintindihan ko." Totoo sa loob na saad ng d
MULA sa kinahihigaan ay dama ni Sabrina ang pangangawit ng likod, gustong-gusto niya ng bumangon at bumalik sa normal ang buhay. Ngunit tulad ng sinabi ng kaniyang doktor ang paggising niya ay nakadepende na sa isang himala. Pero tulad ni Criselda hindi siya naniniwala, alam niyang magigising pa siya. Ang kamalayan niya ay nasa ibang dimensyon, ngunit ang diwa niya ay gising na gising at dama ang kapaligiran. Malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga taong naging karamay niya habang nakaratay. Paulit-ulit ng sinubukan ni Sabrina na idilat ang kaniyang mga mata at igalaw ang mga daliri ngunit lagi siyang nabibigo, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Unti-unting naidilat ni Sabrina ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniyang paningin ang puting-kisame, bahagya siyang nasilaw sa liwanag mula sa mga ilaw na naroon. Gumalaw na rin ang kaniyang mga kamay. Napaawang ang bibig ng dalaga, inilinga ang paningin sa paligid. Natutulog si Criselda sa gawing paanan niya, sa mahabang sofa na na